Ang Palmaryanong Semana Santa 2019 ay Nagsimula Na!
Ang Palmaryanong Semana Santa ay nagsisimula bawa’t taon sa ika-20 ng Marso at nagtatapos sa ika-27 ng Marso. Tuwing gabi ang Solemneng Prusisyon ay nagsisimula ng alas 9:00; ang mga pintuan ng Katedral ay nakabukas at ang martsa ng banda ay nagbibigay pugay sa Banal na mga Imahen. Matatagpuan ninyo dito ang tunay na Simbahan ni Kristo, ang Palmaryanong Simbahan; nagtuturo, nagpupuri at nangangaral tungkol sa Banal na Pasyon at Kamatayan ng Ating Panginoong Hesukristo gayundin ang Ispiritwal na Pasyon ng Kanyang Pinakabanal na Ina, ang Banal na Birheng Maria. Ang Pinakabanal na Ina ay ispiritwal na nakiisa sa lahat ng pagdurusang pisikal ng ating Manunubos, kahi’t sa pagpawis ng dugo, subali’t wala ni isa mang nakakita nito.