Kasaysayan ng Kapilya ng Banal na Poso ng Tubig mula sa El Palmar de Troya
Ika-19 ng Hunyo 1973
(Sevilla. Ang seer na si Clemente Dominguez ay naglarawan: ‘Bandang tanghali ngayon, ika-19 ng Hunyo, sa aking silid, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita sa akin sa ilalim ng titulo ng Carmel at sinabi sa akin ang sumusunod’:)
Ang Pinakabanal na Birhen ng Carmel
“Mahal Kong anak: kinakailangang dalhin mo sa pahayagan, ang Aking mga sinabi tungkol sa Panawagan para sa ika-16 ng Hulyo, Kapistahan ng Carmel, tungkol sa pagtitipon ng Aking mga anak sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya.
NANANAWAGAN AKO NANG ESPESYAL PARA SA MAY KARAMDAMAN. Mahal Kong mga anak, kayong mga nagdurusa sa mga karamdaman. Magtipon kayo sa El Palmar de Troya. Doon ay matatanggap ninyo ang Aking basbas at pakikinggan Ko kayo. Nais Kong makipag-ugnayan sainyo na Ako mismo, sa ika-16 ng Hulyo, ay babasbasan Ko ang tubig sa Poso sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya. Nais Kong ang mga may karamdaman ay uminom ng tubig na Aking babasbasan sa araw na iyon. Buhat sa ika-16 ng Hulyo, ang tubig na iyon ay hindi na magiging tubig ng tao, sapagka’t iyon ay magiging tubig ng inyong Ina ng El Palmar, upang Pagalingin ang may karamdaman. IPINAPANGAKO KO NA DAHIL SA PAGBISITA NINYO SA EL PALMAR, AY MARAMING MGA MAY KARAMDAMAN ANG GAGALING. Mahal Kong mga anak, pumarito kayo nang may pananampalataya, nang may espiritu ng pagdarasal at sakripisyo. Pumunta kayo nang desente nang may kagandahang-asal at kababaang-loob.
Tinatawagan Ko ang mga may karamdaman sa Espanya at sa lahat ng mga bansa sa pangkalahatan. Hanapin muna ninyo ang kagalingan ng kaluluwa at kasunod ay ang sa katawan. Binabasbasan Ko kayo.”
Noong ika-16 ng Hulyo 1973, Kapistahan ng Carmel, bandang alas 12:30 ng umaga, ang seer na si Clemente Dominguez ay nagsimula ng Banal na Gawain ng Viacrusis, solemneng kumanta tulad nang ginagawa araw-araw sa Palmar. Maraming bilang ng mga perigrino ang pumunta sa Sagradong Lugar ng Lentisko, gumawa ng reparasyon para sa mga pangdurusta sa Banal na Mukha ni Hesus. Pagkatapos ng Banal na Viacrusis, si Clemente Dominguez ay nagkaroon ng ekstasi sa presensiya ng Ating Panginoong Hesukristo, na agad ay muling ipinaalam ang Kanyang walang hanggang pagmamahal at sa pagkakontento, sumesenyas, hinahaplos at yinayakap ang ilan sa mga perigrino, gayundin ay binabasbasan, hinahalikan at idinadaiti sa Kanyang mga sugat ang mga bagay na relihiyoso na inaabot sa kanya. Kumanta ang mga mananampalataya ng mga tradisyonal na awit sa Panginoon, habang nagbibigay ng labis-labis na pagmamahal at mga grasya sa lahat. Makaraan ang bisyon sa Panginoon, ang Pinakabanal na Birheng Maria, sa ilalim ng titulo ng Carmel ay nagpakita kay Clemente, at dinala ang seer habang nasa ekstasi sa kalahatian ng Lentisko at daanan papasok sa propyedad ng mga Aparisyon. MULA DOON, MGA ALAS 2:15 NG UMAGA NG IKA-16 NG HULYO 1973, ANG PINAKABANAL NA BIRHENG MARIA AY BINASBASAN ANG TUBIG NG POSO, at ibinigay kay Clemente ang sumusunod na Mensahe:)
Ang Pinakabanal na Birheng Maria
“Aking maliliit na mga anak: ang Tubig ng Poso ngayon ay binasbasan na ng Aking Makapangyarihang Kamay, Aking Kamay ng Ina ng Kabutihan. Simula sa sandaling ito, maaari na ninyong inumin ang Tubig galing sa Poso at ito ay makagagawa ng mga kagalingan sa may karamdaman. UMINOM KAYO NG TUBIG NG INYONG INA NANG MAY PAGTITIWALA: ANG TUBIG NG INYONG INA NG EL PALMAR, NA NAKAGAGALING NG KARAMDAMANG ESPIRITWAL AT KATAWAN. Inumin ninyo ito nang may tiwala. Ito ang tatak ng El Palmar: ang Tubig na binasbasan ng Aking Kamay. Pagagalingin nito ang marami. Dalhin ninyo ang Tubig sa mga may karamdaman kahit saan sa inyong mga bayan at mga Bansa. Binabasbasan Ko kayo lahat.”
(Matapos ang ekstasi, lahat kami ay pumunta sa Sagradong Poso at uminom ng mahimalang tubig at nagpasalamat sa Pinakabanal na Birhen para sa magandang regalo. Bago binuksan ang Poso, si Clemente Dominguez ay nanguna sa misteryo ng Banal na Rosaryo, na dinasal namin nang buong taimtim. Ang seer ay nagpatuloy na binuksan ang Poso ng Ating Ina ng El Palmar sa harap ng maraming bilang ng mga Espanyol at dayuhang mga perigrino. Ang lahat ay uminom buhat sa mahimalang bukal; at ang mga perigrino ay pinuno ang kanilang mga lalagyan upang dalhin sa kanilang mga bayan at mga bansa. Nanatili kami doon hanggang sa halos madaling-araw na. Nang kami ay pauwi na sa aming mga tahanan, isang grupo ng mga tao, karamihan ay mga Pranses, ay nananatiling nagdarasal sa Lentisko. Nang kami ay makarating sa El Palmar bandang mga alas kuwatro ng hapon ng ika-16 ng Hulyo 1973, ay marami nang mga grupo ng mga mananampalataya na nagdarasal sa harap ng Sagradong Imahen ng Ating Ina ng Palmar, at mga bus at pribadong mga sasakyan buhat sa iba’t-ibang dako ng Espanya at ibang bansa, kasama na ang maraming bilang ng may karamdaman. Nagsimula kaming magdasal ng nauukol sa Lugar at pagkaraan ay ang pagdaos ng Banal na Misa. Sa loob ng buong gabi at bahagi ng gabi, ay nagkaroon ng anim na mga Misa: ang una at pangalawa ay sa pamamagitan ng dalawang Paring Pranses; ang pangatlo, ay solemneng inawit, ng isang Paring Espanyol, na kung saan ay pinakamarami ang dumalo, dahil sa sandaling iyon ang nakararaming bahagi ng mga perigrino ay naroon. Ang iba pang tatlong mga Misa ay idinaos pagkatapos ng Solemneng Prusisyon kasama ang Imahen ng Ating Ina ng El Palmar, na idinaos ng isang Venezuelan at dalawang Espanyol na mga Pari, dahil mayroong anim na mga Pari ang nais na magdaos ng Misa. Napakaraming bilang ang nagkomunyon at nagkumpisal. Pagkatapos ng gabi, ay inorganisa ang isang Solemneng Prusisyon kasama ang Imahen ng Pinakabanal na Birheng Maria, buhat sa Lentisko patungo sa Sagradong Poso. Ang bilang ng mga perigrinong sumama sa Pinakabanal na Birhen sa dinaanan ng prusisyon ay napakalaki. Ang Sagradong Imahen ng Ating Ina ng El Palmar ay tumigil sa Sagradong Poso at nanatili doon hanggang sa kalaliman na ng gabi, na nangunguna at nakamasid sa Kanyang perigrinong mga anak na uminom ng mahimalang tubig nang may taimtim na pananalig at pinuno ang kanilang mga lalagyan upang iuwi sa kanilang mga bayan at mga bansa, pagkatapos na buksan ang Poso nang may dakilang solemnidad ni Clemente Dominguez. Ang seer ay nagpaabot ng ilang pananalita sa lahat ng mga mananampalataya, nilinaw na ang Tubig sa Poso ay talagang may pakinabang, at ang sinumang tao na walang pag-aalinlangan sa kanyang konsensya ay sadyang matapang para humingi ng pera para sa tubig, ang taong iyon ay hindi namin kasama, tinutukoy iyong mga namamahala sa pagbibigay ng Tubig sa Poso, lehitimong may pahintulot, at hindi rin siya tunay na deboto ng Ating Ina ng El Palmar. Inuulit namin: ang Tubig buhat sa Sagradong Poso sa El Palmar de Troya ay libre. Kung mayroon mang mag-alok ng tubig at nagsasabing ito ay sa Birhen at nangangailangan ng bayad dahil sa pagmamahal, huwag ninyo itong tanggapin! )
Ika-15 ng Agosto 1973
(Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Pinakabanal na Birheng Maria. Maraming bilang ng mga perigrino ang pumunta rito buhat sa iba’t-ibang dako ng Espanya, lalo na sa Valencia, Granada at Cadiz, upang magbigay pugay sa Ating Ina sa Langit. Nagsimula ang Pagsamba noong ika-14 ng gabi sa pamamagitan ng pagdaos ng Solemneng Kantadang Misa ng Espanyol na Pari, ayon sa Tradisyonal na Ritwal, tulad ng lagi na dito sa Sagradong Lugar. Pagkaraan isa pang Pari ang nagdaos ng isa pang Misa, na pagkatapos ay inihantad ang Banal na Sakramento hanggang alas 5:30 ng umaga ng ika-15, tinapos ang Eksposisyon ng isang Solemneng Prusisyon kasama ang Kanyang Banal na Kamahalan hanggang sa labas ng propreyedad. At saka ang pangatlong Pari ay nagdaos ng Banal na Sakripisyo ng Misa sa madaling araw ng ika-15. Sa gabi pagkatapos ng pagdasal ng Rosaryo Penitensyal at iba pang mga dasal, mga alas 8:00 isa pang Banal na Misa ang idinaos kung saan ay maraming bilang ng mga tao ang dumalo nang may taimtim na debosyon, na nakapuno ng Lentisko sa harap ng Banal na Mukha at ng Imahen ng Ating Ina ng El Palmar. Makaraan ang Misa, ang prusisyonal na Imahen ng Ating Ina ng El Palmar ay pinasan sa Solemneng Prusisyon patungo sa Sagradong Poso at sa Divina Pastora. Noong ika-15 ng Agosto 1973, dalawang may karamdaman ang gumaling sa pamamagitan ng Tubig sa Poso ng Ating Ina ng El Palmar: Isang batang lalake buhat sa Granada at isang babae mula sa Sevila.)
Ilan sa mga himalang gumaling sa karamdaman sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya
Maraming may mga karamdaman ang gumaling sa kanilang mga sakit sa katawan sa Sagradog Lugar ng El Palmar de Troya, higit sa lahat sa pamamagitan ng Tubig na binasbasan ng Pinakabanal na Birhen. Simula ika-16 ng Hulyo 1973, nang ang Ating Ina sa Langit ay binasbasan ang Tubig sa Sagradong Poso, ang mga balita ay patuloy na dumarating ukol sa mga paggaling dahil sa mahimalang Tubig na ito.
Ipinaalam ng Eternal na Ama sa isang seer ng El Palmar: na ang isang may sakit na napagaling ay inoobligang ipaalam ang kanilang kagalingan para sa higit pang kaluwalhatian ng Diyos, ng Pinakabanal na Birhen at ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya.
Sa pagtalima sa sugo ng Langit, ay ipinaaalam namin sa ibaba nito ang patotoo ng ilan sa mga may sakit na gumaling salamat sa mga Aparisyon ng Birheng Maria sa El Palmar de Troya.
- Sa gabi ng Linggo ng Palaspas 1971 habang nagdarasal ng Viacrusis sa El Palmar de Troya, si Don Fernando Gómez Moreno, buhat sa Cadiz, Espanya, na dumaranas ng pagkabali ng tibia sa bulalo sa tuhod (kneecap), na naparalisa ang kanyang binti, ay napagaling ng Langit na nasaksihan ng maraming makapagpapatunay.
- Donya Consuelo Alonso, naninirahan sa Brenes, Sevilla, Espanya ay mayroong bukol sa kanyang suso na mahigit nang isang taon. Noong ika-16 ng Hulyo 1973 siya ay pumunta sa El Palmar de Troya. Ipinunas niya ang panyo sa Banal na Mukha na pinagpupugayan doon, habang hiningi niyang mawala ang bukol, inalay sa Kanya na lagi itong nasa kanyang suso. Makalipas ang tatlong araw siya ay pumunta sa doktor, at sinabi sa kanya na wala na ang bukol, hindi makapaniwala ang doktor.
- Donya Ángeles Santana, naninirahan sa Brenes, Sevilla, Espanya, ay mayroong sugat na nagnanaknak sa isang binti, may impeksyon, sa mahigit nang limang taon. Hindi ito kayang patuyuin ng kahit ano, at hindi alam ng doktor kung ano ang gamot na ibibigay sa kanya, at hindi na rinesetahan pa ng kahit ano, dahil hindi rin naman gumagaling dahil nga siya ay diabetiko. Ang Tubig mula sa Sagradog Poso ng El Palmar ay ilinahid sa sugat at sa loob ng apat na araw ito ay gumaling.
- Donya Amparo Gómez Pérez, naninirahan sa Brenes Sevilla, Espanya. Ang babaeng ito ay may sakit sa puso at ipinayo ng doktor na huwag siyang magkikikilos, dahil ang kanyang puso ay napakahina. Binigyan siya ng Tubig galing sa Banal na Poso ng El Palmar, at buhat nang uminom siya nito ay naging normal na ang kanyang pamumuhay.
- Donya Rosario Ocaña Marchena, naninirahan sa Brenes, Sevilla, Espanya. Siya ay may bato sa kanyang kidney at matinding pananakit. Buhat nang uminom siya ng Tubig mula sa Poso ng El Palmar, ay nawala ang pananakit. Pumunta siya sa doktor, kinunan ng mga X-ray, at ang kanyang mga kidney ay napakalinis na.
- Donya Dolores López, naninirahan sa Brenes, Sevilla, Espanya. Sa loob ng sampung araw ay may malaking pamamaga sa kanyang tiyan na hindi naaalis. Uminom siya ng Tubig ng El Palmar at ang pamamaga ay agad na nawala.
- Donya Manuel Martínez, naninirahan sa Brenes, Sevilla, Espanya. Siya ay may labingsiyam na taong gulang na anak na lalake na may sakit na nerbiyos. Ang anak ay laging nasa loob ng kanyang silid na nakasara, at ayaw umalis o makakita ng sinuman. Kahit ang kanyang ina ay hindi siya makausap, dahil kung sumagot ito ay laging masasamang salita ang gamit. Dinalhan siya ng kanyang ina ng Tubig mula sa Poso ng Ating Ina ng El Palmar, at sinabihan siyang magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria. Uminom ng Tubig na ito ang may sakit na anak at pagkaraaan isang kahanga-hangang pangyayari ang naganap. Pumasok ang ina sa silid ng anak at nadatnan niyang ito ay nakaluhod at nagdarasal. Sinabi ng anak na may kakaibang pangyayari sa kanya at buhat noon ang anak ay mas mabuti na.
- Donya Rosario Salazar Delgado, naninirahan sa Sevilla, Espanya. Ang kanyang binti ay hindi na mapakinabangan sa loob ng maraming mga taon. Pumunta siya sa El Palmar de Troya noong ika-15 ng Agosto 1973 para ipagdasal ang kagalingan ng isa sa kanyang pamilya. Sa kuwento niya, ni hindi man lamang niya naalaala ang kanyang sariling binti, dahil sanay na siya sa napakaraming taon na ganoon ang kalagayan nito, hindi nagagamit. Subali’t habang siya ay dumalo sa Banal na Misa sa harap ng Banal na Mukha at sa Imahen ng Ating Ina ng Palmar, ay dagling naramdaman niya na ang kanyang binti ay nagkaroon ng buhay, at natuklasan niyang naigagalaw niya na ito nang napakadali, at sinabi niya ito sa kanyang katabing kaibigan. Pagkatapos na mangyari ito, ay ipinaabot niya agad ang himala sa iba roon, at partikular kay Manuel Alonso Corral. Makalipas ang humigit-kumulang isa at kalahating buwan buhat nang siya ay gumaling, si Manuel Alonso Corral at dalawang babaeng mga deboto ng Ating Ina ng El Palmar ay binisita ang babaeng ito sa kanyang bahay, personal na beneripika na ang binti ay tuluyan nang gumaling para magamit niya ito at mabuhay nang normal.
Nakatanggap kami ng marami pang mga balita buhat sa Cadiz, Sevilla, Palma de Majorca sa mga bayan sa Sevilla, tungkol sa himalang mga paggaling na ginawa ng Tubig ng Ating Ina ng El Palmar doon sa mga uminom nito nang may pananampalataya, at ang mga iyon ay ilalathala sa madaling panahon.
Mahimalang mga kagalingan sa Tubig sa Poso ng Ating Ina ng El Palmar, El Palmar de Troya
Ipinagbibigay alam namin ang iba pang mga paggaling ng mga may karamdaman salamat sa Tubig sa Poso ng Ating Ina ng El Palmar.
- “Ang aking asawang si José Vázquez Martínez, mula sa Monforte de Lemos (Lugo), ay nagkaroon ng tumor na may kanser sa tiyan. Binigyan siya ng doktor, isang espesyalista mula sa Orense, ng labinlimang araw para mabuhay. Ipinagkatiwala namin siya sa Birhen sa Senakulo at uminom siya ng Tubig sa Poso na binasbasan ng Ating Ina ng El Palmar, na ibinigay sa akin ng isang babaeng pumunta sa El Palmar para sa pagtitipon noong ika-12 ng Oktobre 1973. At siya ay lubusang gumaling. Ngayon ay nakakakain na siya ng kahit ano. Ang doktor na dating tumingin sa kanya sa nakaraan, nakitang wala nang anumang problema sa kanya, ay nagsabi. ‘Ito ay totoong himala’. Lubos na nagpapasalamat, ito ay itinala ko para mailathala ninyo sa Patalastas ng mga Gumaling. Lagda: Dorinda Vázquez.”
- “Ako, si Magdalena Rodríguez González, mula sa Monforte de Lemos (Lugo), ay may mga karamdaman sa kidney, puso, atay at tiyan. Ako ay may mga bato sa kidney. Isang kaibigang babae ang nagbigay sa akin ng Tubig mula sa Posong binasbasan ng Ating Ina ng El Palmar, na dinala rito mula sa pagtitipon noong ika-12 ng Oktobre 1973; Ininom ko ito nang may malaking sampalataya, nagdasal sa Birhen na pagalingin ako kung ano lamang ang pinakakailangan, at pinagaling niya ako nang lubos, dahil nararamdaman kong magaling na magaling na ako. Ipinaaalam ko ito sainyo para mailathala sa Patalastas ng mga Gumaling, para sa lalo pang kaluwalhatian ng Birhen ang Ating Ina ng El Palmar. Lagda: Magdalena Rodríguez González.”
- Hinihintay pa namin, hanggang ipadala sa amin ang kongkretong mga detalye, sa magandang paggaling ng isang kapatid ng isang dakilang Apostol ng Cadiz, si Donya Berta Rivero, nakatira sa Cadiz, Calle Santiago number 8. Sa Kapistahan ng Imakulada maraming mga miyembro ng kanyang pamilya ang pumunta sa El Palmar para magpasalamat sa Birhen para sa kanyang paggaling sa pamamagitan ng Tubig mula sa Poso.
- Hinihintay pa rin namin ang iba pang mga paggaling na aming ilalathala ang detalye sa lalong madaling panahon: isa sa bayan ng Loja, tatlo sa Barcelona, isa pa sa Cadiz, dalawa sa Ireland at isa sa Mexico, lahat sa pamamagitan ng Tubig mula sa Poso ng Ating Ina ng El Palmar.
Iba pang mahimalang mga paggaling sa pamamagitan ng Tubig sa Poso ng Ating Ina ng Palmar, mula sa El Palmar de Troya
- Don Alonso Tejo, mula sa Valladolid, ay nagkuwento sa atin ng sumusunod na himala: “Si Donya Emiliana Buenaposada García, na nakatira sa Valladolid, 66 na taong gulang, may rayuma mula noong 1936. Sa pagdaan ng mga taon ang karamdaman ay lalong maliwanag, hanggang noong 1964 ang rayuma ay nauwi sa hindi na magamot na arthrosis, na ang isang binti ay nanganganib na mabali kung ang tuhod ay ikukurba. Kailangan siyang iangat sa kama at ibalik kapag ang atake nito ay grabe. Ayon sa mga doktor sa Valladolid ang sakit niya ay wala nang lunas. Mula sa Tubig na aking iniuwi, na aking ipinamigay, may kaunting nakarating sa babaeng ito sa pamamagitan ng isang pinsan. Inumpisahan niyang uminom, at kasabay ng pagnobena sa Birhen ng Carmel na taimtim siyang deboto. Nang ikasiyam na araw, naramdaman niyang nais niyang tumayo mula sa kanyang wheelchair, at namalayan niya na lamang na nakakalakad na siya sa gitna ng kanyang silid, sa kanyang malaking sorpresa, dahil hindi siya makapaniwalang nakikita ang sariling nakatayo at naglalakad. Puno ng kaligayahan, inumpisahan niyang igalaw ang kanyang binti nang normal nang maraming ulit para masiguro sa sarili niya ang malaking himala. Gusto niyang dumalaw sa lugar ng El Palmar de Troya kung may tamang pagkakataon. Sa kasalukuyan ay lubos na siyang magaling buhat nang maganap ang milagro.”
- Donya May C. Souza Neves, mula sa São Paulo, Brazil, ay inilarawan ang sumusunod na himala para sa atin: “Namigay ako ng maraming mga sisidlan na may Tubig mula sa Poso at nangyari ang sumusunod na milagro: Don Gilberto Grande, nakatira sa São Paulo, Brazil. Ang mamang ito, may kanser, dumaranas ng napakatinding sakit. Nang uminom siya ng Tubig, ay agad na nawala ang sakit. Ito ay naganap sa ospital.”
- Isang kabataan, si Antonio Sánchez Malaver, na nagtatrabaho bilang isang mekaniko sa Talleres, Bermúdez, Sevilla, ay dumaranas ng tuloy-tuloy na sakit ng ulo sa tipo ng neuralhik o may kinalaman sa ugat na may katagalan na. Noong 3-1-74, ay uminom siya ng Tubig mula sa Sagradong Poso sa El Palmar, at nakaramdam agad ng kagalingan.
- Donya Agustina Martínez Carreño, nakatira sa Barcelona ay may ‘thrombosis na may ‘gangrene’ sa loob ng apat na buwan sa isang binti, na kinakailangan nang putulin. Noong ika-16 ng Hulyo 1973, siya ay pumunta sa El Palmar de Troya at nilahiran ng tubig mula sa Sagradong Poso ang may karamdamang binti, at agad nakaramdam ng malaking pagbabago, na tuluyang gumaling noong ika-23 ng Agosto 1973.
Milagrosong paggaling sa pamamagitan ng Tubig mula sa Poso ng Sagradong Lugar ng El Palmar
Para sa lalo pang ikaluluwalhati ng Diyos at ng Pinakabanal na Birheng Maria, ay iniiwanan namin ang rekord ng mahimalang paggaling sa pamamagitan ng Tubig sa Poso sa El Palmar, ni Donya Ester Rivero de Rosa, residente ng Malaga, Espanya, ayon sa sulat na pinadala ni Donya Berta Rivero, kapatid ng may sakit na babae, na may petsang ika-13 ng Abril 1974. Ang may sakit na babae, ayon sa mga pagsusuri ng mga mediko, ay may dalawang mga bukol sa isang suso, ang isa ay tulad sa laki ng itlog ng manok at ang isa ay mas maliit. Makaraan ang paulit-ulit na mga pagsusuri, ay sinabi ng doktor na kailangan ang operasyon sa lalong madaling panahon, dahil ang bukol ay madali ang paglaki sapagka’t ito ay isang uri ng bukol na dumarami. Itinakda ang petsa ng operasyon, siruhano, reserbadong silid at iba pa. Subali’t sinabihan siya na pumunta sa kanyang siruhano isang araw bago ang operasyon para sa check-up, para makita ang kalagayan. Bago pumunta, ang may sakit na babae ay ibinabad ang kanyang sarili sa Tubig ng El Palmar at hiningi sa Pinakabanal na Birheng Maria, na puno ng sampalataya, na pagalingin siya kung iyon ang Kanyang kalooban. Nagkaroon siya ng matinding sakit. Nang dumating siya para sa check-up, ay nagulat ang doktor, sinabihan siya: “Senyora, hindi ko alam kung ano ang nangyari dito! Pero hindi ko na kayo kailangang operahan. Natunaw ang mga bukol at may naiwan na lamang na kaunting pamamaga, na matatawag nating ‘mastitis’, at iyon ay mawawala sa pamamagitan ng mga pildoras na ito.” Hindi na niya ininom ang gamot, at ipinagpatuloy ang Milagrosong Tubig, ang kanyang kalusugan ay nanatiling mabuti. Si Donya Berta Rivero, makalipas ang ilang panahon, ay sinabi sa amin na ang kanyang kapatid ay wala nang senyales ng kanyang karamdaman, dahil siya ay lubusan nang gumaling. Ang buong pamilya ay pumunta sa El Palmar sa dahilang iyon, para magbigay ng pasasalamat sa Pinakabanal na Birhen. Ipinahayag ito ni Donya Berta Rivero sa pamamagitan ng sulat na ito para sa lalo pang kaluwalhatian ng Diyos at ng Ating Pinakabanal na Ina.