Ang mga Aparisyon ng Ezquioga
Simula noong ika-30 ng Hunyo 1931, at sa loob ng tatlong taon, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita sa maraming mga bata sa isang bahagi ng bundok sa Ezquioga, tinatawag ding Ezkio, malapit sa Zumárraga, Guipúzcoa, Espanya. Ang una ay sina Antonia Bereciartu, labingisang taong gulang at sa kanyang kapatid na si Andrés, pitong taong gulang. At may iba pa ang nadagdag, hanggang nagkaroon ng maraming dosenang mga seer. Ang karamihan ay mga taong taganayon; nagkakaisa, matuwid, mababang-loob at matulungin, hindi suplado at walang pakialam sa sasabihin ng tao, sa isang salita, lubos na normal.
Maraming mga mananampalataya ang dumating; kung kaya noong ika-4 ng Hulyo ay mahigit sa limandaan na ang nagtipon-tipon sa lantad na lupa na may maraming mga Pari para magdasal ng Rosaryo; at sa sumunod na mga araw ay mahigit apatnapung libo.
Hindi nagtagal, tulad ng pangkaraniwan, may mga taong naalarma sa buhos ng ganoon karaming mga tao. Ang hindi relihiyoso at mga kaaway ng sobrenatural, nagsisikap na labanan ang ganoong mga kaganapan ukol sa relihiyosong pananampalataya, tinawag ang mga iyon na katawa-tawa at mapanlinlang, pineke ng oportunistang mga indibidwal. Ganoon din ang mga politikong may iba’t-ibang mga ugali, tulad ng mga nasyonalistang Basque at pamahalaang mga ripablikan; ang lahat ay dahil hindi ang mga iyon tumutugma sa kanilang mga interes.
Ang pinunong Obispo ay desterado sa Pransya dahil kontra sa rehimeng ripablikan, at natural lamang na ang konsentrasyon ng karamihan ng mga taong iyon ay nakatormento sa pamahalaang ripablikan sa Madrid, na nagsimulang maglagay ng mga harang patungo sa mga Aparisyon at inantala at inalisan sila ng kredito sa lahat ng paraang maaari nilang gamitin, at gawin ang mga awtoridad ng simbahan na responsable sa pagsuporta sa ganoong mga kaganapan, na anila ay kontra sa mga repablikan, na pinahirapan ang Relihiyon sa pagsunog ng mga simbahan at relihiyosong mga gusali, tulad ng naganap ilang buwan ang nakaraan.
Dapat ay may ugnayan sa pagitan ng sibil at relihiyosong mga kapangyarihan at ang pagpayag ay dapat na bayaran sa pamamagitan ng ilang mga konsesyon ng diyosesis… Ilang panahon ang lumipas, ay dumating ang kondinasyon sa mga Aparisyon ng mga maykapangyarihang kurya ng Vitoria. Tulad ng madalas mangyari sila ay tinambakan ng katatawanan at anathema, at nalibing sa pinaka-Olympic na ‘pagkalimot’. Ang impormasyon at mga komunikasyong media (mga diyaryo, mga magasin, mga pahayagan) ay ginawa ang mga hakbang para magkalat ng maling impormasyon, na madalas mangyari, binabanggit ang panlilinlang at pamemeke, at natural itinatago ang mga bagay na nais nilang itago.
Ang pinuno ng pamahalaang Espanya, freemason na si Manuel Azaňa, nakagamot na nang malalim sa komunismong idolohiya, ay naniwala na ang Ezquioga ay maaaring maging isa pang Covadonga, o ika-2 ng Mayo, na isang Katolikong muling pagkabuhay, dahil sigurado ang mga Aparisyon sa Ezquioga ay napakagaling magsalita sa mga pangangailangan ng Kristiyanong kaluluwa, sa pag-iiral ng sobrenatural na buhay, at ng mga komunikasyon mula sa Langit tungo sa mundo, tinanggihan at tinuya ng rehimeng nasa poder. Ano ang masasabi kung ang Espanyol na mga ripablikan ay pumayag na ipagtanggol ang banal na mga Aparisyon? Kung kaya si Azaňa ay lumikha ng kasabihan: ‘Tapusin ang lahat ng may kinalaman sa Ezquioga,’ isang kasabihang inulit at isinagawa ng kanyang mga sangkalan, na iyong mga nais na makinabang mula sa rehimeng ripablikan. Kaya iyong mga sa lahat ng mga paraan ay nais na tapusin ang mga Aparisyon ng Ina ng Diyos ay iyong mga kaaway ng Diyos, na nagpapaliwanag ng persekusyon laban sa ganoong sobrenatural na mga kaganapan. Ganoon din, ang mga Aparisyon ng El Palmar de Troya ay kinalaban ng freemasonry, dahil ang mga iyon ay isang depensa sa Banal na Tradisyon at inalisan ng maskara ang demolisyon ng mga progresibong mga kaaway na nakapasok sa Simbahan.
Si Azaňa, ang nasa likod ng mga plano ng mga kaaway na freemason sa mga Aparisyon ng Ezquioga, ay inutusan silang tumigil. Pinayagan niya ang desteradong preladong si Múgica na bumalik sa kanyang diyosesis, hindi namin alam kung sa anong mga kondisyones, subali’t ang katotohanan ay simula noong 1933, nang kanyang muling kunin ang pagmamay-ari ng kanyang palasyo sa Vitoria, si don Múgica ay hindi tumigil sa paggawa ng mahigpit na mga hakbang pang-emerhensiya laban sa Ezquioga.
Iyong mga ginagamit ang mga sigalot, ang mga kaaway ng sobrenatural at ang implikasyong politikal nito, ay naging dahilan ng ilang mga kaganapan, na maraming mga sanhi na naging pabor sa pagiging sobrenatural, na bumagsak sa pagiging walang kredito at katatawanan. Hindi mahalaga na maraming matuwid na mga tao ang kinailangang maghirap sa ganoong mga hakbang, at maltratuhin nang hindi makatarungan, o na ang inosenteng mga bata ay isailalim sa hindi kapani-paniwala at nakahihiyang panggigipit na yumurak sa pinakaimportanteng karapatan ng tao. Walang mga komisyon ang itinayo, walang nabigyan ng liwanag, walang opisyal na aksiyon ng awtoridad, tulad ng hinihingi ng Canon Law para matagpuan ang katotohanan o pandaraya; sa isang salita, sinikap nilang ilibing ang katotohanan; kahi’t na sa bandang huli ito ay muling nabuhay sa paglipas ng mga taon.
Sa simula ng mga Aparisyon, ang pamahalaan ng Madrid ay inatasan ang pinakakilalang doktor sa Espanya, si Dr. Gregorio Maraňόn, para pag-aralan ang mga kaganapan sa Ezquioga. Siya, makaraang obserbahang mabuti ang mga iyon, ay nagsabi: “Pinag-aralan kong mabuti ang mga kaganapan dito nang walang pagkiling, at maaapirma na kaming mga doktor ay walang papel na gagampanan dito, dahil ang kababalaghang nakikita sa mga seer ay hindi tumutukoy sa patolohikal na agham. Ang mga iyon ay tumutukoy sa ibang mga pag-aaral, labas sa aking kakayahan. Hayaang iyong may mga kakayahan ang pumarito at tingnan kung maunawaan nila ang mga iyon.” Marami pang ibang mga doktor ang nagpahayag na “ang agham ay walang makitang sapat na paliwanag para sa mga kababalaghang ito, dahil ang mga ecstasy ay sobrenatural at hindi maipaliwanag ng agham ang mga iyon, dahil labas sa agham ng kalikasan.”
Ang iba pang interesanteng mga pahayag ay iyong kay Kardinal Frederic Tedeschini, noon ay Apostolic Nuncio sa Espanya, na noong 1932 ay nagsabi: “Ayon sa impormasyon na meron ako tungkol sa mga kaganapan sa Ezquioga, iyon ay mula sa Langit;” at ang martir na si San Manuel Irurita Almandoz, Obispo ng Barcelona, ay nagsabi: “Hindi magkakasala sa pagkawalang-ingat, ay hindi maitatanggi na may sobrenatural tungkol sa usaping Ezquioga;” at nagdagdag na siya ay “naniniwala sa Ezquioga, na magtatrabaho siya nang pribado para rito, at na kung siya ang Obispo ng Vitoria siya ay magtatrabaho nang lantaran;” isang tanyag na Paring Guipozcoan ang nagsabi: “Hindi maitatanggi na tayo ay nabubuhay sa mga sandali ng kahanga-hangang kadakilaan, na kung saan ay mahirap malaman kung ano ang pinakahigit na hahangaan, kung ang mapagmahal na pagpabor ng Diyos na higit na mas malapit sa abang mga mortal (sa banal na mga Aparisyon sa Ezquioga) o ang hindi maunawaang pagkabulag ng mga tao na nangakong isasara ang kanilang mga mata sa ganoong sobrang liwanag.”
Ang bilang ng mga seer ay prangkang nakagugulat at hindi mapantayan. Mga dalawampu’t lima ng parehong kasarian ay konsideradong nagkaroon ng positibong mga pruweba ng katotohanan. Sa bandang huli ng mga persekusyon at mga pagtalikod, mas malaking parte ang nawawalan ng gana dahil sa kakulangan ng ispiritwal na direksiyon at pag-abuso sa mga grasya, at tanging apat o limang awtentiko lamang ang naiwan, kasama ng maraming mga nag-aalinlangan. Kasama sa mga prinsipal ay nabibilang : ang mga batang Andrés at Antonia Bereciartu, 9 at 12 taong gulang, na unang mga seer; Benita Aguirre de Legazpia, siyam na taong gulang sa simula, ang nakatanggap ng pinakamaraming mga grasya ng rebelasyon sa hinaharap, lubhang pinahirapan ng mga prelado na dumating sa punto ng mga pagbabanta ng ekskomunikasyon at pagbabawal sa mga Sakramento kung hindi niya babawiin at itatanggi ang mga Aparisyon; si Hermano Cruz Lete de Ibasondo, dalawampung taong gulang, na namatay sa kabanalan noong 1933, sa Brothers of Saint John of God. Ang Hermanong ito ay nagkaroon ng mga bisyon at mga rebelasyon, at tinanong nila siya, “sa kasibulan ng kabataan, sino ang gumanyak sa kanya na ipagpalit ang ganoon kasayang buhay sa pananatiling konsagrado sa pagsilbi sa Diyos?”, para makuha ang sagot na “ang Pinakabanal na Birhen nang Siya ay nagpakita sa buhay na iyon sa bundok ng Ezquioga.”
Ang lahat ng mga seer na ito ay nakaranas ng hindi pangkaraniwang mga grasya, mga bisyon, mga lubos na kaligayahan, nakikitang mga sugat, mga paggaling, at iba pa, na may ilang mga propesiyang naganap na, at marami pang iba sa paglipas ng panahon. Ang dalawa sa labis na nakatawag pansin sa mga ito ay ang Bikaryo Heneral Dr. Echeguren bilang nangunguna, isa sa pinakamalaking mga kalaban at kung ganoon ay responsable sa kabiguan ng unang mga paghahayag, hindi pinakinggan at walang bungang ispiritwal. Buweno, kung ganoon, ang dalawa sa mga seers ay nagpahayag ng kanyang mabilis at bayolenteng kamatayan, at ipinaalam sa kanya. Ang resulta siya ay namatay sa isang sakuna sa sasakyan, bilang Obispo ng Oviedo. Hinulaan na ang Obispo ng Vitoria ay “mamamatay na desterado mula sa kanyang pamunuan bilang Obispo at nagsosolo.” Ang Obispong ito Mateo Mújica ay napilitang iwanan ang kanyang pagiging Obispo at namatay na bulag. Siya ang nagpublika ng pinakamalaganap na pag-atake sa Ezquioga, at nagpasiya, walang pormal na pag-aaral, walang sapat na mga patunay at walang pagdinig sa mga seer, para iparatang na ang lahat ay galing sa demoyo o ibang dahilan na hindi sobrenatural. Ang persekusyon ng Ezquioga ay nagsimula na may elementong politikal, sinundan ng elementong pampamahalaan, nagpatuloy na may pagkarelihiyoso at nagtapos na kasama sila lahat sama-sama. Si Obispo Mateo Mújica ay isa sa tanging dalawang mga Obispong kumontra kay San Francisco Franco nang ang Digmaang Sibil ng Espanya ay tinawag na “Banal na Krusada ng Liberasyong Nasyonal” ng karamihan sa mga Obispo, at sumulat siya kay Papa San Pio XI hinihimok siyang ikondena ang rehimeng Franco.
Si Papa San Gregoryo XVII, tulad ng mababasa ninyo sa kanyang Pang-apatnapu’t apat na Dokumento, ay inaprobahan ang mga Aparisyon ng Ezquioga, at higit sa lahat ang magandang mga Mensaheng nagtutukoy sa Banal na mga Tagapasan ng Krus, ng Dakilang Papa at ng Dakilang Monarka, “dahil sa kanilang malapit na relasyon sa Carmelitas ng Banal na Mukha, o Banal na mga Tagapasan ng Krus ng Palmar. Matibay kaming naniniwala na ang banal na mga Aparisyon sa Ezquioga ay ante-sala ng banal na mga Aparisyon ng Ating Ina ng Palmar Koronada… Ang Pinakabanal na Birheng Maria, sa mga aparisyong iyon sa Ezquioga, sa pangkalahatan ay nagpakita sa ilalim ng titulo ng Ating Birhen ng Pighati; kahi’t na sa ibang mga pagkakataon Siya ay nagpapakita rin sa ilalim ng ibang mga titulo.”
Kami ay makapagpepresenta lamang ng ilang naglalarawang sipi mula sa mga kaganapan sa Ezquioga. Kami ay sumesentro lamang sa isa sa mga seer, ang batang babaeng si Benita Aguirre, noon ay onseng taong gulang. Ang kanyang mga mensahe ay tumutukoy sa tatlong taon ng taggutom, ang pagdating na paghahari ng Antikristo, mga persekusyon ng mga Kristiyano, digmaang pandaigdig, peste, mga bagyo, tatlong araw ng kadiliman. Ang mga seer ng Ezquioga ay naging pamoso sa pagsasabi na ang Birhen ay nagsabi sa kanila na sa kaunting mga taon ay magkakaroon ng digmaang sibil sa Espanya (1926-1939) at na ang panig ng nasyonal ang mananalo sa digmaan. Subali’t ang kanyang mga propesiyang mga mensahe ay mas higit pa.
Sa mga mensahe ni Benita Aguirre ay nasambit ang tungkol sa huling mga panahon, isang madugong rebolusyon sa Europa na magsisimula sa Italya at lalaganap sa ibang mga bansa tulad ng Espanya; ang pagbagsak ng maikling malupit na pamahalaan sa Espanya; ang paglitaw ng nakatatakot na personahe na tinukoy ng maraming mga propeta at ang lahat ay kinilalang ang Antikristo; ang persekusyon ng mga Kristiyano na natagpuan ang kanilang mga sariling tumakas patungo sa mga disyerto para pangalagaan ang kanilang Pananampalataya, lumasap ng pagiging isang tunay na martir; ang pagdating ng isa pang personahe na marami ang tumukoy bilang “ang Dakilang Monarka”; at ang bago tanging relihiyosong Orden, at ang pagdating ng isang Orden na tinatawag na “ang mga Tagapasan ng Krus”, na lalansag sa sektang muslim (islam) at tatapusin ang iba pang mga sekta, erehe at maniniil.
Mga Mensahe ng seer ng Ezquioga na si Benita Aguirre: “Pagkatapos ng mga kastigo, ay magkakaroon ng isang tanging Relihiyosong Orden na tatawaging mga Tagapasan ng Krus.., Dapat ninyong malaman na ang isang Hari (ang Dakilang Monarka) ay maghahari nang may katarungan, at ang kanyang mga mahistrado ay mamumuno nang may karangalan.” Kapansin-pansin na si Benita Aguirre ay nakatanggap ng mga mensaheng tulad na tulad doon sa ibang mga Katolikong seer. Ito ay isang patunay na dapat magdala sa higit sa isa na magnilay. Ang Pinakabanal na Birhen, noong 1932 ay nagsabi sa kanya: “Gumawa ng maraming dalangin, penitensiya at maraming mga sakripisyo. Kung hindi, ay teribleng mga kastigo ang darating at ang pangatlong bahagi ng sangkatauhan ay mamamatay. Kaunting mga pamilya lamang ang hindi masasaktan. Ang lahat ay mababalot ng pagluluksa. Ang katapusan ng mundo ay malapit na. Kapag ang mga babae ay hindi na maiiba sa mga lalake sa kanilang pananamit, kung gayon isiping ang katapusan ng mundo ay malapit na. Ang mga taon ay mabilis na lumilipad at kaunti lamang ang nag-iisip ng kamatayan.”
Mga deklarasyon ni Benita Aguirre:
“Sinabi Niya sa akin na ang mga komunista ay papasok sa Espanya sa lalong madaling panahon, na sila ay nagsimula nang gumawa ng masama. Marami, na, bulag, ay hindi naiisip na ang parusa ay darating higit sa lahat ang komunismo; at na ang patuloy na daloy ng mga grasya ay umaagos araw at gabi mula sa Sagradog Puso ni Hesus ibinubuhos doon sa mga kasama Niya, nguni’t na tayo ay dapat na tumugon sa mga iyon, dahil gagantimpalaan Niya tayo.”
“Inapirmahan Niya na sa malapit na panahon ang mga simbahan ay magsasara, na ang unang magsasara ay iyong mga nasa Catalonia, kung saan ang pinakamalaking mga kasamaan ay gagawin laban sa Relihiyon; kahi’t pa ang Catalonia ay may tatlong mga kayamanan sa tatlong mga kaluluwa, na nagmamahal sa kanya nang lubos, at ang tatlong inialay ang kanilang mga sarili kay Hesus bilang mga biktima; at dahil sa tatlong mga kaluluwang ito, ang Catalonia ay parurusahan nang mas kaunti kaysa sa nararapat sa kanya. Nagtapos Siya sa pagsasabi sa akin na sa ating mga puso ay dapat tayong maghanda ng mga armas na kung saan ay kinakailangan nating ipaglaban ang Relihiyon.” Dito ay nakikita kung paano ang mga panalangin ng tatlong mga kaluluwang nagmamahal sa Diyos nang lubos ay maaaring magligtas ng buong mga tao sa parusa.
“Sinabi Niya sa akin na tayong na kay Hesus ay dapat manalangin nang mabuti para makaligtas ng maraming nasa panganib ng kondenasyon, at na ang ating mga suplikasyon, lalo na ngayon, ay diringgin, at na kung ang taggutom ay dumating, halos ang lahat ng (tunay) na mga Katoliko ay matatagpuan sa labas ng Espanya, dahil nga si Hesus ay nais na iligtas tayo sa malaking parte ng mga parusa, salamat sa mga dalanging dinasal sa Bundok ng mga Aparisyon at dininig.”
“Pagkatapos ang Batang Hesus ay nagpakita at sinabihan ako na magdala ng lapis at papel at isulat ang sumusunod na mensahe: “Ang iyong Hesus ay tinatawagan kayo. Tumakbo sa Kanya. Nais Kong sabihin sainyo lahat, Aking mga anak, na kayo ay nabubuhay sa napakasamang panahon, at dapat na gumawa ng kuwenta ng kung ano ang inyong ipakikita sa Akin. Sinabi ba ninyong kayo ay Akin, na ang demonyo ay naghahari sa inyong mga puso?… Hindi, mahal na mga anak, hindi Ako maaaring kumonsente sa ganoon. Sa malapit na panahon ang mga sinehan at mga teatro na araw-araw ninyong pinupuntahan ay malilibing… At kayo, Aking mga apostoles, sa halip na magbigay ng halimbawa, bakit ginagawa ang kabaliktaran? Hindi maaari iyon, mahal na mga anak. Itinuro Ko ba iyon sainyo, o mas gumagawa kayo ng iba sa Aking itinuro sainyo? Marami sainyo ay bulag at nais na magpaantok sa makamundong mga kasiyahan…; marami ay hindi tunay Kong mga apostoles, at wala roon sa mga natutulog sa makamundong mga kasiyahan ay nakapagpapagalak sa Aking Ama sa Langit. Isang araw ay hihingin Ko sainyo ang kuwenta ng lahat ng mga ito.”
Hindi nagtagal ang Birheng Maria ay nagdagdag ng sumusunod: ‘Ang iyong Ina, na nagmamahal sainyo nang labis, tinatawagan kayo, mga anak ng Aking kaluluwa. Nais Kong sabihin sainyo lahat, bilang masunuring kordero, na makinig sa siwit ng Mabuting Pastol; ngun’t huwag lumayo sa Kanya, sapagka’t kung kayo ay malihis malayo sa Kanya, kung kayo ay magpagala-gala, hindi Niya kayo hahanapin. Kung kayo ay maghahanap sa Kanya, ay buong pagmamahal na kakalungin Niya kayo.”
Mga sipi sa mga mensahe ni Benita Aguirre simula Hulyo at Agosto 1933:
“Nag-apirma Siya na… kapag tayong mga Katoliko ay kinailangang lumipad sa Espanya sa paghahanap ng disyerto, tayo ay makasusumpong ng isang dakilang lalake na, sa sandaling matapos na ang mga parusa, at bago ang lahat, ay babalik sa Espanya; at magsisimulang magtrabaho dito kasama ang kaunting nanatili, magkukumbert ng marami.”
“Nagdagdag Siya na maiisip ng mga tao na tayo ay dumaraan sa masamang mga panahon, subali’t patuloy na nabubuhay sa parehong paraan sa kanilang napakasamang mga kasalanan; at na ang mga bagay ay hindi maitatama hanggang maglagay si Hesus ng isang dakilang lalake sa trono, isang hari at magsasaayos sa buong mundo. At siya ay maghahari sa buong mundo. Ang haring ito ay magkakaroon ng ibang katulong, na maglilibot sa buong panig ng mundo magkukumbert ng mga tao, at iyong mga tatanggi na magpasailalim sa Katolikong Simbahan ay makatatanggap ng maraming mga parusa, at marami ang mamamatay.”
“Inuulit ko na, pagkaraang si Hesus ay maghari sa Espanya, isang malaking persekusyon ang lilitaw; at pagkatapos ng persekusyong ito, ang katapusan ng mundo. Subali’t hindi lahat ay mamamatay, sa halip, ang Diyos, pagkatapos ng Paghuhusga, ay mag-iiwan ng maraming matuwid sa mundo para luwalhatiin Siya, mabubuhay sa mundo ng libong mga taon, na kung saan ang kapayapaan ay maghahari.”
“Nagdagdag pa Siya na, makaraang maghari ang Puso ni Hesus, ang Antikristo ay darating na guguluhin ang kapayapaan, at kasama niya ang masama ay magkakaroon muli ng lakas; na kung kanino ang liwanag ay hindi ibibigay; nguni’t ang mabuti ay bibigyan ng liwanag para makilala ang Antikristo, at iyong mga nais na magsilbi sa Diyos ay hihiwalay sa kanilang mga pamilya, mga kaibigan at mga kasama, at tatakas papunta sa mga disyerto.”
“Siya ay nag-apirma na ang Diyos ay naghahanda ng isang Dakilang Monarka, na maghahari sa gitna ng mga paghamak at mga sakripisyo; na ang Dakilang Monarka ay masama sa kanyang kabataan, subali’t ngayon ay gumagawa ng mas maraming kabutihan at mangingibabaw sa buong mundo, na mapipilitang sumunod at sumamba sa Tunay na Diyos.”
“Siya ay nag-apirma na ang Dakilang Monarka ay magkakaroon ng isa pang napakabuting kasama, na tutulong sa kanya para ipalaganap ang Relihiyon… na kung tayo ay nasa disyerto na, ay makikilala natin ang dakilang Monarka…. At habang siya ay nasa trono, si Hesus ay maghahari.”
“Tinuruan Niya ako na habang si Hesus ay naghahari lamang ay magkakaroon ng kapayapaan, sa kabila ng ang masama ay kinakailangang maghirap nang labis; na pagkaraan ng Paghaharing ito, ang masama ay muling makababawi ng kanyang lakas; at iyon na kung saan ang Antikristo ay darating upang gambalain ang kapayapaan ng mabuti; na tayo ay kinakailangang tumakas patungo sa mga disyerto, tayong nais na magsilbi sa Diyos, dahil ang mga tao ay hindi magkakaunawaan; na pagkatapos ng persekusyong ito ang Paghusga ay agad nang darating.”
“Inulit Niya sa akin na maraming mga kaguluhan ang darating, dahil sa mga panahong ito ang kasamaan ay lalo pang lalaganap; na sa madaling panahon iyong mga hindi tunay na nagmamahal kay Hesus ay malilito; dahil isang napakalaking persekusyon laban sa mga Katoliko ang darating sa madaling panahon, at iyong mga hindi tunay na nagmamahal sa Kanya ay itatanggi Siya, para makaligtas mula sa mga parusang magpapahirap doon sa hindi Siya itatanggi; na marami roon sa kinikilalang ispiritwal na mga tao, kapag dumating na ang oras para ibuwis ang kanilang buhay para kay Kristo, ay itatanggi Siya, dahil ang demonyo ay masigasig na nagtatrabaho sa kanila; at dahil sa mga parusang ipadadala ng Diyos sa atin, marami ang kokontra sa Kanya.”
“Sinabi Niyang muli sa akin na ang masasama ay naghahanda para sa digmaan, subali’t na ang Diyos ay tutulungan ang mabuti, na marami sa kanila ay magbubuwis ng kanilang mga buhay para sa Kanya, at gagantimpalaan Niya sila; na ito ay magiging isang digmaang pandaigdig at hindi nila magagawa iyon ayon sa kanilang nais, sapagka’t ang Diyos ay nangingibabaw at nakatataas sa lahat ng bagay.”
“Sinabi Niya sa akin na ang walang hanggang mga alon ng lambing ay nakapaloob kay Hesus at na nais Niyang ibuhos ang mga iyon; subali’t kaunting mga puso lamang ang Kanyang natatagpuan na handang tanggapin ang mga iyon, dahil nakalubog na sa pagkagahaman, napapaloob sa pagpapahalaga sa sarili, ayaw makipagkapwa at kulang ang tiwala sa Kanyang pagmamahal; at si Hesus kung ganoon ay ibibigay ang Kanyang hustisya sa mga tao, sapagka’t napakakaunti lamang ang mga pusong tunay na nagmamahal sa Kanya.”
“Dinagdag pa Niya na si Hesus ay pagod na sa paghihintay, na dapat ang ating pagmamahal kay Hesus ay iyong pagpapasalamat, pakikiisa, pagsang-ayon, pagiging malapit at pagtatangi, walang pagod sa pagmamahal sa Kanya nang mas higit pa, dahil mahal Niya tayo nang labis. Ang pagmamahal na ito ay pagbabaguhing-anyo tayo sa Kanyang kabutihan at gagawin Niya tayong mabuhay sa pamamagitan ng Kanyang buhay, sumisinag ng may awang pagmamahal; dahil si Hesus ay hindi nagbibigay ng Kanyang grasya kahit saan Niya nais, kundi kung saan Niya nakikita ang Kanyang sarili na tunay na minamahal; at na dapat tayo ay magsaisip sa Kanyang banal na presensiya, tumingala sa Kanya at may kababaang-loob na magsumamo sa Kanya.”
Binanggit Niya ang mga Tagapasan ng Krus, ang Dakilang Monarka, ang Antkristo, at nagbigay ng mga payo:
Noong ika-6 ng Agosto 1933, “Inapirma Niya na sa panahong matapos ang mga parusa, ay magkakaroon ng isang tanging Relihiyosong Orden tinatawag na mga Tagapasan ng Krus, na magliligtas ng buong mundo, magtuturo ng tunay na Pananampalataya at magtatamo ng mga kaluluwang yayakap nito. Ang pinuno ng mga Tagapasan ng Krus ay isang napakabanal na lalake, na pagkatapos ng kanyang apostolado ay mamamatay na nakapako sa gate ng Bethlehem. Sa huling mga panahon ang buong mundo ay magsasalita ng parehong wika.”
“Inutos Niyang tayo ay maging mababang-loob. Walang mawawala sa atin sa paggawa ng mga gawaing may kababaang-loob at pagtalima; sa kabaliktaran, matatamo natin ang lahat, dahil natamo natin ang Kanyang Puso, at sa gayon ay mapadadali ang Kanyang oras. Ang iba ay nagtataka na lagi Kong pinipili ang pinakaaba, ang may pinakahigit na kakulangan sa pantaong kakayahan, para itayo ang Aking Gawain, nguni’t ito ay normal, para wala ni isa man ang malinlang, inaakong kanya ang mga bagay na isang banal na gantimpala.”
“Ang Batang Hesus ay nagpakita sa akin at sinabi sa akin: ‘Nais Kong maglunsad ng isang dakilang krusadang Kristiyano, lubos na nauunawaan at lubos na isinasabuhay. Nais Kong kayo ay mamuhay sa pamamagitan ng Aking Ebanghelyo at dalhin kayo sa Aking pagmamahal. Kapag wala kayong ginawa iyon ay dahil hindi ninyo Ako mahal nang sapat at hindi kayo natransporma sa Aking kabutihan; subali’t kung hindi ninyo Ako mahal tulad ng dapat ninyong gawin, iyon ay dahil hindi ninyo Ako tunay na kilala. Para gustuhing maunawaan Ako ay simple lamang: Wala Akong ginawang bago kundi ang ulitin kung ano ang alam na ninyo, kung ano ang dapat ninyong gawin, kung ano ang sinabi Ko sa Aking Ebanghelyo, kung ano ag itinuturo ng Aking Simbahan sainyo. Wala Akong ibang nais maliban sa gawin kayong tunay na mga anak ng Aking Ama sa Langit’. Dagdag pa Niya: ‘Ako ay walang hanggang kabutihan, matalino at makapangyarihan. Mahal Ko kayo, bilang inyong Tagapagligtas, inyong Panginoon, inyong Diyos. Nilalang Ko kayo para sa Aking kaluwalhatian, at buhat sa kawalang hanggan ay minahal kayo nang walang kapantay na pagmamahal at sa gayon ay dinadala kayo sa pamamagitan ng awa. Kayo kalian man ay hindi nagkaroon ng labis na tiwala sa inyong Diyos na napakabuti at napakamaawain, sapagka’t ang tunay na tiwala ay nakabase sa katotohanan, at ang eternal na katotohanang ito ay na Ako ay walang hanggang kabutihan. Kung kayo ay mabubuhay sa pamamagitan ng Aking Ebanghelyo, ang Aking mga turo ay magbubunga sainyo, at mauunawaan ninyo na kung kayo ay napaburan nang mas higit kaysa ibang marami, dahil sa pagkalapit sa pamamagitan ng Aking pagmamahal, dapat kayong gumawa rin ng mas malaking mga pagsisikap at magbigay din sa Akin ng kapalit at bumawi para roon sa mga hindi kinikilala ang mga gantimpala ng Diyos.”
“Nagsabi ang Ating Birhen na ang ‘mga palatandaan ng mga parusa sa ngayon ay nagsisimula na’ at na ‘tayo ay halos naroon na.’ Si Hesus ay nagdagdag pa: ‘Ang nakasasakit sa Aking Puso ay na ang mga bata ay lumalayo sa Akin; at nais Kong akayin ninyo ang maliliit tungo sa Akin, dahil ang inosente ay nakasisiya sa Akin nang labis, lalo na ang may karamdaman. Sila ang may higit na pangangailangan na makilala Ako sa Aking Kabutihan. Nais Kong tulungan sila, aliwin sila tulad ng ginawa Ko sa Aking buhay sa mundo. Marapat lamang sa Aking Puso ang gumawa ng mabuti, aliwin ang nagdurusa, patamisin ang mapait na apdo at ipakita ang Aking sarili na mapagbigay doon sa mga nagmamahal sa Akin sa pamamagitan ng pagdurusa. Walang konsolasyong maihahambing sa pagpapalakas sa kaluluwa at paghimok nito na magpakasakit bilang isang Kristiyanong may pananampalataya at pagmamahal. Tulungan mo Ako, ikaw, para maabot iyong mga minamahal Ko nang lubos, at iwanan sila ng mga salitang makapagbibigay sa kanila ng mabuting puso sa kanilang pagdurusa bilang bunga ng Aking pagdaan.”
“Ang Ating Panginoon ay nagsabi sa akin: ‘Magdasal ng marami. Ang mga panalangin ng Aking Simbahan ay maganda at napakalalim; subali’t madalas dinadasal ninyo ang mga iyon nang paimbabaw lamang. Sa pamamagitan ng Aking Simbahan at kanyang mga panalangin, binibigyan Ko kayo ng liwanag at tinuturuan Ko kayo. Inihanda Ko ang tinapay ng Aking mga anak, na hindi humahadlang sa bawa’t isa sa pagpili kung ano ang nararapat sa kanila ayon sa kanilang pangangailangan. May dakila Akong Puso, isang mabuting Puso. Nais Kong makipag-usap sa inyong mga kaluluwa at maunawaan ninyo kung gaanong tamis at buti Ako sa Aking awa. Kung ikaw ay isang makasalanan, Ito ay naghihintay saiyo, Ito ay nagpapatawad saiyo, Iniaalay ang Sarili Nito saiyo, at sinasabi sa Eternal na Ama: Patawarin Mo siya dahil hindi Ka niya kilala, hindi niya alam kung gaano ka kabuti. At ikaw, Aking pinakamamahal, mga anak ng Aking paglalambing: Tingnan ninyo kung paano ang pagmamahal ay pinanatili Ako bilang isang bilanggo sa Altar. Doon ay iniaalay Ko ang Aking sarili para saiyo. Para saiyo muli Kong pinapanibago ang alay sa Kalbaryo, kasama ang lahat ng pagmamahal ng Ama… Buksan mo ang iyong dibdib sa mga alon na ito ng walang hanggang lambing, na kung saan ay nais Kong ilublob ang inyong mga kaluluwa. Maging mabuti, maging banal, dahil Ako ay mabuti at banal.’”
“Si Hesus ay nagsabi sa akin: ‘Ang Aking pagmamahal para sa Aking maliliit na mga nilalang ay isang pagmamahal na puno ng lambing. Hindi ba ninyo Ako nakikita na bumabaling nang may pagtangi sa pinakamaliit? Sa gayon, si Maria ay umawit ng isang pagmamahal na malambing at malakas, at mas malakas mas malambing. Iyan ang pagmamahal na nais Kong iparating sainyo. Mas malakas ang inyong pagmamahal para sa Akin at para sa mga kaluluwa, mas lalong magiging malambing at tunay ito, walang takot ng kahinaan… Ang pagmamahal ay malakas tulad sa kamatayan, at ang kanyang lambing mismo ay mas umuudyok pa sa atin para sa lahat ng sakripisyo at para sa kabayanihan.’”
“Si Hesus ay nagsabi sa akin: ‘Kapag ang kaluluwa ay bukas para tumanggap ng mga alon na ito ng paglalambing, na mga liwanag ng Aking kabutiihan, ng Aking maawaing pagmamahal, hindi ba kayo natitinag na makita ang inyong mga sarilli na layunin ng ganoong pagmamahal, ang senaryo ng labis na mga benepisyo, sa kabila ng inyong mga kahirapan? Ang pakikitungong ito sa Aking walang hanggang lambing, na hindi kayo karapat-dapat kahit na, dahil sa bandang huli ay maaaring kayo ay hindi maging matapat sa Akin, ay ang magbubunga sainyo ng perpektong pagsisisi. Ang kalungkutang ito ay naglilinis sa inyong kaluluwa at maglillinis sainyo upang maging higit na mapagbantay, na magdasal nang may higit na pagkasabik at itiwala ang inyong mga sarili kay Maria, upang tulungan Niya kayo na hindi na muling matumba. Ang sinumang tumanggap sa kanyang kaluluwa sa mga alon ng Aking pagmamahal, ng Aking walang hanggang lambing, may magagawa pa ba siyang iba kundi depende sa kanyang sarili para hindi Ako magalit, para hindi Ako tanggihan ng kahi’t na ano? Hindi ba siya makararamdam ng umaapaw na lambing din para sa kanyang kapwa? Hindi na siya magmamahal sa kanyang kapwa nang dahil sa natural na mga damdamin, subalit sa udyok ng Ispiritu Santo, mahalagang pagmamahal na ipinararating sa kanya, pagmamahal na puno ng lambing na kung saan ang kaluluwang ito ay nakararamdam na siya ay minamahal.’”
“Ang Banal na Ina ay iginigiit na nais Niya ng ‘panalangin, maraming panalangin, dahil panalangin ang magliligtas sa mundo.’ Nagpatuloy si Hesus: ‘Nais Kong magbigay saiyo ng sekreto ng pagmamahal sa Akin, na walang iba kundi pag-aralang kilalanin Ako sa Aking kabutihan, gumawa ng maraming mga gawain ng pananampalataya sa kabutihang ito, sa Aking pagmamahal, sa Aking awa para sa may mababang loob, sa mapagmahal, sa masunurin, sa maliliit. Magdasal, magsamo at ipaubaya ang inyong mga sarili sa pamamagitan ni Maria sa Aking maawaing pagmamahal. Sa inyong mga kaluluwang nabuksan, bigyan ninyo Ako ng mga pusong said sa sarili sa pamamagitan ng kababaang loob, ginawang dakila sa pamamagitan ng pagmamahal, inihanda sa pamamagitan ng pagsunod, dahil ang mga bunga ng sariling kaisipan ay hindi nakasisiya sa Akin, na hindi Aking mga bunga, iyong mga sa Aking Nais.’”
“Ang Birhen ay nagsimulang nagsabi sa akin: ‘Kayo lahat ay patuloy na natutulog, at si Hesus ay napapagod sa paghihintay’. Si Hesus ay nagpatuloy: ‘Huwag kayo maging makasarili; isipin iyong abang mga kaluluwa na hindi Ako kilala, at iyong mga nagpapakilala sa Akin bilang isang mahigpit at matinding Panginoon, na hindi Ako minamahal, na hindi nagsisilbi sa Akin, subali’t animo’y pinilit, at kahi’t na ganoon ay hindi nagbibigay daan, nguni’t tumatakas at natatakot na isuko ang kanilang mga sarili sa Akin. Tingnan ninyo ang inyong Ina. Sa Langit Siya ay hindi tumitigil, sa halip patuloy kayong pinangangalagaan nang walang humpay, umaakto bilang Tagapamagitan para sa pobreng mga makasalanan. Nais Niyang tulungan ninyo Siya. Gawin ninyong ang inyong mga sakripisyo at mga gawaing pagtalima ay dumaan sa pamamagitan ni Maria. Sa pamamagitan ni Maria ay ikonsagra ninyo ang inyong mga sarili sa Akin, lagi na bilang maliliit na mga alipin ni Kristong Hari. Magdasal ng marami, magdasal sa pamamagitan ni Maria upang ang Panginoon ng ani ay magpadala ng mga manggagawa. Magdasal upang ang lahat ng mga tupang nalilihis ng landas ay matagpuan ang kawan ng Simbahan.’”
“Ang Ina ay ipinakita sa akin: “Ang mga parusa ay darating sa lalong madaling panahon; sabihin mo sa mga tao para sila ay makapaghanda, kahi’t na ito ay magiging walang kwenta sa karamihan.’ Si Hesus ay nagpatuloy: ‘Kayo, Aking mga anak, iyong mga naniniwala sa mga Aparisyon ng inyong Ina, ay dapat magpakita ng pagiging huwaran, dapat mangibabaw sa pagtalima at kababaang-loob, dahil Ako ay may napakalaking mga plano para sainyo. Ang masama ay sinusubukang itapon Ako kahi’t saan at alisin Ako; kayo, na mga Akin, lagi ninyo Akong unahin. Nais din nila ng huwad na kalayaan upang makapangibabaw sa lahat at ipasailalim sila sa malaking pang-aalipin; subali’t kayo, na mga Akin, magpasailalim kay Kristo at kayo ay makalalaya sa pagiging alipin sa mga bisyo at mga pagkahumaling; at sinisiguro Ko sainyo na kayo ay magkakaroon ng tapang sa inyong mga paniniwala. Nais Kong ibigay sainyo ang krus, dahil ayaw Kong wala kayong krus; ipakita sa inyong mga gawi na ang Aking yogo ay madali at ang Aking pasan ay magaan. Pagsilbihan Ako nang may pagsinta, kasiyahan, kabanalan at pagmamahal.’”
“Sinabi sa akin ni Hesus: ‘Nais Kong kayo ay maging maliliit na mga alipin ni Kristong Hari. ‘Maliliit na mga alipin’ ay isang malalim na titulong puno ng kahulugan. Unawaing ang pagkakait sa sarili ay walang ibang ginagawa maliban sa Aking Banal na Kalooban. Masaya ang isang nakarinig sa Salita ng Diyos at ito ay isinasagawa. Ipinapangako Ko sainyo na ibubuhos Ko ang Aking mga biyaya kung saan ang imahen ng Aking Puso ay nakikita at pinararangalan. Habang kayo ay malapit makarating sa estado ng kawalan ng kasalanan sa pamamagitan ng kalinisan ng inyong buhay at pakikiisa sa Akin, mas madalas kayong makikibahagi sa tunay na buhay, na lahat ay pagmamahal.’”
“Ang Ating Birhen ay nagsabi sa akin: ‘Ang mga parusa ay nagsimula na sa ibang bansa at gayundin sa Espanya, subali’t wala ni isa mang nakakaisip. Maging handa, dahil hindi magtatagal ang taggutom ay darating.’ Nagpatuloy si Hesus: Nais Ko ng maraming mga pusong said sa sarili sa pamamagitan ng kababaang-loob at lumaki sa pamamagitan ng pagmamahal. Nais Ko ng mga pusong tumitibok para sa Akin lamang, na nagpapasan ng Aking krus. At ang mga pusong iyon, alam mo ba kung bakit nais Ko ang mga iyon? Kahi’t gaano pa ang iyong sabihin, ay hindi mo mahuhulaan. Nais Ko ang mga iyon upang itago Ko ang Aking mga yaman doon; nais kong ilagak ang Aking mamahaling mga bato roon. At alam mo ba kung ano ang mamahaling mga batong ito? Buweno, iyon ay ang lahat ng mga grasyang nais Kong ibuhos sa buong mundo, at kaunti lamang na mga puso ang Aking natagpuan ang handang tanggapin Ako, kung kaya ay ginagamit Ko ang mga ito para roon ideposito ang mga iyon.’”
Sa sumunod na mga bisyon, hanggang sa sinaad ang kabaliktaran nito, ang Birhen ay nagsabi muna sa kanya, na may personal na mga komentaryo, dahil si Hesus noon ay magpapatuloy na at magbibigay ng Kanyang basbas sa huli. Narito ang sinabi: “Ang Italya, dinilig ng dugo ng napakaraming mga martir, ay alipin sa isang makademonyong demagogo, na nagtagumpay sa pagtayo ng sarili nito bilang tagahatol ng kapangyarihan; at ang kaawaawang Espanya, na napagtagumpayan unti-unti sa pamamagitan ng Krus, ay naging mga alipin, nag-uunahan patungo sa bangin at nagpupumilit na sumuway sa kanyang mga tradisyon, sa kanyang kasaysayan at sa kanyang sariling pamumuhay. O banal na mga Tagapasan ng Krus! Pupuksain ninyo ang isinumpang muslim na sekta; tatapusin ninyo ang lahat ng uri ng mga erehe at mga sekta sa mundo, at kayo ang magiging katapusan ng lahat ng mga malupit; magpapatupad kayo ng katahimikan at walang hanggang kapayapaan sa buong mundo; gagawin ninyong mga santo ang lahat ng tao sa pamamagitan ng puwersa o sariling kagustuhan. O banal na mga tao, O pinagpalang mga tao ng Pinakabanal na Trinidad. Ang pinuno at nagpundar ay magiging dakilang kapitan ng banal na mga tao, na tinatawag na Banal na mga Tagapasan ng Krus ni Hesukristo… Magtatamo sila ng kapangyarihan, pareho sa temporal at ispiritwal, sa buong mundo. Ang mga aliping ito ng Diyos ay maglilinis ng mundo sa pamamagitan ng kamatayan ng walang hanggang bilang ng mga rebelde. Ang Pinuno at Pundador ng milisiyang ito ay ang magiging dakilang Repormador ng Simbahan ng Diyos.”
Ang Pinakabanal na Birhen ay nagdagdag: “Ang kasamaan ng mundo ay napakalaki na hindi Ko na kayang pigilan ang bisig ng Aking linapastangang Anak, higit sa lahat dahil sa paglapastangan sa Diyos, kapusungan sa mga banal na araw, kalaswaan, pagtalikod o pagpapabaya sa pagdasal at pagkalimot sa Diyos. Sa napakaraming mga krimen, para matulungan Ako upang pigilan ang bisig ng Aking Anak, iyong mga Akin ay magdurusa nang malaki.” Pagkaraan si Hesus ay nagpatuloy: “O! mga walang utang na loob! Patuloy ninyo Akong sinasaktan at kumukuha Ako ng kapatawaran para sainyo mula sa Aking Ama. Subali’t ang oras ngayon ay dumating na upang hindi na kayo gawaran ng awa. Binigyan Ko ang lahat ng liwanag, may labis na awang sapat, para malaman nila ang malaking eternidad, subali’t ang penitensiya ay tumatakot sa kanila. Ay, ay! Para roon sa hindi gumagawa ng penitensiya.”
“Si Hesus ay nagsabi sa akin: ‘Magkakaroon ng pangunang mga senyales ng digmaan, kawalang-bahala sa relihiyon at moral na korupsiyon, ang bisyo ay kikilalaning kabutihan, at ang kabutihan bilang bisyo, ang mga mananampalataya ay ituturing na mga baliw at ang mga hindi naniniwala bilang naliwanagan. Ang mga pagbabago sa simbahan ay hindi pa dumating sa katapusan; isang malaking malaki pa ang magaganap, subali’t hindi magtatagal nang napakatagal, na pagkatapos ang mga bagay ay maaayos. Ang panahon ay darating na kung saan ang Pananampalataya sa Akin ay bababa sa isang antas, na kaunti lamang ang magkakaroon nito. Napakalaki ang magiging persekusyon sa mga matuwid ng mga masama, na ang matuwid ay dadaan sa totoong pagiging martir. Ang mga bagay ay aabot sa kanilang sukdulan, nguni’t kung ang kamay ng tao ay wala nang magawa at ang lahat ay parang nawala, itataas Ko ang Aking kamay at ilalagay ang mga bagay sa tama.’”
“Dapat ninyong malaman na ang isang Hari (ang Dakilang Monarka) ay maghahari na may katarungan, at ang Kanyang mga mahistrado ay mamumuno nang matuwid. At ang lalakeng ito ay magiging parang isang lugar na taguan para pagkanlungan mula sa hangin at isang kanlungan sa bagyo. At siya ay magiging parang isang bukal ng preskong tubig sa panahon ng tagtuyot, at tulad sa anino ng isang mataas na batuhan sa gitna ng kaparangan.”
“Ang mga tao ay tumangging tanggapin ang isang mabuti at maawaing Diyos, at makikita kung paano Niya pakakawalan para sa kanila ang galit ng isang Diyos na makatarungang magalit; makikita nilang ang Diyos ay hindi dapat iniinsulto nang walang kundangan, at sasagot, kahi’t masyado nang huli, na Ako ang Makapangyarihan. Bago dumating ang kapayapaan sa Espanya, ang pagkasabik sa pera ay magdadala sa mga tao para itanggi ang Pananampalataya, at marami ang mga ministro ng Simbahan, nabihag ng karnal na mga gana at kagandahan at kahalayan ng mga babae, ay iiwanan ang buhay na walang asawa, at sa lahat ng dako ang demonyo ay malayang magpapalibut-libot sa gitna nila.”
“Ang mga Tagapasan ng Krus, pinakamatapat na pinili ng Kataas-taasan, hindi kayang talunin ang mga erehe sa pamamagitan ng mga ebanghelyo, ay mabilisang kikilos laban sa kanila na may mga sandata. Ang oras ay dumarating na ngayon na Ako ay bibisita sa mundo kasama ang bagong Orden ng mga Tagapasan ng Krus, na may Krusipihong nakataas sa pinakamataas na watawat at sa pinakamagandang lugar. Kahanga-hangang sagisag sa mga mata ng lahat ng matuwid, na sa simula ay hahamakin ng mga hindi mananampalataya, masamang mga Kristiyano at mga pagano; gayunman, makaraang makita nila ang kahanga-hangang mga tagumpay laban sa mga mapang-api, mga erehe at mga taong hindi naniniwala sa relihiyon, ang kanilang mga pang-iinsulto ay magiging mga luha. O banal na mga Tagapasan ng Krus, pinili ng Kataas-taasan, gaano kayo nakasisiya sa Diyos! Ang Pundador ay irereporma ang Simbahan ng Diyos kasama ang kanyang mga tagasunod, na magiging pinakamabuting mga tao sa mundo sa kabanalan, sa mga sandata, sa mga sulat at sa lahat ng iba pang mga katangian, dahil ganyan ang Kalooban ng Kataas-taasan.”
“Ang Birhen ay nagsabi sa akin: ‘Ang bisig ng Aking Anak ay napakabigat na hindi Ko na ito kayang pigilan pa. Nais Kong ialay mo ang lahat ng mabuting mga gawa na ginagawa mo para mapigilan ang bisig ng Aking Anak na nalapastangan.’ Sunod ay nagpatuloy si Hesus: ‘Ah. Espanya, bulag na bansa, makinig sa boses ng Panginoon na nagtalaga saiyo para maging layunin ng Kanyang pinakamataas na Katarungan; hindi mo ba nakikita sa kailaliman ng malamlam na kapaligiran ang iri ng kapayapaan, isang halo ng nakabalot na kasiyahan? Alisin ang inyong sinadyang pagkabulag; tingnan na isang araw, isang araw na hindi na malayo, ang Isa ay darating para husgahan kayo. Malungkot para saiyo, masamang pinuno… Maghanda, maghanda, nakakikilabot na mga panahon ang dumarating. O, gaano kawalang utang na loob ang mga tao! Gaano kamiserable ang kanilang tugon!… Sa madaling panahon ang mamula-mulang mga alon ay dadalhin kayo sa malayo na may nakatatakot na mga bubulusan sa mga hindi makadiyos na alon na naghihimlay sa Espanya, at ang Aking mga walang pagpapasalamat na mga apostoles ay nakaupo sa ibabaw ng mga ito…’”
“Nagsabi si Hesus: ‘Ang mundo ay puno ng mga krimen, at ang pagkutya sa unang tatlong mga Kasuguan sa Aking Batas ay nakagalit sa Aking Ama; at ang paglapastangan laban sa Aking Pinakabanal na Ngalan, at ang kapusungan sa Linggo ay nakapuno na sa sukat ng katampalasanan. Ang mga kasalanang ito ay umakyat na sa trono ng Aking Ama, pumupukaw sa Kanyang galit, na ibubuhos kapag ang Kanyang hustisya ay hindi mapaglubag. Sa napakadaling panahon ang mga krimen ay tumaas nang ganoon kataas…’”
“Ang unang mapapabilang sa Orden ng mga Tagapasan ng Krus ay magmumula sa lungsod ng Sevilla, na kung saan ang kasamaan, bisyo at kasalanan ay nagkalat saan mang dako. Iyong mga tagarito sa lungsod na ito ay magiging mabuti mula sa pagiging masama, mula sa pagiging rebelde laban sa Diyos tungo sa Kanyang pinakamataimtim na mga alipin. Iyon ay magiging isang lungsod na pinakamamahal ng Aking Sagradong Puso at ng Dakilang Monarka. Makinig! O mga taong naninirahan sa Espanya… ang panahon ay darating na kung saan kayo ay magtatamasa ng tunay na kalayaan ng nakaraang mga panahon, dahil ang huwad na kalayaan, na ginagamit ng mga hindi makadiyos, ay wawasakin! Ang malupit na pamahalaan ay pupuksain, sa kabila ng teribleng pagsisikap nito, at ang tunay na relihiyon ay yayabong sa lahat ng dako ng Espanya.”
“Bumaba Ako sa Ezquioga dahil may kaunting mabuting mga kaluluwa. Dumating Ako para ikumbert ang masama, panatilihin ang mabuti at magbigay ng babala na maraming mga parusa ang darating, para ang bawa’t isa ay makapaghanda at maging laging mapagmatyag, nguni’t kaunti lamang ang Aking natatamo rito.”
“Ang Ating Birhen ay nagsimula sa pagsabi sa akin na magdasal para sa makasalanan; na magkaroon ng malaking debosyon sa mga kaluluwa sa Purgatoryo at na magdasal tayo ng marami sa Sakramentadong Hesus.”
“Sa panahon ng parusa ay magkakaroon ng limang araw na komunismo, at sa tatlong araw ang apoy ay babagsak at ang bukang liwayway ay hindi makikita. Huwag hayaang kahit isa ay umalis ng bahay sa loob ng tatlong araw na ito, dahil ang mga tao, lito, ay magsisimulang magpatayan.”
“Magkakaroon ng mga lindol, una sa ibang bansa at sunod sa Espanya… Ang apoy ay sisirain ang ani… Sa unang taon ay magkakaroon ng taggutom at marami ang makukundena. Sa ikaapat na taon ang mga ani ay magsisimula, at ang mga bagay ay mapabubuti. Ang pinakamaliliit na mga bata ay mamamatay sa mga bisig ng kanilang ina. Ang akto ng pagsising gagawin ng masama sa pagkamatay, ay magiging walang pakinabang para sa kanila dahil iyon ay hindi kontrisyon kundi takot sa kastigo. Ang araw ay darating na kung saan, sa pagtapak sa labas, ay makakikita tayo ng bangkay, at sa sunod na hakbang, isa pang bangkay, kung kaya sila ay magbubukas ng daanan sa pagitan ng mga bangkay tulad ng ginagawa nila kapag may snow. Ang Paris ay masusunog hanggang maging isang baga. Ang Marseille ay lulunukin ng dagat. Ang Catalonia ay may mabigat na pasan na nagpapabigat dito; ang Madrid, Barcelona, San Sebastian at Málaga ay ang mga mayroong may pinakamabigat na pasan… magkakaroon ng mga nakahahawang sakit na kung saan ay marami ang mamamatay… sa panahon ng parusa ang mga tao ay magiging napakasama at nakakalimutan ang Diyos. Pagkatapos si Kristo ay maghahari. Magkakaroon ng tatlong malaking mga parusa at maliban pa tatlong malaking mga himala. Masaya ang sinumang mamatay sa unang parusa.”
“Ang Ating Birhen ay nagsabi sa akin na ang mga parusa ay nasa atin na, dahil si Hesus ay hindi na makapaghihintay pa; na dapat tayong magdasal ng marami para sa mga makasalanan, na ang mga mata ay sarado; na ang San Sebastian ay lulunukin ng dagat; na dapat tayo ay magsagawa ng maraming dasal at penitensiya, na dapat tayo ay maging matapang, dahil tayong mga na kay Maria ay labis na pahihirapan.”
“Sa madaling panahon ang mundo ay labis na pahihirapan. Ang pahirap na ito ay mararamdaman sa buong mundo, at magiging napakaterible na ang bawat makaligtas ay iisiping siya lamang ang tanging nakaligtas sa parusa. Ang parusang ito ay napakaikli subali’t terible.”
“Ang makasalanang republikang ito na nagpapahinga sa Espanya, na ang aparisyon ay naging isang palatandaan para sa darating na mga parusa, sa lalong madaling panahon ay lubos na masisira; subali’t mas masama pang mga panahon ang darating. Aagawin ng mga komunista ang kapangyarihan sa Espanya at aalisin sa kanya ang mga mabuti, at habang ang mga mabuti ay wala, ay malupit na kakastiguhin ang buong Espanya nang walang anumang takot. Ang mga mabuti ay kinakailangang tumakas papunta sa mga disyerto, nguni’t sinasabi ko sainyo na hindi kayo makararanas ng pagkagutom, dahil pakakainin Ko kayo. Pagkatapos, sa disyerto kung nasaan kayo, ang mga bahay ay itatayo at ang disyerto ay aayos. Doon sa disyerto ay makikilala ninyo siya na sa bandang huli ay maghahari (na, ang Dakilang Monarka). Pagkaraan ng tatlo at kalahating taon sa disyerto, kayo ay maaari nang bumalik sa Espanya, dahil ang mga parusa pansamantala ay matatapos. At sa panahong ito na ang Paghahari ng Sagradong Puso ni Hesus ay darating, subali’t ang paghahari na ito ay panloob.
Pagkatapos na Ako ay maghari sa kalooban, ang Antikristo ay darating. Sa panahong ito ay magkakaroon ng ilang teribleng mga kastigo, at magkakaroon ng malaking persekusyon ng mabuti, ang karamihan ay magiging martir. Magkakaroon ng mas maraming mga martir kaysa sa pagkakaroon sa simula’t-simula, at ang Langit ay mapupuno ng mga palma.
Pagkatapos ay darating ang Araw ng Paghukom, at ang matuwid ay mabubuhay ng libong taon pa… Sa panahong ito ang kasalanan ay hindi na posible, kung kaya ito ay magiging isang tulad sa Paraiso sa mundo.”
“Anak, nais Kong buksan mo ang mga mata ng mga tao at sabihin sa kanila: na hindi Ako bumaba sa Ezquioga para gumawa ng mga himala, subali’t para bigyan sila ng babala para sa darating na mga parusa, para sila ay makapaghanda, sapagka’t ang Ama sa Langit, makatarungang nagalit, sa madaling panahon ay ipamamalas ang Kanyang Banal na Galit sa mga tao. O! Ano kateribleng araw, iyong sa mga parusa! Anak! Bumaba Ako dahil minamahal Ko kayo, at wala ni isa man ang nakikinig sa Akin, subali’t kayo na Akin, huwag matakot, tutulungan Ko kayo, nguni’t marami kayong pagdurusahan! Aking mamahaling mga perlas, na mga Tagapasan ng Krus, isuot ninyo ang Krus sa dibdib. Sa mga krus na iyon ay Ako. Ang Relihiyosong Orden na ito ay ang tanging mananatili sa mundo! Gaano Ko kagusto na mapasama kayo sa kanila! Subali’t iyong pinananatiling sarado ang kanillang mga mata kahi’t kailan ay hindi makakikita. Wala silang nakitang anuman. Ano ang Aking gagawin para sa Aking mga anak? Wala nang iba pang magagawa!
Para sa kanila para ibukas ang kanilang mga mata ay kinakailangang sugatan. Ang Aking Anak ay nananatiling naghihintay, nguni’t ang Kalis ng Ama ay puno na sa labi. Sa madaling panahon Siya ay handa nang humaplit. Ang kidlat ay mahuhulog sa mundo at buong mga lungsod ay mawawala. At makaraang maganap ito, sa akala mo ba sila ay maniniwala na? Iisipin nila na ito ay isang pangmundo lamang. O Espanya! Ikaw na lagi nang duyan ng Puso na nagmamahal saiyo! Bakit hinahayaan mo ang iyong sariling matalo?…
Maraming mga digmaan, maraming mga digmaan. Ang mga Pyrenees ay wala pang nalalamang makatatapat. Ang malaking sakuna ay ipinangakong magsisimula sa ibang bansa, para bigyang babala ang Espanyol. Sa panahong ito ang mga pari ay ang pinakamatindi. Ang Pamahalaan ay sinabihan sila na kukunin nila ang kanilang mga simbahan sa kanila, at ito ay para magrebelde sila, bilang parusa sa kanilang walang kakayahang isakatuparan ang kanilang mga ministro. Marami ang nais na magsuot ng sibil na pananamit, dahil sa halip na isakatuparan ang kanilang sariling mga obligasyon, sila ay bumabaling sa mga politika mga klab at mga pagtitipon.”
Sa Ezquioga ay naganap ang kapareho sa La Salette, na ang unang Aparisyon ay noong ika-19 ng Setyembre 1846. Ang Obispo ng Grenoble ay nagpatupad ng kanonikal na mga parusa sa sinumang maghayag o magpublika ng mga misteryosong kaganapan: mga parusang kanyang inalis makaraan ang limang taon, pagkatapos na pag-aralan ni Papa San Pio IX ang mga sekreto ni Maximin at Melanie, pinadala sa kanila ang kanyang Basbas at idineklarang ang aklat tungkol sa Aparisyon ng La Salette ay humihinga ng katotohanan. Sa Ezquioga ay naganap ang pareho sa Lourdes; ang malupit at mahabang oposisyon sa mga Aparisyong ito ay kasinglaki tulad ng mismong pananampalataya at debosyong nagresulta sa Pransya mula sa kaganapan. Ang mga awtoridad ng Simbahan ay nanatiling walang pakialam hanggang anim na buwan pagkatapos ng kaganapan, nang naniwala silang dapat silang magtrabaho sa pangyayari. Sa umpisa, si Bernadette ay ipinalagay na naghahalusinasyon, sa huli ay pinagkalooban, at mahabang mga taon ang lumipas hangang sa ang kaganapan ay kinonsagra.
May mga nagsasabi: “Hindi pa panahon” para ipahayag ang katotohanan at gawin ang kabutihan na magningning at magsagawa ng hustisya at ipakita ang kaluwalhatian ng Diyos at ng Kanyang Ina, at para makatawag ng awa ng Langit sa mga tao. Kung hindi pa panahon para sa lahat ng mga bagay na ito, marahil ito ang panahon para lumubog sa kawalang pagkilos; para ilantad ang banal na mga bagay sa pagkutya, sa paghamak, ang panahon para sa kasalanan, para siraan at para sa ganap na kapahamakan ng kaluluwa, sa pag-antala sa oras ng banal na awa sa bansa at sa mundo, at sa ganoon ay mawala ang pagkakataon na ibinibigay ng Langit para maibalik ang nalugmok, na halos lahat. Hindi pa nga ba panahon? Nguni’t kailan magiging panahon na? Kapag ang demonyo at ang masama kasama niya ay nagtamo na ng sapat? Kapag ang mabuti ay mainip o nakikisayaw na sa tuno ng iba? Kapag ang lahat ay nawala na…? Maaaring ito na ang oras para sa marami. Subali’t anong laking pananagutan!
Sa Ezquioga, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita sa iba’t-ibang mga pagkakataon na may mga ispada sa kamay. Sa iba ito ay parang upang makipaglaban kasama ang kabutihan, awa, lambing at ibang mapayapang mga katangian ng Ating Birhen. ‘Ina ng Awa, ating buhay, lambing at pag-asa’. Nguni’t sa Kasaysayan ay walang panahon, maliban sa bago ang Baha, mas malaking hindi kapani-paniwala, pagkakagulo ng isipan at sensuwal na kasalanan kaysa sa kasalukuyan; bisyo, kaguluhan at hindi paniniwala na buong nakapasok, na napakakaunti lamang ang hindi kasama, lahat ng sosyal na klase at mga kategorya. Ang Pinakabanal na Birhen sa Kanyang mga Aparisyon at mga rebelasyon ay hindi ipinakilala ang kanyang sarili sa kabaliktaran. Siya ay dumating para remedyuhan ang kasamaan, nguni’t wala ni isa man ang nais na makinig. Ano ang mas lohikal, kung ganoon, na sa Sangkatauhan, naglulunoy sa putik at matigas na sa kasamaan, ay nalugmok nang terible, pambihira at hindi pa naririnig na mga parusa, isang kahalintulad doon sa Baha, subali’t ibang-iba sa kanila sa pagiging mas masama pa rin? Ano ang mas natural kaysa sa sangkatauhang ito para parusahan at itama nang sa ganoon iyong mga mabubuhay ay maging mas matuwid at sundan ang daang ibinigay ng Diyos? At ano pang mas eksakatong pagsisimbolo sa ganoong pambihirang mga parusa kaysa sa ispada o mga ispada na kung saan ang Birheng Maria ay nagpakita sa simula?
Mga pananalita ng Ating Birhen na nagbibigay ng mga dahilan ng Kanyang mga Aparisyon: “Kung Ako ay dumating sa mundo iyon ay dahil si Satanas ay kinuha na ang mundo at nais na tapusin ang mga Katoliko.” “Ang dahilan sa Aking mga aparisyon sa Ezquioga ay nakasalalay sa pag-iwan ng mga ministro ng Aking Anak, na hindi inaasikaso tulad ng dapat ang kanilang mga simbahan. Kung kaya naghahanap Ako ng ibang mahal na mga kaluluwa, para sila ang gumawa ng kung ano ang nakalimutan ng Aking mga ministro.” “Si Hesukristo, Aking Anak, ay labis nang nasaktan sa pamamagitan ng mga paglapastangan na Kanyang natatanggap mula sa mundo, at nais na magpadala ng isang parusa. Gayunman, dahil Ako ang Ina ng lahat, Ako ay dumating para iparating sa Aking mga anak na sila ay magbago, dahil, kung hindi, sila ay makatatanggap ng parusa ng Ama.” Sa isang salita: Ang pagkamalimot sa paggawa ng ating maliliit na mga obligasyon, tinatalikdan natin ang mga iyon, at ang sukdulang pag-asam ng Langit na iligtas ang naliligaw na sangkatauhan, ay ang tripling dahilan ng mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birhen sa Ezquioga at, tulad ng sa La Salette, tulad sa Fatima, Siya ay mapait na dumaraing sa lahat ng Kanyang mga anak, lalo na sa marami na Kanyang mga pari na, maliban sa hindi pagsunod sa daan para sa kanilang at ng ibang pagpapakabanal, ay isang balakid sa kaligtasan ng marami.
Ang tugon ng mundo sa napakaraming mga Aparisyon at mga himala ng Pinakabanal na Birheng Maria sa pangkalahatan ay naging walang bungang kawalan ng pagkilos, malungkot na pagtangggi, at maitim na kawalang tiwala. Nguni’t bakit hindi magkaroon ng interes sa pangyayari at imbestigahan ito nang malalim? Bakit kailangang talikdan natin, at sabihing “walang obligasyon para maniwala, dahil ito ay hindi dogma ng Pananampalataya”, kung kaya ang publiko na walang pagkaalam sa mga bagay na ito ay pareho rin nila ang sinasabi, “walang magagawa rito”? Isang napakabigat na kasalanan, at napakabigat, na, sa isang banda, sa pagpapabaya nang labis sa isang importanteng bagay sa awa ng mga daloy ng mundo, na maaaring magtapos sa pamamagitan ng pagsira nito sa mga bato ng pagkalimot, samantalang sa kabilang banda, ito ay naghahadlang sa kaluwalhatian ng Diyos at ng Kanyang Ina, at sa pagpapakabanal at kaligtasan ng mga kaluluwa, ang pinakamataas na dobleng layunin ng sangkatauhan, hinahadlangan ito sa pagbibigay ng bungang kinakailangan sa Banal na Plano.
Ang mga kaganapang napatunayan na kahit na sa pamamagitan ng mga himala, at dapat na magpakita ng ganoong karangalan at kaluwalhatian sa Diyos at sa Birhen, at may kahalagahan sa mga Katoliko na dapat pag-aralan at siyasatin, subali’t iniwanan ang mga ito ng mundo sa malungkot na pagpapabaya at pinakakawalan ng isang nakahihiyang persekusyon na puno ng mga paninira, kalapastangan at labis na mga kasamaan laban sa lahat ng mga umaayon sa mga Aparisyon.
Kami ay nagtatanong: Mayroon bang malaking sosyal at ibang mga kadahilanan na nagpapalabas sa mga aparisyon na parang may katuwiran at natural? Oo. Una ang bigat ng kasalukuyang unibersal na sandali. Pinatahimik, kahi’t na alam na alam at nararamdaman, ang kasalukuyang unibersal na sandali ay pumupukaw ng mapait na pangkalahatang daing: “Ang mga bagay ay mabubulok. Tayo ay nasa bunganga ng isang bulkan. Kapag hindi natin inaasahan, ang kataklismo ay hahampas. Sana dumating na ngayon, ngayon.” At ang buong mundo ay nabubuhay sa patuloy na dalamhati at walang hanggang tormento, naghihintay sa oras ng trahedya para sa parusa sa kasamaan ng tao. Subali’t ang lubos na nakapagtataka sa lahat ng ito ay na ang tao, sa harap ng ganoon kalaking mga kasamaan, ay nabubuhay nang nakatalikod sa kanilang Taglalang, pinagsasarhan Siya ng mga pinto at linalapastangan at inuusig pa Siya. Ganoon kung paano nangyari ang pag-apostata sa Roma, nang ang mga Katoliko nang panahong iyon, at kahi’t na ang pinakamabuti sa kanila, ay walang pakialam, dahil inabandona na nila ang mga daan ng Diyos, nagsasalita, kumikilos at nabubuhay bilang mga Kristiyano sa panlabas, subali’t hindi sa katotohanan. Sa malawak na mayorya sa kanila, ang ispiritu ng Ebanghelyo ay naglaho, ang natira ay tanging ang sagradong letra; subali’t ang ispiritu, saan na ito napunta?
Ang ating panahon ay napakapareho roon sa kung saan si Hesukristo ay nabubuhay pa sa mundo. Inilarawan Niya ito nang maliwanag sa Ebanghelyo, higit sa lahat nang ipinamukha Niya roon sa mga eskriba at mga pariseo ang kanilang maling paraan ng pagkilos: na niyurakan nila ang Batas ng Diyos tungkol sa obligasyon ng pagmamahal upang sundin ang isang tradisyon; na pinupuri nila ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga labi nguni’t ang kanilang mga puso ay malayo sa Kanya; na ang itinuturo nila ay mga doktrina at mga batas ng tao, na sila mismo ay hindi gumagawa nito, na nagtatakda sila ng mabigat at hindi kayang mga buwis sa iba, samantalang sila mismo ay hindi kumikilos nang kahi’t na paano para tuparin ang mga iyon; na sila ay gumagawa ng mabuting mga gawain para makita ng mga tao, at gusto ang unang mga upuan, at gustong batiin sila sa plasa bilang mga maestro at mga doktor, na sila ay naglilibot nag-aamot ng papuri sa bawa’t isa, nguni’t hindi naghahanap ng kaluwalhatiang tanging nanggagaling sa Diyos, at iba pa.
Tiyak para sa huling dahilang ito ang mga eskriba at mga pariseo ay hindi tinanggap o naniwala kay Hesukristo; at tiyak na banidad, na nagbubunsod ng labis na papuri pagmamataas na nagreresulta sa pagsasapantaha, na naglalayo sa atin kay Hesukristo at sa Kanyang Pinakabanal na Ina. Ah! At paano ang ating Banal na mga Maestro ay itinuro ang lahat ng ito sa iba’t-ibang mga Mensaheng ipinadala sa mundo sa pamamagitan ng mga seer.
Nguni’t mayroon pa. Si Papa San Pio XI, sa isa sa kanyang matalinong sulat sa mga Obispo, noong 1932, ay nagbabala na ang mahirap na mga sandali na pinagdadaanan ng sangkatauhan noon pa man, ay maikukumpara lamang sa mga panahon ni Noe, na kung saan ang sugo ng Diyos ay mangaral ng penitensiya sa isang sutil na mundo, at gumawa ng arko ng kaligtasan para sa kaunting matuwid. At mas pa; Si Hesus at ang Pinakabanal na Birhen ay ibinalitang ang kasalukuyang panahon ay ang pinakamasama mula sa simula ng mundo. Tayo kung ganoon ay nasa bisperas ng hindi maiiwasang malaking sakuna, na tanging unibersal na penitensiya ang maaaring sumugpo.
Sa Huling mga Panahon ang ating Pinakabanal na Ina ay dapat na mas makilala, mahalin at purihin nang higit pa sa nakaraan hanggang ngayon. Ang Pinakabanal na Birhen ay nananatiling mababa ang kalooban at nakatago ang Kanyang buong buhay bilang isang peregrino sa mundo; at, tiyak dahil sa kababaang-loob na iyon at pananahimik, ang Banal na Birhen ay hindi minahal at pinuri nang nararapat para sa Kanya; sa buong Kasaysayan ng Simbahan, ay hindi Niya natanggap ang lahat ng kaluwalhatian at karangalang nararapat sa Kanya dahil Siya ay hindi lubos na kilala, hanggang ang Kanyang mga kaluwalhatian ay ipinublika sa Banal na Palmaryanong mga Konseho. Kung kaya ang ibang mga Santo ay nagpropesiya na, kapag ang pangkalahatang pag-apostata ay dumating, ang Birhen ay magsisimulang mas makikilala at mamahalin, dahil iyon ang Kalooban ng Makapangyarihang Diyos. Nais Niyang ang Kanyang Ina ay luwalhatiin at parangalan tulad ng nararapat sa Kanya, at mas kilala at mahal kaysa kailan pa man. Sa pangangaral ng penitensiya, at pagbubukas sa atin ng mga daan ng kaligtasan, ay kung paano ang Pinakabanal na Birhen ay ipinaramdam sa atin ang Kanyang marangal na presensiya sa atin. At dahil dito, ang Banal na Birhen ay nagpakita na kagila-gilalas sa La Salette, Lourdes, Knock, Fatima, Ezquioga at El Palmar de Troya.
Ang Espanya ay lagi nang itinatanging bansa ni Maria, at ang Katolikong bansa par ekselans, subali’t napatutunayan din na ang Espanya ngayon ay ang mana ng mga kaaway ng Katolisismo, na nakaakyat na sa kapangyarihan, tiyak dahil sa pagtalikod at pagpapasailalim ng marami na dati ay mabuti. At si Maria, na sa unang panahon ay nagbisita sa atin at nagtayo ng trono sa Zaragoza, ay may malaking pagkaawa sa Kanyang mga tao, at nagdadalamhati nang ubod ng lungkot sa Ezquioga, sa Garabandal at sa huli sa Palmar, para pukawin ang mahimbing na natutulog Niyang mga anak, para ibangon sila mula sa maruming burak na kung saan sila ay malalim na nalublob, sumisigaw sa pamamagitan ng mga seer para sa atin upang magsagawa ng patuloy na pagdarasal, mahirap na penitensiya, katanggap-tanggap na sakripisyo, at na ibigay ang ating mga sarili nang lubos sa Diyos; na Kanyang hiningi sa La Salette, sa Lourdes, sa Fatima, at sa lahat sa buong mundo; dahil ang oras ng paglilinis sa mundo ay darating na, at higit sa lahat sa Espanya, sa pamamagitan ng isang malupit na banal na paghampas.
Wala nang kailangan pa kaysa sa mag-obserba sa magaspang na katotohanan. At kapag ang kasamaan at erehya at pag-apostata at ateismo ay nakalantad na sa publiko, ang mga iyon ay tiyak na makapapasok sa lahat ng klase ng sosyedad walang eksepsyon. Sa kabila ng napakaraming mga Aparisyon at mga himala, ang Katolikong masa ay hindi nagising, nguni’t nagbingi-bingihan sa patuloy na sigaw ng Langit; iyong mga natinag na magsisi ay nanlamig, at dahil sa isa at ibang dahilan, halos ang lahat ay kumontra sa pinakatransendente sa lahat ng mga Aparisyon, iyong sa Palmar, itinanggi ang mga iyon, nilait ang mga iyon, at pinahirapan sila sa lahat ng paraan, kahi’t iyong masasama. Nasaan ang Pananampalataya? Sila ay humantong sa pangkalahatang pag-apostata dahil pinili nila ang daan ng hindi paniniwala. Subali’t bakit hindi sila naniniwala? Kailangang iproklama nang malinaw at malakas para marinig ng lahat: hindi sila naniniwala dahil sila ay namumuhay sa materyalismong pamumuhay, at higit pang masama sa materyal, sila ay nabubuhay para sa pera. Ang bagay at pera, sa pamamagitan ng kanilang bigat, ay nagtutulak pababa.
Kung nais nilang maniwala, dapat ay talikuran nila ang buhay na iyon at kasuklaman iyon, at sundan ang sobrenatural na buhay, hindi lamang para hangaan iyon at ipagdiwang iyon, subali’t isabuhay iyon nang mahusay: na hindi dapat tayo humanga at kumanta kay Kristo at Maria tulad noong nakaraan matagal na, nguni’t bilang presente sa atin; at hindi bilang patay, kundi buhay kasama natin, at sa ating kalooban. Kung kaya dapat nating isabuhay nang mabuti ang Kanilang mga buhay. Ang sobrenatural ay ang ispiritu na, sa kanyang kagaanan, ay umaakyat sa Langit.
Ang Marianong mga Aparisyon ng huling mga panahon ay napapaloob ang bukod-tanging sobrenatural na pamumulaklak malaki at katangi-tangi, tulad kalaki at katangi-tangi tulad ng mga pagtatanggi, ng mga pagsuko ayon sa kasunduan at mga pag-apostata sa kasalukuyang panahon. Ang mga bunga ay kinakailangang malaki, dahil ang kasalukuyang pagsisinungaling ng tao ay hindi pa narinig kahi’t kailan.
Ang mga Aparisyon ng Ezquioga ay malaki ang kahalagahan: Pinropesiya nila ang Relihiyosong Orden ng mga Tagapasan ng Krus sa Sevilla, at saka isang pagpapakilala sa mga Aparisyon sa Palmar, dahil sila ay may parehong katangi-tanging mga kababalaghan, may maraming mga seer, paggaling ng mga may sakit, kumbersiyon ng mga makasalanan, rebelasyon ng malapit na mga sekreto, mga propesiyang nagkatotoo, nararapat na mga parusa, espesyal na mga pabor na natanggap, at ang pagpapakabanal ng Kristiyanong mga kaluluwa sa mga taon ng mga Aparisyon mula sa Langit at mga rebelasyon.
Ang napakalaking karangyaan ng kahanga-hangang kaganapan ay nakabubulag sa mga kaaway ng mga Aparisyon: nakaaalarma, nakapanliliit, dumudurog at nakalilito sa kanila. At sila ay umaatake sa lahat ng panig at sa lahat ng paraan para itanggi, dungisan, at pagtangkaang pigilan ang sobrenatural na gawain na makakuha ng lakas.
Nguni’t ikonsidera ang mga sinabi ng Pinakabanal na Birhen sa Ezquioga: “Iyong mga hindi ipinaglaban ang kaluwalhatian ni Kristo, ay hindi magtatamasa nito”, at ang kaluwalhatian ni Kristo ay kaluwalhatian ng Kanyang Ina, na inilagay nila pagkatapos ng kanilang ginawang mga interes, na tiyak na walang pakinabang na matatamo para sa kanila sa araw ng malaking paglilitis.
Bakit pinipilit atakihin nang ganoon na lamang tulad ng ginagawa nila? Buweno, dito ang hustisya ng Diyos ay tiyak na maghihiganti sa mga pagkakasalang ibinigay sa Kanyang Ina, na mas marami pa, dahil sa patuloy na pagpupumilit maraming mga kaluluwa ang nawala at nawawala.
Ang paraan ng Langit na ginagamit para iligtas ang sangkatauhan ngayon, pabagu-bago, bulag, matigas sa kasalanan, ay parehong mga paraan na ginamit ng mga kaaway ng Diyos, para itanggi, hamakin at insultuhin. Sa salita ng isang tao ay wala nang solusyon. Ang sukdulang paraan ay inulit, napakaraming mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birhen, lubhang kinalaban, ganoon din maling pagkakaintindi, tiyak dahil sa kakulangan ng pananampalataya at mabuting Kristiyanong kaisipan. Ang mga Aparisyon ay hindi na bago sa Simbahan ng Diyos, subali’t nauulit sa buong Kasaysayan ng Simbahan. Si San Origen mismo ay nagsabi sa atin na maraming batang mga lalake at batang mga babae ang paulit-ulit na nagkaroon ng mga bisyon katulad ng ating tinatalakay. Sinabi niya na ito ay “sobrenatural na pamumulaklak na may kaugnayan sa mga pangangailangan ng panahong iyon ng perskusyon.” Subali’t ang mga panahong ito ay tiyak na mas mapanganib kaysa mga iyon, dahil sa kakulangan ng pananampalataya. Nakapagtataka kaya kung ganoon, na ngayon, sa mas malaking pangangailangan, mas malaki at mas madalas na mga aparisyon ang nangyayari?