Ang grupong pinatalsik buhat sa aming Orden ng Carmelita
Noong taong 2000 isang grupo ng mga pari at mga madre ang pinatalsik mula sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha. Buhat noon ang iba sa kanila ay patuloy na sinisiraan at iniinsulto, sa maraming iba’t-ibang paraan, ang Banal na Simbahan ni Kristo at ni Maria: ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryano. Marahil nalaman ninyo ang Palmaryano Kristiyanong Simbahan sa pamamagitan ng kanilang mga salita at binisita ninyo ang website na ito dahil sa natural na pagkamausisa at interes at sa isang banda upang makita kung paano kami sumagot sa maraming mga akusasyon na ginawa nila laban sa amin.
“Ang grupo ng mga pari at mga madre na pinatalsik mula sa Orden at nagsimulang magsalita ng masama tungkol sa El Palmar.”
Ang pangungusap na ito ay hindi ba sinasabi na ang lahat? Kailangan pa ba ang malawak na sagot sa kanilang mga salita? Hindi ba nakapagtataka na ang grupo ng mga tao sa loob ng maraming taon hanggan sa sila ay pinatalsik, ay hindi kinakitaan ng pagkabahala sa ngayon ay kinapopootan nila? Bakit ngayon lamang sila bumabato ng mga kalapastanganan nang sila ay napatalsik buhat sa Orden na ayaw nilang lisanin nang boluntaryo? Kung ang relihiyosong orden na ito ay kasing sama at mali tulad ng sinasabi ng mga miyembro ng grupong ito, kung ganoon bakit nanatili sila sa loob nito ng napakaraming taon na kung tutuusin, anumang sandali ay puwede silang umalis? Tiyak hindi dahil sa pera ang dahilan sapagkat nangako sila ng taimtim tungkol sa karukhaan at hindi sila kumita ng kahit na ano para sa kanilang mga sarili. Ang simpleng katotohanan kung bakit sila nanatili sa loob ng sampu o labinlimang taon sa Orden, naturalmente iisipin natin na naniniwala sila na iyon nga ang Tunay na Simbahan at nais nilang maging kabahagi nito.
Higit sa rito, nararapat na isaisip na ang mga kasapi ng grupong ito na pinatalsik mula sa Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha ay dapat na mas maingat na pinag-aralan ang kanilang sariling konsensiya at matapat na ikinumpisal ang kanilang mabigat na kasalanan, sa halip na magturo sa mas hindi seryosong mga depekto ng iba, tulad ng mga Sanhedrin sa panahon ni Kristo kunwaring pinunit ang kanilang mga damit habang itinuturo ang pinaninindigang mga depekto ng iba, habang itinatago ang kanilang napaka- seryosong mga depekto. Hindi dapat natin kalimutan, halimbawa, na ang iba sa kanila (na tinatawag ang kanilang mga sarili na “ang mga malinis”) sa kasalukuyan ay nabubuhay nang sakrilihiyosong naninirahang magkasama bilang mag-asawa at ang iba ay naninirahang kasama bilang asawa ang dating mga madre buhat sa nasabing grupo.