Tulad ng dati, kami ay napakaabala nitong nakaraang buwan sa aming Apostolikong pagsisikap na madala ang balita tungkol sa Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan sa bagong mga pook at para madagdagan ang bilang ng mga bisita sa ibang lugar kung saan kami ay kilala na. Ang nakaraang Konsagrasyon ng Rusya sa Imakuladong Puso ni Maria ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III ay lumikha ng maraming interes sa buong mundo. Ipinakita na namin sa video ang Konsagrasyon sa You Tube sa Espanyol, Ingles, Aleman, Polish at Rusyan, at naghahanda kami ng mga subtitles sa maraming iba pang mga wika. Ang iba ay nagtanong kung bakit ang Papa ay ginawa ang Konsagrasyong ito. Sa hindi pa natatagalang inilabas na Dekrito ng Papa tungkol sa Solemneng Konsagrasyon ng Rusya sa Imakuladong Puso ni Maria, kami ay sumipi sa Palmaryanong Papa: “Para roon sa mga nagtatanong sa kahulugan ng Konsagrasyong ito, Kami ay sumasagot na ito ay para ialay o ibigay ang Rusya sa Imakuladong Puso ni Maria, upang kilalanin Niya ito bilang Kanyang sarili at hanapin iyong mga nawawalang mga tupa na hindi nalalaman kung nasaan o kung paano hahanapin ang Mabuting Pastol. Ang Konsagrasyong ito ay ipinatutupad ang obligasyon ng Rusya na mahalin, pagsilbihan at patungkulan ang Imakuladong Puso ni Maria, samantalang ang Pinakabanal na Maria naman ay naoobligang pangalagaan ang mga mamamayan ng Rusya, na ngayon ay konsagrado sa Kanyang Imakuladong Puso, at magtrabaho para sa kanilang eternal na kaligtasan.
Alalahanin natin na ang ‘pagkonsagra’ ay nangangahulugang paghandog, pag-alay at ihiwalay ang isang tao o lugar para sa isang banal na layunin; ito ay para gumawa ng isang regalo sa Diyos. Ang Konsagrasyon ng Rusya ay nangangahulugang ang bansang ito ay distinggido at inihiwalay sa ibang nakararami sa mundo, at iaalay sa pagsilbi sa Imakuladong Puso ni Maria.”
Narito ang talaaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Alemanya | 21. | United Kingdom |
2. | Brazil | 12. | Congo – Kinshasa | 22. | Ecuador |
3. | Mehiko | 13. | Cameroon | 23. | Paraguay |
4. | Espanya | 14. | Chile | 24. | Rusya |
5. | Pilipinas | 15. | Nicaragua | 25. | Dominican Republic |
6. | India | 16. | Poland | 26. | Venezuela |
7. | Colombia | 17. | Pransya | 27. | Ukraine |
8. | USA | 18. | Ivory Coast | 28. | Irlanda |
9. | Peru | 19. | Kenya | 29 | Canada |
10. | Nigeria | 20. | Italya | 30. | El Salvador |
Madalas may mga tanong tungkol sa konstruksiyon ng Katedral Basilika ng Ating Ina ng Palmar Koronada. Ang ibang mga tao ay namamangha na, kakaunti ang mga mananampalataya, kami ay nakapagtayo ng ganoon kahanga-hangang Katedral sa karangalan ng aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria. Alalahanin natin na sa maraming mga lugar kung saan nagpakita ang Pinakabanal na Birheng Maria, ay hiniling Niya na isang malaking santuwaryo o Simbahan ang itayo sa lugar na iyon. Gayundin, hiniling din ito sa mga Mensahe galing sa Langit na ibinigay sa El Palmar de Troya. Ang Banal na Maria ay alam na alam na para makapagtayo ng isang malaking Katedral ay nangangahulugan ng pangangailangan ng malaking pera. Si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay may ugali ng pagsasabi na ang Banal na Birheng Maria ay may mga bulsang puno ng pera. Kung kaya, tuwing may isang malaking gawaing sinimulan na alay sa karangalan Niya, ay laging dumarating ang pera at kahit sa mga pagkakataong mula sa pinakahindi inaasahang pinanggalingan. Tulad ng himala ng mga tinapay at mga isda nang si Kristo ay nagpakain ng maraming libong mga tao mula sa mga basket na hindi nauubusan ng laman. kaparehong himala ang nangyayari ngayon kapag ang Simbahan ay nangangailangan ng pera para sa malalaking mga gawain. Misyon ng Ating Ina sa Langit na magbigay ng ekonomikong paraan upang matupad ang anumang hinihingi ng Langit sa atin. Kung kaya, ang aming pananalig sa Pinakabanal na Birheng Maria ay lubos; alam naming mabuti na kapag kami ay nagsagawa ng isang bagay para sa mas malaking kaluwalhatian ng Diyos na ang pera ay bubuhos na lamang sa pamamagitan ng pamamagitan ng Banal na Ina ng Diyos. Lahat tayo, sa ating araw-araw na pamumuhay ay dapat matutong magtiwala sa Pinakabanal na Birheng Maria, ihain sa Kanya ang lahat ng ating mga pangangailangan nang may lubos na pagtitiwala na tayo ay tutulungan Niya. Dapat tayong pumunta kay Maria dahil alam nating pakikinggan Niya tayo, na sasagutin Niya tayo at tayo ay magtatagumpay sa paggawa para sa mas pang kaluwalhatian ng Diyos.
Kailan lamang, ang Aksiyon Katoliko Palmaryano ay maingat na minamanmanan ang Irlanda, ang lupain ng mga Santo at mga Iskolar. Nguni’t sa nakaraang mga taon, ang Irlanda ay hindi na karapat-dapat na tawaging lupain ng mga Santo. Mas magiging tamang tawagin itong lupain ng demonyo. Lalo na dahil sa pag-apostata ng Romanong Simbahan, ang Irlanda ay parang isang ulila na walang gumagabay. Napakaimportante na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay magtagumpay sa Irlanda. Kailangang-kailangan na ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III ay kilalanin bilang tunay na Papa sa Irlanda ni San Patricio. Dahil sa masamang periyodiko na aming natanggap sa Irlanda, ang Palmaryanong Simbahan ay hindi nakatanggap ng respeto na dapat nitong matanggap. Totoong kinakailangan namin si San Patricio upang mamagitan at ihagis ang mga demonyo sa labas ng Irlanda tulad ng kanyang ginawa sa nakaraang maraming siglo. Gayunman, maraming mga tao sa Irlanda ang napakatapat magmahal sa Banal na Birheng Maria, kaya naniniwala kami na isang araw Siya ay maghaharing muli tulad ng ginawa Niya sa nakaraan sa lupaing ito ng napakaraming mga martir. Kami ay nagtitiwala rin sa Maluwalhating Patriarka San Jose na mamamagitan pabor sa Simbahan tulad ng ginawa Niya sa aparisyon sa Knock. Doon ay nagpakita Siya katabi ng Pinagpalang Birheng Maria, ang kanyang right hand man na tinatawag. Sa pamamagitan ng aming Apostolikong pagpupunyagi sa internet, umaasa kaming maipaalam sa bansang Irlanda, gayundin sa lahat ng ibang mga bansa, ang kahanga-hangang mga dogma ng Banal na Birheng Maria at San Jose na itinuro sa Palmaryano Katolikong Simbahan subali’t nananatiling hindi alam ng napakaraming mga tao: Ang Marianong Dogma tulad ng Maria Medianera, Maria Coredentora, Maria Reyna, at Maria Ina ng Simbahan. Gayundin, ang mga Dogma Josefino: San Jose Presantipikado; San Jose iniakyat sa Langit sa Katawan at Kaluluwa, at San Jose, Ama at Doktor ng Simbahan. Ang paliwanag sa mga Dogma na ito ay matatagpuan sa aming website sa Pontifical Documents of Pope Saint Gregory XVII the Very Great. Ang Pangalawang Dokumento ay nagtatalakay sa Ating Ina at ang Pangatlong Dokumento kay San Jose.
Sa ilang mga araw na nagdaan, kami ay nagpalabas ng isang maliit na post sa Instagram at Facebook tungkol sa Kapistahan ng tatlong daang libong mga martir na mamamayan ng Irlanda ng Anglicanism sa loob ng tatlo at kalahating siglo. Ito ang komento ng isang matalinong persona tungkol sa post: “Ang aking mga ninuno ay kasama sa bilang na iyon. Nagagalak akong makita na sa wakas ay may isang kumilala sa isa sa pinakamadugong persekusyon sa Simbahan mula sa panahon ng mga Apostoles, ang isa ay tahimik na nagwawalis tungo sa ilalim ng basahan (pilit na itinatago ang katotohanan) ng apostatang Protestanteng mga sekta na, kasama ang papet na Zionist at ang kalupitan ng Freemasonry, ay hinadlangan ang istorikong katotohanan sa buong mundo, kaysa madungisan ang ngalan ng Protestanteng pag-apostata, ang lahat sa ngalan ng pagbibigayan at ekumenismo.”
Ang aming website ay patuloy na magpaparangal at magpapalaganap ng debosyon sa Pinakabanal na Birheng Maria hangga’t maaari dahil alam namin na Siya ang Kanlungan ng mga makasalanan at ang daan tungo sa kabanalan.
Sa mga Aparisyon sa French Brittany sa kalagitnaan ng ikadalawampung siglo, kung saan ang dobleng Misteryo ng Mapighati at Imakuladong Puso ni Maria at ng Pinakabanal at Maawaing Puso ni Hesus ay ipinahayag ay nagdala ng sumusunod na turo: Ang Panginoon ay inaanyayahan tayo na parangalan at pagpitaganan si Maria sa magagandang mga salitang ito: “Huwag hayaan ang sinuman na paghiwalayin ang anumang ninais ng Aking Ama na magkasama. Kung wala ang Aking Ina, ay wala ring Tagapagligtas, o Simbahan. Ang Aking Ina ay tulad sa isang gintong tulay sa pagitan Ko at ng sangkatauhan. Hindi Ko nais na ibahagi ang Aking mga grasya nang nag-iisa, subali’t kasama Siya, sa ganong paraan na Siya ay nagiging Daluyan kung saan ang lahat ng mga grasya ay dumadaan. Nararapat Siyang magkaroon ng lugar ng pagpapahalaga sa mundo, inoobliga kayo lahat na dumaan sa pamamagitan Niya para makarating sa Diyos…”