Ikalawang Ulat tungkol sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan
Ang Palmaryanong apostolado ay kumakalat sa iba’t-ibang dako ng mundo. Ito ay patunay na hindi lamang sa bilang ng mga taong bumisita ng aming website, subali’t ng mahigit walumpung (80) mga bansang nakakita ng aming web pages sa buong mundo. Malalayong mga bansa at sari-saring mga kultura. Ang iba ay may napakakaunti o kaya ay walang Katolikong tradisyon sa buong kasaysayan ng Simbahan. Ang bagong hininga ng Espiritu Santo ay naglalakbay sa mundo para manawagan doon sa nais na malaman ang lokasyon ng Tunay na Simbahan upang maging kasapi ng Mistikal na Katawan ni Kristo.Ang mga bansang bumibisita sa atin nang madalas ay ang Espanya, sinusundan ng Estados Unidos. Humahabol at lumalapit araw-araw ay ang Brazil. Ang pang-apat ay ang Ireland at ang panglima ay ang Canada. Ang lungsod na…