Ikalabimpitong Ulat Sa Website Ng Banal Na Palmaryanong Simbahan
Ang Dakilang Mangingisda ng mga Kaluluwa, Ang Kanyang Kabanalan, Papa Pedro III, ay patuloy na hinihimok ang Aksyon Katoliko Palmaryano na ipagpatuloy ang importanteng apostoladong ito. Inilunsad nang nakaraang labimpitong buwan, ang website na ito ay ginawa bilang instrumento upang ituro ang Tunay na Katolikong Pananampalataya sa maraming mga tao sa iba’t-ibang dako ng mundo. Bago nagkaroon nitong Palmaryanong website, ang lahat ng sinasabi tungkol sa Banal na Palmaryanong Simbahan sa Internet ay negatibo at mapanira. Ngayon, ang bahagi ng mabuting mga paskil ay tumataas pa lalo, na may malaking mga bunga. Gayundin, marami ring pagtaas ng mga malisyosong lathalain ang napansin, nguni’t maraming mga tao na ang nakapag-isip na may network ng mga kasinungalingan laban sa Simbahan. Ang Palmaryanong Simbahan ay napakaespesyal na pinapangalagaan ng Sagrada Pamilya, Hesus, Maria…