Ang Mga Aparisyon ng Lourdes
Lourdes. Pagitan ng ika-11 ng Pebrero at ika-16 ng Hulyo 1858, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita ng labing-walong ulit kay Santa Bernadette Soubirous (1844-1879), isang pobreng mangmang na katorseng taong gulang na batang babae, sa grotto ng Massabielle, lokalidad sa labas ng bayan ng Lourdes, Pransya, sa mababang burol ng Pyrene.
Sa buhay ni Santa Bernadette, ay maraming mga Katoliko na ang naniwala sa mga Aparisyon ng Birheng Maria bilang daluyan ng mga grasya ng Diyos, at si Papa San Pio IX ay binigyang awtorisasyon ang benerasyon sa Birheng Maria sa Lourdes noong 1862, mga labimpitong taon bago ang kamatayan ni Bernadette. Simula noon, ang titulo ng Birheng Maria na Ating Birhen ng Lourdes ay naging motibo ng malaking benerasyon, at ang Kanyang Santuwaryo ay naging isa sa pinakabinibisita sa mundo, na may milyong mga peregrino sa bawa’t taon.
Sa ikatlong Aparisyon, ang batang babae ay nakipag-usap sa Birhen, na nagtanong sa kanya: “Pwede bang gawan mo Ako ng isang pabor na pumunta ka rito sa loob ng labinlimang araw?” Si Bernadette ay buong pusong sumang-ayon, hindi man lamang nagdalawang isip sa magiging mga konsekuwensiya. Sa kanyang pangako Siya ay sumagot ng isa pang pangako: “Hindi Ako mangangako na gagawin kitang maligaya sa buhay na ito, nguni’t sa kabila.” Ang kaunting mga salitang ito ay parang matamis sa ilalim ng tingin Niya na nagbigkas ng mga iyon.
Sa mga sumunod na mga Aparisyon, si Mariang Pinakabanal ay humingi ng penitensiya at dalangin para sa mga makasalanan: “Penitensiya!… Magdasal sa Diyos para sa kumbersiyon ng mga makasalanan!” At pinaluhod siya at sinabihan siya: “Hagkan mo ang lupa bilang penitensiya para sa mga makasalanan… para sa kumbersiyon ng mga makasalanan.” Ang Kanyang mukha ay malungkot. Si Bernadette, malungkot din, ay sumagot na tatalima siya. Ang Birhen, laging may respeto, ay tinanong siya “kung iyon ay nakaligalig sa kanya” “O, hindi” sagot ng batang babae mula sa puso. Pakiramdam niya ay nakahanda siya sa anumang makapagpapasaya sa Kaibigang Iyon mula sa Langit na parang napakalungkot kapag sinasabi ang mga makasalanan, kahit na ang mga tao ay inisip na nasisiraan siya ng bait nang gawin niya ang ganoong mga bagay. Sa kaibuturan ng kanyang puso, sa pamamagitan ng tingin lamang, naunawaan niya na sa mundo ay may isang bagay lamang na sadyang malungkot: kasalanan.
Noong ika-25 ng Pebrero, ang Birhen ay nagsabi sa kanya na kumain ng mga halamang ligaw na tumutubo roon, at dapat na kumuha siya ng tubig mula sa bukal, kung paano gawin ay tinuruan Niya siya na maghukay sa lupa sa pamamagitan ng kanyang daliri. Sa paggawa ng hukay sa putikan at sa pagsubok na uminom, ay nilagyan ni Bernadette ng putik ang kanyang mukha, at ang kanyang ginawa at hitsura ay naging sanhi ng pag-aalinlangan ng marami sa mga 350 mga naroon. Upang maaliw ang Birhen pakiramdam niya ay kaya niyang gawin ang kahit na ano. Nang gawin niya ang mga bagay na ito, tulad ng paghalik sa lupa, paghukay sa maputik na lupa at pagkain ng damo, ang sigasig ay nanghina; ang mga tao ay walang naunawaan. Sa hindi pangkarinawang mga gawaing ito, si Bernadette ay nagbigay ng isang simple at nakasisiyang paliwanag: “Ang bisyon ay nagsabi sa akin na gawin ang mga iyon bilang penitensiya, una para sa akin at saka para sa lahat.”
Ang aksiyon ni Santa Bernadette sa paghalik sa basang lupa at paggawa ng hukay, hindi na walang pandidiri, ay isang mahigpit na penitensiya. Sa daan ng kanyang buhay, siya ay kinailangang dumaan sa isang interiyor na penitensiya; ang pagtanggap sa mga krus na pinili ng Panginoon para sa kanya, mga krus na naging mas mabigat sa sukat ng kanyang misyon, kasama sa gawain ng Pagtubos. Ganoon, kasama sa mga iyon ay ang moral na mga pagsubok, mahigit pa sa nakikita; ganoon din ang mga pagsubok sa mga karamdaman na pinakita ng mga medikal na ulat na labis na mabagsik at walang humpay. Pinagtiisan iyon lahat ni Bernadette na may pagpapaubaya para sa pagmamahal sa Diyos at sa Kanyang Pinakabanal na Ina.
Ang bukal ay hindi agad nagpakita; subali’t hindi nagtagal pagkaraan ang tubig ay bumulwak, sa bandang huli ay naging saksi sa maraming bilang ng mga himala. Ang bukal na nagpakita noong ika-25 ng Pebrero 1858 ay nagkaroon ng daan libong litro sa loob ng isang araw, tuloy-tuloy, simula sa petsang iyon hanggang ngayon.
Sa paulit-ulit na petisyon ni Bernadette na sabihin ang Kanyang pangalan, noong ika-25 ng Marso 1858 (sa Kanyang panlabing-anim na Aparisyon), ang Birhen ay pinagbago ang rosaryo sa paligid, isinuot ito sa kanang bisig. Pinaghiwalay Niya ang Kanyang mga kamay, at inunat ang mga iyon na ang mga palad ay tungo sa lupa. Ang Kamahalan ay sumibol buhat sa simpleng kilos na iyon; ang kanyang mabining anino ay nagpakita ng karingalan; ang Kanyang kabataan, isang timbang ng kawalang hanggan. May isang armonyang pagkilos ay saka Niya pinagsama ang Kanyang mga kamay sa kasingtaas ng dibdib, itinaas ang Kanyang mga mata sa Langit at sinabihan si Bernadette: “Ako ang Imakulada Concepcion.” Pagkatapos ng Aparisyon, ay agad na naunawaan ni Bernadette na ang mga salitang iyon, na hindi niya pa narinig sa nakaraan, sa katotohanan ay mahirap, masalimuot; at para sabihin ang katotohanan ni hindi niya man lamang naintindihan ang mga iyon. Naramdaman niyang makakalimutan niya ang kanyang ‘komisyon’. Mabilis kailangan niyang pumunta sa kumbento ng parokya. Natandaan ni Bernadette ang mga pantig ng pangalawang salita, na kanya nang nakalilimutan, at nagsimula siyang tumakbo, inuulit ang naiibang mga salitang ‘Imakulada Concepcion’ sa mahinang boses.
May tiwala, dahil nagtagumpay siyang mapanatili ang dalawang mga salita na halos malapit na niyang makalimutan, gayunman si Bernadette ay nakaramdam ng mas naiintriga at mas pa na parang bigo. Ganoon din tulad ng iba pa, mas nanaisin niya pang maniwala na ang kahanga-hangang Aparisyon ay ang Pinakabanal na Birhen; sino kung ganoon itong ‘Concepcion’?
Itinulak niya ang pinto at sinimulan ang kanyang mensahe sa mukha ng Pari sa Parokya, halos tuwiran: “Ako ang Imakulada Concepcion.” Napag-isip ni Bernadette kung gaano kabrusko ang salita, inulit na may tiwala: “Sinabi Niya ‘Ako ang Imakulada Concepcion’.” “Ang Birhen ay hindi maaaring magkaroon ng ganoong pangalan… Niloloko mo ako! Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin niyan?” Si Bernadette ay malungkot na umiling. “Kung ganoon paano mong nasabi iyon, kung hindi mo nauunawaan iyon?” “Inulit-ulit ko iyon habang nasa daan ako.” Ang Pari ng Parokya ay nakaramdam ng pagkatinag sa ebidensiya ng supernatural, at ang tanging nasabi: “Umuwi ka na sa bahay. Makikipagkita ako saiyo sa ibang araw.” Si Bernadette ay umalis na labis na ligalig. Kung hindi alam ng Pari, sino?
Ang salita ay masyadong banyaga sa bokabularyo ni Bernadette at sa una sa totoo lang ay isang motibo ng kalituhan para sa Pari ng Parokya ng Lourdes at gayundin para sa ibang mga awtoridad ng Simbahan at sibil. Ang Dogma ng Imakuladang Concepcion ng Birheng Maria ay solemneng ipinroklama noong ika-8 na Disyembre 1854, tatlong taon ang nakaraan. Ang Imakuladang Concepcion ay Siya na, libre sa lahat ng personal na kasalanan, pinasan ang Krus ng ating penitensiya, mula sa sabsaban ng Belen hanggang sa abang tahanan sa Nasareth, at higit sa lahat sa Golgotha, kung saan ay naranasan Niya ang pinakamatinding lungkot ng puso na posibleng magkaroon ang isang ina, ang lungkot ng Reparasyon at Pagtubos.
Si Santa Bernadette Soubirous ay nanatiling nagkaroon ng permanenteng kilos ng pagiging kalmado sa lahat ng maligalig na mga pagtatanong kung saan siya ay isinailalim, na hindi binabago ang kanyang kuwento o kilos, hindi sinusubukang ipakita ang kaalaman nang higit sa inihahayag sa paglalarawan sa mga bisyon. Ang huling pagtatanong sa harapan ng Komisyon ng Simbahan, na pinangunahan ng Obispo ng Tarbes, ay noong ika-1 ng Disyembre 1860. Ang may katandaan nang Obispo sa bandang huli ay natinag nang inulit ni Bernadette ang galaw at mga salita ng Birhen noong ika-25 ng Marso 1858: “Ako ang Imakulada Concepcion.” Noong 1862, ang Obispo ay naglathala ng isang sulat pastoral na kung saan ay idineklara niya na “ang Imakuladang Ina ng Diyos ay tunay na nagpakita kay Bernadette.” Nang parehong taon na iyon, si Papa Pio IX ay binigyan ng awtorisasyon ang lokal na Obispo na payagan ang benerasyon, sa iba’t-ibang paraan, sa Birheng Maria sa Lourdes. Simula noon ang iba’t-ibang mga Papa ay sinuportahan ang debosyon at peregrinasyon sa Santuwaryo. Si Papa San Pio X ay pinahaba ang selebrasyon ng Komemorasyon sa buong Simbahan. Si Papa San Pio XI ay kinanonisa si Santa Bernadette Soubirous sa Kapistahan ng Imakuladang Concepcion noong 1933. Noong 1937, ang parehong Papa San Pio XI ay itinalaga si Kardinal Eugenio Pacelli (San Pio XII) bilang Delegado ng Papa na personal na bisitahin at bigyan ng benerasyon ang Birhen sa Lourdes. Sa komemorasyon sa Sentenaryo ng Dogma ng Imakulada Concepscion. Si Papa San Pio XII ay nagbigay ng dekrito ng selebrasyon ng unang Marianong Taon sa kasaysayan ng Simbahan, habang isinasalarawan ang mga kaganapan sa Lourdes sa sumusunod na mga pananalita: “At parang animo ang Pinakabanal na Birhen ay ninais na kumpirmahin sa nakamamanghang paraan ang deklarasyong sinabi ng Bikaryo ng Kanyang Banal na Anak sa mundo, sa masigabong palakpakan ng buong Simbahan. Dahil hindi pa nakararaan ang apat na taon simula sa Dogma nang, malapit sa isang bayan sa Pransya sa paanan ng Pyrene, ang Pinakabanal na Birhen, nakadamit ng puti, na may kapang singputi ng snow at napapalibutan ng isang asul na sintas sa baywang, ay nagpakita nang may kabataan at magiliw na aspeto sa isang kuweba sa Massabielle sa isang inosente at simpleng kabataang babae, kung kanino, dahil nagpumilit siya na malaman ang pangalan noong minarapat na , nagpakita sa kanya, Siya na may magiliw na ngiti at itinaas ang Kanyang mga mata sa Langit, ay sumagot: ‘Ako ang Imakulada Concepcion.’ Naunawaan nang malinaw ng mga mananampalataya, na natural lamang, at sila ay nagtipon sa Grotto ng Lourdes mula sa lahat ng dako sa banal na mga peregrinasyon,sa halos hindi makalkulang karamihan, binuhay ang kanilang pananampalataya, binuhay ang kanilang kabanalan at nagsikap na makaagapay ang kanilang mga buhay sa mga alituntunin ni Kristo.”
Sa palasak na lenguwahe ang “Lourdes” Grotto ay naging katulad ng “himala” Para kay Kristo, ang mga himala ay hindi ang pinakaimportanteng bagay: “Mapalad iyong hindi nakakita at hindi nakahawak at naniwala.” Ang Mensahe ng Lourdes ay napakaikli: Panalangin at Penitensiya… “Ako ang Imakulada Concepcion.” Ang Pinakabanal na Maria ay hindi nagbase ng Kanyang Mensahe sa mga argumento, subali’t sa walang hanggang kapangyarihang mga gawa ng Diyos” Ang mga Himala ay mga senyal na nagbibigay ng banal na kapangyarihan sa mga Mensahe, tulad nang pinagaling ni Kristo ang paralitiko na nagsabi: “Buweno, para malaman mo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan sa mundo para magpatawad ng mga kasalanan… sinasabi Ko saiyo, tumayo ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi sa inyong tahanan.” Ang banal na kapangyarihang ito, ipinakita sa mga himala, ay inoobliga ang tao para sumunod, tulad nang si Propetang Jonas, ay mahimalang naligtas mula sa balyena, ay nagsabi sa hari: “Kapag ikaw at iyong mga nasasakupan ay hindi makumbert sa Panginoong Diyos ng Israel, at hindi magsagawa ng penitensiya, ang Nineveh ay mawawasak”; at ang hari ng Nineveh ay napilitang makumbert, inihagis ang kanyang pangharing kasuotan, nagsuot ng sakong damit, tinakpan ng abo ang kanyang ulo at naglathala ng kautusan na nagsasabi: “Ang lahat ng mga nasasakupan ng aking kaharian ay mananamit ng damit na sako, mag-aayuno, tatakpan ng abo ang kanilang mga ulo, at mananawagan ng buong kaluluwa nila sa Panginoong Diyos ng Israel, ang lahat ay magkumbert mula sa kanilang masamang pamumuhay. Sino ang makaaalam na bakasakali ang Panginoon sa ganoong paraan ay magbago ng Kanyang isip at patawarin tayo! At ang matinding galit ng Kanyang Poot ay mapalamig, para tayo ay hindi mapahamak!”
Ang mensaheng ito ng “panalangin at penitensiya” ay nagdadalang muli sa atin sa umpisa ng Ebanghelyo, hanggang sa pangangaral ni Juan Bautista, na naghanda ng daan para sa Unang Pagdating ni Kristo. Ang paanyayang ito ay umabot sa kalagitnaan ng ikalabinsiyam na siglo, nang ang bukang liwayway ng progresong teknikal ay nagsimulang baguhin ang buhay. Ang panahon ng materyal na pag-unlad ay nagsimula, subali’t ang ispiritwal na mga pagpapahalaga ay naglaho. Ito ang sandaling pinili ng Ating Birhen upang ipaalaala sa atin ang halaga at pangangailangan para sa panalangin at penitensiya, sa paghahanda para sa Panahon ng Apokalipsis at para sa Maluwalhating Pangalawang Pagdating ni Kristo.
Si Mary Bernadette Soubirous ay itinanghal na Santa ni San Pio XI noong ika-8 ng Disyembre 1933. Sa dagdag pang mga detalye tungkol sa mga Aparisyon ng Lourdes, basahin ang buhay ng Santang ito, na ang kapistahan ay sa ika-16 ng Abril, sa Palmarian Lives of the Saints.