Ika-54 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Ika-54 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
Kami ay naghahanap ng mas maraming mananampalataya para sa Tunay na Simbahan ni Kristo. Ang huwarang tao ay isa na hindi gusto ang mga bagay ng mga pagano. Ang pagano ay isang taong may gusto sa kabaligtaran ng gusto ng mga Palmaryano. Ang mga Palmaryano, ibig sabihin, ang mga mananampalatayang miyembro ng Banal na Palmaryanong Simbahan, ay nasisiyahan sa pagdarasal. Gusto nilang makipag-usap sa Diyos, makinig sa sinasabi sa kanila ng Diyos o nagbibigay-inspirasyon sa kanila, at iniiwasan nilang magsuot ng mga bagay na hindi angkop para sa mga anak ng Diyos. Sa nakalipas na mga taon, ang mga singsing sa ilong ay pangunahing isinusuot ng mga toro. Ngayon, maraming tao ang nagsusuot ng singsing sa ilong, kahit na nakakainis ang mga ito kapag mayroon kang sipon o kapag ang…
Read More
Ika-53 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Ika-53 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
May isang kabataang babae na gumugol ng kanyang mga araw na nagdulot ng labis na kalungkutan kay Hesus dahil sa paraan ng pananamit niya, na nakakaakit sa mga lalaki. Naging matiyaga si Hesus sa kanya at isang araw ay muling minahal ng dalaga si Hesus at tumigil siya sa pagsusuot ng mapanuksong pananamit. Marahil ang kanyang intensyon ay hindi makapukaw, ngunit iyon ang nangyari nang magsuot siya ng miniskirt at masikip at naaaninag na damit. Siya ay isang halimbawa para sa ating lahat, at kailangan nating baguhin ang ating paraan ng pananamit kung tayo ay nagdudulot ng pinsala sa iba dahil dito. Mas mabuting hampasin ang isang tao kaysa udyukan siya na magkasala. Mas madaling madaig ang dagok kaysa magkaroon ng impeksyon sa kaluluwa sa pamamagitan ng pagkakasala kay Hesus.…
Read More
Ika-52 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Ika-52 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
Ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan, ang Tunay na Simbahan ni Kristo, ay may misyong palawakin ang Kaharian ng Langit sa Mundo. Ang Langit ay isang lugar ng perpektong kaligayahan kung saan ang mga Anghel at mga Santo ay nakatira, ang lahat ay nagpupuri at nagluluwalhati sa Diyos. Ang Tunay na Simbahan, at hindi ang ibang mga simbahan, gaanong buti man sila sa tingin, ay may banal na misyon ng pagturo at paggawa ng Banal na Pagsamba upang palawakin ang kaluwalhatian ng Diyos dito sa Mundo. Sa dahilang ito, ang Simbahan ay hindi maaaring manatiling walang ginagawa sa harap ng napakaraming ispiritwal na kasamaan na ngayon ay naghahari sa mga kaluluwa. Ang Simbahan ni Kristo ay kinakailangang magturo kung ano ang mga tungkulin ng mga tao sa Diyos. …
Read More
Ika-51 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Ika-51 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
Malapit na ang malaking kapistahan ng Pinakabanal na San Jose ng Palmar Koronado. Ang estatwa ng Kabanal-banalang Jose ay ginawa para sa Banal na Palmaryanong Simbahan noong 1983. Noong Enero 1,1984, ang imaheng ito ay pinakasolemneng kinoronahan ni Papa San Gregoryo XVII, ang Napakadakila kasama ang noo'y Pinakareberendo Padre Isidoro Maria, na kalaunan ay Papa San Pedro II, ang Dakila, at kasama ang noo'y Reberendo Padre Elias Maria ng Banal na Mukha, kalaunan ay San Elias Maria ng Banal na Mukha. Ang tatlong taong ito na magiliw na naaalaala sa Palmaryanong Simbahan na nagsagawa ng koronasyon kalaunan ay nakakuha ng kanilang sariling mga korona sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga titulo ng mga Santo, na ibinigay sa kanila ng Banal na Simbahan ng Diyos.    Ang kapistahan ng Pinakabanal na…
Read More
IKA-50 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

IKA-50 Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
Natagpuan ng isang lalaki ang aming website sa Internet. Binasa niya ang mga dokumento at pinanood ang aming mga video. Napagpasyahan niya na ang Palmaryano Katolikong Simbahan ang isang malaking katotohanan. Binasa niya ang lahat ng mga aklat na natanggap niya mula sa Palmaryanong Simbahan at niyakap ang Tunay na Pananampalataya pagkatapos gumugol ng ilang buwan bilang katehumen. Ang katehumen ay isang taong tumutupad sa mga tuntunin ng Simbahan sa loob ng isang panahon bago matanggap sa Simbahan, isang panahon ng paghahanda upang maging bahagi ng Mistikal na Katawan ni Kristo, na siyang Tunay na Simbahan. Ngayon ay naghahanda na siya sa isa pang mahalagang hakbang sa kanyang buhay. Ang kanyang pagnanais ay makapasok sa Orden ng mga Carmelitas ng Banal na Mukha. Ang diyablo ay ayaw ng mas maraming…
Read More
IKA-49 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

IKA-49 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Mula sa mga komentaryo na ginawa sa ilang mga website, may mga tao, marahil marami, na nag-aakala sa atin na baliw, erehe, mapanlinlang na mga pari at isang libong iba pang katulad na mga bagay.  Bakit nga ba napakahirap makita at tanggapin ang Tunay na Simbahan? Kung tayo ay bumaling sa Kalbaryo, makikita natin doon ang Anak ng Diyos, halos hubad, na ipinako sa Krus, naghihirap sa loob ng tatlong oras sa dalawang kahoy na biga na pinagdugtong upang gawing katawa-tawa si Hesus hangga't maaari. Ito ay isang katotohanan na tinatanggap ng lahat ng mga Kristiyano.  Tanggap na nila ngayon dahil napatunayan na ang katotohanang ito.  Ang patunay ay nabuhay si Kristo mula sa mga patay pagkatapos ng mga kalupitan na ginawa nila sa Kanya.  Ang maraming himala ni Kristo…
Read More
IKA-48 ULAT SA WEB PAGE NG BANAL NA PAMARYANONG SIMBAHAN

IKA-48 ULAT SA WEB PAGE NG BANAL NA PAMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Ang dakilang misyon ng Banal na Palmaryanong Simbahan ay nagbibigay sa atin ng malaking kapayapaan at katahimikan dahil ang Diyos Espiritu Santo ay ang Tagataguyod ng misyong iyon. Ano ang misyon na iyon? Ito ay isang doktrinal, disiplina at liturhikal na pagpapanibago, na hindi pa nakikilala sa Simbahang Katoliko. At bakit ito ginagawa ngayon? Buweno, dahil sa sandaling ito ang Simbahan ay nabawasan sa isang maliit na bilang, at ang mga mananampalataya ng bilang na iyon ay napakatapat at nagsasagawa ng Pananampalatayang Katoliko nang may malaking dedikasyon at pagkamasunurin. Ito mismo ang kailangan ng Espiritu Santo: pagiging masunurin sa Kanyang banal na mga inspirasyon. Ang mapagpakumbabang mga kaluluwa ay yaong mga gumagawa ng kalooban ng Diyos dahil mahal nila ang Diyos at gustong maglingkod at magbigay-lugod sa Diyos sa lahat…
Read More
IKA-47 ULAT SA WEB PAGE NG BANAL NA PAMARYANONG SIMBAHAN

IKA-47 ULAT SA WEB PAGE NG BANAL NA PAMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Una sa lahat, tayo ay magsasagawa ng malinaw na mga palatandaan na ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan.  Oo, ang totoo:  hindi isang sekta na inaangkin ng maraming mga mangmang sa maraming lugar.  Ang Tunay na Simbahan ay nangangahulugang ang tanging Simbahan na tapat kay Kristo at ang tanging Simbahan na nagtataglay ng Eukaristikong presensya ni Kristo.  Ang Tunay na Simbahan, tapat sa tamang doktrina, ay ang Palmaryanong Simbahan.  Dahil dito, bagama't may nagsasabi na ang Palmaryanong Simbahan ay isang sekta, ipinahahayag namin na ang Palmaryanong Simbahan ay ang Tunay na Simbahan.     Upang malinaw na maunawaan kung bakit sigurado tayo na ito ang Tunay na Simbahan, gagawa tayo ng paghahambing sa pagitan ng kung ano ang nangyayari sa Langit at kung ano…
Read More
IKA-46 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

IKA-46 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Ang Simbahan ni Kristo ay Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano.  Si Kristo ang Unibersal na Hari, ang Pinakabanal na Maria ay ang Unibersal na Reyna.  Bilang Reyna, ang Banal na Birheng Maria ay nararapat na igalang ng lahat ng mga tao.  Tayo ay nabubuhay sa napakahirap na panahon, isang panahon na kung saan iyong mga nagmamahal at nagsisilbi sa Reyna ng Langit ay nagdurusa sa katotohanang napakaraming mga tao ang humahamak sa Kanya.  Sa anumang paraan ay sinusubukan nilang paliitin ang pigura ni Maria, ang Ating Ina sa Langit.  Maraming mga banal ang nagsasabing ang Imakuladang Birheng Maria ay mabuting babae.  Subali’t ang salitang “mabuti” ay walang kahulugan kung sa parehong pagkakataon ay itinatanggi nila na si Maria ay ang Imakuladang Birheng Maria.  Iyong mga itinatanggi ang Kanyang pagiging…
Read More
IKA-45 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

IKA-45 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Para matuklasan ang katotohanan tungkol sa Tunay na Simbahan, ang isang mahalagang bagay ay ang maniwala sa katotohanan.  Ang isang katotohanan ay ito:  Si Clemente Domínguez y Gómez, ngayon Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ay tumanggap ng Mga Mensahe mula sa Langit.  Marami ang nagsasabi na ito ay maaaring hindi totoo sapagka’t siya ay isang makasalanan.  Nguni’t ito ay mas lalo pang katuwiran para paniwalaan na maaaring siya ay tumanggap ng mga Mensahe mula sa Langit, sapagka’t siya mismo ang itinatama ng Langit.  Ang isang santo ay hindi na kailangan pang bigyan ng napakaraming mga mensahe.  Ang mga mensahe ay ibinigay para sa kumbersiyon ng mga makasalanan, at dahil ang mundo ay puno ng mga makasalanan, ang Diyos ay pumipili ng isa sa kanila at hinihipo ang kanyang puso…
Read More