IKA-24 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Inilalathala na namin ngayon ang ika-24 ulat sa website ng Langit.  Dahil kami ay gumagawa ng ulat sa bawa’t buwan, ang ibig sabihin nito ay nakumpleto na namin ang dalawang taon sa pagpapalaganap ng mga Mensaheng galing sa Langit sa paraang ito.  Kami ay may lahat ng karapatan sa mundo upang tawagin ang website na ito na “website ng Langit”.  Ang dahilan ay ang Banal na Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo.  Sapagka’t ito ang Tunay na Simbahan, ito ay binibigyan ng inspirasyon ng Diyos Ispiritu Santo upang ipalaganap ang Tunay na Pananampalataya sa buong mundo.  Kami ay mayroon nang mas maraming mga lathalain sa website kaysa noong nagsisimula pa lamang kami sa nakaraang dalawang taon.  Kami ay nakapag-upload na ng sapat na impormasyon at mga lathalain…
Read More

IKA-23 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Tulad ng dati, kami ay napakaabala nitong nakaraang buwan sa aming Apostolikong pagsisikap na madala ang balita tungkol sa Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan sa bagong mga pook at para madagdagan ang bilang ng mga bisita sa ibang lugar kung saan kami ay kilala na. Ang nakaraang Konsagrasyon ng Rusya sa Imakuladong Puso ni Maria ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III ay lumikha ng maraming interes sa buong mundo. Ipinakita na namin sa video ang Konsagrasyon sa You Tube sa Espanyol, Ingles, Aleman, Polish at Rusyan, at naghahanda kami ng mga subtitles sa maraming iba pang mga wika. Ang iba ay nagtanong kung bakit ang Papa ay ginawa ang Konsagrasyong ito. Sa hindi pa natatagalang inilabas na Dekrito ng Papa tungkol sa Solemneng Konsagrasyon ng Rusya sa Imakuladong Puso ni…
Read More

Ika-22 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Sa nakaraang buwan na ito ng Setyembre ay napakakapaki-pakinabang para sa aming apostolado. Malaking bilang ng mga tao buhat sa iba’t-ibang mga bansa ang nagbasa ng aming mga post. Sa tulong ng Diyos, isang araw ang mga publikasyong ito ay magagamit ng hindi mabilang na mga kaluluwa para sa kanilang kumbersiyon. Hindi kami umaasa ng malaking kumbersiyon, sa ngayon. Maaaring hindi namin makita ang mga bunga sa maikling panahon, at malamang hindi namin makita ito sa buhay na ito. Kami ay kuntento na na kahit papaano ay nalaman na ang Tunay na Simbahan ni Kristo ay nananatili at ang ating Panginoon ay hindi ito iniwanan. Tulad sa buto ng mustasa, napakaliit at walang halaga sa mga mata ng tao, ang aming apostolado ay hahantong sa isang mayabong na kahoy na…
Read More

Ika-21 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Sa muli ay inilalahad namin ang magandang balita sa apostolado ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Malaking mga pagsisikap ang ginawa sa huling buwan na ito ng Agosto upang ipalaganap ang debosyon sa Banal na Mukha ni Hesus. Nagawa naming makarating sa pinakamalayong mga pook ng mundo, dala ang kaalaman ng Palmaryano Katolikong Simbahan sa mga dulo ng mundo sa pamamagitan ng isang magandang video ng Banal na Mukha. Ipinresenta sa sampung iba’t-ibang mga wika, ang Pinakabanal at Pinakamagandang Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo ay pumukaw sa mga puso ng maraming mga tao, hihimukin silang mahalin Siya nang mas higit at dalhin palapit sa Kanyang Tunay na Simbahan, na maliit sa bilang subali’t malaki sa kabanalan. Ang lahat ay inaanyayahang pumasok sa maliit na paraisong ito, na ang Simbahan ni Kristo,…
Read More

Ika-20 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Sa Hulyong ito, ang bilang ng mga bumisita sa aming website ay tumaas ng 34% kumpara sa Hunyo. Sa buwan na ito ng Agosto, kami ay nagsasagawa ng isang malaking apostolado, ikinakalat ang debosyon sa Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo, Tagapagligtas ng sangkatauhan at Kaginhawahan ng ating mga puso. Sa kabila ng ilang mga kahirapan, na sa ngayon ay napagtagumpayan salamat sa Diyos, kami ay nakapag-upload sa YouTube ng isang video tungkol sa Banal na Mukha na may pangalawang pamagat sa sampung mga wika. Sa paraang ito, kami ay umaasang makakakamit ng malaking mga pagpapala para sa sangkatauhan buhat sa Eternal na Ama sa pamamagitan ng Banal na Mukha ng Kanyang minamahal na Anak, si Hesukristo.Ang Mehiko ay umakyat sa pangatlong puwesto sa talaan ng pinakamataas na bilang…
Read More

Ikalabinsiyam na Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Ang Hunyo ay mas mapayapang buwan sa bilang ng mga bumisita sa aming website kumpara sa Mayo. Noong Mayo, maraming mga tao ang nakakita sa mga publikasyon tungkol sa Banal na Birheng Maria, ang ating maluwalhating Ina sa Langit, na nangangalaga sa atin nang labis mula sa Langit. Upang mapasaya ang ating Banal na Ina, sa darating na buwan ng Agosto kami ay patuloy na magpapakita sa Kanya ng aming walang kondisyong pagmamahal, nagpapasalamat sa Kanya para sa kanyang banal na pamamagitan sa harap ng Kanyang Anak para sa mga banepisyong nakuha Niya para sa amin. Ang Agosto ay isang napakaespesyal na buwan. Kami ay nag-oorganisa ng isang napakalaking apostolado sa internet upang ipalaganap ang debosyon sa Banal na Mukha ng Kanyang Banal na Anak na si Hesukristo, Tagapagligtas ng…
Read More

18. Ikalabing-walong Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Ang buwan ng Mayo, buwan na dedikado sa Banal na Ispiritu at sa Banal na Birheng Maria, ay isang buwan na malaking tagumpay para sa Palmaryanong apostolado. Ang pangunahing layunin ng Aksyon Katoliko Palmaryanong mga gawain ay upang ipresenta ang malaking bilang ng mga tao sa Ina ng Diyos, sa ilalim ng Kanyang Matamis na Titulo ng Ating Ina ng Palmar Koronada. Ang bilang ng mga bumisita sa aming website ay dumagdag ng mahigit 35 porsyento noong Mayo kumpara sa Abril. Para sa buwan ng Hunyo, buwan na dedikado sa Sagradong Puso ni Hesus, umaasa kaming magpapatuloy na may napakalaking mga bilang. Daang libong mga tao ang makakikita sa mga video at mga larawan ng magandang imahen ng Ating Ina ng Palmar Koronada ang makikintal sa isip ang Kanyang ganda…
Read More

Ikalabimpitong Ulat Sa Website Ng Banal Na Palmaryanong Simbahan

Ang Dakilang Mangingisda ng mga Kaluluwa, Ang Kanyang Kabanalan, Papa Pedro III, ay patuloy na hinihimok ang Aksyon Katoliko Palmaryano na ipagpatuloy ang importanteng apostoladong ito. Inilunsad nang nakaraang labimpitong buwan, ang website na ito ay ginawa bilang instrumento upang ituro ang Tunay na Katolikong Pananampalataya sa maraming mga tao sa iba’t-ibang dako ng mundo. Bago nagkaroon nitong Palmaryanong website, ang lahat ng sinasabi tungkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan sa Internet ay negatibo at mapanira. Ngayon, ang bahagi ng mabuting mga paskil ay tumataas pa lalo, na may malaking mga bunga. Gayundin, marami ring pagtaas ng mga malisyosong lathalain ang napansin, nguni’t maraming mga tao na ang nakapag-isip na may network ng mga kasinungalingan laban sa Simbahan. Ang Palmaryanong Simbahan ay napakaespesyal na pinapangalagaan ng Sagrada Pamilya, Hesus, Maria…
Read More

Ikalabinganim na Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Sa pagdaan ng panahon simula nang inilunsad namin ang website na ito at pataas nang pataas na nakikita namin kung paano ang Banal na Ispiritu ay nagdadala ng liwanag ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan sa iba’t-ibang mga bansang nakakalat sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Una sa lahat, kami ay nasisiyahan na ang bilang ng mga bumisita sa aming website ay umangat ng labindalawang porsiyento noong Marso 2020 kumpara sa Pebrero ng taong ito. Ang bilang ng mga bumisitang patuloy na pumapasok buhat sa Espanya, Brazil at Argentina ay kapansin-pansin. Sa sandaling ito, ang Argentina ay nasa unang puwesto, ang Espanya ay nasa pangalawa at ang Brazil ay nasa pangatlo. Kakatuwa na ang mga bisita mula sa Espanya ay gumugugol nang malaking panahon sa pagtingin sa mga dokumento…
Read More

Ikalabinlimang Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Muli, kami ay magbibigay ng pinakahuling balita mula sa opisyal na Palmaryanong website: direktang Inspirasyon mula sa Banal na Ispiritu upang ipalaganap ang Tunay na Pananampalataya kay Kristo sa buong mundo. Kami ay lubos na nasisiyahan sa bilang ng mga taong bumisita sa amin sa buwan na ito at walang dudang ang aming apostolado ay magreresulta sa milyong mga pagbisita sa hindi malayong hinaharap. May ibang mga bansang bumisita sa amin nang mas madalas kaysa iba, subali’t umaasa kaming masolusyonan namin ang sitwasyong ito sa pag-aaral ng mga bagong paraan sa pagsasagawa ng apostolado. Sa kabila ng masamang publisidad na umiiral laban sa Palmaryanong Simbahan, kami ay umaasang mapagtatagumpayan namin ito sa tulong ng Diyos, pinili naming magkaroon ng kontak sa mga taong masunurin kay Kristo at kay Maria.Kailan lamang,…
Read More