Ang Mga Aparisyon ng Fatima
Ang Kasaysayan ng Palmaryanong Simbahan ay tumatalakay sa mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria sa Fatima at ang Kanyang Apokaliptikong mga Mensahe: Noong ika-13 ng Mayo sa taong 1917, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita sa unang pagkakataon sa Fatima, Portugal, sa tatlong mga batang nagpapastol ng kanilang mga kawan: Lucia, Jacinta at Francisco. Ang pinal na Aparisyon ay noong ika-13 ng Oktobre ng parehong taon na iyon, na may tunay na mga pruweba ng araw na iyon ng katotohanan ng mga Aparisyon at ng Apokaliptikong mga Mensaheng Kanyang ibinigay, sa pamamagitan ng isang nakamamanghang himala. Ang himalang ito ay nasaksihan ng napakaraming mga peregrino at iba pang manonood na pumunta noong ika-13 ng Oktobreng iyon sa Fatima. Sa mga Mensaheng ibinigay sa Fatima, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay gumawa ng madalamhating panawagan para sa panalangin at penitensiya, sa harap ng magulong kalagayan ng mundo, na nasadlak sa moral na korupsiyon at sa gitna ng kataklismo ng Unang Digmaang Pandaigdig; Hiningi Niya ang konsagrasyon ng Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso; at reparasyon sa Kanyang Imakuladong Puso sa Unang Sabado ng buwan; nagbabala Siya na kung ang kanyang hangad bilang Ina ay hindi mabigyan ng atensiyon, ang Rusya ay magpapalaganap ng kanyang mga mali, at na, kung gayon, ang Rusya ay magiging parusa na gagamitin ng Diyos para kastiguhin ang mundo; maliban pa, inihayag Niya na pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig may isa pang mas higit na terible ang darating. Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay naghayag din na sa bandang huli ang Rusya ay makukumbert. Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagbigay ng isang transendenteng mensahe, tinawag na Sekreto ng Fatima, na kung saan ay hinulaan Niya ang nakasisindak na mga kaganapan sa hinaharap sa Katolikong Simbahan, na magiging napakalupit na yuyurakan ng kanyang sariling mga prelado, na darating sa puntong ang freemasonry at komunismo ay aakyat sa pinakamataas at iba pang mataas na mga puwesto sa Batikano; ganoon inihayag, matagal pa man, na makaraan ang pamamalagi bilang Papa ni San Pablo VI, huling Papa na may Pamunuan sa Roma, ang malaking apokaliptikong pagkakahiwa-hiwalay ay magaganap, na pamumunuan ng mga antipapa sa Roma, na hanggang sa ngayon ay sina Juan Pablo I, Juan Pablo II, Benedicto XVI at Francisco, lahat ng apat ay nakikitang mga pinuno ng judeo-vatican freemasonry at mga prekursor ng Antikristo. Malungkot, ang Sekretong Mensahe ng Fatima ay hindi ipinahayag sa mundo, ni ng mga Papa ng Roma, o ni Hermana Lucia, na kung kanino ay ibinigay ng Pinakabanal na Birheng Maria ang mga Mensahe at ang responsibilidad para ito ay ipahayag sa tamang panahon. Ang sutil na Hermana Lucia ng Fatima, ipinagkanulo ang transendenteng misyon na ipinagkatiwala sa kanya ng Pinakabanal na Birheng Maria, ay matapat na sumunod sa mga yapak ng mga antipapa sa Roma at iba pang mga kalaban ng Simbahan, na humanggan sa na ang nilalaman ng Sekretong Mensahe ng Fatima ay pinalsipika ng napakasamang Hermana Lucia mismo, sa pakikipagsabuwatan sa kasumpa-sumpang antipapa Juan Pablo II at ibang pangunahing mga prelado ng apostatang romanong simbahan. Ang Pinakabanal na Birheng Maria, gayunman, sa Kanyang mga Aparisyon sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, ay inihayag na ang tunay na nilalaman ng Sekreto ng Fatima sa lahat nitong detalye, ginawang malinaw ang pag-apostata ng Romanong Simbahan na resulta ng kanyang masoniko at komunistang mga prelado ng Simbahan, na bunsod ng pamumuno ng mga antipapa sa Batikano. Bilang kapalit, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay naghayag sa mga Aparisyon ng Palmar na ang Pamunuan ng Katolikong Simbahan ay ililipat sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, na naganap sa pagkamatay ni Papa San Pablo VI, dahil ang kanyang kahalili, ang tunay na Papa ay si San Gregoryo XVII.
Si Papa San Gregoryo XVII ay ang dakilang Apokaliptikong Mensahero. Salamat sa kanyang mga Mensahe, nalaman ng mundo ang buong katotohanan tungkol sa Huling mga Sandaling ito o Apokaliptikong Panahon. Siya ay matapang at malakas ang loob para ihayag ang malaking mga kaganapan. Salamat sa kanyang katapatan sa mga Mensaheng natanggap niya mula sa Diyos, ang sangkatauhan ay nalaman ang napapaloob sa Sekretong Mensahe ng Fatima. Kung si Hermana Lucia ay nagbigay ng testimonya sa Sekretong ipinagkatiwala sa kanya ng Pinakabanal na Birheng Maria para ihayag sa tamang panahon, hindi sana marami ang sa kasalukuyan ay nabubuhay sa pag-apostata, sa halip, ay natanggap sana nila na ang tunay na Bikaryo ni Kristo ay nakatira sa Sagradong Lugar ng El Palmar de Troya, Apostolikong Pamunuan ng tunay na Simbahan: Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano. Si Hermana Lucia ng Fatima, gayunman, ay ipinagkanulo ang katotohanan para mapasaya ang matataas na mga prelado ng Batikano. Maaalaala natin na, sa simula, ang Sekretong Mensahe ng Fatima ay ang sumusunod: ‘ang komunismo at freemasonry ay aakyat sa pinakamataas na posisyon at iba pang pangunahing mga posisyon sa Batikano’. Ito ay naganap nang ang antipapang pamamahala ay naistablisa sa Roma makaraan ang kamatayan ni San Pablo VI.
Isang araw noong 1916, tatlong kabataang mga pastol, anim, siyam at sampung taong gulang, ay nagbabantay sa kanilang mga tupa sa Fatima. Hindi nagtagal pagkatapos magdasal ng Rosaryo, isang malakas na hangin ang yumanig sa mga kahoy at sa ibabaw ng liwanag na nakasisilaw ang pagkaputi ay nakakita sila ng pigura ng isang nagniningning at maliwanag na kabataang dumarating. Sa pagdating sa kanila, ay nagsabi: “Huwag kayong matakot! Ako ang Anghel ng Kapayapaan. Magdasal kayo kasabay ko!” At, lumuhod sa lupa, ang Anghel ay iyinuko ang kanyang ulo sa lupa. Bunsod ng isang hindi pangkaraniwang kilos, ginaya nila siya, at inulit ang mga salitang narinig na binigkas niya: “Aking Diyos, naniniwala ako at umaasa sa Inyo, sinasamba ko Kayo at minamahal ko Kayo. Humihingi ako ng kapatawaran para roon sa hindi naniiwala, ni sumasamba, ni umaasa, ni nagmamahal sa Inyo.” Makaraang ulitin ito ng tatlong beses, siya ay tumayo at nagsabi: “Magdasal kayo nang ganoon. Ang mga Puso ni Hesus at ni Maria ay pinakikinggan ang boses ng inyong mga pagsamo.” Ang Anghel ay nawala, at ang supernatural na kapaligirang nakapaligid sa kanila ay napakatindi na halos ay hindi nila naramdaman ang kanilang pananatili, at ito ay tumagal ng may katagalan. Nanatili sila sa parehong posisyon nang iniwan niya sila, inuulit ang parehong panalangin. Naramdaman nila ang presensiya ng Diyos nang napakatindi at napakalapit kung kaya wala silang lakas ng loob na kausapin ang bawa’t isa.
Isang araw, ang Anghel ay dagling nagpakita sa kanilang tabi. “Ano ang ginagawa ninyo? Magdasal, ng marami! Ang mga Puso ni Hesus at ni Maria ay may mga plano ng awa sainyo! Mag-alay ng mga panalangin at mga sakripisyo nang madalas sa Pinakamataas!” “Paano kami dapat gumawa ng mga sakripisyo?” “Sa lahat na kaya ninyo, mag-alay ng isang sakripisyo sa Panginoon sa akto ng reparasyon para sa mga kasalanan na kung saan ay pinagkakasalahan Siya at sa pagmakaawa para sa kumbersiyon ng mga makasalanan. Sa ganitong paraan, ay nakakukuha ng kapayapaan sa ating bansa… Higit sa lahat, akuin nang may pagpapaubaya at pagtiisan ang mga kahirapang maaaring ibigay sa inyo ng Panginoon.”
Sa ibang pagkakataon, ang Anghel ay dumating na may dalang isang Kalis sa isang kamay, at sa itaas nito ay isang Ostiya, na kung saan ay may mga patak ng dugo ang bumabagsak sa Kalis. Iniwanan ang Kalis at ang Ostiya na nakalutang sa ere, siya ay lumuhod sa lupa at tatlong ulit na inulit ang dasal: “Pinakabanal na Trinidad, Ama, Anak at Ispiritu Santo, sinasamba ko Kayo nang napakataimtim at iniaalay ko Sainyo ang Pinakamahal na Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagkadiyos ng Ating Panginoong Hesukristo, naroon sa lahat ng mga Tabernakulo sa mundo, para sa reparasyon para sa mga paglapastangan, mga sakrilihiyo, at mga pagwawalang bahala na kung saan siya ay pinagkakasalahan. At sa pamamagtian ng walang hanggang mga merito ng Kanyang Pinakabanal na Puso at ng Imakuladong Puso ni Maria, nagmamakaawa ako Sainyo para sa kumbersiyon ng pobreng mga makasalanan.” Pagkatapos ang Anghel ay binigyan sila ng Banal na Komunyon, nagsabing: “Kainin ninyo at inumin ang Katawan at Dugo ni Hesukristo, nakapangingilabot na nilapastangan ng mga walang utang na loob na mga tao. Gumawa kayo ng reparasyon para sa kanilang mga krimen at aliwin ninyo ang inyong Diyos.”
Noong ika-13 ng Mayo 1917, sa Cova da Iría, Fatima, ang tatlong mga pastol ay nakakita ng isang napakaganda at nagniningning na Birhen na nakadamit ng puti. “Huwag kayong matakot,” ang sabi ng Birhen, “Hindi Ko kayo aanuhin… Ako ay galing sa Langit… Dumating Ako para hingin sainyo na pumunta kayo rito sa susunod na anim na buwan, sa ika-13, sa parehong oras na ito. Pagkatapos niyan ay sasabihin Ko kung sino Ako at kung ano ang hangad Ko.” Pagkatapos ang Birhen ay nagsabi sa mga bata “Nais ba ninyong ialay ang inyong mga sarili sa Diyos na pasanin ang lahat ng mga paghihirap na maaari Niyang nais na ipadala sainyo para sa reparasyon para sa mga kasalanan na kung saan siya ay pinagkasalahan at para sa pagmamakaawa para sa kumbersiyon ng mga makasalanan?” Sumagot sila na nais nila. “Malaki ang inyong daraanang paghihirap, kung ganoon, subali’t ang grasya ng Diyos ay aaliwin kayo”, ang pangako ng Birhen. “Dasalin ninyo ang Rosaryo araw-araw para makatamo ng kapayapaan para sa mundo at ang pagtatapos ng digmaan.” At Siya ay nagsimulang umangat paitaas hanggang sa mawala.
“Nais Kong kayo ay pumunta rito sa ika-13 sa darating na buwan, para magdasal ng Rosaryo, ilakip sa pagitan ng mga misteryo ang mga dasal na: “O Hesus Ko, patawarin mo kami, iligtas Mo kami sa mga apoy ng Impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng pobreng mga kaluluwa sa Langit, lalo na iyong mas higit na mga nangangailangan.”
Ang mga bata ay hininging dalhin sila sa Langit. “Oo”, ang sagot ng Pinakabanal na Birhen, “dadalhin Ko si Jacinta at si Francisco sa madaling panahon. Subali’t ikaw ay mananatli rito nang mas matagal. Nais ni Hesus na gamitin ka para Ako ay makilala at mahalin. Nais Niyang magtatag ng debosyon para sa Aking Imakuladong Puso sa mundo. Sa sinumang yumakap nito, ipinapangako Ko ang kaligtasan; at ang mga kaluluwang iyon ay magiging pinakamamahal ng Diyos, tulad sa mga bulaklak na inilagay Ko para palamuti sa Kanyang trono.”
Noong ika-13 ng Hulyo, sinabi Niya: “Nais Kong magpatuloy kayo sa pagdasal ng Rosaryo araw-araw, sa karangalan ng Ating Birhen ng Rosaryo, para matamo ang kapayapaan para sa mundo at ang pagtatapos ng digmaan, dahil tanging Siya lamang ang makagagawa niyan… Patuloy kayong pumunta rito bawa’t buwan. Sa Oktobre ay sasabihin Ko sainyo kung sino Ako, at kung ano ang Aking nais. Gagawa Ako ng isang himala upang ang lahat ay maniwala.” Ang isa sa mga bata ay nagsabi sa Kanya tungkol sa isang taong may sakit na humiling na makapunta agad sa Langit. “Huwag siyang magmadali. Alam Kong mabuti kung kailan Ko siya kukunin.”
Sunod ang Birhen ay nagsabi: “Isakripisyo ninyo ang inyong mga sarili para sa mga makasalanan, at madalas ninyong sabihin, lalo na kung kayo ay gagawa ng mga sakripisyo: “O Hesus, ito ay para sa pagmamahal Sainyo, para sa kumbersiyon ng mga makasalanan at para sa reparasyon para sa mga kasalanang nagawa laban sa Imakuladong Puso ni Maria’”. Sa pagbanggit nitong huling mga salita, ay muli Niyang ibinukas ang Kanyang mga kamay, tulad ng sa nakaraang mga buwan. Ang repleksiyong lumaganap mula rito ay parang tumagos sa lupa, at may nakita silang parang isang dagat ng apoy at, nakalubog sa ilalim, mga demonyo at mga kaluluwa, na parang maliwanag na mga baga, itim o bronse, sa pormang tao palutang-lutang sa apoy, bunsod ng mga apoy na nanggagaling sa kanila kasabay ang mga ulap ng usok na kumakalat sa lahat ng dako – tulad sa nangyayari sa mga tilamsik at siklab sa malaking mga sunog – walang bigat at walang balanse, sumasambit ng pag-ungol at mga sigaw ng sakit at kawalang pag-asa na tumakot at naging dahilan para manginig sa takot. Ang mga demonyo ay makikilala para sa kanilang baho at malagim na mga porma ng nakasisindak na hindi kilalang mga hayop, subali’t malinaw tulad sa buhay na itim na uling na naging mga baga.
Takot, namumutla at handang humingi ng saklolo, ang maliliit ay itinaas ang kanilang panigin sa Ating Birhen. Ang Birhen ay nagpaliwanag “Nakita ninyo ang Impiyerno, kung saan ang mga kaluluwa ng kawawang mga makasalanan ay napupunta. Para mailigtas sila, nais ng Diyos na magtatag ng debosyon sa Aking Imakuladong Puso sa mundo. Kung gagawin nila ang Aking sinasabi sa inyo, maraming mga kaluluwa ang maliligtas at magkakaroon ng kapayapaan. Ang digmaan ay matatapos; nguni’t, kung hindi sila titigil sa pagkakasala sa Diyos… isa pang mas malala ang magsisimula. Kapag makita ninyo ang gabi na naiilawan ng hindi pa nakikitang liwanag, dapat ninyong malaman na ito ang malaking babalang ibinibigay sainyo ng Diyos na Siya ay malapit nang magparusa sa mundo para sa mga krimen nito sa pamamagitan ng digmaan, taggutom at persekusyon ng Simbahan at ng Santo Papa. Para mahadlagan ito, Ako ay darating para hingin ang konsagrasyon ng Rusya sa Aking Imakuladong Puso at ang Komunyon Reparatoryo ng Unang mga Sabado. Kung ang Aking mga petisyon ay pakinggan, ang Rusya ay makukumbert at sila ay magkakaroon ng kapayapaan; kung hindi, ay ipalalaganap niya ang kanyang mga mali sa buong mundo, magtataguyod ng mga digmaan at mga persekusyon ng Simbahan. Ang matuwid ay gagawing martir, ang Santo Papa ay magkakaroon ng labis na paghihirap, at maraming mga bansa ang mabubura. Sa bandang huli ang Aking Imakuladong Puso ay magtatagumpay. Ang Santo Papa ay ikokonsagra ang Rusya sa Akin at siya ay makukumbert, at ang mundo ay mabibigyan ng isang panahon ng kapayapaan… huwag ninyo itong sasabihin sa iba. Maaari mong sabihin kay Francisco.” Tanging ang tatlong mga bata ang nakakita ng mga Aparisyon, subali’t ang ibang naroon ay nakapag-isip na sa bandang huli ng Aparisyong ito, ay sumigaw, nagsasabing ang mensahe ay “isang sekreto… mabuti para sa ilan at masama para sa iba.”
Simula sa sandaling ito, ang sekreto ay napapalooban ng isang lehitimong pag-asa, at ang pagnanais na malaman ito ay napukaw sa lahat noong nakaaalam ng pagkakaroon nito. Ano ang tinutukoy nito? Ano ang napapaloob sa sekreto? Ang meyor ng Vilanova de Ourém, kahi’t na isang radikal na kontra sa Simbahan at pangunahing freemason, ay ang unang nais na makaalam kung ano ang sekretong ipinagkatiwala sa mga seers ng Aparisyon. Nagplano siya ng paraan para mapiga ang sekreto mula sa kanila sa pamamagitan ng pagbanta sa kanila ng pinakanakatatakot na mga kamatayan kung hindi nila ihahayag sa kanya ang dati nang, mula noon, ay pamosong sekreto. Dinukot sila, inimbestigahan at ikinulong. Nguni’t ang pagkainosente at pagkapayak ay nagtagumpay sa katusuhan ng may pusong batong freemason, at ang mga bata ay nanatiling matatag at payapa kahi’t na sa harap ng tiyak na nakatatakot na kamatayan sa pamamagitan ng kremasyon. Ang Birhen ay hindi nagpakita noong ika-13 ng Agosto, tulad ng inihayag Niya bago pa man, dahil sa mga pangyayaring bunsod ng Meyor, nguni’t nais Niyang bayaran ang mga bata sa pananatiling matapat sa ganoon kahirap na mga sitwasyon. Siya ay nagpakita noong ika-19, at humingi sila sa Kanya ng isang himala para ang lahat ay maniwala. Ang Birhen ay sumagot “Oo, sa huling buwan, sa Oktobre, Ako ay gagawa ng isang himala, para ang lahat ay maniwala sa Aking mga Aparisyon. Kung hindi nila kayo dinala sa baryo, ang himala ay mas malaki sana. Si San Jose kasama ang Batang Hesus ay darating para magbigay ng kapayapaan sa mundo. Ang Ating Panginoon ay darating din, para basbasan ang mga tao. Ang Ating Birhen ng Rosaryo ay darating din at ang Ating Birhen ng Pighati… Magdasal, magdasal ng marami at gumawa ng maraming mga sakripisyo para sa mga makasalanan, sapagka’t maraming mga kaluluwa ang napupunta sa Impiyerno dahil walang ni isa man ang gumagawa ng mga sakripisyo at dasal para sa kanila.”
Ang mga salitang ito ay tumimo nang malalim sa isipan ng maliliit na mga pastol at gumising sa kanila ng isang mas malalim na pagkagutom para sa pagpapakasakit, pagdarasal at paghirap. Ang kanilang isang hangad ay para saraduhan ang mga pinto ng teribleng apoy na iyon sa Impiyerno magpahanggan pa man para wala nang mga kaluluwang mapunta pa roon.
Kapag naiiwan sa katahimikan sa kaparangan kasama ang kanilang mga tupa, ang tatlong maliliit na mga pastol ay ginugugol ang kanilang mga oras, sa batuhan kung saan ang Anghel ay nagpakita, nakaluhod sa lupa at inuulit ang dasal ng Anghel na itinuro sa kanila: “Diyos ko, naniniwala at umaasa ako, sa Inyo, Sinasamba ko Kayo at minamahal ko Kayo. Nagmamakaawa ako ng kapatawaran para roon sa hindi naniniwala, hindi sumasamba, hindi umaasa at hindi nagmamahal sa Inyo!…Pinakabanal na Trinidad, Ama, Anak at Ispiritu Santo, sinasamba ko Kayo nang taimtim at iniaalay ko Sainyo ang Pinakabanal na Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagkadiyos ng Ating Panginoong Hesukristo naroon sa lahat ng Tabernakulo ng mundo, para sa reparasyon sa mga kalapastangan, mga sakrilihiyo at pagwawalang-bahala na kung saan ay Siya mismo ay nasasaktan; at sa pamamagitan ng walang hanggang mga merito ng Kanyang Pinakabanal na Puso at ng Imakuladong Puso ni Maria, nagsusumamo ako Sainyo para sa kumbersiyon ng kaawa-awang mga makasalanan. Amen.”
Kapag ang mahirap na kalagayan ay hindi na makayanan, sila ay nagsisimulang magdasal ng Rosaryo, hindi kinalilimutang isingit ang dasal na itinuro sa kanila ng Ating Birhen: “O Hesus, patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, iligtas Mo kami sa mga apoy ng Impiyerno, dalhin Mo ang lahat ng mga kaluluwa sa Langit, lalo na iyong mas higit na nangangailangan.”
Ang mga bata ay nagdarasal nang marami, subali’t isinasakripisyo ang kanilang mga sarilli nang mas higit pa. Inilaan nila ang kanilang mga sarili sa pagtuklas ng bagong mga paraan ng pagpapakasakit para sa kumbersiyon ng mga makasalanan. Para maiwasan ang ibang hindi maunawaan ang kanilang mga layunin para sa pagpapakasakit at mahadlangan sila sa pagligtas ng mga kaluluwa sa Impiyerno. Itinago nila ang sekreto sa kanilang mga sarili at sa Pinakabanal na Birhen.
Sa mga Aparisyon noong Hulyo, Agosto at Setyembre, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay siniguro sa maliliit na mga pastol na sa huling pagpapakita Niya, sa Oktobre, Siya ay gagawa ng isang himala para ang lahat ay makakita at sa paraang ito ay maniwala. Ito ay inulit ng maliliit na mga pastol doon sa mga pumunta at nagtatanong, at ang balita sa bagay na iyon ay kumalat sa lahat ng dako ng lupain. Ang pag-asa at pananabik na bunsod ng balita sa malaking himala ay nagpabigat nang husto sa mga pamilya ng maliliit na mga pastol. Ang mga ayaw maniwala ay tinatawanan ang propesiya, at ang mga kaaway ng Simbahan ay tinawag itong pinakamalaking panlilinlang ng Simbahan sa mga tao. Para sa kanila, ang ika-13 ng Oktobre ay magiging isang araw ng pagsasaya, dahil ang panlilinlang ay mahuhubaran ng maskara at ang Simbahan ay kumpletong mababawasan ang kredito. Ang mga bata ay labis na nalungkot sa harap ng napakaraming mga ayaw maniwala, subali’t lubos na nagtiwala sa kabutihan ng Ating Birhen, kung kaya ay hindi nag-alala.
Sa umaga ng ika-13 ng Oktobre 1917, sa Fatima ang ulan ay bumuhos; isang malungkot na simula sa maluwalhating araw na ipinangako ng Ating Birhen sa mga bata. Subali’t ang ulan ay hindi nagpatamlay sa buhay na paniniwala na kung saan libong mga peregrino mula sa bawa’t probinsiya ng Portugal ay pumunta sa mapalad na lugar upang masaksihan ang pangakong himala. Kahi’t ang mga pahayagan, na hanggan noon ay kontra sa mga kaganapan sa Fatima, ay nagpadala ng mga mamamahayag doon, at dahil sila ay naglathala ng mahabang mga artikulo sa sumunod na mga araw tungkol sa hindi pangkaraniwang mga kaganapan, gagamitin namin ang mga iyon dito, sisipi sa mga salaysay ng mga mamamahayag na nagsalarawan ng awtentikong kasaysayan ng pangyayari.
Buong gabi at buong araw, isang banayad na ulan ang bumabagsak, nagiging mga lusak sa mga parang, kung saan ay naging malungkot ang kabukiran, nanunuot ang malamig na halumigmig nito sa mga buto ng mga babae, mga bata, mga lalake at mga hayop na sinusundan ang mga kalsada patungo sa mga burol ng himala. Pumatak nang pumatak ang ulan, banayad at mahina.
Ang payak na lanang mga palda at may tatak na mga tela ay animo’y mga basahan at bumigat tulad ng tingga sa mga sinturon sa baywang. Ang mga gora at malaking mga sombrero ay tumutulo ng tubig sa ibabaw ng bagong pampistang mga dyaket. Ang mga paang walag sapatos ng mga babae, at ang may metal na bota ng mga lalake ay dumudulas sa malaking mga lawa ng putik sa mga kalsada.
“Naglakad sila paakyat ng mga burol na naiilawan ng pananampalataya, sabik sa himalang ipinangako ng Ating Birhen para sa ika-13, ala-una ng tanghali, sa payak at malinis na mga kaluluwa ng tatlong mga bata na nagbabantay ng kanilang mga kawan. (Subali’t sa katunayan, katanghalian noon sa Fatima, dahil ang araw nang sandaling iyon ay nasa tugatog.) Habang papalapit ay maririnig ang isang anas na nanggagaling sa ibaba ng burol, isang anas na parang malayong boses ng dagat, tumatagos sa katahimikan ng kabukiran. Ito ay ang dahan-dahang nauunawaang mga kant na nagmumula sa libong mga labi. Sa mataas na kapatagan ng mga burol isang malaking gumagalaw na bahid ang nakitang nakatakip sa burol, pumuno ng isang lambak, libo-libong mga nilalang ng Diyos, libo-libong mga kaluluwang nagdarasal.”
Ang iba ay nagtaya na ang mga tao sa Cova de Iría ng araw na iyon ay hindi kukulangin ng pitumpung libong mga persona. Isang propesor buhat sa Pamantasan ng Coimbra, makaraan ang isang maingat na pag-aral, sa kanyang salaysay ay nagsabing mahigit sa isang daang libo. Lahat sila ay nagpalipas ng gabi sa lantad, dahil wala ni isa mang bakanteng silid. Hindi pa man nagbubukang-liwayway ay nagsimula na silang magdasal, umiyak at umawit.
Nang araw na iyon, ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita at kinausap ang tatlong mga pastol: “Nais Kong sabihin sainyo na magtayo ng isang Kapilya dito para sa Aking karangalan, sapagka’t Ako ang Ating Birhen ng Rosaryo, at na magpatuloy kayo sa pagdasal ng Rosaryo araw-araw. Ang digmaan ay matatapos at ang mga sundalo sa madaling panahon ay uuwi sa tahanan.” At, may isang napakalungkot na ekspresyon, nagpatuloy: “Huwag na nilang pagkasalahan pa ang Ating Panginoon. Siya ay labis nang nasasaktan!”
Nang araw na iyon makaraan ang himala ng araw, ang maliliit na mga pastol ay tinanong kung ano ang sinabi ng Ating Birhen sa panahong ito, at sumagot si Jacinta: “Pumunta Ako rito para sabihin sainyo na huwag na ninyong pagkasalahan pa ang Ating Panginoon, na labis nang nasasaktan; na kapag ang tao ay magbago, ang digmaan ay matatapos, at kapag sila ay hindi magbago, ang mundo ay matatapos.” Nang tinanong nila si Lucia kung siya ay nakatanggap ng mga paghahayag mula sa Ating Birhen tungkol sa katapusan ng mundo, siya ay sumagot: “Hindi ko maaaring sagutin ang tanong na iyan,” dahil siya ay binawalang magsalita ng anupaman tungkol sa sekreto.
Habang ang Birhen ay nagpaalam sa kanila, binuksan Niya ang Kanyang mga kamay na nagdingas ng isang liwanag. Sa pag-angat, Siya ay tumuro sa araw; ang liwanag na nanggaling sa Kanyang mga kamay ay naglalarawan ng liwanag ng araw.
Nagkaroon ng malaking silakbo ng paghanga at labis na pagtataka mula sa mga tao. Sa eksaktong sandali mismong iyon na ang mga ulap ay mabilis na humawi at ang langit ay nagliwanag. Ang araw ay kasing-putla ng buwan. Ang tatlong mga bata ay nagkaroon ng bisyon: Sa kaliwa ng araw, si San Jose ay nagpakita kasama ang Batang Hesus sa kanyang kaliwang braso. Si San Jose ay lumitaw mula sa makinang na ulap na ang kanyang itaas na bahagi ng katawan ay kaunti lamang ang nakikita, at kasabay ng Batang Hesus ay nagkrus ng tatlong ulit, binasbasan ang mundo. Habang si San Jose ay ginagawa ito, ang Ating Birhen ay nakatayo sa Kanyang labis na kaluwalhatian sa bandang kanan ng araw, nakadamit ng kulay asul at puti bilang Ating Birhen ng Rosaryo. Samantala ang mga seers ay naliliwanagan ng kahanga-hangang mga kulay at mga palatandaan ng araw, at nakita ang Ating Panginoon nakadamit ng pula bilang Banal na Tagtubos, binabasbasan ang mundo, tulad ng naunang sinabi ng Ating Birhen. Tulad ni San Jose, ang Kanyang dibdib ay hindi gaanong kita. Sa tabi Niya ay nakatayo ang Kanyang PInakabanal na Ina, na may katangian ng Ating Birhen ng Pighati, nakasuot ng rosas, walang mga ispadang nakalagos sa dibdib. Ang bisyon na ito ay natapos. Ang Pinakabanal na Birhen ay muling nagpakita sa buong kagandahan Niyang panlangit, sa huli ay suot ang simpleng manta ng Ating Birhen ng Carmel.
Habang ang mga bata ay nakikita ang mga bisyon mula sa Langit sa lubos na kagalakan, kapani-paniwala at kahanga-hangang mga himala ay ginawa sa harap ng mga mata ng hindi mabilang na libong mga tao. Ang araw ay nagkaroon ng pambihirang kulay. Ang mga salaysay ng mga saksi ay isinalarawan ang nakamamanghang tanda nang mas mabuti. “Ang mga tao ay nakatingin nang matatag sa araw nang hindi man lamang sila nagkaroon ng pinsala. Para bang dumilim at nagliwanag nang sunod-sunod. Ito ay bumuga ng tungkos ng liwanag sa isang panig at sa iba pa, at pinintahan ang lahat ng iba’t-ibang mga kulay, ang mga kahoy at ang mga tao, ang lupa at ang hangin. Subali’t ang pinakakapuna-puna ay na ang araw ay hindi nakapinsala sa mga mata.” Ang lalaking nagtatrabaho araw-araw sa bukirin kasama ang kanyang mga kawan, at inaalagaan ang kanyang hardin sa ilalim ng nakasusunog na araw sa kadena ng mga bundok sa Portugal, ay namangha sa katotohanan. “Ang lahat ay tumingin nang matatag sa haring araw nang walang kahirap-hirap at maginhawa. Dagli ang araw ay tumigil at nagsimulang sumayaw at nagpasuray-suray, at paulit-ulit nagsimulang sumayaw at nagpasuray-suray hanggang sa bandang huli ay para itong mahuhulog mula sa Langit at ibunsod ang sarili nito sa mga tao. Iyon ay isang napakateribleng sandali!”
Ang araw ay nagkaroon ng iba’t-ibang mga kulay: dilaw, asul at puti, at nagbunsod ng malaking takot, dahil ito ay animo’y isang gulong ng apoy na babagsak sa mga tao. Habang ang araw ay inihagis ang sarili nito sa mundo sa isang napakalakas na sigsag, ang karamihan ay sumigaw sa sindak: “Ah, Hesus! Mamamatay kami lahat dito! Ah, Hesus! Mamamatay kami lahat dito!” Ang iba ay nagsamo ng awa, “Aming Birhen, tulungan Mo kami!” At sila ay nagdasal ng Akto ng Kontrisyon. May isa pa ngang babae na gumawa ng kumpisal heneral at sumigaw na nagsabi, “ginawa ko ito at iyon!”
Sa wakas ang araw ay bumalik sa kanyang orbita sa langit. “Ang lahat ay nagbigay ng isang buntong hininga ng kaginhawan. Kami ay buhay at ang himalang sinabi ng mga bata ay nangyari.”
Ang Ating Panginoon, labis nang nasasaktan dahil sa mga kasalanan ng sangkatauhan, at lalo na sa paraan kung paano tinrato ang mga bata ng mga opisyal ng distrito, ay napakadali na sanang winasak ang mundo nang memorableng araw na iyon. Gayunman, ang Ating Panginoon ay hindi dumating para mangwasak, subali’t para magligtas. Iniligtas Niya ang mundo ng araw na iyon sa pamamagitan ng basbas ni San Jose at ng pagmamahal ng Imakuladong Puso ni Maria para sa Kanyang mga anak sa mundo. Ang Ating Panginoon ay pinigil na sana ang malaking Digmaang Pandaigdig na noon ay nasa kainitan at ibinigay ang kapayapaan sa mundo sa pamamagitan ni San Jose, ang sabi ni Jacinta sa bandang huli, kung ang mga bata ay hindi inaresto at dinala sa Ourém. “Kapag ginawa ninyo ang mga bagay na iyon sa sino man sa mga kapatid kong ito, kahi’t na sa pinakamaliit sa kanila, ginawa mo ang mga iyon sa Akin”, ang banta ng Panginoon.
Ang himala ay nangyari sa oras at sa araw na pinili ng Ating Birhen. Wala ni isa ang nagbago ng maling akala, kahi’t isa, maliban marahil sa Ating Birhen, na nagsabing ang himala ay maaari sanang mas malaki kung ang mga bata ay hindi minaltrato. Maraming libo sa mga naroon sa Cova de Iría at mga katabing mga nayon ang nagpatotoo sa kapani-kapaniwalang mga palatandaan. Ang kanilang mga testimonya ay pinakamalaking interes. May kaunting pagkakaiba sa kanilang mga pagsasalarawan ng mga pangyayari, subali’t ang lahat ay nagkakaisa na iyon ang pinakanakamamangha at kahanga-hangang pangyayari na kanilang nasaksihan. Para magkaroon ng ideya kung paano ang mga tao ay humanga sa pangyayari, ang mga ulat sa mga pahayagan nang panahong iyon ay dapat basahin:
“Ala-una ng hapon, ang ulan ay tumigil. Ang langit ay parang perlas na gris, at isang hindi pangkaraniwang liwanag ang nagbigay liwanag sa tanawing iyon ay nagbigay sa kanayunan ng isang trahedyang aspeto, malungkot, napakalungkot, mas lalong malungkot. Ang araw ay parang may isang belong naaaninag na gasa kung kaya ay natititigan ito. Ang mala-abong inang perlas na uri ng kulay ay natransporma sa isang pilas ng nagniningning na pilak na nabasag hanggang ang mga ulap ay nahati at ang kulay pilak na araw ay napaloob sa parehong liwanag na parang abong pambalot, ay nakitang gumulong at umikot sa nawala sa lugar na mga ulap. Isang tanging sigaw ang nagmula sa lahat ng mga labi; ang libong mga nilalang na kung saan ang Diyos at ang kanilang Pananampalataya ay umangat patungo sa langit, nagsipagluhod sa putikang lupa.
“Ang liwanag ay naging parang bughaw, isang malamlam na bughaw, na parang bumubuhos sa may mantsang bintanang salamin ng isang malaking Katedral sa isang malaking nabe ng simbahan, naporma sa hangin ng nakataas na mga kamay. Ang mabughaw na liwanag ay dahan-dahang namatay para makita na parang sinala sa pamamagitan ng namantsahan ng dilaw na salamin. Mga mantsa ng dilaw ay nakita sa puting mga pilas at sa ibabaw ng abang maitim na mga damit na karaniwang lana. Ang mga iyon ay mantsa hindi tiyak na nanggaling sa mga laylay na owks, sa mga bato ng sierra. Ang lahat ay umiyak, ang lahat ay nagdasal ang mga sombrero ay nasa mga kamay sa nakamamanghang impresyong bigay ng pinakahihintay na himala. Ang mga iyon ay mga sandali, ang mga iyon ay kisap-mata, na parang mga oras, napakabuhay na buhay ang mga iyon!”
‘O Século’, isa pang pahayagan sa Lisbon, ay naglathala ng mas higit pang detalyadong artikulo tungkol sa hindi pangkaraniwang mga kaganapan. “… Mula sa mataas na lugar sa kalsada, kung saan ang mga karuwahe ay nakatipon at maraming daang mga tao ang tumigil, na walang lakas ng loob para bumaba sa lupa, ang napakalaking kapal ng mga tao ay nakitang bumaling patungo sa araw, na nagpakita sa kaitaasan nito, walang mga ulap. Ang Luminaryo ay parang isang dahon ng maitim na pilak, at posibleng titigan sa disko nito nang walang anumang kahirapan. Hindi ito nakasusunog, o nakabubulag. Masasabing may nagaganap na eklipse. Nguni’t masdan isang napakalaking hiyawan ang pumailanlang, at ang pinakamalapit na nanonood ay maririnig na sumisigaw: ‘Himala! Himala! Kababalaghan! Kababalaghan!’
Sa nasisilaw na mga mata ng mga taong iyon, na ang mga ginagawa ay nagbabalik sa atin sa biblikal na mga panahon, at, namumutla sa panggigilalas, walang takip ang mga ulo, ang mga mukha nakatuon sa langit: ang araw ay gumulong, na may bruskong galaw na hindi pa kailan man nakita, labas sa lahat ng kosmikong batas; ang araw ay sumayaw, ayon sa tipikal na salita ng payak na mga tao.
Isang matandang lalake na may mabait at malakas na larawan, ay nagdasal ng Kredo sa isang malinggal na tinig, bumaling sa araw, pagkaraan ay nakita ko siyang nagsasalita doon sa mga nakapaligid sa kanya na nanatiling may takip ang kanilang mga ulo, nakikiusap sa kanila nang may pagmamahal na alisin ang takip ng kanilang mga ulo sa ganoong katangi-tanging pagpapakita ng pagkakaroon ng Diyos. Kaparehong tanawin ang naulit kung nasaan kami, at ang isang babae, luhaan at umiiyak, ay sumigaw: “Anong kahihiyan! May mga lalake pa ring hindi nag-aalis ng kanilang mga sombrero sa ganoon kamangha-manghang himala!’
At nagtanong sila sa bawa’t isa kung nakita nila iyon at kung ano ang kanilang nakita. Ang malaking bilang ay nagpatotoo na nakita nila na ang araw ay sumayaw at gumulong: ang iba ay nagsabing nakita nila ang nakangiting mukha ng Birhen mismo, sumumpang ang araw ay umikot nang napakabilis tulad sa isang kuwitis o Catherine wheel, na bumaba ito na halos masunog ang mundo sa pamamagitan ng sinag nito. May mga nagsabi ring nakita nila itong sunod-sunod na nagpalit ng kulay.”
Ang testimonya ng isa pang manonood, isang propesor sa Unibersidad ng Coimbra, ay lubos na nakapagbibigay-kabatiran at sumusuporta sa iba: “Ang araw, ilang sandali bago ang lahat, ay nagsabog ng isang makapal na grupo ng mga ulap na nagtago nito at sumikat nang napakaliwanag at napakatindi. Bumaling ako sa magnet na ito na kumuha ng titig ng lahat, at nakita ko ito na parang isang malinaw na hiwa ng disko ng buhay na liwanag, malinaw at nagniningning, subali’t hindi masakit. Ang paghahambing na aking narinig sa Fatima, ay iyong isang disko na hindi malagos ng liwanag na pilak, ay parang hindi tama para sa akin; dahil ito ay may mas maliwanag na kulay, aktibo at maganda, at maliban pa ay may isang parang perlas na kulay. Ito ay hindi man lamang tulad sa buwan sa kaliwanagan ng gabi, dahil ito ay nakikita at nararamdaman tulad sa isang buhay na bituin. Hindi ito tulad sa buwan, pabilog, wala itong kaparehong kulay o pagbabago. Para itong isang nagkikislap na gulong na tinanggal sa inang perlas. Hindi rin ito maipagkakamaling araw na nakikita sa pamamagitan ng hamog (na maliban sa hindi ganoon ang panahon noon), dahil ito ay malabo, nakakalat, walang takip. Sa Fatima ito ay may liwanag at init at ito at nakikita nang malinaw, at may mga markadong dulo tulad sa isang lamesa ng laro. Sa hanay ng mga arko sa kalangitan ay may manipis na ulap sires na may mga patseng bughaw sa kung saan, at ang araw kung minsan ay makikita sa isang bahagi ng bughaw na langit. Ang mga ulap ay tumatakbo nang mahina mula sa kanluran papuntang silangan ay hindi nakabawas sa liwanag ng araw (na hindi nakasisilaw), nagbibigay ng impresyon, na madaling maunawaan at maipaliwanag, na ang mga iyon ay nagdadaan sa likod, mga ulap na dumadausdos sa harapan ng araw na parang kulay rosas o naaaninag na kulay bughaw, Nakamamangha na makatitig sa bituin na may katagalan, apoy ng liwanag at buhay na uling ng init, walang anumang kahi’t kaunting sakit sa mga mata at walang anumang nakasisilaw o nakabubulag sa retina. Ang kababalaghang ito na may dalawang maikling pagtigil, na kung saan ang araw ay nagbuga ng kanyang pinakanakasusunog at napakaliwanag na sinag na napipilitan ang mga matang alisin ang tingin, marahil ay tumagal ng mga sampung minutos. Ang diskong ito ay gumalaw nang nakaliliyo. Hindi ito ang pagkislap ng isang bituin na puno ng buhay. Ito ay nangangala paikot na may nakamamanghang bilis. Dagli isang sigawan ang narinig, parang isang iyak ng dalamhati mula sa buong kapal ng tao. Ang araw, pinananatili ang bilis ng kanyang pag-ikot, ay humiwalay sa papawirin at singpula ng dugo sumulong patungo sa mundo, nagbabantang durugin kami sa pamamagitan ng bigat ng napakalaking nag-aapoy na umbok nito. Iyon ay mga sandali ng nakasisindak na pagkabigla. Sa paglipad ng araw, na ito ay unti-unting dumaraan, sa kapaligiran ay may pag-ibaiba ng mga kulay. Sa pagtingin sa araw, napansin ko na sa paligid ko ay dumidilim. Tumingin ako sa katabi ko at saka tumingin sa malayo, at nakita ko ang lahat na kulay amatista. Ang mga bagay, ang langit at ang kapaligiran ang lahat ay may magkatulad na kulay. Isang mamula-mulang palumpong na nasa aking harapan ay nag-iwan ng isang mas malalim na mamula-mulang anino sa lupa. Sa takot na magkaroon ng isang problema sa retina, na hindi masyadong malamang na mangyari, dahil sa kasong ito ay hindi sana ako makakikita ng mga bagay na kulay rosas, umikot ako, isinara ang mga mata at itinaas ang aking mga kamay para harangan ang liwanag. Binuksan kong muli ang aking mga mata at napagtanto na, tulad ng dati, ang tanawin, ang hangin, ay parehong kulay rosas. Ang impresyon ay hindi sa isang eklipse. Patuloy akong tumitig sa araw, napansin ko na ang kapaligiran ay nagbago. Hindi nagtagal ay may narinig akong isang magsasaka, takot, ay nagsabi: ‘Ang babaeng ito ay dilaw!’ Sa katunayan, ang lahat ay nagbabago, sa malapit at sa malayo, may kulay na magandang dilaw na mga telang damasco. Ang mga tao ay animo’y may sakit na paninilaw ng balat. Natawa ako sa pagkakita sa kanila na hindi lubos na maganda. Ang aking mga kamay ay parehong dilaw ang kulay.”
Ang salaysay ng may aral na lalaking ito ay nagpapakita kung paano kahirap isalarawan nang sapat ang kahanga-hangang mga palatandaan na naganap sa kalangitan ng araw na iyon. Ang ika-13 ng Oktobre 1917 ay isang memorableng araw para sa lahat na naging saksi sa mga kaganapan. Isang reporter mula sa Oporto ang nag-ulat nito sa mga salitang ito: “Ang araw, kung minsan ay napapaligiran ng napakatingkad na mga apoy, at kung minsan ay napapatungan ng dilaw at ng isang maputlang pula, sa ibang pagkakaton ay parang umiikot nang napakabilis, kung minsan parang ito ay matatanggal mula sa kalangitan, lalapit sa mundo at mag-iilaw ng malakas na init…”
Isa pang saksi ay nagsabing, pagkaraan ng ulan sa umaga, “…ang araw ay agad na nagpakita na may isang malinaw na guhit ng kabilugan. Ito ay lumapit na kasing taas ng mga ulap at nagsimulang umikot nang nakahihilo tulad sa isang Catherine wheel o kuwitis, na may mga pagitan sa mahigit walong minutos. Ang lahat ay naging halos madilim, at ang mga mukha ng mga tao ay dilaw. Ang lahat ay lumuhod sa putikang lupa.”
Isang batang lalake na may edad na siyam nang panahong iyon na naninirahan sa isang nayon labing-anim na kilometro mula sa Fatima, ay naging isang Pari, at naalaala ang araw na iyon nang napakaliwanag. Siya ay nasa paaralan: “Malapit nang magkatanghalian nang kami ay nasorpresa at nagulat sa mga hiyaw at mga bulalas mula sa ilang mga lalake at mga babaing dumaraan sa kalsada sa harap ng aming paaralan. Ang punong guro ang unang nakatakbo sa kalsada na hindi na napigilan pa ang lahat ng mga batang tumatakbo palabas kasunod niya. Sa kalsada ang mga tao ay umiiyak at nagsisigawan, itinuturo ang araw. Ito ang malaking ‘Himala’ na ipinangako ng Ating Birhen. Pakiramdam ko ay wala akong kapasidad para isalarawan kung ano ang aking nakita at naramdaman noon. Tinitigan kong mataman ang araw, na para sa akin ay maputla, kung kaya ay hindi ako nasilaw nito. Para itong bola ng snow na umiikot sa kanyang sarili. Pagkatapos, bigla, parang sumigsag ito pababa, nagbabantang mahulog sa mundo. Nataranta, tumakbo ako sa gitna ng mga tao. Lahat sila ay umiiyak, naghihintay ng katapusan ng mundo mula sa isang sandali hanggang sa susunod. Katabi namin ay isang hindi naniniwala, walang anumang relihiyon, na pinalipas ang umagang nanglilibak sa mga gagong naglakad patungo sa Fatima para makita ang isang maliit na batang babae. Tiningnan ko siya. Para bang siya ay naparalisa, nagulat, ang kanyang mga mata ay nakatutok sa araw. Pagkatapos ay nakita ko siyang nanginginig mula ulo hanggang paa at, itinaas ang kanyang mga kamay sa langit, lumuhod nagsisigaw: ‘Ating Birhen! Ating Birhen!’ Samantala, ang mga tao ay patuloy sa pagsigaw at pag-iyak, nagmamakaawa sa Diyos ng kapatawaran para sa kanilang mga kasalanan. Pagkatapos kami ay tumakbo sa dalawang mga Kapilya sa nayon, na sa kaunting sandali ay napuno. Sa loob ng matagal na mga minutong iyon na kababalaghan ng araw, ang mga bagay na nakapaligid sa amin ay nagsalarawan ng lahat ng mga kulay ng bahaghari. Sa pagtitinginan sa bawa’t isa, ang isa ay parang asul, ang iba ay dilaw, ang iba ay pula. Ang lahat nitong pambihirang kababalaghan ay nagdagdag sa takot ng mga tao. Makaraan ang mga sampung minutos, ang araw ay muling bumalik sa kanyang lugar, sa paraang tulad ng kung paano ito bumaba, maputla pa rin at walang ningning. Nang ang mga tao ay kumbinsido nang wala na ang panganib, ay nagkaroon ng silakbo ng pagdiwang. Ang lahat ay sumigaw ng pasasalamat: ‘Himala! Himala! Himala! Pagpalain nawa ang Ating Birhen!’”
Pagkatapos ng himala ng araw, ang mga tao, nanginginig at liglig, ay nagsigawan sa eksklamasyon ng pagsisisi at kontrisyon, umaamot ng awa; at parang napukaw ng Ispiritu Santo, ang lahat ng nakatayo ay nagsimulang umawit ng Credo nang napakalakas. Sa parehong pagkakataon, nang ang mga naroon ay tumayo mula sa putikang lupa, isa pang sorpresa ang naghihintay sa kanila, na gayun din ay naturalmenteng hindi maipaliwanag. Sa nakaraang ilang minutos, sila ay nakatayo sa malakas na buhos ng ulan, at ang kanilang mga damit ay basang-basa. Ngayon ay natuklasan nilang ang kanilang damit ay agad na perpektong tuyo at walang tanda ng pagkabasa! Sa gaanong kabutihan ang ginawa ng Ating Birhen sa pagtrato sa Kanyang mga kaibigan na humarap sa ulan at sa putik, at suot ang kanilang pinakamagandang damit na panlinggo para makita Siya!
Ang Obispo ng Leiria ay nagsulat sa kanyang sulat pastoral na iyong mga nakasaksi ng mga pangyayari sa malaking araw na iyon ay tunay na mapalad. Ang sabi niya: “Ilang araw bago pa ang mga bata ay tiniyak ang araw at ang oras kung kalian ito mangyayari. Ang balita ay lumaganap agad sa buong Portugal at, sa kabila ng masamang araw at malakas na ulan, libo-libong mga tao ang nagtipon na, sa pagtatapos ng huling Aparisyon, ay naroon sa lahat ng kaganapan sa haring bituin, at nagbigay pugay sa Reyna ng Langit at lupa, mas maningning kaysa araw sa tugatog ng kanyang liwanag. Ang kababalaghang ito, na hindi inirehistro ng astronomikong obserbatoryo, at kung ganoon ay hindi natural, ay nasaksihan ng mga taong nabibilang sa lahat ng posisyon at klase sa sosyedad, mga naniniwala at mga ateista, mga mamamahayag mula sa pangunahing mga peryodiko sa Portugal, at kahi’t na ng mga taong mga kilometro ang layo.” Iyon ang kanyang opisyal na mga pananalita, sinabi pagkatapos ng mahabang mga pag-aaral at maingat na pagtatanong sa maraming mga saksi sa Aparisyon. Walang posibilidad ng mali o ilusyon kung ang malapit sa isandaang libong mga tao ang nagkakaisa sa kanilang mga testimonya. Ang Diyos sa Langit ay nanawagan sa mga tao sa mundong ito na makiisa sa Kanya sa pagbibigay pugay at luwalhati sa Kanyang Banal na Inang Maria.
Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nangakong dadalhin sa Langit si Francisco at Jacinta Marto sa madaling panahon. Para kay Jacinta, siya ay tila mas abala sa isang kaisipan na pagkumbert sa mga makasalanan at pagpapalaya ng mga kaluluwa sa Impiyerno, subali’t si Francisco ay parang wala ng ibang iniisip kundi aliwin ang Ating Panginoon at ang Ating Birhen, na nakita niyang napakalungkot. Pinalipas nila ang kanilang oras sa pagdasal at penitensiya, at sa pagdasal ng maraming mga Rosaryo.
Sa araw bago ang kanyang kamatayan, tinanggap ni Francisco si Hesus sa kanyang puso at isinara ang kanyang mga mata sa pagdarasal, namahinga kay Hesus habang si Hesus ay namahinga sa kanya. Habang siya ay puno ng presensiya ng Diyos, naalaala niya iyong isang araw nang ang Anghel ay dumating at sabay silang sumamba kay Hesus sa Pinakabanal na Sakramento. Ang matapat na batang ito ay ibinigay ang kanyang buhay para gumawa ng reparasyon sa mga Puso ni Hesus at ni Maria para sa mga kasalanan ng mga walang utang na loob na mga tao. Gumugol siya ng mga oras, buong mga araw, pinapangarap ang kanyang pinakamamahal na Hesus at Maria, lumalayo sa pagkakahilig sa mga kasayahan ng kabataan para maaliw ang kanilang mapagmahal na mga Puso. Kasama si Kristo sa kanyang kalooban, si Francisco ay madalas na iniaalay ang kanyang sarili sa itaas bilang biktima ng pagmamahal, konsolasyon at reparasyon. Iyon ang kanyang una at huling komunyon, dahil kinabukasan, ika-4 ng Abril 1919, ang Ating Birhen ay dumating para kunin siya para sa Kanya. Isang ngiti mula sa langit ang naiwan sa kanyang mga labi na nakabuka ng kalahati habang ibinigay niya ang kanyang huling buntong hininga. Mapayapa, walang paghihirap o kahi’t kaunting tanda ng paghihirap, ang kanyang buhay ay natapos. Ang batang ito na sampung taon ay tinapos ang gawaing ibinigay sa kanya ng Diyos para gawin.
Sabi ni Jacinta: “Gustong-gusto ko ang Ating Panginoon at ang Ating Birhen kung kaya hindi ako napapagod na sabihin sa Kanila na mahal ko Sila. Kapag madalas kong sinasabi ang ganoon, pakiramdam ko ay may apoy sa aking dibdib, subali’t hindi nakasusunog.”
Ilang araw bago ang kamatayan, nagsabi si Jacinta: “Ang mga kasalanan na higit na nagdadala ng mga makasalanan sa Impiyerno ay iyong sa laman; ang mga moda sa pananamit ay pagtitibayin na labis na pinagkakasalahan ang Ating Panginoon; ang Birhen ay nagsabi na magkakaroon ng maraming mga digmaan at pagkakahati-hati sa mundo; ang mga digmaan ay walang iba kundi mga parusa para sa mga kasalanan ng mundo; ang Pinakabanal na Birheng Maria ay hindi na kayang pigilan pa ang bisig ng Kanyang Pinakamamahal na Anak mula sa mundo; penitensiya ay kinakailangang gawin; kapag ang tao ay nagsisi, ang Panginoon ay magpapatawad pa rin; nguni’t kapag sila ay hindi magbago ng kanilang mga buhay, ang pinakateribleng parusang hindi pa nangyayari ay magpapahirap sa mundo. Magdasal nang marami para sa mga makasalanan; magdasal nang marami para sa mga relihiyoso; ang mga Pari ay dapat maging busilak , napakabusilak; ang mga Pari ay hindi dapat nag-aabala sa anupaman maliban sa mga bagay ng Simbahan at mga kaluluwa; ang hindi pagsunod ng mga Pari sa kanilang mga superior at sa Soberenyang Papa ay nakapagpapagalit nang malaki sa Ating Panginoon.”
Si Jacinta ay hindi lamang nagdasal kundi naghirap din. Ang kanyang bronchopneumonia ay lumalala araw-araw at ang pamamaga ay naporma sa kanyang dibdib. Sa kanyang ina, napakalungkot sa pagkakita sa kanyang pinakamamahal na bunso na naghirap nang ganoon na lamang, kung kaya si Jacinta ay laging sumasagot ng mga salita ng konsolasyon: “Huwag kang malungkot, Nanay, dahil ako ay pupunta sa Langit. Doon ay ipagdarasal kita nang marami.” Maliit na sundalo siya, pinilit niya ang sariling kalimutan ang kanyang karamdaman at sakit para ialay ang lahat para sa kumbersiyon ng mga makasalanan. “Mga kaawa-awa! Kailangan nating magdasal at gumawa ng maraming mga sakripisyo para sa kanila… Ah! Kung maisasara ko lamang ang mga pinto ng teribleng apoy na walang hanggan sa pamamagitan ng ating mga sakripisyo! Kung magagawa sana nating ang lahat ng mga makasalanan ay mapunta sa Langit!” Si Jacinta ay hindi nagsayang ng kahi’t isang sandali ng paghihirap; ang isang tarak ng sakit para sa kanya ay mas mahalaga kaysa lahat ng ginto sa mundo. Siya ay namatay noong ika-20 ng Pebrero 1920, siyam na taong gulang.
Ang Fatima ay dapat seryosohin. Walang alinlangan, hindi maaaring isipin na ang Langit ay magtaguyod ng ganoong panooring mga kaganapan para lamang tayo hikayatin na gumawa ng ordinaryong penitensiya, o obligahin tayo na itago ang isang sekreto sa napakaraming mga taon na walang iba kundi isang karaniwang lugar ng transmisyon ng mga bagay na walang halaga. Iyon ay walang katotohanan. Kung ang ganoong mga kaganapan ay totoo, at mga himala ay nagpapatunay na totoo nga, kung ganoon ang sekreto ay dapat isang importanteng katotohanan, importante higit sa lahat. Isang bagay na napakalaki ang importansiya ang nakataya para sa sangkatauhan sa mga pangyayaring ito. Isang napakamaalam na pinanggalingan ang nagsabi na si Papa Juan XXIII, sa pagkabasa ng pangatlong sekreto ng Fatima noong 1960, sinarhan itong muli, nagsabing hindi niya nais na magi siyang isang ‘propeta ng parusa’, at na sinabihan niya ang isang misyonerong Obispo: “Hindi ko maaaring ipahayag ang nilalaman nito (ng sekreto), dahil ito ay magbubunsod ng sindak sa buong mundo.”
Noong 1957, ang seer na si hermana Lucia ay nagsabi: “Ang Pinakabanal na Birhen ay napakalungkot dahil walang isa man ang nagbibigay ng atensiyon sa Kanyang Mensahe, ni ang mabuti ni ang masama; ni ang mabuti, dahil sila ay patuloy lamang sa daan ng kabutihan sa kanilang apostolado ng kabutihan, binabalewala ang Kanyang Mensahe; ni ang masama sapagka’t, nakikita nilang wala namang parusa mula sa Diyos ang dumarating sa kanila dahil sa kanilang mga kasalanan, sila rin ay patuloy sa kanilang daan sa kasamaan, na hindi binibigyan ng pansin ang Mensaheng ito; subali’t, maniwala kayo sa akin; parurusahan ng Diyos ang mundo at parurusahan ito sa nakasisindak na paraan. Ang parusa ng Langit ay malapit na; gaano katagal, Padre, ang taon ba ay 1960? Kung ano ang magaganap sa panahong iyon ay bagay na napakalungkot para sa lahat at hindi man lamang nakalulugod, kung ang mundo ay hindi muna gagawa ng Panalangin at Penitensiya… Ang demonyo ay nagtataguyod ng isang hindi mapag-aalinlanganang digmaan laban sa Birhen; at dahil alam niya kung ano ang pinakanakasasakit sa damdamin ng Diyos at kung ano ang makakukuha para sa kanya ng isang mas malaking bilang ng mga kaluluwa sa kaunting panahon, siya ngayon ay nagsisikap na makuha ang mga kaluluwang konsagrado sa Diyos, pareho sa relihiyosong buhay at sa buhay ng mga pari, dahil sa paraang ito ay iniiwanan niya ang parang ng mga kaluluwa nang nag-iisa, at kaya magiging mas madali ang makuha sila.” (Noong 1957 ang malaking bilang ng mga pag-alis mula sa buhay relihiyoso at pagparing pamumuhay na naganap sa Simbahan pagkatapos ng Vatican II conciliabulum ay halos hindi pa nakikita.)
Ano itong kamangha-manghang parusa na inihayag sa sekreto ng Fatima, at alin ang magsisimula sa taong 1960? Ngayon, sa pagbabalik-tanaw, makikita natin kung ano iyon: Iniwanan ng Diyos iyong mga dapat sisihin sa mga kamay ng kanilang mga kaaway, tulad ng nangyari sa mga tao sa Israel, dahil sa kanilang mga kasalanan ay ginawang mga bihag sa Babylonia. Ang kataksilan ng mga klero at mga tao ay nagdala sa Diyos para pahintulutan ang mga freemason na makapasok sa Simbahan para makarating sa pinakamataas na mga posisyon.
Ang nakasisirang Vatican II conciliabulum ay simula 1962 hanggang 1965. Si Papa San Juan XXIII, dahil sa kanyang kabutihan, ay ginamit ng mga kaaway ng Simbahan. Tungkol sa Vatican II conciliabulum, si Papa San Gregorio XVII ay nagsabi: “Ang Vatican Council II ay totoong pinatawag ng Ating Reberendong Hinalinhan Papa San Juan XXIII, sa harap ng teribleng mga kaganapang may kinalaman sa Sekreto ng Fatima. Ang Papa, nadismaya sa nilalaman ng Mensahe ng Fatima, ay naramdaman ang inspirasyon ng Ispiritu Santo para magpatawag ng Konseho… Pagkaraan ng unang mga sesyon, ang Konseho ay isang repleksiyon ng sangkatauhan bago ang Unibersal na Baha. Ang Ispiritu Santo ay umalis sa Konseho, tulad ng Kanyang ginawa sa pangkalahatang pagsisinungaling ng sangkatauhan sa nagdaang kastigo ng Unibersal na Baha, nang Siya ay lumayo sa mga tao. Ang Ispiritu Santo, na lumayo mula sa mga tao, ay pumasok sa Arko ni Noe, para gabayan ang mabuting taong iyon. Ang Apokalipsis ay nagpaliwanag din tungkol sa parusa: “Ang unang pagpapakawala kay Satanas ay naganap sa panahon ni Papa San Juan XXIII bilang Papa, nang ang Vatican Council II ay nauwi sa isang conciliabulum, o satanikong konseho.”
Ang Treatise on the Holy Mass ay nagsasabi tungkol sa Vatican II conciliabulum: “Kahit na ang Konsehong ito ay pinatawag ni Papa San Juan XXIII pinukaw ng Ispiritu Santo, matagal pa, dahil sa mapang-aping impluwensiya ng isang malaking proporsiyon ng masoniko at progresibong mga pari ng Konseho, at dahil sa karuwagan at pakikisama sa tao ng hindi lamang kaunting mga tradisyonal, ang mabuting kinawakasan ng Konseho ay naging masama, at ang mga konklusyon ay narating na harapang mali at hindi maliwanag; na nagpapatunay na ang Ispiritu Santo ay pinalayas mula sa bulwagan ng Konseho upang papasukin doon si Satanas. Ito kung ganoon kung bakit ang Vatican Council II, tungkiol sa pagbubukas nito, at ang mga desisyong ginawa, ay hindi gawa ng Ispiritu Santo, subali’t ng demonyo. Kahit na sa mga gawain ng Konseho ay may mga parteng may tunay na turo, ang mga iyon ay nahaluan ng nakatatakot na mga maling pananampalataya at mga kalabuan; dahil ang freemasonry, ganoon kung paano takpan ang masama, sa ganoon ay nagawang mas madali para sa mga Katolikong tanggapin ang mga nilalaman ng Konseho, at para sa mga kaaway ng Simbahan para makuha ang kanilang masamang mga layunin nang mas madali… Ang Vatican Council II, dahil sa mga dokumento nito ng erehya, kalabuan at ang masamang mga konklusiyon na kung saan ang mga freemason at mga progresibista ay pinangunahan ito ay labag sa batas, nakalalason at karima-rimarim at kung ganoon ay walang saysay sa lahat ng kapangyarihan sa Simbahan. Sa pamamagitan ng nasa itaas ay hindi namin dinudungisan ang mabunyi at walang pagkakamaling kapangyarihan, ganoon din ang mabuting kalooban, ni Papa San Juan XXIII at San Pablo VI, na namuno sa Simbahan nang panahon ng Konseho; dahil kung tungkol sa una sa mga Papa na iyon, si Juan XXIII, ang kanyang mga kaaway ay inabuso ang kanyang sobrang pagiging isang ama, kabaitan at optimismo, sa halip na gamitin nila siya para sa kanilang kumbersiyon; tungkol naman sa pangalawa, Pablo VI, tulad ng alam na natin na siya ay biktima ng Batikanong freemasonry, na nagpailalim sa kanya sa madalas na pagsira sa isipan sa pamamagitan ng mga droga, na nagiging dahilan na ang walang salang mga kamay ng Papa ay may mga panahong lumalagda ng mali, kahit na sa karamihan ng mga pangyayari ang kanyang lagda ay pinapalsipika.”
Ang kastigong ito ay inihayag na ni Propetang San Elias, tulad ng paliwanag ng Banal na Bibliya: “Kahi’t matagal pa ang pagiging Papa at kamatayan ng Dakilang Papa San Pablo VI, Martir ng Batikano, ang opisyal na romanong simbahan ay nakarating na sa isang mapanganib na kalagayan, dahil sa paglaganap ng huwad na mga doktrina na may suporta ng karamihan sa mga preladong dumalo sa nakasisirang Vatican II conciliabulum, desinyo ng freemasonry para tapusin ang Simbahan. Simula nang mamatay si Papa San Pablo VI at ang pagkakapili kay Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila, ang kadiliman at desolasyon ngayon ay naghari na magpahanggan pa man sa opisyal na romanong simbahan, na ang mga namumuno at mga may kapangyarihan ay nagsibagsakan, ang tanging naiwan doon ay malungkot na mga silid, mga kulungan ng mga halimaw at pastulan ng mga peste.”
At dahil sa ganoong pagpapasailalim sa mga preladong freemason, ang Simbahan ay makatatanggap ng panibagong parusa, tulad ng tinuran ng Panginoon sa Palmar noong 1972: “Pinatutungkulan Ko rin ikaw, Aking Esposa (tinutukoy ang Simbahan). Ikaw man ay makatatanggap ng malaking mga parusa; dahil sa bawa’t araw ay pinuprostityut mo ang iyong sarili nang mas pa. Alalahanin ang isang prase tungkol sa Dakilang Puta at ang Dakilang Babilonia. Ang lahat ng iyon ay tumutukoy sa iyo, mahal na Esposa; alalahanin mo ang iyong mga kapritso ang iyong mga pakikipagkasundo kay Satanas. Gumawa ka ng silid sa iyong dibdib para sa mga emisaryo ng Halimaw: mga komunista, mga freemason, mga Lutheran, mga Calvinist at iba pang mga erehe. Sinisira mo ang Banal na Kasulatan at ipinakikilala ang mga misteryo nang may kalabuan; hinahaluan mo ng masama ang Pananampalataya, nagtuturo ka ng mga katotohanan na may kasamang mga kasinungalingan; inaalis mo sa posisyon ang banal na mga Obispo, mga Kardinal, mga Pari at mabuting mga Relihiyoso, at ginagawa mong imposible ang buhay para sa kanila, iyong mga sumusunod sa integridad ng Pananampalataya; sa isang salita: nagtataguyod ka sa kanila ng isang malamig na pakikipagdigma, inaalis sila sa kanilang mga posisyon, at pinapangalanan silang mga kontra sa pagkakasundo. Ikaw, gayunman, ay inayawan ang pagtanggap ng lahat ng Banal na mga Konseho, nagtatag ng isang bagong simbahan buhat noong Vatican Council II; na hindi naman talagang Council!, nguni’t isang inimbento at ininterpreta ayon sa inyong sariling mga kapritso, para mahaluan ang Katotohanan at sumuway sa Banal na Tradisyon, mamamalsipika ng dakilang mga Santo. Ang Ama sa Langit sa madaling panahon ay lilinisin at pipinuhin kayo.”
Ni ang mabuti ni ang masama ay hindi binigyan ng anumang pansin ang Mensahe ng Pinakabanal na Birhen, sa kabila ng kagulat-gulat na himala, na nakita ng daan libong mga saksi, nagpapatunay na ang Mensahe ay isang mabigat na pangangailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Kung kaya sa pamamagitan ng mahigpit na hustisya, ang malaking parusa ay para sa lahat ng tumanggi sa mga Aparisyon at mga mensahe ng Banal na Maria. Kasama sa kanila ay mga tradisyonalista na ipinaglaban ang mga dogma, subali’t sinisi si Papa San Pablo VI at kinonsidera siyang isang erehe, at apirmado pa na ang Simbahan ay isang walang namumuno, walang ulo. Ang iba ay tinanggap ang lahat ng mga pagkaligaw na pinalaganap ng freemason at progresibong mga prelado, at sa gayon ay nagpasailalim sa mga antipapa ng apostatang Roma. Tanging iyong mga nakinig sa mga Mensahe ng Pinakabanal na Maria sa Palmar ang nakaaalam na ang Papa nang panahong iyon, si San Pablo VI, ay isang bilanggo at martir ng Batikano, na nasa kapangyarihan na ng mga freemason at ng sinagoga ni Satanas. Tanging iyong may kababaang loob na nagbigay ng atensiyon sa mga Mensahe mula sa Langit ang nanatiling kaisa ng tunay na Papa makaraan ang pag-apostata ng Roma sa kamatayan ni San Pablo VI. Ang lahat ng tumanggi sa mga Mensahe mula sa Langit ay nakatanggap ng kanilang nararapat na parusa: sila ay nahulog sa pag-apostata, ang mabuti at ang masama. Tulad ng Mabuting Pastol, ang Banal na Pastora ay makapagsasabi: “Ang Aking mga tupa ay naririnig ang Aking tinig, at kilala Ko sila, at sinusundan nila Ako”, dahil sinusundan nila Siya sa mabuting pastulan sa mistikal na disyerto ng Palmar.
Dahil ni ang mabuti ni ang masama ay hindi binigyan ng anumang pansin ang malaking himala at mensahe ng Ating Birhen ng Fatima, at sa gayon ay itinapon nila ang mga grasya at tinanggihan ang oportunidad para makamtan ang kapatawaran ng Diyos, kung ganoon lohikal lamang na gumawa ang Diyos ng ibang malalaking himala sa harap ng mga mata ng lahat hanggang ang mundo ay malinis ng nakakikilabot na mga parusa; at na sa panahong iyon ay darating ang mapagpuring Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria o Malaking Himala sa El Palmar de Troya para sa unibersal na pagluluwalhati ng Banal na Palmaryanong Simbahan at ang kaligtasan ng marami.
Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay paulit-ulit na nagsabi sa tatlong seers ng Fatima na kung saan maraming mga bansa sa mundo ay mawawala, at na ang Rusya ay magiging instrumento ng Diyos para sa parusa sa mundo kapag hindi natin matamo ang kumbersiyon ng masamang bansang iyon bago pa man. Oo, ang demonyo ay naglulunsad ng isang tiyak na digmaan laban sa Pinakabanal na Birhen, at ang isang tiyak na digmaan ay isang pinal na digmaan, tinitiyak kung aling panig ang panalo, at kung alin ang talo; kung kaya tayo ngayon ay nasa panig ng Diyos o ng demonyo. Walang sa gitna.
Para makakuha ng mga kaluluwa, ang demonyo ay inilalayo sila sa pagdarasal. Sa pagdarasal ay mauunawaan din ang anumang pakikipag-usap kay Hesus at kay Maria at sa ating Ama sa Langit, na kung kanino tayo ay patuloy na nakatatanggap ng kinakailangang mga grasya para tanggihan ang masama. Kung kaya hindi lamang sa Simbahan at sa bahay, nguni’t kahit saan at sa lahat ng panahon ay nararapat tayong magdasal; kahit sa bayan o sa trabaho o sa paaralan, at kahit tayo ay naglilibang. Ito ang pamumuhay kaisa kay Hesus at kay Maria, na laging nasa ating tabi, sa loob ng ating mga puso, at nakikipag-usap sa Kanila, ang ating matalik na mga Kaibigan. Ang demonyo, na alam ang malaking kapangyarihan ng panalangin, ay sisikaping agawin ang matatag na paraang ito ng kaligtasan mula sa atin sa pamamagitan ng pagpasok sa mundo ng nakasasamang mga alon ng materyalismo, ng respeto sa kapwa, ng pagwawalang-bahala, ng ginagawa tayong ikahiyang ipakita ang ating mga sarili bilang mga Katoliko sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Hindi natin maililigtas ang ating mga sarili o makukundina ang ating mga sarili nang nag-iisa, dahil sa pamamagitan ng ating mga panalangin at penitensiya ay maililigtas natin hindi lamang ang ating mga sarili kundi maliban diyan ang lahat ng mga kaluluwang may kaugnayan sa atin. Alalahanin natin na tayo ay dapat na pumasok sa Langit na may kasamang maraming mga kaluluwa; at hindi makatanggap ng reklamo, kapag, malungkot ay makondena natin ang ating mga sarili, mula sa maraming mga kaluluwa (sa Impiyerno) na nagsasabi sa atin: ”Kasalanan mo kaya ako narito; kung ikaw sana ay umayon sa Diyos, sana ay naligtas ko ang aking sarili, pero dahil saiyo narito ako sa Impiyerno.” At ang dahilan ay ang bawa’t Kristiyano, sa pamamagitan ng bokasyon, ay nararapat na maging isang Kristo, nagsisikap na makita ang kanyang sarili sa Kanya; hindi lamang sa pamamagitan ng mga birtud o magagandang katangian, subali’t sa mismong misyon din na nagdala sa Kanya sa mundo: ang pagtubos sa mundo sa pamamagitan ng Kanyang Sakripisyo. Lahat tayo ay nararapat na magpakasakit, hindi lamang dahil sa ang sakit ay tunay sa kanaturalan ng tao dahil sa parusa ng orihinal na kasalanan, subali’t dahil din bilang mga Kristiyano ay kinakailangang tayo ay maging isa pang Kristo, para ang ating mga sakripisyo, kaisa ng kay Kristo, ay makakuha ng walang hanggang halaga, may kakayahang makapagligtas ng buong mundo. Sa ganyan kung kaya tayong lahat ay may mga kahirapan, mga dagok, mga pagdusa, mga problema, mga sakit, at iba pa. Buweno kung ganoon, ialay natin sa Ating Panginoon ang lahat na ninais Niyang ipadala sa atin, maliban sa anumang ating alay sa Kanya nang sabay, para kaisa sa Kanyang banal na mga merito, ay magkaroon ang mga ito ng walang hanggang halaga.
Noong ika-13 ng Hulyo 1917, ang Ating Birhen ay nangako sa Fatima, “Darating Ako para hingin ang… ang Komunyon Reparatoryo sa Unang mga Sabado.” Sa Cova de Iría ang Ating Birhen ay ipinarating na sa mga seers ang mapait na kalungkutan sa kawalang utang na loob at mga kasalanan ng sangkatauhan. Hiniling Niya na ang Unang Sabado ng bawa’t buwan ay ikonsidera ng lahat ng mananampalataya bilang isang araw ng reparasyon sa Kanyang Imakuladong Puso. Noong 1925 ang Pinakabanal na Birhen ay nagpakita kay hermana Lucia at, maliban sa Kanya, sa itaas ng maliwanag na ulap, ay isang Bata. Sa parehong pagkakataon ang Pinakabanal na Birhen ay ipinakita ang isang Puso na hawak Niya sa Kanyang kamay, napaliligiran ng mga tinik, at ang Bata ay nagsabi: ‘Magkaroon ng awa sa Puso ng iyong Pinakabanal na Ina, puno ng mga tinik na kung saan ang mga walang utang na loob na mga tao ay patuloy na tinatarakan Siya na walang ni isa man para gumawa ng isang akto ng reparasyon para maalis ang mga iyon’. At ang Pinakabanal na Birhen ay nagsabi: “Tingnan mo, Aking anak, ang Aking Puso, napaliligiran ng mga tinik na ang mga taong walang utang na loob ay patuloy na tinatarakan Ako sa pamamagitan ng kanilang mga kalapastanganan at kawalang utang na loob. Ikaw, man lamang, sikaping aliwin Ako, at sabihin mo na ang lahat na, sa Unang mga Sabado ng limang (magkakasunod) na mga buwan, ay magkumpisal, tumanggap ng Banal na Komunyon, magdasal ng (limang mga misteryo ng) Rosaryo at panatilihin Akong kasama sa loob ng labinlimang minutos, magnilay-nilay sa mga Misteryo ng Rosaryo, na may layuning magbayad-puri sa Akin, nangangako Akong tutulung sa oras ng kamatayan sa pamamagitan ng mga grasyang kinakailangan nila para mailigtas ang kanilang mga kaluluwa’.”
Sa pamamagitan ng magandang debosyon na ito, ang Sagradong mga Puso ni Hesus at ni Maria ay naaaliw, at isang malaking bilang ng mga kaluluwa ay maliligtas. Ang Diyos sa Kanyang walang hanggang awa ay hiningi sa kanila na subukang gumawa ng reparasyon sa pamamagitan ng kanilang mga sakripisyo at mga panalangin, higit sa lahat para sa Imakuladong Puso na ito, at sumamo ng pagpapatawad at awa para sa mga kaluluwang lumapastangan laban Dito, dahil ang Kanyang Banal na Awa ay hindi nagpapatawad sa ganoong mga kaluluwa nang walang reparasyon.
Iyong labinlimang minutos ay parang iyon ang pinakamahirap na parte. Subali’t ito ay madali lamang. Sino ba ang hindi makapag-isip tungkol sa mga Misteryo ng Rosaryo? – tungkol sa Pagpapahayag ng Anghel at ng kababaang-loob ng Ating Birhen na, nakita ang Kanyang sarili nang ganoon na lamang ang pagtaas na pagkilala, ay tinawag ang Kanyang sariling ‘Alipin’; sa Pasyon ni Hesus na naghirap nang labis dahil sa pagmamahal sa atin; sa ating Pinakabanal na Ina sa tabi ni Hesus sa Kalbaryo. Sino ang hindi makagugugol ng labinlimang minutos sa banal na mga kaisipang ito sa tabi ng piakamabait sa lahat ng mga Ina?
“Nakita na ninyo ang Impiyerno, kung saan ang mga kaluluwa ng pobreng mga makasalanan ay napupunta; para maligtas sila, ninais ng Diyos na maglunsad ng debosyon sa Aking Imakuladong Puso sa mundo. . . Darating Ako para hingin ang konsagrasyon ng Rusya sa Aking Imakuladong Puso. . . Kapag ang Aking kahilingan ay mabigyang pansin, ang Rusya ay makukumbert at magkakaroon ng kapayapaan.”
Ang Ating Birhen ay nagpaliwanag na ang konsagrasyong ito ay kinakailangang gawin ng Santo Papa kaisa ang lahat ng mga Obispo sa mundo, at nagsabing kapag ang Kanyang mga ministro ay magpaliban sa pagsagawa ng Kanyang hangarin, ito ang magiging sanhi ng paghihirap para sa kanila; subali’t nagdagdag na hindi pa rin huli ang lahat para bumaling kay Hesus at kay Maria.”
Sa bandang katapusan ng 1942, si Papa San Pio XII ay kinonsagra ang Simbahan at ang mundo sa Imakuladong Puso ni Maria, ginawang pahilig ang pagtukoy sa mga Russo (hindi binanggit ang pangalan ng bansa) sa mga salitang ito: “Paabutin Mo ang Inyong proteksiyon. . . doon sa mga tao na sa pamamagitan ng mali o sigalot ay nahiwalay, na, iyong mga nagpopropesa ng tanging debosyon Sainyo, kung saan ay walang tahanan ang nagkukulang ng Inyong benerableng larawan (marahil sa ngayon ay nakatago at nakareserba para sa mas mabuting mga araw). Bigyan Ninyo sila ng kapayapaan at akayin sila pabalik sa isang tanging kawan ni Kristo, sa ilalim ng isang tunay na Pastol. . .” Iyon ay isang hindi mapag-aalinlanganang kaganapan sa kasaysayan ng mundo, at nagdala ng isang mabilis na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Gayunman, iyon ay hindi ang konsagrasyon na hiningi ng Ating Birhen, at kung kaya ay hindi nito natamo ang kumbersiyon ng Rusya ni ang pangmatagalang kapayapaan na Kanyang ipinangako sa atin.
Noong 1943, ang Panginoon ay ipinangako ang parating na pagtatapos ng digmaan, sa pagbibigay ng atensiyon sa aktong ginawa ng Papa. Nguni’t dahil sa ito ay hindi kumpleto, ang kumbersiyon ng Rusya ay naiwan hanggang sa bandang huli. Ang Rusya ay muling magiging parusa na kung saan ay gagawing kastigo ng Diyos sa atin. Ang Ating Panginoon ay nagsabing “habang ang presenteng paghihirap (na, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig) ay mapapaikli” sa pagkukonsagra ng mundo, ang mundo ay hindi mabibigyan ng kapayapaan kung walang malinaw na Konsagrasyon ng Rusya na gawa ng Papa at ng mga Obispo. Ang eksaktong petisyon ng Ating Birhen ay na ang Santo Papa ay gumawa ng kosagrasyon ng Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso, inatas na sa parehong pagkakataon, at kaisa ng Kanyang Kabanalan, ang lahat ng mga Obispo ng Katolikong mundo ay gayundin ang gawin. Ang Ating Birhen ay hindi hiningi ang konsagrasyon ng mundo sa Kanyang Imakuladong Puso. Partikular na konsagrasyon ng Rusya ang Kanyang hiniling. “Ang nais ng Ating Birhen ay na ang Papa at ang lahat ng mga Obispo ng mundo ay ikonsagra ang Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso sa isang espesyal na araw. Kapag ito ay nagawa, ay ikukumbert Niya ang Rusya at magkakaroon ng kapayapaan. Kung ito ay hindi maisagawa, ang mali ng Rusya ay lalaganap sa lahat ng mga bansa ng mundo.”
Sa isang rebelasyon noong 1952, ang Ating Birhen ay nagsabi: “Ipaalam sa Santo Papa na Ako ay nananatiling naghihintay sa Konsagrasyon ng Rusya sa Aking Imakuladong Puso. Kung wala ang Konsagrasyong ito, ang Rusya ay hindi makukumbert, ni ang mundo ay magtamasa ng kapayapaan.” Ang konsagrasyong ito ay isang elemento na labis ang kahalagahan sa Mensahe sa Fatima, kaakibat ng panawagan sa penitensiya. Ang mabait na Diyos ay hinahayaan ang Kanyang sarili na mapaglubag, subali’t mapait na dumaraing at ubod ng lungkot sa napakalimitadong bilang ng mga kaluluwang nasa Grasya ang handang talikuran ang lahat sa hinihingi na pagsasakatuparan ng Kanyang Batas. Ito ang penitensiya na hinihingi ng mabait na Diyos sa ngayon: ang sakripisyo na dapat panaigin ng bawa’t tao sa kanyang sarili para mamuhay ng isang buhay na matuwid sa pagsunod sa Kanyang Batas. At hangad Niya na ang daang ito ay dapat malinaw na ipaalam sa mga kaluluwa; dahil sa karamihan, ang paghusga sa salitang ‘penitensiya’ ang ibig sabihin ay malaking pagkamahigpit, nararamdaman ang kakulangan ng lakas at pagiging mapagbigay para rito, ay nagiging desmayado at muling nahuhulog sa matamlay na buhay ng pagkakasala. Hangad ng Diyos na ang mga kaluluwa ay maakay para maunawaan na ang tunay na penitensiyang nais at hinihingi Niya ngayon ay binubuo higit sa lahat sa mga sakripisyo ng bawa’t isa na dapat panaigin sa kanyang sarili para maisagawa ang kanyang sariling relihiyoso at temporal na mga tungkulin.” Ang Ating Panginoon ay nagsabi: “Ang sakripisyo na hinihingi Ko sa bawa’t isa ay ang pagsakatuparan ng kanyang personal na mga tungkulin at ang pagtupad sa Aking Batas; iyan ang penitensiya na ngayon ay Aking hinihiling at kailangan.”. Malungkot, kinakailangan naming sabihin na ang mga kondisyong kinakailangan ng Birhen sa pagbabago ng buhay Kristiyano, sa reparasyon, sa konsagrasyon ng Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso na ginawa ng Papa at ng lahat ng mga Obispo sa mundo, sa pagdasal ng Banal na Rosaryo at debosyon sa limang magkakasunod na unang mga Sabado ng buwan, ay hindi pa natupad, ni ng Pamunuan ng Simbahan o ng mananampalataya. Kaya hindi magkakaroon ng kapayapaan, sa halip mga digmaan at mga rebolusyon; ang komunismo ay pananaigin sa mga bansa, at ang Simbahan ay daranas ng mga persekusyon at mga pagbabago. Ang lahat ng mga ito ay nakikita na.
Kung wala ang konsagrasyong ito, ang Rusya ay hindi makukumbert at ang mundo ay hindi magkakaroon ng kapayapaan. Ang katotohanang ito ay dapat bigyang diin sa ating mga panahon kung saan ang mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan ay patuloy na lumalaki, at kung ang potensiyal na pagkawasak na dala ng malalakas na mga armas sa modernong digmaan ay labis na nakahihigit sa anumang napagdaanan sa kasaysayan. Ang Ating Birhen ay dumating para magdala ng kapayapaan sa mundo, at ang basehan ng kapayapaan ay ang mabuhay sa estado ng Grasya. Ang mga digmaan ay kastigo lamang sa mga kasalanan ng mundo.
Kung kaya kapaki-pakinabang na magnilay muli tungkol sa petisyon ng Ating Birhen na ang Papa, kaisa ang lahat ng mga Obispo ng mundo, ay ikonsagra ang Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso. Ang petisyon ng Konsagrasyon ng Rusya ay nagsimula sa umpisa ng pagbisita ng Ating Birhen sa Fatima. Noong ika-13 ng Hulyo 1917, sa Fatima, sa parehong araw nang ipakita Niya ang bisyon ng Impiyerno sa maliliit na mga pastol, ang Ating Birhen ay nangakong babalik para hilingin ang Kosagrasyon ng Rusya.
Matapat sa Kanyang salita, ang Pinakabanal na Birhen, kasama ang Pinakabanal na Trinidad, ay binisita si hermana Lucia noong ika-13 ng Hunyo 1929 sa Tuy, Espanya. “Ang panahon ay dumating na kung saan ang Diyos ay hinihiling sa Santo Papa na gawin ang Konsagrasyon ng Rusya sa Aking Imakuladong Puso, kaisa ang lahat ng mga Obispo ng mundo, nangangakong ililigtas ang Rusya sa pamamagitan nito. Hindi Niya hiniling sa Papa na ikonsagra ang mundo, nguni’t Rusya. Ipinaliwanag ni Hesus na hindi Nya ikukumbert ang Rusya hangga’t hindi ginawa ng Kanyang Kabanalan ang konsagrasyong ito, “dahil nais Kong ang Aking buong Simbahan ay kilalanin ang konsagrasyong ito bilang tagumpay ng Imakuladong Puso ni Maria, para sa bandang huli ay ipalaganap ang benerasyon sa Kanyang Puso, at maglagay ng debosyon sa Kanyang Imakuladong Puso maliban sa debosyon sa Aking Banal na Puso.”
Sa loob ng labing-isang taon si San Pio XI at San Pio XII ay binale wala ang paulit-ulit na mga petisyon na ikonsagra ang Rusya, kung kaya sa pagsubok na mapapayag ang Papa na gumawa ng bagay sa porma ng isang konsagrasyon, isang Obispo ang humingi sa kanyang ikonsagra ang mundo na “may isang espesyal na pagbanggit” sa Rusya. Ang Ating Panginoon ay sumagot na, kung ang Papa ay ginawa ang kahilingan ng Obispong ito, mababayaran sana Niya ang akto sa pagpapaikli ng mga araw ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nguni’t ito ay hindi magdadala ng kapayapaang pandaigdig, na hindi tulad ng malinaw na konsagrasyon ng Rusya ng Papa kasama ang lahat ng mga Obispo. Si Papa Pio XII ay ikinonsagra ang mundo, hindi ang Rusya, sa Imakuladong Puso ni Maria noong 1942.
Noong 1952, ang Ating Birhen ay nagpakita at nagsabi: “Ipaalam sa Santo Papa na lagi Akong naghihintay ng Konsagrasyon ng Rusya sa Aking Imakuladong Puso. Kung wala ang Konsagrasyong ito, ang Rusya ay hindi makukumbert, ni ang mundo ay magkakaroon ng kapayapaan.” Sa ganoon, sampung taon makaraan ang kosagrasyon ng mundo noong 1942 ni Papa Pio XII, ang Ating Birhen ay nagpaalaala na ang Rusya ay hindi makukumbert ni magkakaroon ng kapayapaan hangga’t makonsagra ang Rusya sa pangalan. Kung gayon maliwanag na ang Konsagrasyon ng Rusya ay kinakailangang banggitin at ibukod ang Rusya sa karamihan sa mundo. Sa maikli, ang Konsagrasyon ng Rusya ay kinakailangang pangalanan ang Rusya sa Panalangin ng Konsagrasyon. Alalahanin natin na ang ‘pagkonsagra’ ay nangangahulugang ihandog at ihiwalay ang isang tao (o mga tao), isang lugar o isang bagay para sa layuning banal. Ang Kosagrasyon ng Rusya ay nangangahulugang ang Rusya (ang bansang Rusya) ay makilala at maihiwalay sa karamihan sa mundo at iaalay sa pagsilbi sa Imakuladong Puso ni Maria.
Si Papa San Pedro II ay nagsulat: “Tanong namin doon sa mga nais na makinig sa Amin: Nasaan ang mga bunga ng birtud o mga katangiang natamo ni Juan Pablo II sa pamamagitan ng kanyang mga kontak at mga diskurso? Nasaaan ang kapayapaan ng mundo, ang tagumpay sa komunismo, ang pagkakahiwa-hiwalay nito, kasama ang kumbersiyon ng Rusya na iniuugnay kay Juan Pablo II? Ang lahat ng ito at marami pa ay pagkukunwari ng Batikano kasapakat ang kasumpa-sumpang hermana Lucia ng Fatima. Naiisip ba ninyo na ang kasalukuyang rehimen ng Rusya ay hindi na komunista o makapangyarihan, at na ang kanyang pang-aapi sa ibang mga bansa ay natigil na dahil nakumbert na ang Rusya? Ang sinumang umiisip ng ganyan ay nag-iisip ng kalokohan. Tunay nga, sa Rusong komunistang rehimen ay may diplomatikong samahan kasama ang ibang mga bansa dahil sa internasyonal na mga politiko at ekonomikong mga konsiderasyon, nguni’t ang Rusya kailan man ay hindi itinakwil ang kanyang matagal nang imperyalistang mga plano. Dapat na ikonsidera na kung ang Rusyang imperyalistang panggigipit sa Europa ay pansamantalang lumuwag, iyon ay dahil din sa bagong mga taktika ng komunista, para patuloy na makapasok ang kanyang mga mali na ngayon ay pailalim, mapayapang paraan sa loob ng iba’t-ibang mga bansa na nasa labas ng bakal na kurtina, at mula sa kanila patungo sa ibang mga bansa sa limang kontinente; malinaw nang napatunayan na ang mga mali ng komunismo ay ipinalalaganap na at nakaugat na sa lahat ng mga bansa ng mundo. Ito ang katuparan ng isa sa mga mensahe ng Birheng Maria sa Fatima, na ang Rusya ay magpapalaganap ng kanyanng mga mali. Hayaang maging maliwanag na ang kumbersiyon ay magiging posible lamang sa lubos na pagtanggap sa turo ng Tunay na Simbahan ni Kristo, sa kapangyarihan ng Papa, at isabuhay ang mga iyon nang walang kondisyon.”
Huwag na huwag nating kalimutan ang propetikong pangako ng Ating Birhen: “Sa huli ang Aking Imakuladong Puso ay magtatagumpay. Ang Santo Papa ay ikokonsagra ang Rusya sa Akin at siya ay makukumbert at ang mundo ay mabibigyan ng isang panahon ng kapayapaan.” Ang seer ay nagsabi: “Ang nais ng Ating Birhen ay na ang Papa at ang lahat ng mga Obispo sa mundo ay ikonsagra ang Rusya sa Kanyang Imakuladong Puso sa isang espesyal na araw. Kung gagawin nila ito, ay ikukumbert Niya ang Rusya at magkakaroon ng kapayapaan. Kapag ito ay hindi ginawa ang mga mali ng Rusya ay lalaganap sa lahat ng mga bansa sa mundo.” At sa kasawiang-palad ang konsagrasyong ito ay hindi nagawa, at ang mga mali na iyon ay totoo ngang lumaganap.
Ang Mensahe ng Fatima ay nagtutulak sa atin na magdasal para sa Kosagrasyon ng Rusya sa paraang ang tagumpay na ito ay dumating sa madaling panahon at ang pagkasira ng mga bansa ay maiwasan. Ang Ating Panginoon ay nagsabi sa amin: “Hinding-hindi pa huli para bumaling kay Hesus at kay Maria.”
Sa Palmar, noong ika-11 ng Setyembre 1970, Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay dumaing dahil ang Kanyang hangad ay isinagawa “sa hindi kompletong paraan, tulad ng nangyari sa Konsagrasyon ng Rusya sa Aking Imakuladong Puso; kung kaya ang Rusya ay nagpapalaganap ng kanyang mga mali, subali’t sa huli siya ay makukumbert.”
Noong ika-22 ng Agosto 1978, sa katapusan ng kanyang Fourth Pontifical Document, si Papa San Gregoryo XVII ay nagsulat ng prase: “Bilang Pinakamataas na Pastol, sa ngalan ng buong Simbahan, ay ginagamit Natin ang Ating Sarili sa araw na ito para ikonsagra ang Rusya sa Imakuladong Puso ni Maria.” Kahi’t ito ay hindi isang solemneng konsagrasyong idinaos ng Papa kasama ang lahat ng mga Obispo sa mundo.
Ang Panginoon ay nagsabi: “Ang bilang noong mga nagsilbi sa Akin sa paggawa ng mga sakripisyo ay napakalimitado; nangangailangan Ako ng mga kaluluwa at mga Paring magsisilbi sa Akin sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kanilang mga sarili para sa Akin at para sa mga kaluluwa.” Sa isa pang komunikasyon, ang Mabuting Diyos ay dumaing, nang may malaking kapaitan, sa mga makasalanan, matamlay at tamad na pamumuhay ng isang malaking bilang ng mga Pari, mga Prayle at mga Madre; mga kaluluwa mula sa kung kanino Siya ay umasa para sa reparasyon at sa halip ay sila rin ang nagbunsod sa Kanya para magalit at para magparusa; at nagsabing kung ang Kanyang hustisya ay hindi mapakalma sa pamamagitan ng mga paraang Kanyang hiniling, iyon ay sa pamamagitan ng dugo ng mga martir. Dahil dito nararapat lamang tayo sa pinakamalala, dahil ang Diyos ay pinayagan ang pagpapaliban sa pagkonsagra sa Rusya (at kung ganoon ang pangakong kumbersiyon), upang sa huli ay para linisin tayo nang mas higit pa sa ating mga kasalanan.
Sa Banal na Bibliya, nang ang mga Tao ng Israel ay nagkampo sa Cadesbarne, kung saan ang Lupain ng Canaan ay nagsisimula, si Moises ay ipinarating sa kanyang mga Tao ang sumusunod na mandato mula sa Diyos: “Tingnan ninyo, O mga anak ng Israel, ang Lupaing ibinigay sainyo ng Diyos, tulad ng pangako Niya sa inyong mga ama. Bumangon kung gayon, at okupahin iyon. Huwag kayo magkaroon ng anumang takot, dahil ang Makapangyarihang Diyos ay ibibigay iyon sainyong mga kamay.” Subali’t marami sa mga tao, sa pagkarinig sa mga salita ni Moises, sa halip na magtiwala sa banal na lakas, ay nangatakot sa isiping kailangan nilang humarap sa mga kaaway na nakatira sa mga bundok at sa iba’t-ibang rehiyon ng Canaan. Dagdag pa, ang marami sa mga Tao ng Israel, ay labis na nahihilig sa kawalang pag-asa at kawalang paniwala, nagdudang ang Pangakong Lupain ay napakayaman at masagana tulad ng madalas sabihin ng Panginoon at ni Moises. Nagalit si Moises, dahil sila ay nagbigay ng tanda ng kawalang galang at kawalang tiwala sa salita at pabor ng Diyos. Iyon ay kagustuhan ng Diyos, ibinigay kay Moises, na ang Israel, may tapang at tiwala sa Kapangyarihan ng Diyos, ay pumasok nang walang anumang hirap sa Pangakong Lupain. Ang banal na kapasiyahang ito ay hindi tinanggap ng maraming mga Israelita, dahil ang sabi nila: “Kahi’t na ano pa ay wala kaming laban sa mga nakatira sa Canaan dahil mas malakas sila kaysa sa amin.” Ang iba ay nagsabing ang mga lungsod ng Canaan ay sadyang hindi maigugupo; at nagsabi pang hindi nila kayang masakop ang lupain kahi’t sa tulong ng Diyos, na nagpapahiwatig ng isang paglapastangang hindi pagtiwala at paghamak para sa Panginoon bilang isang amang nagbibigay ng kanilang pangangailangan. Ang Panginoon ay nagsabi kay Moises: “Hanggang kailan ang mga taong ito ay lalapastanganin Ako? Hanggang kalian hindi sila maniniwala sa Akin, pagkatapos ng napakaraming mga himalang ginawa Ko sa kanilang harapan?” At ang Panginoon ay nagpataw ng mga parusa: “Ang lahat ng mga anak ng Israel ay magpapagala-gala sa buong disyerto sa hanggang lumipas ang apatnapung taon ang lumipas simula nang umalis sa Ehipto, dahil hanggang sa panahong iyon ay hindi sila makapapasok sa Pangakong Lupain. Sa paraang iyon ay magbabayad kayo sa penalidad para sa inyong mga kasalanan ng kataksilan at pagsuway.”
Ang kasaysayan ay nauulit. Sa Fatima ang Pinakabanal na Birheng Maria ay gumawa ng malaking mga kababalaghan sa paningin ng mga tao; at itinuro ang madali at simpleng paraan para manalo, sa pamamagitan ng Kanyang Omnipotenteng tulong, isang bagong pangakong lupain: Rusya. Muli ang utos ng Langit ay hindi sinunod, at ang resulta ay ang kawalan ng hindi mabilang na mga kaluluwa; at na ang Simbahan, ang mga tao ng Diyos, ay muling desterado sa mahigit apatnapung taon sa disyerto.