Ang mga Aparisyon ng Ating Birhen ng Guadalupe
Walang anumang duda, ang pinakamaluwalhati at transendenteng pangyayari sa kasaysayan ng Mehiko ay ang Mga Aparisyon ng Ating Birhen ng Guadalupe sa Indian na si Juan Diego sa Burol ng Tepeyac, noong ika-9 hanggang ika-12 ng Disyembre 1531, mga aparisyon na kung saan ay humantong sa imahen ng Kanyang sarili na iniwan sa atin, himalang napinta sa kapa ni Juan Diego.
Ang mga Aparisyong ito ay ang pinakatransendenteng kaganapan sa kasaysayan ng Mehiko, dahil bago pa sa mga ito, ang mga Indian ay parang mabigat ang loob na tanggapin ang Kristiyanidad; subali’t hindi pa natatagalan nang iwanan ng Pinakabanal na Birhen ang Kanyang mahimalang imahen ay agad na silang naniwala nang may pinakamalaking kapayakan at gaan. Ang bansang Mehiko ay napakalaki ang utang na loob sa Birhen ng Guadalupe sa hindi mabilang na mga pabor na natanggap mula sa Kanya, ang hindi mabilang na mga kalungkutan na Kanyang binigyan ng konsolasyon, at dahil sa napakaraming mga taon ang Pananampalataya sa Mehiko ay napangalagaan kahit na sa napakaraming mga pag-atake mula sa masonikong mga pamahalaan simula nang ang kalayaan ay gawing huwad, ang pinakamasama ay ang imposisyon ng mga karaniwang paaralan, kung saan ay nalublob ang karamihan sa mga Mehikano sa pinakamalungkot na pagkaignorante sa relihiyon, walang laban sa mga pamahiin, panatisismo at ehreya; at ang Pinakabanal na Birhen ay pinatibay ang higit sa limampung libong mga Martir na Mehikano sa mga Cristiadas sa unang ikatlong parte ng ikadalawampung siglo.
Noong ika-29 ng Nobyembre 1972, ang noon ay seer na si Clemente Domínguez ay nagbisita sa Santuwaryo sa Mehiko, at ang Pinakabanal na Birheng Maria, sa ilalim ng titulo ng Guadalupe, ay nagsabi sa kanya: “Nais kong malaman ng mundo ang sumusunod: Sa ilalim ng Sagradong Titulong ito ng Guadalupe, milyones na mga kaluluwa ang naligtas; ang lahat ng naghahanap na mabuhay sa ilalim ng Aking proteksiyon at nagkakanlong sa ilalaim ng Aking Banal na Kapa.”
Dito ang kahanga-hangang paraaan kung saan ang lagi nang Birheng Maria, Ina ng Diyos, Ating Reyna, ay nagpakita sa Tepeyac, tinatawag na Guadalupe, ay sinambit. Una Siya ay nagpakita sa isang abang Indian na tinatawag na Juan Diego; at pagkaraan ang Kanyang mahal na imahen ay nagpakita rin sa harapan ng bagong Obispo, Prayle Don Juan ng Zumárraga:
Makaraang makuha ang lungsod ng Mehiko ng Conquistador na si San Hernán Cortés, at nang ang digmaan ay natapos at nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao, ang Pananampalataya at pagkaalam sa Tunay na Diyos ay nagsimulang umusbong, nagdagdag sa bilang ng mga mananampalataya sa Tunay na Simbahan.
Ang unang Aparisyon ay naganap noong Disyembre ng taong 1531. Naganap ito nang ang isang abang Indian, ang pangalan ay Juan Diego galing sa Cuautitlán patungo sa Santiago Tlaltelolco upang makinig ng Misa sa karangalan ng Birheng Maria. Ang bukang liwayway ay nagsimula sa ibabaw ng mga burol ng Tepeyac, at sa kanyang pagdaan ay nakarinig siya ng musika, tulad ng paghuni ng maraming magagandang mga ibon, at siya ay tumigil para makinig; ang mga boses ng mga umaawit kung minsan ay tumitigil; at animo’y ang bundok ay sumasagot; ang awit, napakaganda at nakagagalak, ay nasapawan ang lahat ng magagandang mga ibong umaawit.
Si Juan Diego ay tumigil upang tingnan at nagsabi sa sarili: “Ako kaya ay karapat-dapat sa aking naririnig? Marahil nananaginip? Ako ba ay nagising pa lamang? Nasaan ako? Marahil sa isang pagkakataon sa isang paraiso sa mundo, tulad ng sinabi ng mga matatanda, ng aming mga ninuno? O sa isang pagkakataon ay nasa Langit na?”
Siya ay nakatingin sa silangan, sa itaas ng isang gulod mula sa kung saan ang napakagandang awit mula sa langit ay nanggaling at, habang ito ay biglang tumigil ay nagkaroon ng katahimikan, ay nakarinig siya ng isang tinig na tinatawag siya buhat sa itaas ng gulod, na nagsasabi: “Maliit na Juan, Juan Dieguito.”
Si Juan Diego ay matapang na pumunta sa itaas kung saan siya ay tinawag. Ganap na kuntento, siya ay umakyat sa gulod: Nang siya ay makarating sa tuktok, ay may nakita siyang isang Birhen na naiiba ang ganda, nakatayo roon at sinabihan siyang lumapit.
Nang siya ay makarating sa Kanyang harapan, siya ay lubos na humanga sa Kanyang higit sa taong karingalan: Ang Kanyang damit ay nagniningning tulad sa araw; ang dalisdis na kung saan Siya ay nakatayo ay nagniningning tulad sa kislap ng mamahaling mga bato; at ang lupa ay nagliwanag tulad sa isang bahaghari, at ang mga halamang nabubuhay roon ay naging animo’y mga esmeralda; ang kanilang mga dahon ay magandang turkesa; ang kanilang mga sanga at mga tinik ay tulad sa nagliliwanag na ginto. Si Juan Diego ay yumuko sa Kanyang harapan at narinig ang Kanyang napakalambing at magalang na mga pananalita, tulad sa isang nakaaakit at nagmamahal nang labis. Sinabi Niya sa kanya: “Maliit na Juan, pinakamaliit sa aking mga anak, saan ang punta mo?” Sumagot siya “Aking Birhen at Aking Ginang, kailangan kong makarating sa Inyong bahay sa Mehiko, Tlatilolco, para sa banal na mga bagay na ibinibigay at itinuturo sa amin ng aming mga Pari, mga sugo ng Ating Panginoon.”
Ang Birhen ay nakipag-usap sa kanya at ipinaalam ang Kanyang banal na nais, na nagsabi: “Dapat mong malaman at masiguro, na ikaw, ang pinakamaliit sa Aking mga anak, na Ako ang Laging Birhen at Banal na Maria, Ina ng Tunay na Diyos, na kung kanino ikaw ay nabubuhay, Panginoon ng Langit at Lupa. Buhay na nais Ko na ang isang Santuwaryo ay itayo dito para sa Akin upang ipakita at ibigay sa lahat ang Aking pagmamahal, awa, tulong at pagtatanggol, sapagka’t Ako ang inyong maawaing Ina, saiyo, at sa lahat ng mga naninirahan sa mundong ito magkakasama, at sa lahat ng nagmamahal sa Akin, na nananawagan at nagtitiwala sa Akin; doon ay didinggin Ko ang kanilang mga kalungkutan at reremedyuhan ang lahat ng kanilang mga dalamhati at lungkot. At para maisagawa ang layunin ng Aking awa, pumunta ka sa palasyo ng Obispo ng Mehiko, at sasabihin mo sa kanya kung paano kita inutusan para ipakita sa kanya kung ano ang labis Kong nais, at dito sa lebel na lupa ay ipagtayo niya Ako ng isang Santuwaryo at sasabihin mo sa kanya nang maingat ang lahat ng iyong nakita at hinangaan, at kung ano ang iyong narinig. Siguruhin mong pasasalamatan kita buhat sa puso at babayaran para roon, dahil gagawin Kitang masaya at malaki ang merito na iyong makukuha; at babayaran ko ang iyong paghihirap at pagod na kung saan ay gagawin mo ang trabahong ito. Ngayong narinig mo na ang Aking utos, Aking anak na pinakamaliit, humayo ka at gawin ang iyong parte.”
At pagkasabi nito, ay pinapunta Niya siya upang makipagkita sa panginoong Obispo, sabihin sa kanya ang lahat ng kanyang nakita at ipaalam sa kanya ang Kanyang nais na magkaroon ng Santuwaryo roon at pinangakuan siya na babayaran sa lahat ng kanyang ginawa para sa Kanya.
Agad siya ay yumuko sa harapan Niya at nagsabi: “Aking Birhen, ako ay pupunta at isasakatuparan ang Inyong utos; magpapaalam na ako sa ngayon, ako na Inyong abang alipin.” At siya ay dumeretso pababa para gawin ang Kanyang utos; sa labas sa kalsadang patungo derekta sa Lungsod ng Mehiko.
Nang siya ay nakapasok na sa lungsod, walang abala siya ay tumungo deretso sa palasyo ng Obispo, ang prelado na hindi pa natatagalan dumating, at tinatawag na Juan ng Zumárraga, isang Prayle ni San Francisco. Hindi pa nga si Juan natatagalang dumating ay hinanap na niya siya para makipagkita; nakiusap siya sa mga katulong niya na ipaalam sa kanya , at makaraan ang may katagalang paghihintay ay pumunta sila sa kanya at sinabing ang panginoong Obispo ay nagsabing maaari na siyang pumasok.
Sa pagpasok niya ay agad, siya ay yumuko at lumuhod sa kanyag harapan. Agad niyang ibinigay ang mensahe ng Birhen mula sa Langit; at sinabi rin sa kanya ang lahat ng kanyang hinangaan, nakita at narinig. Ang panginoong Obispo ay tinanggap siya nang may kabaitan, at mataman siyang pinakinggan; subali’t parang hindi siya naniniwala na totoong ang Birheng Maria ay nagpakita sa kanya, sa kabila ng katotohanang alam na mabuti ng bawa’t Kristiyano, tulad ng sinabi ni Pablo, na ang Diyos ay pinipili ang hangal sa mata ng mundo para mataranta ang matalino, at ang mahina para malito ang malakas. Makaraang marinig ang kanyang buong salaysay at mensahe, ang Obispo ay sumagot lamang: “Pag-iisipan ko muna ito. Sa ngayon, ay humayo ka kasama ang Diyos, at ikaw ay muling babalik, aking anak, at pakikinggan kita nang mas mahaba, muli kong pag-aaralan ito mula sa simula at pag-iisipan ang layunin at nais kung bakit ikaw ay pumarito.”
Si Juan Diego ay umalis at bumalik na malungkot; dahil sa anumang paraan ang kanyang mensahe ay naisakatuparan. Nang araw ding iyon ay tumuloy siya deretso pabalik sa itaas ng gulod at nakipagkita sa Birhen ng Langit, na naghihintay sa kanya, doon mismo sa kung saan niya Siya unang nakita. Nang makita niya Siya siya ay lumuhod sa harapan Niya at nagsabi: “Birhen, aking Anak, pumunta ako kung saan mo ako pinapunta upang isakatuparan ang Inyong utos; kahi’t na may kahirapan ako ay pumasok kung saan ang upuan ng prelado ay naroon; nakita ko siya at ipinaliwanag ang Inyong mensahe, tulad ng sinabi Mo sa akin. Mabait niya akong tinanggap at matamang pinakinggan subali’t sa kanyang pagsagot, ay parang hindi siya kumbinsido at nagsabi sa akin: ‘Muli kang babalik; pakikinggan kita nang mas mahaba: Muli kong pag-aaralan ito mula sa simula ang layunin at nais kung bakit ikaw ay pumarito…’ Perpekto kong naunawaan sa paraan ng kanyang pagsagot na akala niya ay imbento ko lamang na nais Ninyo ang isang Santuwaryong itatayo dito at marahil ay hindi ito utos Ninyo; kung kaya nakikiusap ako Sainyo nang taimtim, Birhen at aking Anak, na mag-utos Kayo ng ibang prinsipal na personahe, kilala, nirerespeto at tinitingala, para maniwala sila; sapagka’t ako ay isang maliit na tao lamang, isang kurdon, isang hagdan, isang buntot, isang dahon, hindi mahalaga, at Kayo, aking Anak, Birhen ay pinapunta Ninyo ako sa isang lugar na kailan man ay hindi ko pinupuntahan o tinitigilan. Patawarin Ninyo ako sa pagiging dahilan ng Inyong malaking kalungkutan at nagdala sa Inyo ng sama ng loob, aking Birhen at Ginang.” Gayon siya nagdasal sa Pinakabanal na Birhen na gumamit ng ibang mensahero na mas karapat-dapat kaysa sa kanya, sapagka’t siya, ay walang kuwenta, isa lamang pobre at kasuklam-suklam na Indian, na ang mga salita ay hindi binigyang kredito ng Obispo.
Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay sumagot: “Makinig ka, pinakamaliit sa Aking mga anak, at unawaing marami ang Aking mga alipin at mga mensahero na maaari Kong utusan para magdala ng Aking mensahe at gawin ang Aking nais; nguni’t lubos na kinakailangang ikaw mismo ang humingi at tumulong, at sa pamamagitan mo ang Aking nais ay mangyayari. Nakikiusap Ako saiyo nang seryoso, pinakamaliit sa Aking mga anak, at may mahigpit na utos, na pumunta kang muli bukas para makipagkita sa Obispo. Ipaalam mo sa kanya sa ngalan Ko at ipaalam mo sa kanya ang buo Kong nais, na dapat niyang gawin ang Santuwaryong hinihingi Ko sa kanya. At sabihin mong muli sa kanya na Ako personal, ang Laging Birheng Banal na Maria, Ina ng Diyos, ay sinugo ka.” Si Juan Diego ay sumagot na puno ng kababaang-loob: “Aking Birhen at aking Anak, Hindi na Kita bibigyan pa ng lungkot; Pupunta ako nang kusa para isagawa ang Inyong utos; Sa anumang paraan ay hindi ko bibiguing gawin o isiping mahirap ang paraan. Aalis ako para gawin ang Inyong utos; Pero siguro hindi ako pakikinggan nang may kagalakan o kung pakinggan man ako, marahil ay hindi paniniwalaan. Bukas ng hapon paglubog ng araw, darating ako para ipaalam Sainyo ang sagot ng prelado sa Inyong mensahe. Ngayon ay magpapaalam na ako Sainyo, aking Anak at Birhen. Magkaroon Ka ng kapayapaan pansamantala.”
Nagtungo na siya sa bahay para magpahinga. Kinabukasan, Linggo, maagang maaga siya ay umalis ng bahay at deretsong pumunta sa Tlatilolco, para tumanggap ng instruksiyon tungkol sa banal na mga bagay at pagkatapos ay para makipagkita sa prelado.
Pagkaraang makinig ng Misa, si Juan Diego ay pumunta sa palasyo ng panginoong Obispo. Pagkarating na pagkarating niya, ay ginawa niya ang lahat ng kanyang magagawa para makipagkita sa kanya, at muli may malaking kahirapan ay nakita siya; lumuhod siya sa kanyang paanan; nalungkot at umiyak sa pagpapaliwanag sa utos ng Birhen mula sa Langit. O, upang siya ay maniwala sa kanyang mensahe, at ang nais ng Inmakulado, na magtayo ng Kanyang Santuwaryo sa lugar na Kanyang tinuran.
Ang panginoong Obispo, upang makasiguro, ay tinanong siya ng marami: kung saan niya Siya nakita at kung kumusta Siya; at si Juan Diego ay perpektong sinabi sa panginoong Obispo ang lahat. Ipinaliwanag niya ang Kanyang pigura nang eksakto, at ang lahat ng kanyang nakita at hinangaan, kung kaya ang lahat ay nagpapakita sa Kanya bilang ang Laging Birheng Pinakabanal na Ina ng Tagapagligtas na ang Ating Panginoong Hesukristo. Sa panahong ito ang atensiyon ng Obispo ay natuon sa katatagan kung paano ibinigay ni Juan Diego ang mensahe at isinalarawan ang Birheng nagpadala nito, at pinatotohanan ang lahat nang walang pag-aalinlangan o pagbabago kahit na ano. Nguni’t ang Obispo ay nagsabi na ang Kanyang petisyon ay kinakailangang bigyan ng atensiyon hindi lamang sa kanyang mga salita at hangad, subali’t dahil sa ilang katibayan, na napakakinakailangan; para siya maniwala na ang Ginang sa Langit nga ang nag-utos sa kanya. Nang marinig ito ay tinanong siya ni Juan Diego kung anong katibayan ang nais niya para pumunta siya at hingin ito sa Birhen mula sa Langit, subali’t hindi tinuran nang esakto ng Obispo, at siya ay pinaalis na.
Agad ang Obispo ay nagpadala ng mapagkakatiwalaang mga lalake mula sa kanyang palasyo para sundan siya at makita kung saan siya pumunta at kung kanino siya nakipag-kita at nakipag-usap. Ito ay isinagawa. Si Juan Diego ay tumungo deretso sa tabi ng kalsada; iyong mga sumusunod sa kanya ay walang nakitang may kinausap siya, subali’t sa pagdaan sa tulay na nagsisilbi bilang katapusan ng kalsada, ay nawala siya sa paningin nila, kahi’t na hinanap nila siya sa lahat ng dako, ay hindi siya nakita. Kung kaya sila ay bumalik na lamang, hindi lamang dahil sila ay nahadlangan subali’t nabigo niya rin ang kanilang layunin at iyon ay ikinagalit nila. Pumunta sila para ipaalam sa panginoong Obispo, napaniwala siyang huwag maniwala, at sinabihan siyang huwag nang magpaloko pa; na inimbento lamang ni Juan ang lahat ng kanyang mga sinabi sa kanyang pagpunta roon, o kaya ay panaginip lamang ang kanyang sinabi at hiningi; at sa madaling salita ay nag-isip kung, siya ay babalik muli, dapat nila siyang hulihin at parusahan nang mahigpit, para hindi na muli pa siyang magsinungaling o manloko.
Samantala, si Juan Diego, na hindi alam na siya ay sinundan, nang makarating sa tulay, ay nagpatuloy sa kanyang daan tungo sa lugar kung saan ay dati niyang nakita ang Pinakabanal na Birhen, at doon ay natagpuan niya Siya, at natural lamang ipinaalam sa Kanya na ang panginoong Obispo ay humingi ng isang katibayan para mapatotohanan na Siya nga ang nag-utos sa kanya. Sumagot ang Birhen: “Mabuti, Aking anak, bumalik ka rito bukas para dalhin sa Obispo ang katibayan na kanyang hinihingi. Sa pamamagitan niyon ay maniniwala siya at hindi na magdududa pa, o suspetsahan ka, at alam mo, aking maliit na anak, na babayaran Ko ang pag-ingat, trabaho at pagod na dinaanan mo para sa Akin. Siya, umalis ka na ngayon; bukas hihintayin Kita rito.”
Kinabukasan, Lunes, nang si Juan Diego ay magdadala ng mga katibayan para paniwalaan, ay hindi siya bumalik, dahil sa pagbalik sa bahay, ang kanyang tiyo, tinatawag na Juan Bernardino, ay nagkaroon ng salot na sakit, at malala na. Una siya ay tumawag ng doktor, na tumulong sa kanya; subali’t wala nang oras pang natitira, malala na masyado ang kanyang karamdaman.
Kinagabihan ang kanyang tiyo ay pinakiusapan siyang umalis nang napakaaga at pumunta sa Tlatilolco para tumawag ng isang Pari na pumunta at pakumpisalin siya at ihanda siya, dahil nakasisiguro na siya na oras na para sa kanya para mamatay, at hindi na siya muling makababangon pa o kaya gagaling pa. Noong Martes, maagang-maaga, si Juan Dego ay umalis ng bahay papunta sa Tlatilolco para tumawag ng Pari, at nang malapit na sa daan patungo sa gilid ng dalisdis ng gulod ng Tepeyac, sa bandang Kanluran, kung saan siya ay dating dumaraan, ay nagsabi: “Dederetso lang ako, at baka ako ay makita ng Birhen, at tiyak aabalahin ako para dalhin ang katibayan sa prelado, tulad ng plano Niya kasama ko: Tapusin na muna ang hirap na pinagdadaanan namin at magmamadali ako para tumawag ng Pari; hinihintay talaga ng kawawa kong tiyo siya.”
At umiba siya ng daan sa paligid ng gulod, umakyat sa pagitan at bumaba sa kabila, patungo sa silangan, para makarating ng Mehiko at hindi siya mapigilan ng Birhen mula sa Langit, dahil lubos na kailangan ang tumawag ng Pari.
Sa akala niya sa pag-ikot niya sa daang dinaanan niya, ay hindi siya makikita ng Birhen sa pagtingin niya sa kanyang paligid, subali’t nakita niya ang Birhen ng Langit pababa mula sa gulod na kung saan ay dating nakikita niya Siya. Pumunta Siya sa ibaba para salubungin siya sa kabilang banda ng burol at sinabihan siya: “Anong nangyayari, aking anak, na pinakamaliit? Saan ang punta mo?”
Si Juan Diego ay yumuko sa Kanyang harapan; binati niya Siya at simpleng sinabi sa Kanya na ang kanyang tiyo ay malala ang sakit at maghahanap siya ng isang Confesor, at pagkatapos nito ay dadalhin niya ang mensahe at katibayan na ibinigay Niya para sa Obispo. Pagkatapos mapakinggan ang mga sinabi ni Juan Diego, ay sumagot ang Pinakabanal na Birhen: “Makinig ka at siguraduhin mo, aking anak, na pinakamaliit, na ang iyong paghihirap at takot ay walang basehan; huwag ka nang mag-alala, huwag mong katakutan ang sakit na ito, o ang ano pa mang sakit at kalungkutan. Hindi ba narito Ako, na iyong Ina? Hindi ba ikaw ay nasa ilalim ng Aking anino? Hindi ba Ako ang inyong kalusugan? Hindi ba ikaw ay siguradong nasa Aking kandungan? Ano pa ang iyong ibang pangangailangan? Huwag mo nang hayaang mag-alala pa ng iba at magdusa. Huwag mo nang pagdusahan ang sakit ng iyong tiyo, hindi siya mamamatay ngayon. Siya ay siguradong magaling na ngayon.” Nang mapakinggan ni Juan Diego ang mga katagang ito galing sa Birhen ng Langit, siya ay lubos na naalo; naramdaman niya ang kasiyahan at kumbinsido, at hindi na binigyan pa ng halaga ang paghanap ng Confesor para sa kanyang tiyo, na sa mga sandali at oras na iyon ay gumaling na sa kanyang karamdaman. Hiningi niya sa Kanya na papuntahin na siya agad sa Obispo, para dalhin sa kanya ang mga katibayan at pruweba, para siya ay maniwala.
Ang Birhen ng Langit pagdaka ay inutusan siyang umakyat sa ibabaw ng burol, kung saan ay nakita niya Siya dati. Sinabihan Niya siya: “Umakyat ka, Aking pinakamaliit na anak, sa ibabaw ng gulod, doon kung saan mo Ako nakita at binigyan kita ng mga kautusan, at matatagpuan mo ang iba’t-ibang mga bulaklak doon; putulin mo ang mga iyon at, kolektahin mo at ipunin; at bumaba ka at dalhin ang mga iyon sa Aking presensiya.”
Agad si Juan Diego ay umakyat sa gulod, at nang siya ay makarating sa tuktok ay laking pagkamangha sa napakaraming iba’t-iba at magagandang mga rosas ang namulaklak, hindi pa man sa panahon, sapagka’t sa panahong iyon ay nagsisimula pa lamang. Mababango ang mga iyon at puno ng mga hamog sa gabi, na tila mamahaling mga perlas.
At nagsimula siyang magputol ng napakarami hangga’t kaya ng kanyang tapis. Tinipon niya ang mga iyon sa kanyang kandungan. Pumunta siya deretso sa ibaba at dinala sa Birhen ng Langit ang iba’t-ibang mga rosas na pinuntahan niya sa itaas at pinutol. Hindi pa natatagalan sa pagkakita ay kinuha Niya ang mga iyon at inilagay muli sa kanyang kandungan, na sinabi sa kanya: “Aking anak, na pinakamaliit, ang iba’t-ibang mga rosas na ito ay ang pruweba at katibayan na dadalhin mo sa Obispo. Sasabihin mo sa kanya sa ngalan Ko na makikita niya sa mga ito ang Aking nais at dapat ay gawin niya ito. Ikaw ang Aking sugo, napakakarapat-dapat sa tiwala. Mahigpit Kong itinatagubilin saiyo na bubuksan mo lamang ang iyong tapis sa harapan ng Obispo para ipakita sa kanya kung ano ang iyong dala. Ipaliliwanag mo ang lahat nang mabuti; sasabihin mong sinugo kita para umakyat sa tuktok ng gulod para pumutol ng mga bulakak; at ang lahat ng iyong nakita at hinangaan; para mahimok ang prelado na tulungan ka, na may layuning maitayo ang Simbahang Aking hinihingi.” Makaraang bigyan siya ng payo ng Birhen ng Langit, siya ay pumunta na sa kalsada na derektang patungo sa Lungsod ng Mehiko; masayang-masaya siyang umalis, nakasisigurong siya ay magtatagumpay, iniingatan ang karga sa kanyang kandungan, at baka may mahulog sa kanyang mga kamay, at sinasamyo ang amoy ng maganda at iba’t-ibang uri ng mga bulaklak.
Kahi’t na ang mga katulong ay pinaghintay siya nang may katagalan, sa huli ay nakita ni Juan Diego ang Obispo. Nang siya ay pumasok ay yumuko siyang muli sa kanyang harapan tulad ng dati, at muli sinabi sa kanya ang lahat ng kanyang nakita at hinangaan, at gayundin ang kanyang mensahe. Ang sabi niya: “Sir, ginawa ko ang inyong ipinag-utos, na pumunta at sabihin ko sa aking Ginang, ang Birhen ng Langit, Banal na Maria, mahal na Ina ng Diyos, na kayo ay humihingi ng isang katibayan para maniwala sa akin na kinakailangang kayo ay magtayo ng Santuwaryo para sa Kanya kung saan ay hiningi Niya sainyo; at, maliban, sinabi ko sa Kanya na nangako ako sainyo na dadalhin ko sainyo ang mga katibayan at pruweba, tulad ng utos ninyo sa akin, tungkol sa Kanyang nais. Sumang-ayon siya sa inyong mensahe at may kabaitang pinagbigyan ang inyong kahilingan: na isang katibayan at pruweba para ang Kanyang nais ay mangyari. Ngayon napakaaga ay inutusan Niya ako para makipagkita sainyong muli; hiningi ko sa Kanya ang katibayan para kayo ay maniwala sa akin, tulad ng sinabi ninyo na kailangang ibigay Niya sainyo; at agad ay sinunod Niya: pinapunta Niya ako sa tuktok ng gulod na kung saan ko siya unang nakita, na pumunta at pumutol ng iba’t-ibang uri ng mga rosas. Pagkaraang ako ay umakyat para putulin ang mga iyon, dinala ko ang mga iyon sa ibaba; inipon Niya ang mga iyon sa Kanyang mga kamay, at muling inilagay ang mga iyon sa aking kandungan para dalhin ko ang mga iyon sainyo at ibigay ko ang mga iyon sainyo nang personal. Kahit na alam na alam ko na ang tuktok ng gulod ay hindi isang lugar para tubuan ng mga bulaklak, dahil maraming mga batuhan, mga halamang tinikan, bungang peras at mga akasya, hindi ako nag-alinlangan; nang nakarating ako sa tuktok ng gulod nakita kong ako ay nasa paraiso, kung saan ang iba’t-ibang uri ng magagandang mga bulaklak, kumikislap sa hamog, sabay-sabay na sumibol, at kung saan ako ay pumunta para pumutol. Sinabi Niya sa akin kung bakit kinakailangan kong ibigay ang mga iyon sainyo; at kung kaya ay aking ginagawa, para makita ninyo sa mga iyon ang katibayan na inyong hinihingi at gawin ang Kanyang nais; at upang ang katotohanan ng aking mga salita at ng aking mensahe ay mapatunayan. Narito ang mga iyon: tanggapin mo sila.”
At kanyang iniladlad ang kanyang puting tapis, habang ang mga bulaklak ay nasa kanyang kandungan; at ang lahat ng iba’t-ibang mga rosas ay kumalat sa sahig, mga rosas ng Castile na kilalang-kilala ng Obispo. At ang nasa damit ng sandaling iyon, ay agad na lumitaw, ay nalarawan ang mahal na imahen ng Banal na Maria laging Birhen, Ina ng Diyos, tulad kung paano ito ay nakatago ngayon sa Kanyang Santuwaryo ng Tepeyac na tinatawag na Guadalupe.
Maliban sa himalang ito, isa pang malaking kababalaghan ang naganap, hindi nabigyang pansin hanggang sa matagal na ang lumipas: nang iladlad ni Juan Diego ang kanyang tapis sa harapan ng Obispo at ng iba pang naroon, ang senaryo ay naimprenta sa mga mata ng mahimalang imahen ng Pinakabanal na Birhen ng Guadalupe.
Agad agad sa pagkakita ng panginoong Obispo nito, siya at ang lahat ng naroon ay lumuhod; hinangaan nila ito nang may katagalan. At sila ay tumayo, nalungkot, nagdalamhati, ipinakita na napagmasdan nila ito sa puso at sa isip.
Ang panginoong Obispo, may luha ng kalungkutan, nagdasal at humingi ng kapatawaran sa hindi niya pagsagawa ng Kanyang nais at Kanyang utos. Nang siya ay tumayo, tinanggal niya ang pagkakatali ng tapis ni Juan Diego mula sa kanyang kuwelyo, kung saan ang larawan ng Ginang ng Langit ay lumitaw. At dinala niya ito at inilagay sa kanyang oratoryo. Si Juan Diego ay nanatili sa bahay ng Obispo ng mas mahaba ng isang araw, pinigilan siya. Kinabukasan ay sinabihan siya ng Obispo: “Siya, ipakita mo kung saan nais ng Birhen ng Langit nais na tayuan ko ng Kanyang Santuwaryo.”
Agad ang lahat ay inimbitahan para pumunta rin. Hindi nagtagal pagkatapos ituro ni Juan Diego kung saan iniutos sa kanya ng Birhen ng Langit itayo ang Kanyang Santuwaryo, nagpaalam siya agad para umalis. Nais na niyang makauwi para makita ang kanyang tiyo na si Juan Bernardino, na napakalala ang sakit nang iniwan niya at umalis para tumawag ng isang Pari para pakumpisalin siya at ihanda siya, at sinabi ng Birhen ng Langit sa kanya na magaling na siya.
Subali’t hindi nila siya pinayagang umalis nang nag-iisa, kundi sinamahan siya pauwi sa kanyang bahay. Sa pagdating, nakita nila ang kanyang tiyo, na napakasaya at wala nang sakit. Takang-taka siya sa pagkakita sa kanyang pamangking dumating na may mga kasama at lubos na pinarangalan; Si Juan Diego ay nagpaliwanag ng dahilan sa pagdating na marami ang mga kasama, at sinabi sa kanya ang mga Aparisyon, at na ang Birhen ay nagsabi sa kanya na siya ay magaling na. Ipinahayag ng kanyang tiyo na totoong siya ay magaling na sa sandaling iyon, at na nakita niya Siya tulad sa kung paano Siya nagpakita sa kanyang pamangkin, nalaman niya buhat sa Kanya na inutusan Niya ito sa Mehiko para makipagkita sa Obispo; at dugtong pa niya na sinabihan Niya siya na sabihin sa panginoong Obispo ang lahat ng kanyang nakita at ang mahimalang paraan kung paano Niya siya pinagaling. At na ang Kanyang banal na Imahen ay tatawaging ‘Banal na Maria laging Birhen ng Guadalupe’. Ayon sa mga tagasalin, ang salitang ‘Guadalupe’ sa lokal na lengguwahe ang ibig sabihin ay: ‘Siya na dumudurog sa ulo ng demonyo’.
Ang Obispo ay binigyan nitong karagdagang pruweba ng presensiya ng Pinakabanal na Birhen sa Tepeyac, na ang kahanga-hangang paggaling ng tiyo ni Juan Diego, na naghayag ng ngalang ibibigay sa Birheng Maria. Binigyan ng Obispo ng tirahan sa kanyang palasyo si Juan Bernardino at ang kanyang pamangkin ng ilang araw, hanggang ang Santuwaryo para sa Reyna ay naitayo.
Ang panginoong Obispo ay inilipat ang banal na imahen ng mapagmahal na Ginang ng Langit sa Pangunahing Simbahan; inalis ito mula sa oratoryo ng palasyo na dating kinalalagyan nito, para ang lahat ng tao ay makita at hangaan ang Kanyang banal na imahen. Ang buong lungsod ay natinag; sila ay pumunta at namangha sa banal na imahen, at nagdasal sa Kanya. Labis silang nagtaka na ito ay lumitaw sa pamamagitan ng isang banal na himala; dahil walang sino man dito sa mundo ang nagpinta ng mahal na imaheng iyon.
Isa pang pruweba sa katotohanan ng mga Aparisyon ay ang kamangha-manghang paglaganap ng Pananampalataya. Sa loob ng sampung taon ng magiting na mga pagsisikap, ang banal na mga Misyonero na dumating para ipalaganap Ito ay nagtagumpay lamang sa pagbinyag ng napakakaunting mga Indian, ang karamihan sa kanila ay mga bata o bagong silang na mga bata. Pagkatapos ng pagdating ng Birhen, ang mga Indian ay humingi ng Binyag sa napakaraming mga bilang kung kaya ang mga Ministro ng Panginoon ay hindi nakayanan ang pagbinyag sa kanila. Si Motolina, isang mananalaysay at misyonero, nagsabi na sa kanyang panahon ay siyam na milyon ang nakumbert makaraan ang mga Aparisyon.
Ang pagiging unibersal at malalim na pagkakagamot ng paniwala sa mga Aparisyong ito ng Pinakabanal na Birhen ay kapansin-pansin. Masasabing ang lahat ng mga Mehikano saan mang dako at sa lahat ng panahon ay nagkaroon ng pinakamatibay na pananampalataya sa mga Aparisyon ng Birhen, na kahit na ang argumento ng mga taong mapagduda o mga atake ng mga kaaway ay nayanig; sa halip ang paniniwalang ito ay mas lumalim araw-araw at ang debosyon sa Pinakabanal na Birhen ng Guadalupe ay tumaas; dahil para sa ikalabimpito at ikalabing-walong mga siglo ito ay lumaganap sa Central America at sa Pilipinas.
Isa pang milagro ay ang pagkakapreserba ng banal na imahen sa gitna ng malaking mga peligro ng pagkasira na kung saan ito ay nakahantad, ilan sa mga dapat na mabanggit ay ang pagdinamita noong Nobyembre 1921; ang bomba na inilagay sa tabi ng imahen, ay nagsanhi ng iba’t-ibang pagkasira sa Santuwaryo; isang mabigat na bronseng Krusipiho sa Altar ay itinapon sa malayo at natiklop; ang pinta ni San Juan Nepomuceno sa likod ng altar at napakabigat, ay halos napilipit sa malayo, subali’t kahi’t ang salamin sa kuwadro ng Ating Birhen ay hindi nabasag.
Noong ika-4 ng Disyembre 1980, sa Mehiko, D.F., sa tanghali, Ang Kanyang Kabanalan Papa Gregoryo XVII ay nagdasal nang taimtim sa harapan ng Banal na Larawan ng Ating Birhen ng Guadalupe. Kinailangan niyang magdasal sa labas ng mabaho at nakaririmarim na modernong santuwaryo kung saan ang larawan ng Birheng Maria ay pinagpipitaganan, dahil sa sandaling iyon ay nag-uumpisa ang isang sataniko progresibistang misa. Nguni’t mula sa lugar na iyon ang Pinakabanal na Birheng Maria ay perpektong nakikita. Pagkatapos ng dasal, Ang Kanyang Kabanalan ay nagbigay ng Basbas.
Interesante na ang Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria ng Guadalupe ay naganap noong 1531, nang ang napakasamang haring Henry VIII ng England ay itinatwa ang kanyang legal na asawa para pakasalan ang isang babae at sa gayon ay pinangunahan ang kanyang bansa sa pag-apostata; subali’t salamat sa mga Aparisyong ito, ang Banal na Simbahan ay nakatanggap ng bagong mga kasapi para palitan ang mga apostata at nakasakop ng bagong kontinente upang palitan ang mga bansang nawala at napunta sa protestantismo. Ang parabola ng mga kinumbida sa kasal ay naisakatuparan, at ang mga tao na sa nakaraang dekada lamang ay dedikado sa idolatrya at ritwal ng taong mga sakripisyo ay tinawag sa Simbahan.
Salamat sa himala ng Pinakabanal na Birhen, ang mga Mehikano ay tumanggap ng Pananampalataya na nawala ng mga English. Ganoon din kaming mga Palmaryano ay kinakailangang magpasalamat sa Pinakabanal na Maria sa pagbibigay sa amin ng Pananampalataya na nawala ng Simbahan ng Roma sa pag-apostata nito; at, sa pamamagitan ng Palmaryanong doktrina, ang isang Pananampalataya ay lalo pang pinagyaman kaysa dati. Kinakailangan nating magresponde sa mga grasyang ito na ibinigay sa atin. Nang ang Simbahan na may Pamunuan sa Roma ay nawala ang Pananampalataya, ang Pinakabanal na Maria ay itinutok ang Kanyang atensiyon sa isang maliit na lugar, ibinuhos ang lahat ng Kanyang mga grasya sa kanlungang ito sa desyerto kung saan ang Simbahan ay kumanlong. Kapag ang sinag ng araw ay itinutok sa isang lente sa isang solong lugar, isang napakainit napakatinding liwanag ang nagagawa. Sa ganitong paraan ang Pananampalataya ay nagliliwanag mula sa Palmar, pinagyaman at nilinaw, at gayundin ay pinalaki sa ilalim ng mga sinag na iyon, ang apoy ng Banal na Pagmamahal ay kailangang mag-apoy sa aming mga puso para makaresponde sa pabor na ipinakita ng Banal na Ina ng Diyos sa Kanyang mga aparisyon.
Ang parabola tungkol doon sa mga inimbitahan sa Kasalan ay umaaplika sa Palmar sa tulad na paraan, dahil sa muli si Hesus ay pumili ng mga taong may mababang kalooban at payak para ibangon ang kanyang Simbahan; at sa kapalit, ay inalis ang mga prelado ng romanong simbahan na, unang tinawag, ay tumanggi sa Kanyang imbitasyon. Tulad ng sa Guadalupe, kung saan ang isang Santuwaryo ay itinayo para sa benerasyon ng isang mahimalang naipintang imahen, dito ay ang Banal na Mukha ng Banal na Lambong.