IKA-24 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN – Iglesia Catolica Palmariana

IKA-24 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Inilalathala na namin ngayon ang ika-24 ulat sa website ng Langit.  Dahil kami ay gumagawa ng ulat sa bawa’t buwan, ang ibig sabihin nito ay nakumpleto na namin ang dalawang taon sa pagpapalaganap ng mga Mensaheng galing sa Langit sa paraang ito.  Kami ay may lahat ng karapatan sa mundo upang tawagin ang website na ito na “website ng Langit”.  Ang dahilan ay ang Banal na Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo.  Sapagka’t ito ang Tunay na Simbahan, ito ay binibigyan ng inspirasyon ng Diyos Ispiritu Santo upang ipalaganap ang Tunay na Pananampalataya sa buong mundo.  Kami ay mayroon nang mas maraming mga lathalain sa website kaysa noong nagsisimula pa lamang kami sa nakaraang dalawang taon.  Kami ay nakapag-upload na ng sapat na impormasyon at mga lathalain para sa kaninumang tao para marating ang konklusyon na, dahil sa pag-apostata ng Roma, ang Simbahan ni Kristo ay ngayon ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan.  Ito ang pagpapatuloy ng Katolikong Simbahan na ipinundar ni Hesukristo sa Kalbaryo.

Ang ating mga kaibigan sa Argentina ay magagalak na malaman na ang bilang ng mga taga Argentinang bumisita sa aming website sa ngayon ay humigit na sa markang 100,000.  Gayundin, ang ating mga kaibigan sa Brasil ay hindi magrereklamo dahil sila man ay nakarating na sa markang 100,000.  Sa likod ng dalawang mga bansang ito ang Mehiko ay nasa pangatlong lugar, na may malaking bilang din.  Umaasa kaming sa susunod na taon ay madodoble ang bilang ng mga taong bumisita sa aming website sa taong ito.  Kami ay nasorpresa sa bilang ng mga taong muling bumisita sa website.  Natural, maraming bilang ng mga tao ang dumating minsan lamang.  Gayunman, ang bilang ng mga muling pagbisita ay patuloy na lumalaki.  Ang aming Espaῆol at Aleman na mga bisita ay ginugugol ang halos lahat ng oras sa pagbrowse sa website.  Ganoon din ang mga tao buhat sa Norway at Austria ay parang talagang nasisiyahan sa aming website base sa oras na ginugugol nila rito.

Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:

1.Argentina11.Alemanya21.Italya
2.Brazil12.Congo – Kinshasa22.Ecuador
3.Mehiko13.Cameroon23.Paraguay
4.Espanya14.Chile24.Rusya
5.Pilipinas15.Poland25.Ukraine
6.India16.Nicaragua26.Dominican Republic
7.Colombia17.Kenya27.Venezuela
8.USA18.Pransya28.Irlanda
9.Peru19.Ivory Coast29Canada
10.Nigeria20.United Kingdom30.El Salvador

Kami ay nakatatanggap ng mas malaking bilang ng mga email mula sa mga taong interesado sa Palmaryanong Simbahan buhat sa buong mundo.  At, ang aming apostolikong mga pagsisikap ay nagbubunga ng maraming mga bunga sa tulong ng Facebook at Instagram.  Maraming mga tao ang nasisiyahan sa aming mga video sa You Tube.  Habang ang panahon ay lumalakad, kami ay umaasa na magkaroon pa ng mas magandang mga video para ipakita sa mga tao.

Tulad ng sinabi namin sa itaas na ito ay website ng Langit, ay walang duda na si Satanas ay may napakaraming mga websites at pages din.  Nagtatrabaho sila na may intensiyong sirain ang  imahen ng Tunay na Simbahan ni Hesukristo na natural ang Palmaryano Katolikong Simbahan.  Makatatagpo kayo ng impormasyon at mga video online na pinukaw ni Satanas at ng kanyang napakaraming tagasunod upang sirain ang Palmaryanong Simbahan.  Kahi’t na pinahintulutan ito ng Diyos, gayunman ay Kanyang mahigpit na parurusahan ang lahat ng mga gumagamit ng Internet sa masama at masamang mga layunin.  Ang giyera sa pagitan ng mabuti at masama ay nagsimula sa Hardin ng Paraiso nang tuksuhin ni Satanas si Eba:

“Ang infernal na demonyo ay nagsabi sa babae;  ‘Bakit inutusan kayo ng Diyos na huwag kumain buhat sa kahoy na ito sa Paraiso?’  Kung saan ang babae ay sumagot.  ‘Sa lahat ng mga bunga ng mga kahoy na nasa Paraiso ay maaari naming kainin.  Nguni’t sa bunga ng kahoy na ito ng kabutihan at kasamaan ay inutusan kami ng Diyos na huwag kainin ni hawakan para hindi mamatay.’  At ang demonyo ay nagwika sa babae:  ‘Sa anumang paraan ay hindi kayo mamamatay, dahil alam ng Diyos na anumang araw na kumain kayo nito ang inyong mga mata ay mabubuksan; at kayo ay magiging kapareho ng Diyos, alam ang lahat, mabuti at masama.’ Sa panahon ng pakikipag-usap sa demonyo, si Eba, sa una ay puno ng takot at hindi makapagdesisyon, minsan ay tumitingin sa Kahoy ng Buhay, nakatanggap mula roon ng matalinong lakas ng kalooban na lumayo sa kapahamakaan, at sa ibang pagkakataon ay pinakikinggan nang may lumalaking interes sa mapang-akit na mga pang-uudyok ng mapanlinlang na demonyo; hanggang sa puntong nagtagumpay siya sa pang-aakit sa kanya nang may huwad at pambobolang mga pangako na nakapukaw sa ambisyon at kapalaluan sa kanya, na may malisya ng isang napakalaking kasalanan ng kahambugan o pagmamataas, na subukang maging tulad sa Diyos.  Dagdag pa, ang tinuran ng demonyo ay ang pag-akit sa kuryusidad ng unang babae, na humanga sa kakaibang sa akala niya ay isang hayop na nagsasalita.  Si Eba, makaraan ang pinahabang pagkabuway at pagtanggi sa banal na mga kaisipan, nakita niya pa na ang kahoy na iyon ay magandang kainin, nakahahalina sa mga mata at magandang pagmasdan, kumuha ng bunga nito; at sumuko kay Satanas sa kanyang puso, isip at mga pandama, ay materyal niyang kinain ang ipinagbabawal na prutas; na kahit ito ay eteryal, ganoon pa man, ay nasiyahan siya na para bang ito ay natural na prutas.  Si Eba ay nakagawa ng pinakamabigat na kasalanang ito ng pagsuway udyok ng kapalaluan  alas dos ng hapon noong unang Araw ng Paglalang, habang wala si Adan.”

Ang demonyo ay hinding-hindi susuko para gawing tayo ay magkasala sa Diyos upang sa ganoon ay hilahin tayo sa infernal na bartolina ng impiyerno.  Ginagamit niya ang mga taong tinalikdan ang Diyos para antalain iyong mga naghahanap sa katotohanan— iyong mga naghahanap sa Diyos, sa Tunay na Pananampalataya at sa Tunay na Simbahan upang makakuha ng angkop na impormasyon.  Nais ni Satanas na ang mga kaaway ng Palmaryano Katolikong Simbahan ay tulungan siyang makakuha ng posibleng mas maraming mga tao para mamuhay ng makasalanang pamumuhay at mawala ang oportunidad para sa  Langit magpakailan pa man.

Isang napakatalinong bagay ang ialay ang iyong sarili nang kumpleto sa Diyos at ihandog ang iyong sarili nang lubos sa pagsilbi sa Kanya upang magawa ang pinakamaganda para sa Kanya sa mundong ito, na may layuning mailigtas ang iyong kaluluwa at makatamo ng mataas at magandang lugar sa Langit.  Sa Langit, ang iyong mga kamag-anak ay naghihintay saiyo, at gayundin ang iyong mga kaibigan at iba pang nakilala mo nang lubos na nagawaran ng walang hanggang kaligayahan. Ang mga Anghel at ang mga Banal ay naghihintay saiyo, lalo na iyong mga banal na napalaya sa Purgaturyo salamat sa iyong mga panalangin at mga sakripisyo.  Doon ay naghihintay saiyo ang kaligayahang hindi mo maisalarawan.  Kung ang apoy sa impiyerno ay nananatili, gayundin ang apoy ng walang hanggang kaligayahan.  Ito ang apoy ng pagmamahal, na gawa ng Diyos Ispiritu Santo sa Langit.  Sa Langit, ang pagmamahal ay umaabot sa perpeksiyon nito.  Sa Langit, ang mga gawang pagmamahal na ating ginawa sa ating buhay ay makatatamo ng walang hanggang halaga.  Tayo ay mapupunta sa Langit sa kawalang hanggan ng kawalang hanggan.  Hindi sa libong mga taon, o isang libong ulit ng isang libong taon — ang ating pananatili sa Langit ay magiging permanente, walang anumang katapusan.  Doon ay kahanga-hangang makatatanggap tayo ng mga benepisyo para sa mabuting ating nagawa sa ating buhay.  Ang mabuting ating nagawa sa mundo para sa atin ay magiging dagat ng kaligayahan sa Langit.  Ang Langit ay isang estado, isang estado ng total at lubos na kaligayahan.  Huwag tayong tanga, gawin nating kapaki-pakinabang ang ating oportunidad sa lupa upang siguruhing magkaroon tayo ng malawak na kasiyahan sa Langit magpakailan pa man.  Dapat tayong maging banal.  Kinakailangang laging maging banal at dedikado sa mga bagay ukol sa Diyos.  Walang dahilan para maghinay-hinay at ipagpaliban ang pagsagawa ng mga kabanalan sa kinamamayaan o saka na lamang.  Ang pinakaligtas at pinakasiguradong paraan para makarating sa Langit ay maging kasapi ng Simbahan ni Hesukristo na ang Palmaryano Katolikong Simbahan.

Ang Palmaryanong Simbahan ay bukas ang mga bisig nito doon sa lahat na nais sumunod sa panawagan ng Banal na Birheng Maria na maging parte ng Mistikal na Katawan ni Kristo, na ang Apostolikong Pamunuan ay nasa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya.  Subali’t ang isang bagay na dapat maunawaan ay upang maging isang kasapi ng Banal na Simbahang ito, dapat ang isa ay nakahandang sumunod sa Papa, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III.  Hindi kami maaaring tumanggap ng mga grupo o mga indibidwal na hindi nakahandang sumunod sa mga panuntunan ng Simbahan.  Ang pagsunod sa panuntunan ng Simbahan ay ang krus na dapat pasanin ng bawa’t isa upang makatanggap ng kapayapaan ng kaluluwa sa buhay na ito at kaligayahan magpahanggan pa man.