Ang Pagbati ng "Ave María Purísima"
“Dahil kung ang dalawa o tatlo ay nagtitipon sa Ngalan Ko,
naroon Ako sa gitna nila.”[1]
Ang Ating Panginoong Hesukristo
Kapag ang dalawang tao ay nagkita sila ay nagbabatian at kapag sila ay naghihiwalay sila ay nagpapaalaman: ang natural na paunang salita at epilogo sa bawa’t pagitan ng oras, maikli man o mahaba, na pinagsamahan ng mga tao, at sa paraang ito ay pinagsisikapang ipahayag ang kanilang palitan ng mabuting pakikisama.
Ang iba’t-ibang mga kultura at mga sosyedad ay may kinagawiang pagbati sa iba’t-ibang paraan; ang mga Palmaryano sa buong uniberso ay ginagawa ito sa pagsasabi ng “Ave Maria Purisima” at sa pagsagot ng “Sin pecado concebida”. Ito ang Espanyol para sa “Aba Mariang Pinakadalisay, ipinaglihi nang walang kasalanan”.
Kapag ang dalawang mga Palmaryano ay nagbatian, hindi lamang sila bumabati sa isa’t-isa: sila ay nagdarasal din, dahil ang “Ave Maria Purisima, sin pecado concebida” ay isa sa aming mga pangunahing dasal[2].
Kapag ang dalawang mga Palmaryano ay nagsabi ng “Ave Maria Purisima, sin pecado concebida” ay bumabalibag sila ng makapangyarihang eksorsismo o pagpapaalis ng demonyo laban kay Satanas at sa kanyang mga kampon[3], at sa paraang ito ay pinababanal nila ang kanilang pag-uusap sa umpisa pa lamang at sila ay parehong nagsisikap para sa kanilang pagsisigasig kapag sila ay naghiwalay na.
Kapag ang dalawang mga Palmaryano ay binabati ang bawa’t isa ng “Ave Maria Purisima, sin pecado concebida” ay ipinoproklama nila nang may kagalakan at may tiwala na si Maria, ang Ating Ina, ay Imakulada[4], ang Babaeng ipinakilala sa Genesis[5], ang Kalusugan ng Sangkatauhan[6].
Kapag ang dalawang mga Palmaryano ay bumati sa bawa’t isa ng “Ave Maria Purisima, sin pecado concebida” ay lubos nilang pinagagalak ang Pinakabanal na Birhen. Si Hesus, ang Kanyang Pinakabanal na Anak ay naoobligang makiisa sa kanila, ang Eternal na Ama ay pinapanood sila nang may walang hanggang lambing at awa, ang Espiritu Santo ay tinutulungan at pinalalakas sila ng kanyang pinakamaalab na pagmamahal, ang mga anghel at mga santo ay masayang nagpupuri at sumasamba sa Diyos, ang Banal na mga Kaluluwa sa Purgatoryo ay masaya at nagkakaroon ng panibagong pag-asa at ang mga Bata sa Limbo ay sama-samang pumupuri at nagpupugay kay San Jose.
Kapag ang dalawang mga Palmaryano ay bumati sa bawa’t isa ng “Ave Maria Purisima, sin pecado concebida”, ang buong Kalangitan ay ginagawa rin ito kasama nila.
[1] Holy Palmarian Bible Superior Grade, 15th Part B: The Holy Gospel – Book V Ch. XXVII, 7.
[2] Palmarian Catechism Superior Grade, 1st Section: The Christian Doctrine Ch. LXXX, D.
[3] Pontifical Documents of Pope Saint Gregory XVII the Very Great, 49th Document, VIII.
[4] Palmarian Creed, pg. 15.
[5] Palmarian Creed, pg. 15.
[6] Palmarian Creed, pg. 22.