Sa muli ay inilalahad namin ang magandang balita sa apostolado ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Malaking mga pagsisikap ang ginawa sa huling buwan na ito ng Agosto upang ipalaganap ang debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus. Nagawa naming makarating sa pinakamalayong mga pook ng mundo, dala ang kaalaman ng Palmaryano Katolikong Simbahan sa mga dulo ng mundo sa pamamagitan ng isang magandang video ng Banal na Mukha. Ipinresenta sa sampung iba’t-ibang mga wika, ang Pinakabanal at Pinakamagandang Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo ay pumukaw sa mga puso ng maraming mga tao, hihimukin silang mahalin Siya nang mas higit at dalhin palapit sa Kanyang Tunay na Simbahan, na maliit sa bilang subali’t malaki sa kabanalan. Ang lahat ay inaanyayahang pumasok sa maliit na paraisong ito, na ang Simbahan ni Kristo, na ang Pamunuan ay nasa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya. Sa pamamagitan ng Banal na Mukha ni Hesus, ay naghagis kami ng makakapitan para sa mga taong may mabuting pananampalataya at kababaang-loob para kumapit at mapalapit sa Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan, laging inaalaala na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Mistikal na Katawan ni Kristo. Patuloy kaming maghahagis ng ispiritwal na makakapitan na ito na ang Banal na Mukha upang iyong may kababaan sa puso nawa may mabuting pananalig ay mas mapalapit kay Kristo at sa Kanyang Simbahan. Alalahanin natin ang tinuran ng Banal na Mukha sa isa sa mga aparisyon kung saan nagkaroon si Clemente Dominguez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, sa Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya: “Aking mga anak: kayo ay nasa daan na ng kabanalan, sapagka’t ang sinumang sumamba sa Aking Mukha ay makatatanggap ng grasya ng kabanalan, at ang lahat ng inyong hihilingin sa aking Ina, makaraang sumamba sa aking Mukha, ay ibibigay Niya sainyo.”
Noong Agosto ang bilang ng mga bumisita sa aming website ay tumaas ng 10% kumpara sa Hulyo. Ang Rusya ay muling nagpakita sa talaan ng nangungunang tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga bumisita. Ang Argentina at Brasil ay nasa una at pangalawang puwesto, subali’t ang Brasil ay palapit nang palapit sa Argentina. Ang India ay nagiging importante, kumuha ng pang-anim na puwesto. Ang Cameroon ay umakyat na rin ng ilang puwesto at kinuha ang ika-12 puwesto.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Alemanya | 21. | Kenya |
2. | Brasil | 12. | Cameroon | 22. | Ecuador |
3. | Mehiko | 13. | Congo – Kinshasa | 23. | Paraguay |
4. | Espanya | 14. | Nicaragua | 24. | Dominican Republic |
5. | Pilipinas | 15. | Poland | 25. | Venezuela |
6. | India | 16. | Pransya | 26. | Irlanda |
7. | Colombia | 17. | Ivory Coast | 27. | Canada |
8. | USA | 18. | Chile | 28. | Rusya |
9. | Peru | 19. | Italya | 29 | El Salvador |
10. | Nigeria | 20. | United Kingdom | 30. | Portugal |
Salamat sa Diyos at sa Kanyang Banal na Ina, kami ay may Papa na dedikado sa pagpuri sa kadakilaan ng ating Banal na Ina, ang Birheng Maria. Alam nating maigi na ang Ina ng Diyos, ang pinili bago pa man na Anak ng Diyos Ama, ay nagpakita sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya upang ibigay ang pagpapatuloy sa Simbahang itinatag ng Kanyang Banal na Anak na si Hesukristo sa Kalbaryo. Sa pagpapakita sa apat na mga kabataang babae, siya ay nagsimula ng isang napakahalagang ispiritwal na gawain para sa kabutihan ng Simbahan. Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, sa kanyang dakilang ispiritwal na sigla, ay mas pinagyayaman ang Palmaryanong Simbahan sa pamamagitan ng mga sulat na may sukdulang importansya para sa kapakanan ng mga kaluluwa. Ang kanyang dedikasyon ay ipinakikita rin kung paano niya mas pinaganda ang Katedral, ang mga Altar at ang mga Imahen ng Ating Ina sa Langit, na nararapat tumanggap ng napakaespesyal na pagkilala. Sa pamumuno ng kasalukuyang Papa, ang hangarin ng Banal na Birhen na pagpitaganan sa buong mundo sa ilalim ng kanyang pangunahing titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada ay natupad. Ang Kanyang Imahen at magandang kapa, na dinisenyo at ginawa ng mga madre ng aming Orden, ay nakita na ng napakaraming mga tao. Ang mundo ay namangha sa ganda ng Imaheng ito, ang karosa nito at ang magandang burda. Ang mga madre ng aming Orden ay napakapropesyonal na gumagawa na, ayon sa mga komentong natatanggap, ay nalampasan na nila ang Batikano sa artistkong burda. Dapat natin laging alalahanin na si Maria, ang Ina ng Diyos, ay Ina rin natin. Ang buhay ng dedikasyon ng Santo Papa sa Palmaryanong Simbahan ay nagsasara sa mga lagusan ng impiyerno para sa maraming mga kaluluwa at nagbubukas ng daanan para sa kanila para makapasok sa Kaharian ng Langit.
Marahil ang pinakaimportanteng misyong nagawa ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III at ng mga Obispo ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay ang pagdaos ng malaking bilang ng mga Banal Misa para sa Diyos araw-araw. Sa Basilika ng Ating Ina ng Palmar Koronada, ay may tatlong turno ng mga Banal na Misa bawa’t gabi. Sa bawa’t Misa, ang Sakripisyo sa Kalbaryo ni Hesus at ni Maria ay dinadala sa Altar, kung kaya ang mga Grasya ay ibinabahagi sa Simbahan at sa mundo. Ang unang Papa ng Palmaryanong Simbahan, San Gregoryo XVII, sa kanyang Ikaapat na Dokumento Pontipikal ay nagpaliwanag: “Nauunawaan natin na ang Banal na Misa ay ang pinakadakilang panalangin na maaaring idirekta sa Diyos; dahil tulad ng alam na natin ang Banal na Misa ay ang Sakripisyo ng Kalbaryo, walang dugo nguni’t tunay. Ang Mapagsuyong Biktima ay si Kristo mismo ang isinakripisyo ang Kanyang Sarili sa Altar. Kung kaya nauunawaan ang higit sa lahat na pangangailangan para sa hindi mabilang na mga Misa sa buong mundo. Tulad ng alam na natin, ang mga kasalanan nating mga tao ay walang hanggang pagkakasala laban sa Diyos Ama. Kung ang mga kasalanan ay walang hanggang pagkakasala, para makagawa ng reparasyon sa Eternal na Ama ay kinakailangan natin ng walang hanggang mga reparasyon: na dala ng Banal na Sakripisyo ng Misa, dahil ang Biktima ay si Kristo Mismo, na maliban sa pagiging Tunay na Tao ay Tunay na Diyos. Sa ganoon ang Biktima ay gumagawa ng walang hanggang reparasyon.”
Ang Setyembre 8 ay isang napakaespesyal na araw para sa Palmaryanong Simbahan. Una sa lahat, ito ay ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Banal na Birheng Maria at ipinagdiwang sa Katedral Basilika nang may dakilang debosyon at pagmamahal, tulad ng nakasanayan na sa Palmaryanong Simbahan. Subali’t, ito ay mas pang naging espesyal na araw dahil may pitong mga relihiyoso ang nagsuot ng abito, limang nuns at dalawang brothers. Sa bagong mga relihiyosong bokasyong ito, ay lalong maiisip ninuman ang nalalapit na pagtatagumpay ng Tunay na Simbahan ni Kristo, na ngayon ay ang Banal na Palmaryanong Simbahan. Para sa mundo, ang relihiyosong buhay ay pagsasayang ng oras, subali’t si Kristo at si Maria ay nagbibigay ng labis na konsolasyon doon sa mga yumayakap ng relihiyosong buhay na sa wari nila ay nakarating na sila sa Langit. Upang maituntong ang parehong mga paa sa Langit, ay kinakailangan lamang na maging masigasig hanggang sa dulo dito sa Banal na Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Para sa isang pamilyang Palmaryano ang pinakamalaking bagay ay magkaroon ng isang anak sa Orden.
Sa Banal na Palmaryanong Simbahan ang kontrasepsiyon sa anumang porma ay ipinagbabawal. Ang pangunahing layunin ng kasal ay pagpapadami, kung kaya kasalanan laban sa Diyos na bawasan ang bilang ng mga anak sa paraang ito. Ang isa sa mga gantimpalang ibinibigay ng Diyos sa mga mag-asawang matapat sa banal na plano ng pagpapadami, doon sa may maraming mga anak, ay ang pagbibigay ng isang relihiyosong bokasyon sa isa o labis pa sa kanilang mga anak. May halimbawa kami na isang Palmaryanong pamilya na may labintatlong mga anak na kung saan ang lima ay pumasok na sa relihiyosong buhay. Ang isa ay Obispo, ang isa ay religious brother at ang tatlo ay mga madre. May isa pang mag-asawang Palmaryano na pinagkalooban ng apat na mga anak na babaeng pumasok sa relihiyosong buhay, at may iba pang mga kaso na may dalawa o tatlong mga bokasyon sa parehong pamilya.
Sa pagtatapos, kami ay nagpapasalamat sa tatlong Banal na mga Persona, Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispiritu Santo sa pagkakapili sa Banal na Orden na ito upang ipalaganap ang kadakilaan at kagandahan ng ating Pinagpalang Ina, ang Banal na Birheng Maria, Reyna ng Langit at ng Mundo. Walang nakauunawa sa pagmamahal ng Banal na Trinidad mayroon sila para sa Pinili Bago Pa Man na Nilalang na ito. Ang Palmaryanong Doktrina ay nagtuturo na ang Pinagpalang Birheng Maria, isang tunay at pinakaperpektong nilalang, ay ang Tunay na Ina ng Diyos, eternal na itinalaga sa Isipan ng Diyos bilang ideyal na Kasama. Mahalaga ring alalahanin na ang Pinakabanal na Maria ay ang Babaeng tinuran sa Genesis na dudurog sa ulo ng infernal na serpyente. Ang Pinakabanal na Maria ay Unibersal na Tagapamagitan sa Pamamahagi ng lahat ng mga Grasya, ang Makapangyarihang Suplikante. Kung ganoon, dapat tayong bumaling sa Kanya sa lahat ng ispiritwal at materyal na pangangailangan na puno ng pagtitiwala na bibigyang pansin Niya ang ating mga pangangailangan.