Babala Tungkol Sa Internet
Kahit matatagpuan sa internet ang mga kapaki-pakinabang at mabubuting bagay, alam din natin na ito ay espasyo na kung saan ang mga iresponsableng hindi nagpapakilala at walang kahihiyang pagkapoot ay nakalulungkot na nagpapaligsahan, napapaligiran ng napakasasamang mga kasinungalingan. Ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan ay biktima ng ganoong klase ng mga atake na hindi nito linikha.
Ang Palmaryanong Simbahan ay buong panlilinlang at buong katusuhang inaatake sa Kanyang mga kasapi at sa Kanyang doktrina. Mga bagay na sinasabi tungkol sa Kanyang mga Papa na masakit nang ulitin pa, partikular kay San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ang unang Papa na may Pamunuan sa El Palmar de Troya. Ang mga kamalian ng ubod ng samang mga kasinungalingang iyon sa simula ay mapaghihinalaan na sapagkat simpleng nakikita na dahil sa malinis at pinong katusuhan ay ginagawa nilang basehan ang kunyari ay mga katotohanan na sa sarili nito ay walang katiyakan. Dagdag pa, si San Gregoryo XVII – tulad ng kanyang naunang hinalinhan, si San Pedro I ang Napakadakila, kahit na bilang Papa ay hindi niya pinayagan na sa mga Ebanghelyo ay itago ang kanyang mga pagkakamali at mga kasalanan – kailan man ay hindi niya itinago ang kanyang tunay na mga kasalanan at mga depekto: ang sino mang may nais na malaman ang mga iyon ay dapat lamang na basahin ang kanyang ika-dalawampu’t pitong “Pontifical Document”, o ang kanyang “Heavenly Vision” simula ika-21 ng Enero, 2001.
Higit pang nakamamanghang mga bagay ay sinasabi tungkol sa doktrina: dumating na sa puntong dapat manindigan, halimbawa, na si Hitler ay ginawang santo o kinanonisa ng Palmaryanong Simbahan. Ang kamalian ng kasinungalingang ito ay madaling mapatutunayan sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng “Palmarian Ecclesiastical History” na ginawa ni San Pedro II ang Dakila – ang ikalawang Papa na may Pamunuan sa El Palmar, na kung saan ay mahigpit at may katiyakang ginawang kanya mismo ang pagkondena sa nasismo ng nauna sa kanyang Papa, si Papa San Pio XI. Read More
Sipi mula sa ‘Palmarian History of the Church’ tungkol kay Adolf Hitler, napakalaking kaaway ng Katolikong Simbahan.
4. Nasismo. Adolph Hitler. Ang Pagkondena sa Nasismo ni Papa San Pio XI: Ang Nasismo ay idolohiyang isinulong ni Adolph Hitler, katutubo ng Austria, na sumusunod sa kaparehong doktrina tulad ng pasistang totalitaryo. Sa paraan ng mga diskurso, si Hitler ay naglunsad ng kilusang pan-Alemanya. Nakuha niya ang suporta ng mga pangkaraniwan, mga walang trabaho at mayor na Industriyalista na nagbunsod sa kanyang partido para maging pinakamalakas na grupong parlyamentaryo at ipinagkatiwala sa kanya ang pagiging Kanselor ng Alemanya, na naganap noong Enero 1933 nang siya ay tinawag para sa puwestong iyon ni Paul von Hindenburg, Presidente ng Republika ng Weimar. Nang taong iyon ay lumagda ng opisyal na kasunduan o ‘Concordat’ ang Banal na Pamunuan at ang Alemanya, sa layuning matahimik na mapangalagaan ang kalayaan ng Katolikong relihiyon sa bansang iyon. Nang makita ni Hitler na matatag siya sa kanyang kapangyarihan, ay naglunsad siya ng malupit na pagsupil kontra sa kanyang mga kalaban at kahit na sa sarili niyang mga kakampi na pinagdududahan niya ang katapatan. Kahit na may ‘Concordat’ o opisyal na kasunduan, ang partido ni Adolph Hitler na naninindigan sa rasista at totalitaryong mga aspirasyon ay nagsimulang gumawa ng hakbang kontra sa Katoliko ukol sa mga karapatan ng Simbahan. Makaraang mamatay si Hindenburg noong 1934 ay pinagsama ni Hitler ang pagiging Presidente at Kanselor kung saan ay itinatag niya ang ‘Third Reich’ o Pangatlong Kaharian. Tulad ng Pasismo ng Italya, ang Nasismo ay itinataguyod ang totalitaryo ipinakikilala ang sarili bilang kaaway ng ibang mga sistema na kasing-sama rin nito tulad ng demokrasya, liberalismo sa politika, Judaismo at Marxismo. Si Adolph Hitler, tulad ni Mussolini ay malakas na naimpluwensiyahan ng kontra sa Kristiyano at mga teoryang rebolusyonaryo ng palaisip na Pranses na si Georges Sorel at ang masamang Alemang pilosopong si Frederick Nietzsche, na kinokonsidera ang moralidad ng Kristiyano bilang moralidad ng alipin at ipinroklama ang teoryang ‘superhuman’ o mahigit sa tao bilang pinakamataas na estado ng sangkatauhan, kung kaya ang mahinang mga tao at mga walang pakinabang ay dapat alisin o patayin.
Ganoon pa man, ang sari-sari at kailan man ay hindi pa nagagawang kahalintulad na mga atake ay hindi dapat na makasorpresa sa atin nang lubusan: kahit na, ang Kanyang Banal na Nagtatag mismo, si Kristo Hesus, ay inakusahan bilang lapastangan sa Diyos at nasasapian ng masamang espiritu, at iniharap sa napakawalang katarungang paghuhusga sa panahon ng Kanyang Napakabanal na Pasyon. Kahit na totoo na ang mga atake sa Palmaryanong Simbahan ay hindi nila mismo napatutunayan na ito ang tunay na Simbahan, ang mga iyon ay nananatiling natatanging detalye na halos sa lahat ng Kasaysayan laging kasama ang matapat na mga tagasunod ni Hesukristo, at ang Kanyang Pinakabanal na Ina, ang Birheng Maria.
Inaanyayahan namin ang lahat ng nahantad sa “impormasyon” tungkol sa Palmaryanong Simbahan na nagkalat sa internet na ikonsidera ito nang may pag-iingat o hinahon at sentido komon na kinakailangan ng lahat sa nakalathala sa internet, subalit higit sa lahat, na sundin ang hindi maaaring magkamaling payo at babala ni Kristo: “Sa pamamagitan ng kanilang mga bunga o mga gawain, makikilala ninyo sila”. Ikonsidera ang pagsambang ginagawa sa Palmaryanong Simbahan para sa Diyos, para sa Kanyang Pinakabanal na Ina at para sa mga Santo; suriin ang Doktrina nito, matapat sa Katolikong tradisyon sa lahat ng panahon at lubhang pinagyayaman ng mga dogmatikong pagtatakda at dalubhasang mga aral; lasapin ang matamis at masiglang ispiritwalidad na nagmumula sa mga dasal at mga himno na nagbibigay ng sustansiya sa “Palmarian Devotionary” at “Hymnal”. Lapitan ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan nang walang hindi matwid na mga palagay, maging tanggapin nang walang makatwirang pag-aanalisa ang kanilang sinusubukang igiit – doon sa mga tila nais na itago ang Araw ng Palmar sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
Ang Media
Ipinagbibigay-alam namin sa lahat ng mga mamamahayag sa media, ng anumang uri (telebisyon, radyo, diyaryo, at iba pa) na wala kaming interes na makipag-ugnayan sa kanila, unang-una dahil sa publiko at kilalang-kilalang mga ebidensya na hanggang sa ngayon ay lagi nilang ikinakalat na uri at mga aktibidad ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan sa paraang nakakalinlang o kaya ay nakalilito, kung hindi man lantarang paninira at nakakasakit na paraan.
Sa panahong makita naming may malinaw at maaaring maliwanag na pagbabago sa kanilang asal sa panig ng Banal na Simbahan ni Kristo at ni Maria, ay maaaring ikonsidera namin ang posibilidad na magbigay sa kanila ng impormasyong hinihingi nila.
Ilang pananalita para sa mga kaaway ng Banal na Palmaryanong Simbahan
Ang mga kaaway ng Palmaryanong Simbahan ay hindi natatahimik sa mundo. Wala silang tunay na kaligayahan at kahit kailan ay hindi sila magkakaroon nito. Sinusubukan nilang bigyang katuwiran ang kanilang mga pag-apostata mula sa tunay na Kawan, na kung saan sila ay malaya at boluntaryong dating kasapi. Inudyukan ni Satanas, ay may katusuhan silang atakehin at labanan ang Simbahan. Kawawang mga tao, ano ang kanilang sasabihin sa kanilang Partikular na Paghuhukom? Anong mga dahilan magkakaroon sila? At ang Ating Panginoon ay sasabihin sa kanila: Ang inyong eternal na tirahan ay Impiyerno, kung saan kayo ay totormentuhin nang walang katapusan, sa gayon ay matatanggap ninyo ang inyong gantimpala sa paglaban sa Aking Esposa ang Simbahan.
Iyong mga gumagawa laban sa Banal na Palmaryanong Simbahan ay dinagdagan ang kanilang mga pagsisikap para pagtawanan ang ating Banal na Simbahan. Nagsasalita sila ng mga kalokohan nang walang ipinipresentang matinong argumento. Ang matalino at may kababaang-loob na mga kaluluwa ay nagsasalita nang may pag-iingat at base sa katotohanan, samantalang ang mapagmataas na mga tao ay labis na eksaherado sa kanilang sinasabi para magmukhang mas matalino kaysa sa iba.
Sa isang lugar sa internet, ang isang dating Obispo ng Banal na Palmaryanong Simbahan na hindi man lamang sumunod sa Banal na mga Patakaran nang nasa Orden, kahit na sa Pangako sa Banal na Pagtalima, at ngayon ay walang pag-aalinlangang namumuhay sa napakalaking kasalanan laban sa Espiritu Santo, at sakrilihiyosong nakikisama sa isang babae, na alam niya na siya ay isang Pari hanggang pa man ayon sa Orden ni Melquisedec, ay nagbigay ng sumusunod na mga halimbawa ng walang katotohanang mga kasinungalingan, na kahit siya mismo sa kanyang sarili ay hindi naniniwala:
Sinasabi niya na sa panahon ng mga Prusisyon Eukaristiko sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, “ang mga bata ay brutal na tinatrato dahil sila ay pinipilit na magdala ng mabibigat na mga larawan sa mahigit isang oras”. Sa kaunting mga salitang ito ay nakatagpo kami ng malaking mga kasinungalingan. Ang mga bata ay nagpapartisipa sa mga Prusisyon Eukaristiko dahil nais nila, dahil nasisiyahan sila dito at kapag hindi nila kaya, kung minsan sila ay nagsisimulang umiyak. Ang Banal na mga larawang dinadala nila ay magaan. Wala itong salamin kung kaya ang mga ito ay magaan lamang. Dinadala nila ang mga larawan sa kalahating oras at hindi mahigit sa isang oras.
Sinasabi niya na ang mga bata ay naiinip sa mga Misa Pontipikal: Tulad ng sa alinmang relihiyosong pagdaraos, kung minsan ang mga bata ay naiinip, totoo, subalit gayon man, kapag ang mga bata ay sinabihang hindi sila makadadalo sa mga Misa Pontipikal, dahil sa may pasok sa eskwela, sila ay lubos na nalulungkot. Ang mga bata ay gustong-gustong maging presente sa mga Misang ito, dahil gusto nila ang sagradong mga musika at ang magandang tradisyonal na mga himno, na nakapupukaw sa kanila ng debosyon at pagmamahal sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria. Gusto rin nila ang pagsigaw ng mga Viva sa Papa.
Sinasabi niya na si Papa Pedro III ay isang nakayayamot o nakaiinip na tao. Sa pangkalahatan, ang isang tao ay maiinip o mayayamot sa taong hindi niya kagaya. Dahil ang Papa ay isang taong nagsasabi ng katotohanan, ang mga sinungaling ay nakayayamot o nakakainip ang tingin sa kanya. Gayundin, dahil ang Papa ay nagdaraos ng mga Misa Pontipikal araw-araw sa parehong paraan, sinasabi nilang ito ay nakayayamot o nakakainip. Nguni’t hindi ito ang kaso, nais niyang ipagpatuloy ang pagdaraos ng Banal na Misa na may kaparehong perpeksiyon tulad ng Papang nag-establisa nito. O kinakailangan pa ba nating gumamit ng mga gitara at ibang modernong mga instrumento, tulad ng ginagawa nila sa huwad ng mga simbahan, para mapanatili nilang masaya ang kanilang mananampalataya?
Sinasabi niyang ang Papa ay hindi nakikipag-usap sa media. Hindi rin siya nakikipag-usap sa mga Hari o sa mga pinuno ng estado. Hindi rin siya nakikipag-usap sa mga pinuno ng ibang mga simbahan. Ang aming posisyon ay napakaliwanag. Ang sinumang nais makipag-usap kay Papa Pedro III, dapat siyang tunay na makumbert muna sa Palmaryanong Simbahan at ang Papa ay magiging kanyang Ispiritwal na Ama at mas higit pa. Ang lahat ng nakakakilala sa kanya at may kaugnayan sa kanya, ay alam na siya ay napakaedukado, mabait at isang responsableng tao. Maraming nag-apostatang mga Obispo at mga madre na may kababaang-loob na humingi ng kapatawaran nang walang mga kondisyon ay bumalik na sa Banal na Orden.
Sinasabi niya na si Papa Pedro III ay walang kaalaman. Buweno may kaalaman siyang pangalagaan ang Banal na Palmaryanong Simbahan sa isang posisyon na nakapagpapagalak sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria. Pinananatili niya ang alab at debosyong buhay sa mga kaluluwa ng mga kasapi ng Simbahan sa pamamagitan ng kanyang Apostolikong mga Sulat at ibang ispiritwal na mga gawain. Dagdag pa, ang Papang ito ay nararapat sa titulong Dakilang Apostol ng Palmaryanong Gawain sa napakaespesyal na paraan, dahil, sa Probidensiya ng Diyos, siya Ang Papa na nagpapalaganap ng kaalaman sa mga Aparisyon sa El Palmar de Troya at ng Banal na Palmaryanong Simbahan sa maraming panig ng mundo na hanggang sa ngayon ay wala pang kaalaman sa ganoong ispiritwal at doktrinal na ganda.
Sinasabi niya pa rin na ang kasalukuyang Palmaryanong Papa ay walang preparasyon para maging Papa. Buweno, ang katotohanan ay natutuhan ni Papa Pedro III ang lahat ng kinakailangan niya sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Totoo ang katotohanang hindi siya nag-aral sa kolehiyo, subali’t, ganoon din ang unang Papa San Pedro. Ang Diyos ay pinipili iyong hindi pipiliin ng mundo para gumawa ng dakilang mga gawain. Sa paraang ito ay nakikita natin kung paano ang Banal na Espiritu ay umaakto sa dakilang mga gawain ng ilang piniling mga kaluluwa na kanilang nagawa. Halimbawa: isang bulag na Papa, San Gregoryo XVII Ang Napakadakila, ay isinagawa ang dakilang reporma sa Banal na Bibliya. Para makita ang kamay ng Diyos, ay pinili Niya ang isang bulag na lalake para ipahayag ang ilang napakaimportanteng mga doktrina sa kasaysayan ng Simbahan.
Sinasabi niya na si Papa Gregoryo XVII at ang ibang mga kasapi ng aming orden ay hindi nagkaroon ng magandang moral. Tanging Diyos lamang ang nakaaalam nito. Tatanungin ko iyong mga bumuo at nagpalaganap ng mga paghuhusgang ito. Kayo ba ay may magandang moral? Nakapanood na ba kayo ng malaswa o kaya pornograpikong mga video o mga pelikula? Marahil kayo ay malinis ang puso at kaluluwa para ituro ang inyong mga daliri sa iba at para maghagis ng unang bato. Mga Ipokrito, mga pariseo! Ilan sainyo ang puno ng karima-rimarim na nakatagong mga kasalanan! Si Papa Pedro III, masayang naghahari, ay hindi pinapayagan ang anumang uri ng bisyo kahit kailan.
Sinasabi nila na ang mga ekstasi ni Clemente Domínguez y Gomez, ngayon Papa San Gregoryo XVII, ay kunwari lamang; subali’t iyong mga nakakita sa kanyang mga ekstasi ay hindi ganoon ang iniisip. Kahi’t na papaano marami sa mga nakakita sa kanyang mga ekstasi ay labis na humanga. Isasalarawan namin ang isang ekstasi na nagkaroon si San Gregoryo XVII sa bahay ng Papa sa Sevilla noong ika-24 ng Enero 2001. Habang si San Gegoryo ay nasa ibabaw ng tatlong hakbang na plataporma, dagli, sa isang iglap siya ay nakaluhod sa sahig na nakabukas ang mga bisig nakatingin sa Langit. Paano naming nalaman na hindi iyon peke? Alam namin na ang isang limampu’t apat (54) na taong gulang na lalake na mababa at may katabaan, at may rayuma, ay hindi magagawa ang ganoong bagay. Kung siya ay kabataang sirkero possible, pero para sa isang lalake sa kanyang edad na may rayuma iyon ay imposible. Buweno ngayon may ibang tao na laging sasalungat sa katotohanan at sasabihing iyon ay gawa ng demonyo. Ang mga nakakita ay nagsasabing iyon ay isang ekstasi mula sa langit dahil sa kapayapaan at ispiritwal na kaligayahang naeksperyensya ng seer sa momentong iyon. Wala na kaming maidadagdag pa. Ang sinumang ayaw maniwala, kailan man ay hindi maniniwala, kahit pa ang lahat ay sinabi na at ipinaliwanag.
Sinasabi niya na ang lahat ng sumusunod sa mga Aparisyon ng Birheng Maria sa El Palmar de Troya ay walang pinag-aralan. Mababasa ninyo ang tungkol sa ibang pumunta sa El Palmar de Troya sa aming website dito. Sa pagbabasa sa kanilang mga buhay, naniniwala kami na walang napakasira ang ulong magsasabi na sila ay mga taong walang pinag-aralan.
Sinasabi niya na ang lahat ng naniniwala, mga Palmaryanong mananampalataya sa pangkalahatan, ay mga may deperensiya sa utak at may mga problemang sikolohikal. Lubhang kabaliktaran: sila ay mga napakaedukadong tao, normal na mga tao na nais na panatilihin ang parehong dating pananampalataya ng kanilang mga ninuno, mga magulang, mga lolo at mga lola. Mayroon silang liwanag, karunungan para maunawaan na ang Diyos ay hinding-hindi magbabago, sa halip ang tao ang nagbago ng mga bagay. Ang dati ay isang kasalanan, ngayon ay hindi na?
Sinabi rin na ang unang apat na kabataang mga babaing nakakita sa Birheng Maria sa Lentisko noong ika-30 ng Marso 1968, ay wala sa paaralan nang araw na iyon, at para hindi mapagalitan, sila ay umimbentong nakita ang Birhen. Ang media ay nahulog sa sarili nilang patibong ng mga kasinungalingan, dahil sa tunay na katotohanan, ang ika-30 ng Marso 1968 ay pumatak sa Sabado- at walang pasok sa eskwela ng araw na iyon!
Sinasabi rin ng media na sa Banal na Palmaryanong Simbahan, ang lahat, halos ang lahat-lahat, ay kasalanan. Isa pang kasinungalingan: tanging ang lahat ng kumokontra sa mga Utos at mga Batas ng Diyos, kapag may ganap na kagustuhan at ganap na pagsang-ayon, ay kasalanan, tulad ng lagi nang itinuturo ng Katolikong Simbahan.