Sa pagtatanggol sa Banal na Palmaryanong Bibliya
Ang Palmaryanong Banal na Bibliya ay ang Obra Maestra ng dalawang Banal na Palmaryanong mga Konseho (1980-1992; 1995-2002), na kung saan sa panahong iyon ay nakalulungkot na lalong lumitaw ang pagkakaroon ng mga palsipikasyon sa sagradong laman ng bibliya. Sa dahilang ito, kahit nakapangangatal sa harap ng kalakhan ng gawain, si Papa San Gregoryo XVII ay nag-utos na iwasto at ilimbag ang ‘Palmarian Sacred History’ o Palmaryanong Banal na Kasaysayan, na napapalooban ng lahat ng sagradong mga aklat at alisin ang mga palsipikasyon. Ito ay nagawa sa Ikalawang Konseho, makaraang makumpleto ang Tratado sa Pinakabanal na Trinidad at Palmaryanong Morals, at siyempre salamat sa espiritwal na kakayahan bilang papa ng Bikaryo ni Kristo, ang hindi magkakamaling interprete ng mga nilalaman ng Bibliya.
Sa pangalawang taon na ng Unang Banal na Palmaryanong Konseho, itong dakilang biblikal na gawain ay maaasahan dahil sa bisyon ni Papa San Gregoryo XVII noong ika-21 ng Mayo 1981 sa Mother House ng Orden sa Sevilla, na sinabi niya mismo: “Nakakita ako ng malaking aklat, at ang Espiritu Santo ay may pakpak na panulat sa Kanyang tuka na animo’y sumusulat, at ang Aklat na iyon ay napuno ng liwanag. Ang sinaunang banal na aklat ay lumitaw doon, at ang Espiritu Santo ay direktang nagsulat sa pamamagitan ng Kanyang mga Propeta. Sa bandang ibaba ay nagpakita si San Geronimo na dala ang kanyang trumpeta sa tainga; iniaangat niya ang trumpeta at inilalapag niya ito; sumusulat siya at pagdaka ay iniaangat muli ang trumpeta; at ang aklat ay lumitaw na maliwanag na maliwanag at madilim na madilim. (Paglilinaw: Si San Geronimo ang nagsalin ng Bibliyang Hebreo sa Latin sa kanyang kapanahunan, ang gawaing tinatawag na Vulgate, ang opisyal na bibliya ng Simbahan hanggang sa panahon ng Palmaryano). Sa Greyegong Bibliya na tinatawag na Septuagint ay gayundin ang nangyari tulad ng sa trumpeta; at ang aklat ay lumitaw na may liwanag at dilim. Ang masoretic na bibliya (paglilinaw: ito ang bibliya ng sektang Hudyo, na tinatawag na Lumang Tipan) ay sinulat ng maraming mga tao, at ganoon din ang nangyari sa trumpeta sa tainga, dahil ang aklat ay lumilitaw na may liwanag at mas maraming karimlan; at saka sa laman ng Hebreo, ay may mga pangyayaring nakikita na ang mga hudyo ay gumagawa ng mga paiba-ibang mga pagbabago. Pagkatapos, sa ibaba ng mukha ng Pinakabanal na Birheng Maria, ay lumitaw ang sumusunod na mga salita: ‘Pahintulot at Misteryo’. Sumunod ay nakita ang isang aklat na kung saan ay nakita ang lahat ng mga misteryo: Tanging isang aklat ang sinulat na puno ng inspirasyon, at ang aklat na iyon ay hindi na matatagpuan. Ngayon ang Kalapati na may pakpak na panulat ay nagpakitang sumusulat sa Palmaryanong Konseho; ang aklat ng Palmaryanong Konseho mula sa simula hanggang sa katapusan ay lumitaw, na ang ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga gawain ng Banal na Konsehong ito na nagawa na at gagawin pa, na sa kabuohan nito ay magiging gawain ng Espiritu Santo.”
Sa panahon ng pagtatrabaho sa Konseho, maraming mga sunod-sunod na mga adulterasyon ang natagpuan sa sagradong mga sulatin: tulad halimbawa, isang serye sa mga Aklat ni Moises, dahil sa lebitikong mga pari na minamaliit ang dakilang lider at binibigyan ng mas malaking kredito ang kanyang kapatid na si Aaron, ang unang Lebitikong Punong Pari. Isa pang serye ay natagpuan sa tendensya upang maliitin ang mga nakombert, na halos inalis ang buong pangyayari. Si Haring Solomon ay may pananagutan sa ilan pang serye upang siraan ang kanyang ama, na si Haring San David, at sa pamamagitan niyon ay mapagtakpan ang kanyang sariling kasalanan at pamamahala. Isa pang serye ay tungkol kay Haring Manasses ng Judah at Samaria na pinag-isa, upang mapagtakpan ang nakasasamang mga konsekwensya ng kanyang idolatriyang pamamahala, at papaniwalaing walang dating hari ang naging mabuti, pareho sa Kaharian ng Judah at sa Kaharian ng Samaria; kung kaya sa huwad na nakasulat ang lahat ng mga hari ng Samaria ay lumalabas na masama, na sa katotohanan ay may apat na banal na mga hari na kinabibilangan nina, Jehu, Joachaz, Jeroboam II at Faceas. Ang ibang mga aklat, halimbawa, ang mga Machabee, ay napakasamang ginawan ng huwad na istorya sa kabuohan, at kinakailangan ang maingat na trabaho sa pagbabalik sa dati. Buhat sa mga Epistola ng mga Apostoles halos lahat ng may kinalaman sa mga Sakramento, at ganoon din sa Pinakabanal na Birheng Maria, ay inalis, at nangangailangan din ng trabaho ng pagbabalik sa dati. Gayundin ang Aklat ng Apokalipsis ay nangangailangan din ng malaking pagbabalik sa dati upang maging kung ano ito ngayon: isang kahanga-hangang gabay, madaling basahin, para maintindihan ang mga panahon na kung saan tayo ay kasalukuyang namumuhay at ganoon din iyong mga darating hanggang sa Huling Paghuhukom, at sa dako pa roon.
Isang halimbawa ng adulterasyon sa mga Aklat ni Moises: Ang huwad na mga teksto ay nagsasabi na ang Sirkumsisyon ay hindi nagawa sa loob ng apatnapung taon sa disyerto. Para bang hindi binabantayang mabuti ni Moises ang pagtalima sa batas na ito! At sinasabi pang nagkaroon ng pangkalahatang sirkumsisyon sa lahat ng mga Israelita sa Galgala bago nila masakop ang Banal na Lupa. Ang tunay na teksto ay nagsasabing ang pangkalahatang sirkumsisyon ay para roon sa mga nakombert sa pamamagitan ng apostoladong ginawa ng Pinakabanal na Melkisedik sa palibot ng Lupain ng Canaan bago ang pagsakop, tulad ng nasasaad sa Aklat ng Karunungan, ang mga nakombert na iyon ay nakiisa sa mga Hudyo na may ganap na karapatan, at pinagsama-sama sa iba’t-ibang mga tribu.
Ang iba pang mga halimbawa ng mga pagmamanipula ay nagpapakita ng panghahamak sa mga nakombert: Ang huwad na teksto ay inilalagay ang kapatid ni Moises na si Maria na mas higit pa kay Sephora, anak na babae ni Jethro matandang-matanda nang Madian, na bilang asawa ni Moises, ay kung gayon ay first lady ng Israel, sapagka’t si Sephora at hindi si Maria ang masyadong nadala ng emosyon at napabulalas samantalang nag-aawit ng papuri sa Diyos sa matagumpay na pagtawid sa Red Sea. Ang isa pa ay para patahimikin ang pagkakakombert ni Haring Assuerus na may apelyidong Cyrus, na nagsugo na pabalikin sa Israel ang mga Israelitang bihag. At ito mismong si Haring Assuerus Cyrus, Hudyo sa Pananampalataya, na pinakasalan ang matatag na babaeng si Esther, na ang aklat ay lubusang adulterado kung kaya ay walang nakakaalam kung anong kapanahunan ito natutukoy. Isa pang pagpapalsipika ay para patahimikin ang kapalaran ni Dinah, kapatid ni Jose ng Ehipto: tulad ng alam na natin, si Dinah ay pinagsamantalahan ng paganong si Sichem, na bilang ganti ay walang-awang pinatay ng mga kapatid ni Dinah na sina Simeon at Levi. Nguni’t si Dinah ay nagka-anak sa relasyong ito kay Sichem, si Asseneth, at para mailigtas si Asseneth sa kriminal na mga kamay nina Simeon at Levi, ang ama ni Dinah, si Jacob ay pinayuhan ang anak na lumisan sa kanilang tahanan kasama ang kanyang anak. At makalipas ang mga taon ay pinakasalan mismo ni Asseneth si Jose ng Ehipto, at naging ina nina Ephrain at Manasses, mga namumuno sa dalawang tribu ng Israel.
Mga halimbawa ng mga adulterasyon tungkol kay Haring Solomon: umimbento siya ng mga kaganapan na kung saan ay ipinakita niya na ang kanyang amang si David ay isang terorista, mabagsik at manlilinlang, nang mga taong siya ay nawala sa korte ni Haring Saul. Ang tanyag na pagpapalsipika ni Haring Solomon ay tungkol sa batang anak ni David sa kanyang pangangalunya kay Bethsheba. Binalaan si David ni Propetang San Nathan, na nagpropesiya na ang bata ay mamamatay, bilang kastigo sa pangangalunya at pagpatay ni David. Subali’t si David ay nagsagawa ng taimtim na panalangin at pagtika upang hingin ang kagalingan ng bata. Ang huwad na teksto ay nagsasabing ang bata ay namatay, at ang kakaiba, si David ay nakasuot ng damit ng hari. Subali’t ang katotohanan, ang bata ay hindi namatay datapwa’t himalang gumaling, at ang bata ay mismong si Solomon, na hindi na nais pang ipaalam na siya ay anak sa pangangalunya.
Ang palaging dahilan sa mga gawain sa konseho ni San Gregoryo XVII ay ang kanyang kagustuhang gawing mas maliwanag na iyong mga kapanggapan o pagkukunwari ay kumukontra sa Batas ng Diyos. Kung kaya ang mga kaganapan sa bibliya na naglalagay sa banal na batas na ito sa pagduda kung gayun ay resulta ng mga adulterasyon sa sagradong teksto. Halimbawa: Si San Aod, pangalawang Hukom sa Israel, ay hindi pinatay ang paganong si haring Eglon sa paraan ng terorista sa kunwaring diplomatikong pagbisita tulad ng sinasabi sa mga huwad na teksto, subali’t nakikipaglaban kontra sa kanya at sa kanyang mga kawan sa isang hayag na digmaan.
Ang pinakamagandang perlas sa Gawaing ito, ay natural, ang Palmaryanong Ebanghelyo, ang kumpletong buod ng apat na mga Ebanghelyo nina San Mateo, San Marcos, San Lucas at San Juan. Sa gawaing ito ang lahat ng maraming mga problema na kinakaharap ng mga komentarista sa nakaraan ay naresolba. Ito ay nagpapanatili sa pagkakasunod-sunod sa buhay ng Ating Panginoon ayon sa mga katotohanang ibinigay ni San Lucas at hindi lubos na paniwalaan ang maling mga datos na ibinigay ng Mananalaysay na si Josephus, na ang lahat ng gawa ay tinanggihan dahil sa marami nitong hindi magkakatugma sa doktrina ng Konseho, at kinukumpirma na si Hesukristo ay ipinanganak noong ika-25 ng Disyembre sa taong 5199, ng Paglikha, pitong araw bago sa Kanyang Sirkumsisyon noong ika-1 ng Enero sa taong 1 sa Panahon ng Kristiyanidad. Isa sa napakaimportanteng pauna para maunawaan ang Ebanghelyo nang mas mainam ay ang pagpundar ni Kristo ng unang Kristiyanong mga komunidad, ang pagpatuloy ng Orden ng Bundok ng Carmel na itinatag ni San Elias. Ang mga Apostoles at mga disipulos ay kasapi sa sangay ng mga lalake, samantalang ang banal na mga babaeng kasama ng Banal na Maria ay kasapi sa sangay ng mga babae. Sa dahilang ito, sa kanyang mga simula, ang pagiging Paring Kristiyano ay kinakailangang karugtong ng relihiyosong buhay, tulad muli sa kasalukuyan. Ang unang labimpitong mga Papa ay lahat mga Superyor Heneral ng Orden ng Carmelita. Maraming mga insidenteng inihayag ng mga Ebanghelista na may mga teksto na parang sumasalungat sa bawa’t isa, ang paliwanag ay dahil ang kaganapan ay nangyari nang mahigit sa isang ulit: Halimbawa, tatlo ang pagkumpisal ni San Pedro noong Hulyo noong taong 33; tatlo ang pahayag ni Hesus sa pagkakaila ni San Pedro, at tatlo ang pagkanulo ni Hudas Iscariote, at iba pa. Tunay na kapansin-pansin ang komentaryong kasama sa Sermon sa Huling Hapunan, na dahil sa pagkaunawa sa kaisipan ng mga Apostoles at ang mga motibo para sa kanilang mga pamamagitan. At lalong higit na kapansin-pansin ay ang mga komentaryo na kasama ng Pasyon ng Panginoon at ang pinakamagandang pakikiisa ni Kristo sa Krus na Nagtubos sa atin.
At ano ang masasabi doon sa isang dakilang perlas na ang mga Gawain ng mga Apostoles? Dito ang Espiritu Santo ay nais linawin ang maraming mga aspeto ng mga organisasyon ng Simbahan sa Kanyang mga simula, upang salungatin ang napakaraming mga mali at gayundin upang linawin ang lahat ng aspeto ng buhay ni San Pablo: Ano ang kanyang natanggap sa daan patungong Damascus? Sino ang nagnombra sa kanya bilang Apostol at kalian? Ano ang kanyang relasyon sa unang Papa? Walang duda ito ang pinakamagandang nasulat tungkol kay San Pablo, na napakalaki ang ating utang sa kanya dahil sa kanyang kapuri-puring dedikasyon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa mga bansa.
Natural, ang pamamagitan ni Papa San Gregoryo XVII sa biblikal na gawaing ito ay napakarami. Maliban sa kanyang halos siyam na raang dogmatikong mga depinisyon, na marami ay may kinalaman sa biblikal na mga katanungan, renisolba niya ang napakaraming mga problema sa pamamagitan ng kanyang mga sulat, maging sa pasunod-sunod, angkan, kasaysayan, tekstwal, at iba pang mga problema. At sa pangkalahatang mga pagpupulong, na kung saan ay lagi siyang presente, madalas siyang nagreresolba ng mga problema na direktang lumilitaw. Maliban dito, may mahigit sa isang mistikal na pamamagitan para lutasin ang iba’t-ibang katanungan, tulad halimbawa, ang napakagandang bisyon sa Pinakabanal na Birheng Maria bilang Reyna ng Essenia, nakaupo sa trono sa ibabaw ng noon ay lawa ng Essenia (ngayon ay ang Dead Sea), binibigyang pugay ng napakaraming mga Anghel na umaawit ng Kanyang Ngalan, na ang kahulugan ay ‘banal’, upang makumpirma ang pagpapakita ng Kaluluwa ni Maria bilang abay sa Pinakabanal na Melkisedik sa panahon ni Abraham.
Noong Linggo, ika-21 ng Enero sa taong 2001, sa Katedral Basilika ng Ating Ina ng Palmar Koronada, mga bandang 7:10 ng gabi, si Papa San Gregoryo XVII, sa pagtatapos ng unang turno ng Banal na mga Misa, habang nakaluhod pa sa santwaryo sa harap ng Altar Mayor, ay nagkaroon ng ekstraordinaryong bisyon at tumanggap ng transendenteng Mensanhe tungkol sa Palmaryanong Bibliya: “O Aking pinakamamahal na Bikaryo, Gregoryo XVII, ‘de Gloria Olivae”, ang Papa na sa madaling panahon ay maghahatid ng Palmaryanong Banal na Bibliya sa buong Palmaryanong Simbahan, na kung saan ang Liwanag ay nagniningning, na kung saan ang Liwanag ay nanggagaling para sa buong Simbahan at para sa mundo. Ang oras ay tumunog na para sa Papang ito, ang nakadiskubre ng mga palsipikasyon sa nakaraang Sagradong Kasulatan. Ang oras ay dumating na, ang oras ay tumunog na. O pinakamamahal Kong Bikaryo sa mundo, maging matapang ka hanggang sa huli. Ang Palmaryanong Bibliyang ito ay magiging Liwanag para sa maraming mga kombersyon. Patuloy sa pagsulong, sasamahan kita hanggang sa huli. Huwag mong hayaang matalo ka ng iyong mga kaaway. Patuloy sa pagsulong, aalalayan kita.
Tingnan mo, Aking pinakamamahal na Bikaryo, pagmasdan mo ang Hukbo ng mga Anghel dito ngayon, tingnan mo ang kanilang matatalas na mga espada. Ang mga Anghel na ito ay ipinadala Ko upang ikaw ay pagsilbihan. Babantayan ka nila tulad ng dati na nilang ginagawa hanggang sa ngayon. Patuloy mo pang igiit, upang ang Simbahan ay purihin ang Papa na maglilimbag ng Bibliya na walang mga palsipikasyon. Aking Simbahan, pinakamamahal na nobya, Palmaryanong Simbahan, ikaw ay mas makikilala nang lubos kapag ang Palmaryanong Banal na Bibliya ay maikalat sa mundo. At ang Papang ito ay mas makikilala kapag ang Palmaryanong Banal na Bibliiya ay kumalat sa mundo; dahil sa pagpapakalat muna sa Simbahan, kinakailangan din itong ikalat sa mundo, para ito ay ang magiging liwanag para makombert ang mga Bansa; ang Bibliya na kung saan ang magbabasa ay matututong magmahal sa Diyos, ang Bibliya na kung saan ay matututo siyang hindi magsinungaling, ang Bibliya na kung saan ay matututo siyang huwag dumisimula, ang Bibliya na kung saan ay matututo siyang huwag maniwala sa mga kathang sinabi ng mga mananalaysay sa mundo.”
Ngayon ay heto si Papa San Gregoryo XVII, sa kanyang sermon na ibinigay noong ika-9 ng Agosto 2003 sa Katedral Basilika ng Ating Ina ng Palmar Koronada, nagsalita tungkol sa gawain ng Konseho tungkol sa Bibliya:
“Ang pinakadakilang gawain ng Ikalawang Palmaryanong Banal na Konseho, tulad ng nasabi natin, ay Sagradong Kasaysayan o ang Palmaryanong Banal na Bibliya, walang mga palsipikasyon. Paano magiging posible ang pagbasa ng karaniwang mga ekspresyon sa pinalsipikang Bibliya, tulad ng nabanggit na natin nang madalas, tungkol sa pagsilang ng Ating Panginoong Hesukristto? Tungkol sa Birheng Maria ang pinalsipikang Bibliya ay nagsasabi, tungkol kay San Jose: “At hindi niya Siya kilala hanggang nagkaroon Siya ng Unang anak na si Hesus.” … Ang ekspresyong iyan ay nangangahulugang pagkatapos ng lahat ay hindi niya kilala Siya, na, pagkatapos na manganak sila ng marami at iba pa, dahil sa bandang huli ay dumating sa puntong kahit mga kapatid na lalake ay mayroon, sa paraan ng pagpapalsipika nito. Ang mga salitang iyon ay kumukontra sa katotohanan, kumukontra sa lahat ng dati nang tinukoy o ipinaliwanag ng Simbahan sa nagdaang mga siglo at mga siglo: na ang Birheng Maria ay Birhen sa panganganak, bago manganak at pagkatapos manganak, na ang ibig sabihin, perpetwal na Birhen.
At ganoon napakaraming mga bagay, tulad halimbawa, balikan natin ang Lumang Tipan, talakayin natin ang sipi sa Aklat ni Judith, na kung saan ang Diyos ay inilarawan bilang may akda ng teribleng kasalanan sa kahalayan at ng teribleng kasalanan ng pagpapakalasing. Paanong ito ay manggagaling sa Diyos na si Judith ay nagsuot ng lahat ng kanyang mga parikit, at dinala ang kanyang pitsel, bote, o anupaman, ng alak, upang lasingin si Holophernes, at nang malasing na… at saka kinuha niya ang pagkakataon sa sitwasyon para putulin ang kanyang ulo! Ang Diyos ay nungka, Ang Diyos ay nungkang mag-utos upang gawin ang isang kasalanan! At hindi rin Niya susubukang bigyan ng katuwiran ang paraan dahil sa layunin, ang pagpapalaya sa lungsod. Ang layunin ay hindi katuwiran sa paraan. Kahit kalian ang Diyos ay hinding-hindi magiging autor ng mga kasalanan, ang Diyos ay hindi si Satanas, Siya ang kabaligtaran ni Satanas, wala Siyang kinalaman kay Satanas. Kung kaya, sa siping iyon sa pinalsipikang Bibliya, si Judith ay inilarawang pumuntang suot ang kanyang mga parikit, at nagpabango, para tuksuhin si Holophernes, para hikayatin siyang magkasala; at pag nahikayat na ay mas mabuti, at dagdag pa siya ay magdadala ng alak upang siya ay malasing, at pagkatapos ay putulin ang kanyang ulo at itulak siya sa Impiyerno. Kung ganoon sino ang tumulak sa kanya sa Impiyerno habang siya ay nabubuhay pa? Malamang ang Diyos, kung ganoon. Ang Diyos ay hinding-hindi gumagawa ng ganoong bagay! Sa Palmaryanong Bibliya ngayon ay malinaw na kung ano ang nangyari. Basahin ninyo ang Aklat ni Judith sa Palmaryanong Banal na Bibliya at makikita ninyo ang kadakilaan ng Diyos!
At napakarami pang mga bagay, dahil kung pag-uusapan ang lahat ng mga palsipikasyong nakapalaman sa opisyal na Bibliya ay magiging walang katapusan. Kung kaya, walang dudang si Satanas, buhat nang magsimula ang Palmaryanong Bibliya, ay dinoble ang kanyang pakikidigma nang walang humpay laban sa Atin, dahil mawawala na ang tabing sa lumang Bibliya, ang katotohanan ay madidiskobre na. Si Satanas, ay mas may alam dahil sa karanasan kaysa bilang demonyo, ay nalalaman na kapag si Gregoryo XVII ay humaharap sa isang katanungan tungkol sa teolohiya, ay ginagawa niya ito nang may buong sigasig at natatapos sa pamamagitan ng pag-alis sa lahat ng masasama at inilalagay ang mga bagay sa tama…
Ang Diyos, ang may akda ng Palmaryanong Banal na Bibliya, ay ginagamit Niya ang mga instrumento na tayo pobreng mga makasalanan na bumubuo ng grupo ng Kagalang-galang na mga Pari ng Ikalawang Palmaryanong Banal na Konseho, Siya, ang Diyos, ang hindi mapag-aalinlanganang May-akda; kung ganoon ang Diyos ay hindi maaaring salungatin ang Kanyang Sarili, tulad ng lumilitaw sa palsipikadong Bibliya. Sa opisyal na Bibliya, ay para bang may mga pagkakataong hindi alam ng Diyos kung nasaan Siya, sa pagkakasulat sa palsipikadong Bibliyang iyon; mga ekspresyong walang kahulugan, at ang Diyos ay lumalabas na sintu-sinto; na para bang Siya ay matandang baliw na umaarte, madalas sa Lumang Tipan ng palsipikadong Bibliya, tulad sa kapritsosong magagaliting matandang lalake; ganyan kung paano inilarawan ang Eternal na Ama, tulad ng isang matandang sumpungin, kung kaya ang Eternal na Ama ay kakaunti ang mga kaibigan sa mundo, Siya ay parang isang matandang matigas ang ulo.
Sa Palmaryanong Banal na Bibliya, ang malinaw na makikita ay ang Eternal na Ama ay ang napakatanda nang puno ng pagmamahal, dapat isipin na napakatanda na dahil sa usapin ng eternidad o walang hanggan, sapagka’t ang Banal na Salita ay napakatanda na, ang Espiritu Santo ay napakatanda na, sapagka’t ang tatlong Banal na Persona ay eternal, subali’t iyon ay ginawang isang paglalarawan ng pagkakaiba. Sa paraang ito ay mas malinaw na nakikita ang paksa tungkol sa pagka- ama ng Eternal na Ama, bilang Kagalang-galang na Napakatanda na, na kung kinakailangan Niyang magkastigo, siya ay kumakastigo, at kung kinakailangan Niyang magbigay ng gantimpala, siya ay nagbibigay ng gantimpala at hindi Siya sutil na matanda o reklamador.”
Kung ganoon, hayaang ang magbabasa nitong Bibliya nang may paggalang, na may masaganang pasasalamat sa Makapangyarihang Ama sa pagkakaroon ng posibilidad na maibalik sa dati ang Bibliyang ito sa mga panahong ito nang pag-aapostata at ng mabangis na pakikipaglaban sa Diyos mismo: ang Bibliyang pinaganda, madaling matagpuan, madaling basahin, may esensyal na mga turong moral na sa mga nakaraan ay hindi lumitaw, na may malaking iwanag sa mga darating na apokaliptikong panahon: ang Bibliya ng mga Huling Panahon, nilinis, binago, inihanda para sa pagbabalik ni Kristo sa karangyaan at kaluwalhatian.