IKA-44 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Ang ulat na ito ay nagsisikap upang matinag ang mga puso noong mga nais na maging matapat kay Kristo para makilala ang tunay na Papa, ang Kanyang Kabanalan Pedro III.  Milyong mga Romano Katoliko ang sumusunod nang may katapatan sa antipapa na ang pamunuan ay nasa Roma.  Sinasabing napakaraming mga tao, marahil daang milyon, ang nagtatanggol sa antipapa, samantalang ang tunay na Papa ay kinikilala bilang Bikaryo ni Kristo ng isang maliit na grupo lamang ng mga mananampalataya.  Ito ay napakaseryosong bagay dahil ang Diyos, Isa at May Tatlong Pagkakaisa, ay binigyan ang Papa ng kapangyarihan para mamuno sa ngalan Niya.  Ang Papa ay Bikaryo ni Kristo.  Pinili ni Kristo si Pedro para pamunuan ang Simbahan, at tayong lahat ay nararapat na sumunod sa mga kahalili ni San Pedro, na…
Read More

IKA-43 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Nais naming iulat na may napakalaking debosyon at pagmamahal sa Banal na Mukha ni Hesus sa mundo.  Maraming mga tao ang nakatanggap ng maliliit na tarhetang may panalangin mula sa Aksyon Katoliko Palmaryano na may malaking sigla at pasasalamat.  Hindi lamang kaunti, nguni’t maraming mga tao ang nabighani sa Banal na Mukha nang sila ay mabigyan ng tarhetang may panalangin.  Lohikal ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ipinamimigay ang banal na mga tarhetang ito ng Banal na Mukha ni Hesus nang walang bayad.  Ang apostolado ng Banal na Mukha ay ginagawa dahil sa pagmamahal sa Ating Banal na Tagapagligtas at hindi sa pinansiyal na kita.  Napakaraming mga tao ang nagkagusto sa mga tarhetang ito ng Banal na Mukha kaya kinailangan naming mag-imprinta pa nang marami sa iba’t-ibang mga bansa.  Kami ay…
Read More

IKA-42 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Viva la Santa Faz!    Ayon sa Katekismo Palmaryano, ang pangunahing debosyon ng Banal na Palmaryano Katolikong Simbahan ay para sa Banal na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo. Sa dahilang ito, sa aming Relihiyosong Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, ang sagot na ibinibigay sa mga utos ng Papa ay laging: Viva la Santa Faz! (Mabuhay ang Banal na Mukha!). Sa sagot na ito, ang pagtalima sa Diyos ay pinoproklama sa pamamagitan ng mga utos ng Banal na Papa na kumakatawan kay Kristo sa mundo. Ang Palmaryanong Moral ay inaatasan ang mga Pari na espesyal na ituro ang tungkol kay Kristong Nakapako. Sa pamamagitan ng pagturo tungkol kay Kristong Nakapako, tinuturuan namin ang mananampalataya na mahalin at gumawa ng reparasyon sa Banal na Mukha ni Hesus, na labis na nalapastangan…
Read More

IKA-41 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Ave María Purísima!Sa panahong ito kami ay magsisimula ng ulat sa pamamagitan ng Palmaryanong pagbati na ”Ave María Purísima, sin pecado concebida” (Ave Maria Pinakadalisay, pinaglihi nang walang kasalanan”).  Ito ay hindi na bagong pasimula ng Palmaryano Katolikong Simbahan, subali’t ito ay isang tradisyonal na pagbati na maaalaala ng nakatatandang mga tao na dati nang ginagamit at naririnig sa lumipas na mga taon.  Kapag ang dalawang Palmaryano ay bumati sa bawa’t isa, sila ay hindi lamang bumabati sa isa’t-isa:  sila ay nagdarasal din, sapagka’t ang “Ave María Purísima, sin pecado concebida” ay isa sa aming pangunahing mga panalangin.  Kapag ang dalawang Palmaryano ay nagsabi ng “Ave María Purísima, sin pecado concebida” sila ay naglulunsad ng isang makapangyarihang pagpapaalis ng demonyo laban kay Satanas at sa kanyang mga kampon.  Kapag ang…
Read More

IKA-40 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Kung ang Langit ay mabuksan at pagnilayan ng lahat ng mga naninirahan sa lupa, isang hindi maisip na bilang ng mga Santo ang makikita.  Kabilang sa mga ito, sa kilalang mga lugar ay ang mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan na namatay pagkatapos na mag-apostata ang Romanong Simbahan noong 1978.  Alam natin mula sa doktrina ng Banal na Apostolikong Simbahan ni Kristo, na ang Palmaryanong Simbahan, na ang Langit ay hindi isang lugar nguni’t estado.  Sa ganitong estado, ang kaluluwa ay nagtatamasa ng makalangit na kaligayahan na hindi maihahambing sa anumang iba pang kaligayahan na alam natin.  Ang Langit ang gantimpala para sa mga kaluluwang tapat sa Diyos na naglingkod  sa Kanya at nagsakripisyo para sa Kanya rito sa lupa.  Sa kabila ng kakila-kilabot na diyabolikong pag-uusig laban dito,…
Read More

IKA-39 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Para roon sa mga hindi pa gaanong alam ang kasaysayan ng Banal na Palmaryanong Simbahan, kinakailangang gunitain ang katauhan ni San Pablo VI, Martir ng Batikano. Bago namatay ang Dakilang Papa na ito ng Romano Katolikong Simbahan, siya ay minanipula at dinruga ng mga kaaway ng Simbahan. Nakapanghihinayang, siya ay hindi nagkaroon ng sapat na suporta mula sa mga Kardinal at mga Obispo upang mapanatiling matatag ang Katolikong Simbahan sa daang tinatahak nito simula nang inilipat ni San Pedro ang Simbahan sa Roma. Kahit na si San Pablo VI (Naging Papa simula 6-19-1963 hanggang 8-6-1978) ay tunay na Papa, napakarami sa kanyang mga Kardinal at mga Obispo ay hindi naging matapat sa Simbahan. Lahat ng uri ng mga erehya, mga Freemason, mga Komunista, at iba pa, ay naipasok sa Romanong…
Read More

IKA-38 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Ang Palmaryano Katolikong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Ito ay isang napakaseryosong bagay. Ito ay isang bagay na hindi dapat pagtawanan tulad ng ginagawa ng iba, na tinatawag itong isang sekta. Iyong mga tumatawag dito nang ganoon ay nagpapakita ng malaking kamangmangan. Dahil hindi nila ito nauunawaan, pinupulaan at pinagtatawanan nila ito, sa ganoong paraan ay nagpapakita ng kakulangan nila sa karunungan at edukasyong pangrelihiyon. Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay pinili ang nayon ng El Palmar de Troya para sa Kanyang malaking Aparisyon noong 1968 sa napakamahalagang mga kadahilanan. Bago ang Aparisyong iyon sa El Palmar de Troya, ang sumusunod ay tinuran na sa pamamagitan ng propesiya sa mga Aparisyon sa Ezquioga, Espanya, nang ang Ating Panginoong Hesukristo ay nagsabi: “Magkakaroon ng mga palatandaan bago maganap…
Read More

IKA-37 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Noong ika-13 ng Oktobre, 1917, ay nagkaroon ng kaganapan mula sa langit sa Fatima nang ang Pinakabanal na Birheng Maria ay isinakatuparan ang kanyang pangakong gagawa ng isang malaking himala sa araw na ito sa harap ng 100,000 mga tao. Sa ganito ring paraan, ang Imakuladang Birheng Maria ay nangako na gagawa ng isang Malaking Himala sa Sagradong Lugar ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya upang ipakita sa mundo na ang Isa, Banal Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan ni Kristo, na inilipat doon dahil sa pag-apostata ng romanong simbahan. Kapag ang malaking himalang ito ay maganap, ang Birheng Maria ay makikita sa itaas ng malaking Katedral ng El Palmar ng lahat ng mga nakatira sa mundo. Ang Banal na Palmaryanong Simbahan sa panahong…
Read More

IKA-36 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Bawa’t buwan kami ay nagpepresenta ng ulat na ito para makapagbigay ng ideya kung ano ang nangyayari sa aming website. Tatlong taon na simula nang kami ay mag-umpisa. Ang mahalaga ay nagkaroon na ng mga kumbersiyon. Hindi marami, nguni’t oo, may mga bagong mananampalataya. Sa kabila ng lahat ng masasamang inilathala laban sa Palmaryanong Simbahan, ang Banal na Simbahang ito ay nalalampasan ang lahat ng mga balakid at nakapagpapaligaya nang lubos sa Banal na Pundador nito, ang Ating Panginoong Hesukristo. Ang tagumpay ng Palmaryano Katolikong Simbahan ay malapit na. Ikonsidera natin na si Hesus, Tagapagligtas ng tao, ay nagpapatuloy sa Kanyang gawaing pagligtas sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan, na ngayon ay ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Nais mong paligayahin si Hesus? Maging kasapi ng Kanyang Simbahan at…
Read More

IKA-35 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Sa Ulat na ito ay nais naming magpasalamat doon sa mga tumulong sa amin nang marami sa pamamagitan ng kanilang nakasisiglang mga komentaryo sa iba’t-ibang mga website. Tinutukoy namin iyong mga hindi kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan, subali’t malinaw na nakikita ang mabuting gawain na aming ginagawa. Halimbawa, ang aming videong “The Glory of the Church” ay nakatanggap ng ilang magandang mga komentaryo, tulad nitong isa, halimbawa: “Kapapanood ko pa lamang ng video. Pantastiko! Kahanga-hanga! Kaakit-akit! Imposibleng pagkatapos mapanood ito ay hindi mag-alab ng pagmamahal at debosyon! Nasaan ako sa napakaraming mga taong malayo sa ganoon kadakilang ganda at kariktan! Salamat sa inyong lahat sa pagshare nito!”Naniniwala kaming ang bilang ng mga masamang komentaryo ay higit na mas mataas kaysa sa mabuti. Binura namin ang mga komentaryong ito dahil…
Read More