Ikawalong Ulat sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
Dapat tayong magpasalamat sa Diyos at sa Kanyang Pinagpalang Ina para sa patuloy na tagumpay ng ating website sa buong mundo. May mahigit na sa isandaan at pitumpung mga bansa ang nagkaroon ng kaligayahang malaman ang Tunay na Simbahan ni Kristo. Ang paraang ito ng apostolado ay nangangahulugan ng dalawang hindi maiiwasang kinahinatnan: sa positibong panig, nakagagalak na maipahayag sa publiko ang tunay na Katolikong Pananampalataya at ipaabot ang Salita ng Diyos sa mga lugar na kung saan ay hindi maaaring maabot sa ibang paraan, nagbibigay sa lahat ng oportunidad para malaman ang Palmaryanong Simbahan nang may sapat na impormasyon, mga larawan at mga video. Ang negatibong panig ay alam namin na maraming mga propaganda sa internet na maaaring makasira sa kaluluwa kung ang isa ay hindi gaanong maingat. Gayunman,…
Read More