Sa nakaraang buwan na ito ng Setyembre ay napakakapaki-pakinabang para sa aming apostolado. Malaking bilang ng mga tao buhat sa iba’t-ibang mga bansa ang nagbasa ng aming mga post. Sa tulong ng Diyos, isang araw ang mga publikasyong ito ay magagamit ng hindi mabilang na mga kaluluwa para sa kanilang kumbersiyon. Hindi kami umaasa ng malaking kumbersiyon, sa ngayon. Maaaring hindi namin makita ang mga bunga sa maikling panahon, at malamang hindi namin makita ito sa buhay na ito. Kami ay kuntento na na kahit papaano ay nalaman na ang Tunay na Simbahan ni Kristo ay nananatili at ang ating Panginoon ay hindi ito iniwanan. Tulad sa buto ng mustasa, napakaliit at walang halaga sa mga mata ng tao, ang aming apostolado ay hahantong sa isang mayabong na kahoy na hindi mabilang ang mga bunga.
Ang lahat ng mga pagsisikap ng Palmaryanong apostolado ay may pangunahing layunin, ang magligtas ng mga kaluluwa. Ang magligtas ng isang kaluluwa mula sa impiyerno ay sapat nang dahilan para magtrabaho at magsakripisyo para rito araw at gabi. Kami ay nagtatrabaho para maipakilala ang Tunay na Simbahan ni Kristo dahil alam naming siguradong maraming mga kaluluwa ang maliligtas sa pamamagitan ng aming mga sinulat sa web. Kahit na sa buhay na ito ay marami ang hindi makukumbert sa Banal na Palmaryanong Simbahan, kapag sila ay namatay, ang kaalaman na mayroon sila tungkol sa Tunay na Pananampalataya ay makatutulong sa kanila para mailigtas ang kanilang mga kaluluwa magpasawalang hanggan. Iyon ang aming layunin; ang magligtas ng mga kaluluwa upang makamit ang eternal na kaligtasan at makalaya sa eternal na apoy ng impiyerno.
Sa nakaraang buwan ng Setyembre, ang bilang ng mga bagong bumisita sa aming website ay bumaba kumpara sa Agosto. Subali’t ang bilang ay ayon sa prediksiyong bilang ng Aksiyon Katoliko Palmaryano sa taong ito. Mula sa talaan ng tatlumpung mga bansa na may pinakamataas na bilang ng pagbisita sa aming website, may dalawang bansang nagsasalita ng Russian ang pumasok sa klasipikasyong ito: Rusya at Ukraine. Mga 30% ng mamamayan ng Ukraine ay nagsasalita ng Russian bilang kanilang wika. Sa itaas ng talaan, ang Argentina ay patuloy na nangunguna na may malaking bilang ng mga pagbisita araw-araw. Ito rin ang bansang kung saan ang maraming tao ay muling bumibisita sa website. Ang mga bumisita mula sa Espanya ay tila nag-uukol ng mas maraming panahon sa paghahanap sa ibang mga publikasyon kaysa sa ibang mga bansa. Ang Kenya ay ang bansang kung saan ay may pinakaoptimismo sa pagkamit ng kumbersiyon sa mas maraming bilang.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Alemanya | 21. | United Kingdom |
2. | Brazil | 12. | Cameroon | 22. | Ecuador |
3. | Mexico | 13. | Congo – Kinshasa | 23. | Paraguay |
4. | Espanya | 14. | Nicaragua | 24. | Venezuela |
5. | Pilipinas | 15. | Poland | 25. | Dominican Republic |
6. | India | 16. | Chile | 26. | Rusya |
7. | Colombia | 17. | Pransya | 27. | Irlanda |
8. | USA | 18. | Ivory Coast | 28. | Canada |
9. | Peru | 19. | Kenya | 29 | Ukraine |
10. | Nigeria | 20. | Italya | 30. | El Salvador |
Ang ika-13 ng Oktobre, 2020, ay nagningning tulad sa isang araw sa tuktok ng Bundok ng Kristong Hari sa El Palmar de Troya. Dalawang solemneng mga kapistahan ang natapat sa ika-13. Una sa lahat, ito ay ang dakilang solemnidad ng Corpus Christi, ang pangunahing pista ng Eukaristiya. Pangalawa, ito ay nagtampok sa pang 103 na anibersaryo ng malaking himala sa Fatima, ang gawain ng Pinakabanal na Birheng Maria, na kung saan ay nag-iwan siya ng maliwanag na palatandaan sa harap ng mundo sa katotohanan ng Kanyang mga aparisyon at mga mensahe.
Ang Fatima ay may malapit na relasyon sa El Palmar, tulad ng matalinong turo ni Papa San Gregoryo XVII. Sa pamamagitan ng pinagpalang aparisyon ng Ating Ina sa Fatima, ang “Aklat ng Pitong mga Selyo” ng Apokaliptikong Panahon ay nabuksan.
Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay paulit-ulit na nanawagan sa Fatima para sa konsagrasyon ng Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso, nagbabala na, kung ito ay hindi maisakatuparan ayon sa Kanyang mga nais, ang Rusya ay magiging parusang gagamitin ng Diyos para parusahan ang sangkatauhan. Palalaganapin nito ang kanyang mga kamalian, at ang Simbahan ay malupit na pahihirapan, lalo na ang Papa. Siya ay napakalinaw tungkol sa Kanyang hangarin para sa konsagrasyon ng Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso, na dapat gawin ng Papa sa isang espesyal na araw, solemne at kasama ang lahat ng mga Obispo ng mundo. Makaraang magkaroon ng bisyon at makatanggap ng isang mensahe, ang isa sa mga seers ng Fatima ay nagsabi: “Ang nais ng Ating Ina ay na ang Papa at ang lahat ng mga Obispo ng mundo ay ikonsagra ang Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso sa isang espesyal na araw; kung gagawin nila ito , ay ikukumbert Niya ang Rusya at magkakaroon ng kapayapaan. Kapag ito ay hindi ginawa, ang mga mali ng Rusya ay kakalat sa lahat ng mga bansa sa mundo.”
Ang unang Papa na gumawa ng malinaw na konsagrasyon ng Rusya sa Imakuladong Puso ni Maria ay si Papa San Gregoryo XVII sa kanyang Fourth Pontifical Document. Subali’t hindi nakuha nito ang solemneng konsagrasyong isinagawa ng Papa kaisa ang lahat ng mga Obispo sa mundo, tulad ng hiningi ng Pinakabanal na Birheng Maria.
Nitong huling ika-13 ng Oktobre, ika-103 na anibersaryo ng Malaking Himala sa Fatima, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III sa seremonya ng Solemneng Pontipikal na mga Misa, ay isinakatuparan ang mga nais ng Ating Pinakamamahal na Ina sa Langit, ang Pinakabanal na Birheng Maria, AT KAISA ANG LAHAT NG MGA OBISPO NG TUNAY NA PALMARYANO KATOLIKONG SIMBAHAN, AY SOLEMNENG IKINONSAGRA ANG RUSYA SA IMAKULADONG PUSO NI MARIA!
May malaking optimismo ay hihintayin namin ang mga bunga nitong napakahalagang kaganapan para sa ikabubuti ng mga mamamayang Ruso, na labis na pinakamamahal ng Pinakabanal na Birheng Maria, at para sa kabutihan ng buong mundo. Subali’t higit sa lahat, ipinagdiwang namin ito nang may malaking kagalakan, dahil ang nais na iyon ng Pinakabanal na Birheng Maria sa wakas ay naisakatuparan, at nawa ang Kanyang Imakuladong Puso ay maaliw at maginhawahan dahil dito.
Ang Solemneng Konsagrasyon na ito ay naganap din sa napakanapapanahong sandali, dahil ang Palmaryano Katlikong Simbahan ay mayroon nang website na salin sa wikang Ruso upang maipalaganap ang importanteng kaganapang ito na walang dudang magdadala ng kasiyahan sa maraming mga mamamayan sa Rusya.
Interesanteng makita na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay may ilang kaunting tagasunod na piniling nakatago. Ang Ating Panginoong Hesukristo ay nagkaroon din ng mga nakatagong tagasunod, tulad sa kaso ni Nicodemus, Jose ng Arimatea at Gamaliel. May iba pang mga kaso ng nakatagong mga disipulo na sekretong nagtatrabaho para kay Hesus, mga kuwentong isinalaysay sa Banal na Palmaryanong Bibliya. Hinihimok namin ang aming mga nakatagong tagasunod na magpatuloy, subali’t dapat silang magsikap na makiisa nang mas malapit sa Simbahan sa pamamagitan ng Banal na mga Sakramento.
Para sa Palmaryanong Simbahan para magkaroon ng malaking tagumpay, lohikal na kinakailangan namin ng isang napakaespesyal na tagapamagitan mula sa Diyos at sa Pinakabanal na Birheng Maria. Isang magandang huwaran na dapat alalahanin ay noong taong 1531, habang ang napakasamang hari ng Inglatierra na si Henry VIII ay pinangunahan ang kanyang bansa sa pag-apostata, isang malaking bilang ng mga Mehikano ang nakumbert sa Katolikong Simbahan salamat sa pamamagitan ng Pinakabanal na Birheng Maria sa Kanyang mga Aparisyon sa Guadalupe, Mehiko. Sa maikling panahon, ay may siyam na milyong mga kumbersiyon sa Katolisismo. Kung ano ang parang imposible sa ngayon, sa tulong ng Diyos, ay magiging katotohanan, at ang pinakahihintay na milagro ay mahahadlangan ang kasamaan at magdadala ng kabutihan.
Kapag ang mundo ay kinilala na ang Palmaryanong Simbahan bilang Tunay na Simbahan ni Kristo, sila ay makatatagpo ng isang Katolikong Simbahan na mas pinayaman ng Palmaryanong Doktrina, na ipinahayag sa mas malaking parte ng Dakilang Mistikong Papa, San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Ang Pinakabanal na Trinidad: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispiritu Santo ay pinili ang Sagradong Lugar ng mga Aparisyon ng El Palmar de Troya para maging balwarte ng Katolikong Pananampalataya, na tinatawag ding Bundok ni Kristong Hari.
Ang Banal na Palmaryanong Pamunuan ay natatakpan ng mapagmahal na Kapa ng Pinakabanal na Birheng Maria, isang lugar na mayaman sa ispiritwalidad at katapatan sa Diyos. Ito ang lugar kung saan ang ulo ni Satanas ay patuloy na dinudurog, sa pamamagitan ng panalangin at penitensiya ng mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Ang lahat ng mga panalangin at mga penitensiyang ito ay iniaalay sa Eternal na Ama sa pamamagitan ng Banal na Sakripisyo ng Misa. TANGING SA BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN ANG BANAL NA SAKRIPISYO NG MISA AY BALIDONG IDINARAOS.