Sa Hulyong ito, ang bilang ng mga bumisita sa aming website ay tumaas ng 34% kumpara sa Hunyo. Sa buwan na ito ng Agosto, kami ay nagsasagawa ng isang malaking apostolado, ikinakalat ang debosyon sa Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo, Tagapagligtas ng sangkatauhan at Kaginhawahan ng ating mga puso. Sa kabila ng ilang mga kahirapan, na sa ngayon ay napagtagumpayan salamat sa Diyos, kami ay nakapag-upload sa YouTube ng isang video tungkol sa Banal na Mukha na may pangalawang pamagat sa sampung mga wika. Sa paraang ito, kami ay umaasang makakakamit ng malaking mga pagpapala para sa sangkatauhan buhat sa Eternal na Ama sa pamamagitan ng Banal na Mukha ng Kanyang minamahal na Anak, si Hesukristo.
Ang Mehiko ay umakyat sa pangatlong puwesto sa talaan ng pinakamataas na bilang ng mga bumisita sa aming website. Ang Argentina at Brasil ay sumunod sa una at pangalawang puwesto. Ang Espanya sa ngayon ay nasa ikaapat na puwesto, nguni’t ang mga bumisita buhat sa Espanya ay nahihilig na bumabad nang mas matagal sa aming website kaysa doon sa galing sa ibang mga bansang may mas maraming mga bumisita.
Narito ang talaan ng tatlumpung mga bansang may pinakamataas na bilang ng mga pagbisita sa aming website:
1. | Argentina | 11. | Alemanya | 21. | Ecuador |
2. | Brasil | 12. | Poland | 22. | Paraguay |
3. | Mehiko | 13. | Pransya | 23. | Ivory Coast |
4. | Espanya | 14. | Nicaragua | 24. | Dominican Republic |
5. | Pilipinas | 15. | Congo – Kinshasa | 25. | Venezuela |
6. | Estados Unidos | 16. | Chile | 26. | Irlanda |
7. | Colombia | 17. | United Kingdom | 27. | Canada |
8. | India | 18. | Cameroon | 28. | El Salvador |
9. | Peru | 19. | Kenya | 29 | Guatemala |
10. | Nigeria | 20. | Italya | 30. | Portugal |
Sa kasamaang palad, ang aming mga video sa YouTube ay hindi nakatatanggap ng maraming mga pagbisita tulad ng aming nais. Malinaw na ang mas higit na nakaaakit sa mga tao ay ang mababaw at imoral na mga video na kagyat na pumupukaw sa mga pandama ng katawan. Itong marupok na mga video na ito ay ginagawa kung ano ang nais nilang ipalaganap nang matagumpay: nililibang nila ang mga isipan pansamantala ng mga karaniwang mga istorya at pinasisigla ang walang lamang mga kaluluwang sabik sa bagong panoorin ay nakararanas na kahit papaano ay napupunuan ang kanilang lukab na mga puwang, na kinain na ng kaaya-ayang kanser ng nakasisirang katamaran na iniaalok sa kanila sa bawa’t sandali ng naririnig at nakikitang media. Ang kapalit, tulad sa isang mapanirang paulit-ulit na kabalintunaan, ang kaluluwa ay tinatakpan ang ispiritwal na paghihirap nito ng mas malala pang kaguluhan ng isip sapagka’t hindi nito makuha ang ganap na kaligayahang minimithi nito, at pansamantalang itinatago ang sakit nito sa pamamagitan ng tulad sa pangpamanhid sa utak na, tulad sa isang kanser, ay unti-unting kinakain ang lubos na hangaring pagkakasundo ng kaluluwa. Hindi ito ang daang dapat sundan ng kaluluwa para makamit ang kaligayahan. Isang bagay ang sigurado, at ang mga santo mismo ay binalaan tayo sa paglipas ng mga siglo, na kahit na sikapin natin nang lubos, ikaw ay hinding hindi makatatagpo ng ganap na kaligayahan sa mga bagay sa mundong ito. Matatalo ka sa pakikipaglaban at ang iyong oras, na napakalimitado sa mundong ito. Nilalang ng Diyos ang mga kaluluwa na may karapatang maghanap, magkaroon at magtamasa ng “tunay na kaligayahan” na hindi para dito sa mundo subali’t para sa eternidad: Ikaw ay nilalang para sa layuning ito ng Eternal na Ama. Ang iyong kaluluwa ay “ipinograma” ng Diyos upang maghanap ng eternal na kaligayahan, hindi pangmundo. Ang lahat ay hindi totoo sa mundong ito: ang mga kasiyahan at mga karangalan, mga kapangyarihan at mga pagmamayabang, mataas na mga karangalan at pambobola… ang lahat ay dayami lamang para sa apoy at magiging mga abo sa eternal na buhay. Dapat mong malaman na ang mga abo ng iyong mga banidad ay hindi matatakpan ang kahubaran ng iyong kaluluwa sa harap ng Ating Panginoon sa araw ng iyong paghusga. Banidad ng mga banidad! Ang lahat ay banidad! Pagsasayang ng oras na naglalayo sa iyo sa mga kabutihan. Ang mga kabutihan ay tulad sa mahinang mga ibon na nagpapakasaya sa hardin ng iyong kaluluwa: subali’t, kung sa kasamaang palad ikaw ay mahulog sa mortal na kasalanan ikaw ay magiging tulad sa isang halimaw. Ang nakakapangaligkig na atungal ng halimaw na iyon sa burak ng kasalanan ay tumatakot sa kawawang mga ibong iyon na lumilipad palayo sa iyo sa takot, at sila ay hindi babalik hangga’t ang iyong kaluluwa ay mabawi ang kapayapaan ng Panginoon.
Alam na alam mo na ang pisikal na ehersisyo ay nagpapanatiling malusog ang katawan, at alam mo ring mahirap na panatilihin ito sa pangaraw-araw. Ang padalos-dalos na likas na hilig ng katawan ay kinakailangang masakop nang may mahigpit na ehersisyo at diyeta upang mapanatili ang malusog na buhay. Kung hindi ang katawan ay maghahanap ng maikli at madaling paraan, aabusuhin sa mga kalabisan nito. Alam ng lahat na para mapanatili ang isang balingkinitan at malusog na katawan ay kinakailangang gumawa ng mga pagsasakripisyo. Sa akala mo ba ang kaluluwa ay hindi dapat dumaan sa parehong hirap? Tanging ang baliw ang mag-iisip na ang kaparehas ay hindi nangyayari sa kaluluwa. Kung kaya ay nararapat na hanapin mo ang kapayapaan ng Ating Panginoon sa mga video na nakagagalak sa kaluluwa, umasang isang araw ay makikita ang Diyos nang harapan magpakailan pa man. Baliw! Nais mo bang panoorin ang iyong marupok na mga video magpahanggan pa man? Iyon ay magiging isang labis na pahirap tulad ng Impiyerno. Walang katotohanang mga video… walang lamang mga kuwento… panandaliang mga karanasang hindi nakatutulong sa kaluluwa subali’t ang mga pandama na labis na nanganganib sa pansamantalang dibersiyon. Banidad ng mga banidad. Ang lahat ay banidad sa mundong ito. Ang mga panandaliang paglilibang ay tulad sa mga kuwitis para sa kaluluwa, na sa kaparehong pagkakataon ay nangangailangan ng bagong nakikitang mga karanasan upang masolusyunan ang ispiritwal na pagkainip. Ang panonood ng napakaraming mga video, libong bilang nito, nang hindi man lamang nagsasawa rito, ang mahalagang oras ng buhay ay nasasayang, pinupunan ito ng ispiritwal na kahungkagan. Sa kasamaang palad, ang mga videong ito ay umaakit ng mas maraming atensiyon kaysa sa anumang video na aming maihahandog. Subali’t, isang araw 180,000 katao ang nakakita ng isang video ng Ating Ina ng Palmar Koronada salamat sa isang pagkakamali ng YouTube na nagpakita ng aming video sa maraming bilang ng mga tao. Sana ang kaparehong pagkakamaling ito ay muling maulit sa hinaharap.
Muli ang aming apostolado ay nagkakaroon ng bunga sa teritoryo ng mga nagsasalita ng Ruso. Kahit ang aming Rusong tagasalin na nakatira sa Georgia ay nagpadala ng sumusunod na mensahe sa isang kasapi ng Aksyon Katoliko Palmaryano tungkol sa kanyang gawaing pagsalin ng mga dokumento ng Banal na Palmaryanong Simbahan: “Nang ako ay nagtrabaho sa opisina sa pagsalin sa umpisa ng aking karera, ay sadyang ako ay naiinip dahil madalas ang aking natatanggap na mga materyal ay tungkol sa mga eksperimento sa laboratoryo ng mga hayop at kung paano ang isang gamot ay nakaaapekto sa atay, at iba pa o buhat sa mga politiko na sadyang hindi ko nagugustuhan. Nabanggit ko kay Padre na ang mga materyal na ito ay nagdadala sa akin ng malaking kasiyahan: Nalaman ko ang dakilang mga santo! Namangha ako nang makita ko si San Pio ng Pietrelcina sa website at nalamang siya ay nacanonized ng Palmaryanong Simbahan dalawampung taon bago ang Romanong Simbahan ay kinanonisa siya. At talagang naramdaman ko na ako ay pinagpala na maging parte ng sagradong gawaing ito. Salamat sa lahat ng inyong tulong at matamis na ispiritu. Determinado akong isang araw ay bisitahin ang El Palmar!”
Lubos na mahalaga na alalahanin na ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay ang pagpapatuloy ng Romanong Simbahan na may Pamunuan sa Batikano, bago ito bumagsak at nag-apostata, na naging opisyal at pinal sa pagkamatay ni San Pablo VI, noong Agosto 6, 1978. Isinakatuparan ng Panginoon ang Kanyang pangako tungkol sa hindi pagkasira ng Simbahan: “Ang mga lagusan ng impiyerno ay hindi magtatagumpay laban sa Kanya.” Bago ang pag-apostata ng Romanong Simbahan, ay dati nang binuo ni Kristo ang Kalipunan ng mga Obispo ng El Palmar de Troya sa pagtatag ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha noong 1975. Kung kaya ang lahat ay maayos nang nakahanda para sa dakilang araw ng Agosto 6, 1978 nang pinili ni Kristo, sa parehong araw ng kamatayan ni San Pablo VI, si Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, bilang kanyang Bikaryo, tagapagpatuloy ng Banal na Katolikong Tradisyon. Si San Gregoryo XVII ay ang unang Papa na may kanyang Pamunuan sa El Palmar de Troya.
Ang mga Obispong nakakikilala kay San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay naging lubos na saksi sa kanyang buhay sa kabanalan, lalo na sa huling mga taon ng kanyang buhay. Ganap na nakuha niya ang kanyang titulo bilang Santo, nagdarasal ng mahabang mga oras sa araw. Hindi siya nagkulang kahit kailan sa pagdasal ng Banal na Rosaryo Penitensiyal, ang Banal na Daan ng Krus, ang Banal na Trisahiyo at ang Banal na Rosaryo Josefino. Nais niya ring magdasal ng pangalawang Rosaryo Penitensiyal. Dinarasal niya ang mga panalanging ito araw-araw habang naglalakad sa pasilyo ng Bahay ng Papa sa Sevilla, at sa bandang huli ay may ganoon ding nakasanayan nang ang Orden ay lumipat sa El Palmar de Troya noong 2003. Si San Gregoryo XVII ang Napakadakila ay isang kaluluwang may kababaang loob at laging nagsasalita ng katotohanan. Walang kasinungalingan sa kanya.
Si San Gregryo XVII ang Napakadakila ay may kakatubong kakayahan upang mabasa ang isip ng iba. Ang kakatubong kakayahang ito ng Banal na Ispiritu ay nagdala sa kanya ng malaking galit buhat sa ilang mga Obispo na may mga pagkakataong nagsisinungaling sa kanya o sinusubukang linlangin siya. Sila ang mga kahiya-hiyang mga Obispo na kung saan ang kanilang mga panlilinlang ay natuklasan ng banal na Papang ito. Ngayon salamat sa Diyos, ang mga obispong ito ay mga eskomulgado, sa labas ng Banal na Palmaryanong Simbahan, at dahil hindi nila ito maaaring sirain mula sa loob, sinisikap nilang gumawa ng pinakamalaking posibleng pagsira mula sa labas sa alaala ng dakilang Papa na iyon. Makatuwiran, at ang sino mang taong may sentido komun ay makauunawa sa ideya, na ang mapagmataas na mga kaluluwa ay tipikal na naghahanap ng paghihiganti pagkatapos na mapatalsik mula sa Palmaryanong Orden ng Carmelita sa ilalim ng totalmenteng makatarungan at napatunayang mga dahilan.
Ang hindi inaasahang kamatayan ni Papa San Gregoryo XVII ay napakatinding dagok para sa mga mananampalataya ng Palmaryanong Simbahan. Isang dagat ng mga luha ay napakalaking patunay na siya ay minahal at pinapahalagahan ng mga mananampalataya at mga relihiyoso ng Tunay na Katolikong Simbahan, ang Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha.
Importanteng liwanagin ito para roon sa mga interesado sa Palmaryanong Simbahan at muling ipahayag ang katotohanan, na sinusubukang ipresenta nang mali sa social media ng ilang indibidwal na sinusuportahan ng parehong mga Obispo na eskomulgado mula sa Palmaryanong Simbahan. Simpleng sinisikap naming pangalagaan ang katotohanan, matibay na idinidepensa ang gayon kaistoriko at importanteng tao para sa Katolikong Simbahan na tulad ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila.
Sa wakas, bilang pagtatapos ugnay, hinigpitan namin ang mga turnilyo ng ibang naninira sa amin. Ang iba ay kinailangang isara ang kanilang huwad na personal na mga Facebook page na nagpapahina sa mga kasapi ng aming Orden, ang iba ay kinailangang alisin ang kanilang mga video sa YouTube. Mahalagang alalahanin ang isang kasabihan sa Espanyol na ang kahulugan ay “Kung ano ang nangyari sa iba, ay maaaring mangyari sa iyo”.