Ex-Papa Gregoryo XVIII
Ang hindi pa kailan man nangyayaring kaganapan ay yumanig sa Tunay na Simbahan ni Kristo noong ika-22 ng Abril, 2016, nang si Papa Gregoryo XVIII ay nag-apostata. Samantalang ang isa sa mga Papa- San Celestino V- ay tinalikuran ang pagiging Papa noong 1292, hindi niya tinalikuran ang kanyang pananampalataya, tulad sa ginawa, kasawiang-palad, ni Gregoryo XVIII, ang apostata.
Tulad ng inaasahan, marami ay nagsapantaha na ang kaganapang ito ay maliwanag na simula ng katapusan ng Palmaryanong Simbahan; gayunman, ang kabaliktaran ang nangyari. Ang Simbahan ay muling lumitaw, tulad ng lagi Niyang ginagawa sa mga pinakamadilim na momento ng Kanyang Kasaysayan, na may panibagong lakas at espiritwal na karangyaan. May bagong kasiglahan sa espiritwal na estado gayundin sa materyal na estado ng Palmaryanong Simbahan, na pinakamatibay na pruweba ng Kanyang hindi masisirang katotohanan. Subali’t, interesante pa rin na ikonsidera kung paano ang pag-aapostata ng nakaraang papa ay hindi nakaapekto, kahit gaano kaliit, sa integridad ng Tunay na Simbahan; manapa, ito ay nagpatunay lamang nito.
Una sa lahat, kung ang Palmaryanong Simbahan, tulad ng sinasabi ng mga kaaway nito, ay isang grupo ng mga masasama at mga manlilinlang, bakit ang pinakamataas na lider nito ay tinalikuran ang Pananampalataya? Makatuwiran bang ipalagay na talikuran ni Al Capone ang Mafia? Sa totoo lang, mahirap itong isipin.
Sa kabilang banda, sa kanyang sulat ng pamamaalam sinabi niyang nawala na ang kanyang pananampalataya, at sa panahong iyon ay ayaw man lang niyang kumbinsihin ang iba… Anong uri ng tao, na namumuno ng Simbahan na kinokonsidera niyang mali, ay hindi man lang nagsikap na “alisin ang tabing sa mga mata” doon sa iba na hanggang sa nakaraang araw, ay nagbigay sa kanya ng pagpupugay na naaayon sa isang Papa? Iyan ba ang tinatawag na ” respeto sa paniniwala ng iba” o malinis at pinong kasamaan at pagkamakasarili?
Sa totoo lang, ito ay isang bagay na mas simple at brutal: ang ex-Pope o dating papa ay alam na alam na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo at ni Maria, subalit ang dami ng kanyang kataksilan ay nagawang ang kanyang buhay relihiyoso ay napakahirap at napakabigat upang magpatuloy pa, kung kaya, dahil hindi niya na nakayanan ito, siya ay simpleng umalis, nang hindi na man lang napag-isipang magbigay ng matatag na dahilan o kapaliwanagan. Ang lahat ng ito ay nagpapakita sa malungkot na estado ng kalituhan ng kanyang konsensiya.
Sa mahabang panahon, ang ex- pope o dating papa ay relihiyosong mahirap talunin. Sa maraming taon siya ay napakaraming ginawa para sa Simbahan. Ganoon pa man, siya ay nag-apostata. Ito ay hindi nakapagtataka, sapagkat may mga kahalintulad ding mga kaso sa kasaysayan. Si Henry VIII ay banal na lalake nang siya ay nasa kabataan at gayundin sa unang mga taon ng kanyang paghahari, kung saan ay matatag niyang ipinagtanggol ang Katolikong layunin laban sa Lutheranismo. Pagtagal, ay dahan-dahan siyang tinalo ng buhay ng kahalayan, siya ay tumiwalag sa Tunay na Simbahan at nakapanghihinayang na kinondena ang kanyang sarili Ang napakasamang si Papa Pablo IV ay isa ring kapuri-puring kabataan na nakakaeksperensiya pa ng matayog na Mistikal na Karisma o ekstraordinaryong kapangyarihan, tulad ng istigmatisasyon o pagkakaroon ng mga sugat ni Kristo at ganoon din,pansamantala at sa iba’t-ibang pagkakataon, ang Mistikal na Pagkakaisa ng Sagradong mga Puso ni Hesus at ni Maria. Nguni’t ang kanyang kataksilan ay umabot sa puntong iutos na ipapatay ang hinalinhan niyang Papa San Marcelo II. Sa paraang ito ay kinondena rin ni Papa Pablo IV ang kanyang sarili nang walang hanggan.
Henry VIII, Pablo IV, Gregoryo XVIII… ay tatlong magkakahalintulad na halimbawa na, tulad ng marami pang iba, ay dapat makuha ang ating atensiyon at makita natin na tanging sa pamamagitan ng pagdarasal at pagpapakasakit, ang madalas na paggamit ng Banal na mga Sakramento at ang paggawa ng mga kabutihan,tayo ay magiging masigasig sa Pananampalataya hanggang sa huli.
Isang huling pananalita: Sina Henry VIII at Pablo IV ay kinondena ang kanilang mga sarili ng walang hanggan, subalit ang ex-papa Gregoryo XVIII ay nananatiling buhay sa mundong ito. Dapat nating alalahanin na si Hesus at si Maria ay buong pagmamahal na nais magpatawad, hanggang sa huling sandali, sa traydor na si Hudas Iscariote. Anong kaligayahan magkakaroon sa Langit kung ang ex-papa ay magsisi!