IKA-36 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Bawa’t buwan kami ay nagpepresenta ng ulat na ito para makapagbigay ng ideya kung ano ang nangyayari sa aming website. Tatlong taon na simula nang kami ay mag-umpisa. Ang mahalaga ay nagkaroon na ng mga kumbersiyon. Hindi marami, nguni’t oo, may mga bagong mananampalataya. Sa kabila ng lahat ng masasamang inilathala laban sa Palmaryanong Simbahan, ang Banal na Simbahang ito ay nalalampasan ang lahat ng mga balakid at nakapagpapaligaya nang lubos sa Banal na Pundador nito, ang Ating Panginoong Hesukristo. Ang tagumpay ng Palmaryano Katolikong Simbahan ay malapit na. Ikonsidera natin na si Hesus, Tagapagligtas ng tao, ay nagpapatuloy sa Kanyang gawaing pagligtas sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan, na ngayon ay ang Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan. Nais mong paligayahin si Hesus? Maging kasapi ng Kanyang Simbahan at…
Read More

IKA-35 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Sa Ulat na ito ay nais naming magpasalamat doon sa mga tumulong sa amin nang marami sa pamamagitan ng kanilang nakasisiglang mga komentaryo sa iba’t-ibang mga website. Tinutukoy namin iyong mga hindi kasapi ng Banal na Palmaryanong Simbahan, subali’t malinaw na nakikita ang mabuting gawain na aming ginagawa. Halimbawa, ang aming videong “The Glory of the Church” ay nakatanggap ng ilang magandang mga komentaryo, tulad nitong isa, halimbawa: “Kapapanood ko pa lamang ng video. Pantastiko! Kahanga-hanga! Kaakit-akit! Imposibleng pagkatapos mapanood ito ay hindi mag-alab ng pagmamahal at debosyon! Nasaan ako sa napakaraming mga taong malayo sa ganoon kadakilang ganda at kariktan! Salamat sa inyong lahat sa pagshare nito!”Naniniwala kaming ang bilang ng mga masamang komentaryo ay higit na mas mataas kaysa sa mabuti. Binura namin ang mga komentaryong ito dahil…
Read More

IKA-34 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Salamat ng libong ulit sa Diyos at sa Banal na Ispiritu, ang Diyos ng Pagmamahal, dahil sa Kanyang matalinong mga inspirasyon na nagbukas ng daan para sa malaking bilang ng mga tao para makakuha ng kaalaman tungkol sa Tunay na Simbahan. Kailan lamang, kami ay nakagawa ng isang napakaimportanteng apostolado sa maraming mga bansa salamat sa mga liwanag na ibinibigay ng Banal na Ispiritu sa Aksiyon Katoliko Palmaryano. Makatuwirang, ang mga inspirasyong ito ay dumarating sa pamamagitan ng Banal na Birheng Maria, ang Pinakadalisay na Esposa ng Banal na Ispiritu. At paano malalaman na ang mga inspirasyong ito ay mula sa Diyos? Dahil ang tao ay inklinado sa masama, at kung wala ang Banal na Ispiritu ay hindi siya makagagawa ng anumang mabuting mga gawain. Ang lahat ng mabuting mga…
Read More

IKA-33 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Ngayon ay tatlumpu’t tatlong buwan na simula nang simulan namin ang website na ito. Ang tatlumpu’t tatlo ay isang napakahalagang bilang dahil ito ang edad ni Kristo nang Siya ay namatay sa Krus para iligtas ang Sangkatauhan at buksan ang Langit para sa atin. Kasama ng Kanyang Pinakabanal na Ina, inialay ni Kristo ang kanyang sarili bilang biktima para sa atin, miserableng mga makasalanan. Kung ang sino man ay hindi kinonsidera ang kanyang sarili bilang isang miserableng makasalanan, siya ay lubos na nagkakamali. Mas madalas tayo ay nagkakasala nang napakaraming beses sa isang araw nang hindi natin ito naiisip dahil sa masamang mga kinasanayan na natin. Ang masamang salita ay isang kasalanan, isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos at ito ay nararapat lamang ng Kanyang makatarungang parusa. Gayunman, gaano karaming…
Read More

IKA-32 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Sa paglipas ng panahon, ay nagiging malinaw na ang Diyos ay maingat na pinangangalagaan ang Kanyang Banal na Simbahan, na ngayon ay ang Palmaryano Katolikong Simbahan. Kahit na ang Palmaryanong Simbahan ay maliit pa lamang ang bilang, ito ay nakakukuha ng atensiyon ng maraming tao na hindi pa alam nang mabuti ang tungkol sa Banal na Simbahang to. Ang iba ay kinikilala ito bilag ang Tunay na Simbahan, subalit ang takot ay nagbubunsod sa kanila para umurong. Walang sinuman ang nais na pagtawanan ng iba, at ganito ang nagaganap doon sa pumapabor sa Palmaryanong Simbahan. Nakahihiyang mawala ang oportunidad na mapasapi sa paraisong ito sa mundo. Ito ay hindi isang eksaherasyon. Sa Palmaryanong Simbahan ang pinakamagandang mga grasyang ibinibigay ng Diyos sa isang tao ay nararanasan. Upang maunawaan ang Sagradong…
Read More

IKA-31 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Dapat tayong magpasalamat nang labis na pasasalamat sa Diyos at sa Banal na Birheng Maria para sa mabuting ginagawa sa website na ito. Kahit na tayo ay nabubuhay sa isang kuraptong mundo, ay may ilang bilang ng mga kaluluwang naghuhumiyaw sa Langit para sa Liwanag para malaman kung nasaan ang Tunay na Simbahan. Sa karaniwan ay ayaw naming pag-usapan pa ang tungkol sa apostatang simbahan sa Roma, subalit maliwanag na ang mga tao ay nakapagtanto na ang simbahang ito ay hindi na mapagkakatiwalaan. Ang romanong simbahan ay hindi na nagrerepresenta ng relihiyosong mga ideal ng napakaraming mga pari, mga relihiyoso at mga taong banal sa pangkalahatan, na nakakalat sa iba't-ibang panig ng mundo.  Ang kalituhang ito ng pananampalataya ay hindi lamang nararanasan noong mga nasa romanong simbahan: maraming mga tao…
Read More

IKA-30 ULAT SA WEBISTE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Sa bawa't buwan kami ay sumusulat ng Ulat na ito tungkol sa aming website, at sa ngayon kami ay umabot na sa Pangtatlumpung Ulat. Ang ibig sabihin nito na ang website ay naipublika na sa loob ng dalawa at kalahating taon. Sa panahong ito, mahigit sa isang milyong mga tao na ang nakakita nito. Ang iba ay pinanunuod ito sa mahabang panahon at ang iba ay sa maikling panahon. Natural, ang mundo ay may halos 8 bilyong tao, kung kaya ang isang milyon ay nagrerepresenta ng napakaliit na bahagdan. Subali't kami ay nakapagtanim ng isang milyong mga butil, na hindi sumibol nang pare-pareho: ang iba ay mas matagal ang panahon kaysa sa iba para mamulaklak. Pag may magandang ulan sila ay mabilis na lumalaki, ibig sabihin, mas maraming panalangin ang…
Read More

IKA-29 ULAT SA WEBISTE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Sa simula ng ulat na ito, nais naming ipahayag ang aming pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa Palmaryanong apostolado. Sa buwan na ito ng Mayo, buwan na dedikado sa Ispiritu Santo at sa Banal na Maria, ang aming apostolikong mga aktibidades ay malaki ang itinaas. Ang isa sa mga dahilan nito ay ang malaking pagmamahal mayroon ang Palmaryano Katolikong Simbahan para sa Pinakabanal na Birheng Maria--- isang pagmamahal na niyayakap ng mananampalataya sinusunod ang ehemplo ng Simbahan. Dito, sa Banal na Palmaryanong Simbahan, ay maalab naming minamahal si Maria, Ina ng Diyos at aming Ina. May mga mangmang na mga tao na inaakalang minamahal namin ang Aming Birhen nang higit sa Diyos. Gaano sila nalilito! Minamahal namin ang Diyos higit sa lahat ng bagay, at sunod sa Kanya, ang…
Read More

IKA-28 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Maligayang muling pagbabalik sa website ng Banal na Palmaryanong Simbahan. Upang ang aming website ay maging mas malaki ang pakinabang sa iyong kaluluwa, maingat na pag-aralan ang mga limbag na Palmaryano, na magdadala sa iyo para makakuha ng kapayapaan at karunungan. Ang Ispiritu Santo, Diyos ng pagmamahal, ay humihimok sa mga kaluluwa para magbasa ng aming mga limbag upang matagpuan ang Katotohanan – ang walang pagkakamaling Katotohanan na ang Palmaryanong Simbahan ay ang tunay na Simbahan ni Kristo. Ang pinakamalaking palatandaan na ang website na ito ay galing sa Diyos ay ang interiyor na kapayapaan na iyong mararamdaman sa pagbasa ng mga publikasyon nito.  Sa ngayon ay may magagandang mga video ng Palmaryanong Simbahan na nakapublika sa You Tube. Ang mga tao ay maaaring mag-iwan ng mga komentaryo kung nais…
Read More

IKA-27 NA ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Filipino
Lagi nang isang malaking kagalakan para sa amin ang makita ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong nakaaalam ng Tunay na Simbahan ni Kristo sa pamamagitan ng website na ito. Ang malaking misteryo ng paglipat ng Simbahan ni Kristo mula sa Roma patungo sa El Palmar de Troya ay nananatiling hindi alam ng malawak na karamihan sa mundo. Sa kabila ng aming mga pagsisikap upang ipalaganap ang tunay na Pananampalataya kay Kristo, kami ay nananatiling nasa umpisa pa lamang ng apostolado. Hindi pa namin napaglalagablab ang malaking mga makina para magdala ng isang malaking apostolado sa buong mundo. Masasabing kami ay gumagawa pa lamang ng mga paghahanda para rito. Kami ay naghahanda ng daan para sa aksiyon ng Apostol ng mga Apostoles, si Hesukristo. Inihahanda Niya ang lahat…
Read More