IKA-40 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN
Kung ang Langit ay mabuksan at pagnilayan ng lahat ng mga naninirahan sa lupa, isang hindi maisip na bilang ng mga Santo ang makikita. Kabilang sa mga ito, sa kilalang mga lugar ay ang mga kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan na namatay pagkatapos na mag-apostata ang Romanong Simbahan noong 1978. Alam natin mula sa doktrina ng Banal na Apostolikong Simbahan ni Kristo, na ang Palmaryanong Simbahan, na ang Langit ay hindi isang lugar nguni’t estado. Sa ganitong estado, ang kaluluwa ay nagtatamasa ng makalangit na kaligayahan na hindi maihahambing sa anumang iba pang kaligayahan na alam natin. Ang Langit ang gantimpala para sa mga kaluluwang tapat sa Diyos na naglingkod sa Kanya at nagsakripisyo para sa Kanya rito sa lupa. Sa kabila ng kakila-kilabot na diyabolikong pag-uusig laban dito,…